Chapter 37 Margarita Lumapit agad ako sa mag-ina at sa iba pang kapamilya nila na nakikisimpatiya sa batang hanggang ngayon ay umiiyak pa rin. "Tahan na, Kathleen, maraming nagmamahal sa'yo at sumusuporta sa'yo. Magpakatatag ka at maging matapang sa lahat ng oras. Fighting, okay?" pang-aalo ko pa sa bata. Yumakap naman ito sa akin kaya wala sa sariling niyakap ko rin ng mahigpit ang bata. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ng bata. "Magiging okay rin ang lahat. Magiging normal ka na ulit na walang kinakatakutan, walang pangamba, at pag-aalala sa puso mo. Manalangin ka lang palagi at balang araw makukuha mo rin ang hustisya na nararapat para sa'yo. Naiintindihan mo ba ako, huh?" mahinahon kong sabi sa bata. "Opo, salamat sa pagpapalakas mo sa akin, Ate Marga. Promise ko po na magiging matatag at matapang ako, gaya mo po," determinadong sabi ng bata. "Ganyan dapat, Kathleen, ipaglaban natin ang katotohanan," sambit ko pa. "Salamat sa'yo, Marga, sa pagpapalakas sa anak ko," pas
Terakhir Diperbarui : 2025-04-06 Baca selengkapnya