Share

Chapter 24

Author: Chelle
last update Huling Na-update: 2025-03-24 20:33:48

Chapter 24

Margarita

Isang linggo nang wala dito sa mansyon si Manang. Nagpaalam siya sa amo namin na uuwing probinsya dahil may sakit ang kapatid nito at hinahanap siya.

Kaya walang choice, mag-isa na lang ako dito sa mansyon na nagtatrabaho. Ayos lang naman dahil hindi na ako nagwawalis kasi may robot naman na taga-linis ng sahig. Nagpupunas lang talaga ako ng mga display, benta, upuan, at iba pa.

At sa kwarto lang naman ni sir ang nililinisan ko, ang ibang kwarto, once a week lang. Sa kusina talaga ako madalas nakatutok dahil palakain ang amo namin. Naging paborito na rin ni sir ang sotanghon soup. Nagpapaluto na ito minsan sa umaga.

Matamis akong napapangiti kapag nagre-request si sir ng mga pagkaing ako mismo ang nagtimpla, hindi sa recipe na ginagamit ni Manang noon. Nakakakilig na gustong-gusto ni sir ang luto ko.

Pagod ako sa paglilinis sa gym ng amo ko. Heto ako, tulala sa gilid ng countertop, kumakain ng graham at nagkakape. Naging favorite ko na ang graham kaya gumagawa
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (6)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Armario
naku Margarita huwag Kang masyadong nahulog sa amo mo Ikaw din nasasaktan ka lang dahil may gf sya
goodnovel comment avatar
Zaynlou Fin
mabait amo niya
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
Ayiee,,,,nakakakilig naman ang magamo na ito............🩷🩷🩷🩷🩷
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Ralph&Hershey 48. Hospitalized

    Ang Mapagmahal na Binata at ang Nawalang Dalaga Third Pov Nandito siya sa private room ni Hershey dahil bigla na lang itong nag-collapse nang malaman niyang gumuho ang construction site na ipinapatayo ni Ralph sa Amerika. Wala pang balita si Jorge sa nangyari kay Ralph. Hindi raw nila mahanap ang katawan nito sa gumuhong gusali. Pero ginagawa naman raw ng mga rescuer ang makakaya nila para mahanap ang katawan ni Ralph. Tahimik ang buong kwarto ang tanging maririnig ay ang mahinang tunog ng heart monitor. Nakahiga si Hershey sa hospital bed, maputla, pumayat ito, at parang wala sa sarili sa nabalitaan. Halata na namamaga ang mata niya sa kakaiyak.Anong dapat niyang gawin para maibsan ang kalungkutan ni Hershey. Para hindi siya masyadong mag-alala sa nangyari kay Ralph. Tatlong araw na kasi mula nang gumuho ang gusali sa Amerika. Tatlong araw na rin mula nang ibalita sa kanila na hindi pa rin natatagpuan si Ralph. Kaya heto si Hershey nagbreakdown na. Kagabi lang, tuluyan n

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Ralph&Hershey Critical

    Ang Binatang Mapagmahal at Ang Nawalang Dalaga Ralph Pov Ralph Pov Mainit ang araw nang dumating ako sa construction site. Amoy semento, bakal, at alikabok ang paligid. Lahat ay abala sa trabaho may nagbubuhat, may nagmamasid, may sumisigaw ng instructions. Pero ang utak ko? Nasa Pilipinas, nasa kay Hershey, ang mahal ko. Aminado ako na hindi ko nasasagot ang tawag niya dahil sa sobrang busy ko dito. Siguro sa mga oras na ito, baka tulog pa siya. Baka nag-alala na siya sa akin dito dahil madalang na lang ang tawag ko sa kanya. Hanggang sa hindi na ako nakakatawag dahil maraming anomalya sa kompanya ni Daddy. At inaalam ko pa kung sino-sino ang mga kasabwat at may pakana nito. Kaya sobrang busy ko dito. Sobrang stress ako. Ang gusto ko lang ay matapos na ang lahat para makauwi na ako ng Pilipinas. I miss my wife Hershey. Napangiti ako dahil siguradong sesermonan na naman niya ako. Gusto ko sana siyang tawagan, pero may meeting akong kailangan harapin kasama ang engineer at si

