Semua Bab Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid: Bab 21 - Bab 30

50 Bab

Chapter 21

Chapter 21Margarita Mabuti na lang at tinulungan nila akong naghugas ng pinagkainan namin. Hindi nila ako pinayagan na maghugas at maglinis dahil birthday ko daw ngayon dapat magrelax lang ako. Kaya umalis na ako doon at hinayaan ko na silang maglinis at magligpit ng kalat namin.Nagtira ako ng cake para sa amo namin. Baka magtampo na naman ito dahil hindi ko siya sinabihan na birthday ko. Nagmukha tuloy siyang outsider dahil hindi siya invited sa birthday ko. Bahagya akong natawa.Papasok na sana ako sa loob ng kwarto ko ng makarinig ako ng tunog ng sasakyan. Agad akong lumapit sa sala para tingnan kung sino ang bisita. Baka ang amo na namin ang dumating. Na-excite tuloy akong makita siya. Pero dahil ayoko naman na nagmumukha obvious, mabilis akong bumalik sa kwarto ko. Maghintay na lang ako kapag tatawagin na niya ako. "Gano'n dapat ang gawin mo, Margarita, huwag maglandi sa amo.''Padapa akong nahiga sa kama ko. Ramdam ko na ang pagod sa katawan ko sa dami ng niluto ko kanina. A
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-23
Baca selengkapnya

Chapter 22

Chapter 22Margarita Ngayon, Linggo, magkikita kami ng pinsan ko slash matalik na kaibigan. Pinasok ko siya dito sa fast food restaurant sa loob ng exclusive na subdivision. Tuwang-tuwa siya nang tawagan ko siya at tanungin kung gusto niyang magtrabaho dito. Pumayag naman siya agad dahil may experience na siya sa fast food restaurant. Isang buwan na rin siya dito nagtatrabaho. Masaya ako para sa kanya. Kahit papaano, nabawasan ang pagkamiss ko sa pamilya ko dahil may kamag-anak na akong kasama dito sa Maynila nagtatrabaho.Sa mall kami namasyal na dalawa. Namiss namin ang isa't isa kaya ang ingay naming magkwentuhan. Idagdag pa na ang lalakas ng tawanan naming dalawa."Bwisit ka! Ang hilig mo manood ng TV tapos sa simpleng pag-order lang ng pagkain hindi mo pa alam,""Akala ko kasi akting lang 'yun. Hindi nangyayari sa totoong buhay. Kaloka, malakas na sigaw ang abot ko sa amo ko," nguso ko pa."True, naman kasi makakain ba ng amo mo ang number na iyon?" halakhak ng kaibigan ko."Al
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-23
Baca selengkapnya

Chapter 23

Chapter 23Margarita Tumalikod na ako at naglakad palayo sa amo ko. Pero napaigik ako sa sakit ng paa ko. Pinilit kong huwag paika-ika habang naglalakad, pero hindi kaya ng mga paa ko. Masakit talaga siya, walang biro.Gusto kong magpakabayani sa katangahan ko para ipakitang malakas ako. Kaya lang, hindi ko kaya ang sakit. Sa tuhod ba naman ang napuruhan. Dalawang paa ko pa, mabuti isa lang ang napuruhan.Magsisimula na sana ulit akong maglakad nang biglang umangat ako sa ere. Napatili ako sa gulat at pagkabigla. Agad akong napakapit sa batok ng amo ko dahil sa takot na baka ihulog niya ako dahil sa katigasan ng ulo ko."Sinong gusto mong tumulong sa'yo, ang mga bodyguards ko at ang driver ko? Magdadrama ka para makita ka nilang nahihirapan, tapos magpapaalalay ka sa kanila? Ganun ba?" singhal ng amo ko. Grabe naman mag-imbento ng salita ang amo kong 'to.Napapikit na lang ako sa pagsinghal niya habang padabog niya akong ibinaba sa upuan sa loob ng gamit niyang sasakyan. Napangiwi ak
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-24
Baca selengkapnya