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Hershey&Ralph Ang Paghugo

    Ang Binatang Mapagmahal at Ang Nawalang Dalaga Hershey Ilang buwan na ang lumipas mula nang makarating si Ralph sa Amerika. Sa una, regular ang tawag niya sa akin, palaging pagod pero nakangiti, pilit niya akong pinapakalma. Hanggang isang araw, basta na lang wala itong paramdam at tumigil na sa pagtawag sa akin. Kaya't iniisip ko na baka sobrang busy lang niya sa trabaho. Noong una, hindi niya sinagot ang tawag ko. "Baka busy lang," sabi ko sa sarili ko. Sa pangalawa naman, wala ring reply sa mga mensahe ko. "Baka may meeting siguro o nakalimutan lang niyang dalhin ang cellphone niya." Pinapalakas ko na lang ang sarili ko na huwag mag-isip ng kung ano-ano. Sa pangatlong araw, medyo... kaba na ang namamayani sa dibdib ko. Kaya hindi ako mapakali dito sa opisina ko. Busy ako sa ginagawa kong report nang biglang mag-vibrate ang phone ko. Isang unknown number ang tumatawag. Hindi ko sana sasagutin, pero curious ako dahil ibang number ang tumatawag. Baka si Ralph ito, sa

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Hershey& Ralph Worried

    Ang Binatang Mapagmahal at Ang Nawalang Dalaga Hershey Sobrang nag-aalala ako kay Ralph dahil wala pa rin akong balita sa kanya. Lumuwas ng bansa si Jorge at pinuntahan niya si Ralph sa Amerika dahil kahit ito'y hindi niya makontak. Nasa Pilipinas ang personal assistant nito at si Ralph lang pala ang nagtungo sa Amerika para sa kumpanya niya roon. May assistant naman siya sa Amerika, kaso walang kontak si Jorge sa assistant ni Ralph doon. Gusto kong sumama, kaso hindi ako pinayagan nila Kuya. Mas mabuti raw na dito na muna ako. Dahil kapag nag-breakdown ako roon, walang titingin sa akin. Parang gusto ko na namang paghinalaan ang aking ina na siya ang may pakana ng lahat ng ito. Na siya ang gumawa ng ikakasira ng kumpanya ni Ralph sa ibang bansa para paglayuin niya kaming dalawa. Hindi pa rin kami okay dahil nagiging masungit pa rin siya sa akin dahil nga hindi ko siya pinapansin. Anong gusto niya? Ako na ang mag-sorry o magpakumbaba na lang palagi? Nakakapagod rin iyon.Anak lan

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Ralph&Hershey Worried

    4 months later Hershey Araw-araw kaming nagtatawagan ni Ralph, walang palya. Kita ko sa mukha nito ang pagod. Naawa naman ako sa kanya, kaya sinabi ko na okay lang na ako ang magpuyat para sa kanya para makapagpahinga siya sa gabi. Kahit mahirap, ay okay lang. Kakayanin ko para sa kanya. Sanay naman ako sa puyat, at mostly talaga hatinggabi na ako natutulog, kahit noon magkasama pa kami palagi sa condo nito. Nagmamarathon kami sa gabi. Pero dumalang na ang tawag niya sa akin at naiintindihan ko iyon. Sobrang marami siyang ginagawa para malutas ang kaso na isinampa sa kompanya ng ama niya. Ang mga salarin ay nagtatago na kaya pinaghahanap na sila ng mga autoridad ng bansang Amerika sa San Francisco. Apat na buwan na, pero bigla na lang nawala ang communication naming dalawa. Hindi ko na rin ito matawagan sa cellphone o telepono ng condo niya. Nagriring ang telepono, pero walang sumasagot. Ang cellphone niya ay out of coverage na. Sobrang nag-aalala na ako na baka may mas

  • Ang Supladong Bilyonaryo at ang kanyang Maid   Ralph&Hershey Magkakalayo na

    Eksena sa Airport Hershey Mas bumalatay ang lungkot sa aking mukha ng ilang oras na lang aalis na ng bansa si Ralph. Kumikirot ang puso ko ng hindi ko alam ang dahilan. Nasasaktan ako na wala akong magawa para matulungan siya, samahan siya, o kaya ay pigilan siya sa pag-alis. Sobrang mamimiss ko siya hindi ako sanay na malayo siya sa piling ko. Naiiyak na ako pero pinipigilan ko lang dahil ayoko naman maging selfish sa kanya. Alam kong mahalaga ito sa kanya, kaya kahit masakit, kakayanin ko na lang. Hindi naman siguro siya magtatagal sa abroad. May cellphone naman para sa komunikasyon naming dalawa. Maaga kaming nagtungo sa terminal, pero puno na ng tao ang Terminal 3. May mga pamilya na nagbibiruan, may mga nagmamadali, at may mga umiiyak na naghahatid. Pero ako? Tahimik lang habang hawak ang braso ni Ralph, na para bang kapag binitiwan ko ay mawawala siya agad. 'Yung ganitong pakiramdam na takot na takot akong mawala siya sa paningin ko. Suot niya ang dark blue jacket at bac

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status