Chapter 24

Chapter 24Margarita Isang linggo nang wala dito sa mansyon si Manang. Nagpaalam siya sa amo namin na uuwing probinsya dahil may sakit ang kapatid nito at hinahanap siya. Kaya walang choice, mag-isa na lang ako dito sa mansyon na nagtatrabaho. Ayos lang naman dahil hindi na ako nagwawalis kasi may robot naman na taga-linis ng sahig. Nagpupunas lang talaga ako ng mga display, benta, upuan, at iba pa.At sa kwarto lang naman ni sir ang nililinisan ko, ang ibang kwarto, once a week lang. Sa kusina talaga ako madalas nakatutok dahil palakain ang amo namin. Naging paborito na rin ni sir ang sotanghon soup. Nagpapaluto na ito minsan sa umaga. Matamis akong napapangiti kapag nagre-request si sir ng mga pagkaing ako mismo ang nagtimpla, hindi sa recipe na ginagamit ni Manang noon. Nakakakilig na gustong-gusto ni sir ang luto ko. Pagod ako sa paglilinis sa gym ng amo ko. Heto ako, tulala sa gilid ng countertop, kumakain ng graham at nagkakape. Naging favorite ko na ang graham kaya gumagawa
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-24
Baca selengkapnya

Chapter 25

Chapter 25Margarita "Huwag mo akong panoorin dito, Marga! Kumain ka rin kung gusto mo!" kunwari ay galit na sambit ng amo ko. Sinamaan ko siya ng tingin, nagtaas lang din ng kilay ang mang-aagaw ng graham ko.Kaya tumayo ako at kumuha ng graham mula sa fridge para sa akin. Pati ang iniinom kong kape, ininom na rin niya. Mang-aagaw, sigaw ng isipan ko."I like the coffee. Maybe, gawan mo rin ako ng kape sa umaga, Marga," saad ng amo ko.Si amo kasi ang nagtitimpla ng kape niya sa umaga, at kami na ang bahala magluto ng agahan niya."Nako, sir, dinagdagan mo na naman ang trabaho ko dito sa mansyon. Baka mamaya utusan mo na rin akong mag-ala Spider Woman at ipapalinis mo na rin sa akin ang mga pader ng mansyon mo. Kailangan ko na sigurong magpalit anyo sa gabi kung sakaling maglilinis ako ng pader, sir. Ilalabas ko ang nakatago naming lahi na manananggal," reklamo ko. Biro ko lang naman para mawala ang kaba sa dibdib ko. Kaba na parang kinikilig, gano'n. Makatingin naman kasi si sir s
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-27
Baca selengkapnya

Chapter 26

Chapter 26 Margarita Mabilis na akong nagtungo sa fast food restaurant para makabili na agad ng pagkain namin ng amo ko. "Saan kaya kami pupunta ni sir?" tanong ko pa sa sarili ko. Kailangan mabilis akong makauwi dahil excited akong makasama ulit ang amo ko. Lalo na't may pupuntahan kaming dalawa. Nakakakilig naman na mag-solo ulit kami ni sir. "Oh, hi, Marga! Kumusta? Anong order mo?" ngiting tanong ng cashier na naging kaibigan ko na rin. "Hello, Bella! Dating binibili ko pa rin dito, at saka one lasagna at fried chicken with two soft drinks," ngiti ko rin. Wala namang bibili pa, kaya nakipagchikahan na muna ako habang hinihintay ang order ko. "Alam mo na ba 'yung chismis tungkol sa'yo, friend?" bulong ni Bella. Nagtaka naman ako sabay iling. "Ako? May chismis tungkol sa akin? Eh? Talaga? Anong chismis?" tanong ko agad. Na-curious naman ako sa chismis na sinasabi ng kaibigan ko. "Atin lang 'to ha, narinig ko lang sa mga kasamahan ko dito. Hindi ko rin alam kung totoo ang
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-27
Baca selengkapnya

Chapter 27

Chapter 27Margarita "Ewan mo na diyan ang bike mo, ipapakuha ko na lang sa bodyguard ko," sabi pa ng amo ko nang makita niya akong nakasimangot na nakatitig sa bike ko.Kaya wala na akong dahilan para malungkot na baka nakawin ang bike ko dahil ipapakuha raw ng amo ko ang bike sa bodyguard niya. Kaya napangiti na ako at nagkaroon ng oras na suriin ang suot ng amo ko. Ngayon, naka-T-shirt na gray at jagger pants na itim at nakasombrero pa siya. "Hindi ka po magsusuot ng sunglasses mo, sir?" tanong kong wala sa sarili habang pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan ng katawan ng amo ko."Let's go. Nawili ka na naman sa kalukuhan mo," sagot naman ni sir."Eh, nagtatanong lang naman ang persona de non pretty, sungit mo, sir. Tara na po," nauna na akong sumakay sa sasakyan ni sir."Ay sir Harrison, ano nga pala ang tawag sa laruan na sinasakyan natin?" tanong ko habang pinapaandar na niya ang gamit naming maliit na sasakyan paalis."Hindi ito laruan, mas mahal pa ito sa ibang mga sasakyan k
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-27
Baca selengkapnya

Chapter 28

Chapter 28 Margarita ANOOO?" sigaw ko! "Pangit ako?" malakas kong tanong. Humalakhak lang ang amo ko. Naisahan yata ako ng amo ko ah. Gumaganti ba siya? Huwag kang magpapatalo, Marga, pangche-cheer ko pa sa sarili ko. "Wala akong sinabing pangit ka! Ang sabi ko lang ay magkasing-edad na kayo ni Manang Thelma," natatawang pangtutuwid ng amo ko."Parang gano'n na rin 'yon, sir! Ang sama mo, nandamay ka pa ng kapwa. Ang masama pa, sa matanda mo pa ako inihambing, kung pwede naman sa artista sana!" maktol ko. Tumawa lang ang amo ko."Parang sinabi mo na rin na pangit si Manang Thelma, ah?" saad ni sir. Nag-enjoy na yata siya na makipagsabayan ng asaran sa akin."Parang gano'n na nga, sir. Ay, sorry naman, hindi naman pangit si Manang Thelma, kasi may boyfriend daw siya. Ang ibig ko lang sabihin, mukha na ba akong matanda, ha, sir? 21 years old pa lang ako eh! Matanda na ba ang mukha ko?" parang nadisappoint pa ako sa sinabi ni sir. Pero narealize ko na ako pala ang naunang nang asar
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-28
Baca selengkapnya

Chapter 29

Chapter 29 Margarita Tumigil kami sa simpleng bahay. Ang ganda rin dito, ang daming mga tanim at naka-organize pa. Agad akong bumaba sa golf cart. "Wow, sir, ang dami namang mga gulay dito. Kompleto na yata ang gulay na nasa kanta na 'Bahay Ko,' ah" sabi ko pa at lumapit sa mga gulay. "May mga nakalagay pang pangalan, ang sipag naman ng mga nagtatanim dito, sir. Nilagyan pa nila ng mga pangalan, hindi naman siguro sila maliligaw o magkakapalit-palit ng bunga, hano?" daldal ko sabay tawa."Never ending na pagtatanong na naman iyan, Marga," suway sa akin ni sir. Nagsawa na yata siya sa kadadaldal ko.Hindi ko na lang siya pinansin. Binasa ko ang mga pangalan ng gulay. Kumanta na lang ako bigla ng 'Bahay Kubo.' Yung pagkanta ko, parang nasa choir sa simbahan. Nagpaikot-ikot pa ako sa gulayan. Tinuturo ko ang mga gulay habang binibigkas ang mga pangalan nila. Kaya lang napatigil ako dahil kulang sila, walang singkamas, labanos, wala ring bawang at linga. "Ay sayang! Itigil na ang pagk
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-28
Baca selengkapnya

Chapter 30

Chapter 30 Margarita Sa unahan ay mga bagong tanim pa lang, tapos dito banda ay marami nang mga bunga at namamatay na rin ang iba dahil sa hinog na ang mga bunga ng mga gulay."Wow, ang dami naman gulay dito. Saan n'yo po binibenta, Nanay, ang mga gulay na ito?" tanong ko habang iginagala ang paningin sa kapaligiran. Ang lawak naman ng lupa ng amo ko. Karugtong na yata ang lupang ito sa mansyon niya. Parang isang barangay na sa lawak ng lupa. Ang amo ko lang rin yata ang may ganitong kalawak na lupa dahil may maliit pa siyang bundok dito."Pinapaangkat namin sa palengke para ibenta at 'yung iba pinamimigay ni Sir sa mga kamag-anak niya. Meron rin para sa pamilya ng mga trabahador niya dito sa mansion. Kapag kunti ang ani namin, kunti lang rin ang paghahatian ng lahat," kwento ni Nanay Diday.Ang bait at mapagbigay rin pala ang amo ko. Lahat ay may matatanggap kapag anihan pala ng mga gulay at prutas. Siguro yung pagbenta ng gulay at prutas iyon ang pambili nila ng abono at fertiliz
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-29
Baca selengkapnya
Sebelumnya
12345
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status