Sana po tama ang pagkakasulat ko. Pacomment na lang po ang opinion ninyo. salamat 🫶🏼🫶🏼
Chapter 37 Margarita Lumapit agad ako sa mag-ina at sa iba pang kapamilya nila na nakikisimpatiya sa batang hanggang ngayon ay umiiyak pa rin. "Tahan na, Kathleen, maraming nagmamahal sa'yo at sumusuporta sa'yo. Magpakatatag ka at maging matapang sa lahat ng oras. Fighting, okay?" pang-aalo ko pa sa bata. Yumakap naman ito sa akin kaya wala sa sariling niyakap ko rin ng mahigpit ang bata. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ng bata. "Magiging okay rin ang lahat. Magiging normal ka na ulit na walang kinakatakutan, walang pangamba, at pag-aalala sa puso mo. Manalangin ka lang palagi at balang araw makukuha mo rin ang hustisya na nararapat para sa'yo. Naiintindihan mo ba ako, huh?" mahinahon kong sabi sa bata. "Opo, salamat sa pagpapalakas mo sa akin, Ate Marga. Promise ko po na magiging matatag at matapang ako, gaya mo po," determinadong sabi ng bata. "Ganyan dapat, Kathleen, ipaglaban natin ang katotohanan," sambit ko pa. "Salamat sa'yo, Marga, sa pagpapalakas sa anak ko," pas
Chapter 38 Margarita Hanggang sa umuwi kami, nanginginig pa rin ang katawan ko. First time kong maka-encounter ng barilan at sobrang nakakatakot at nakakabahala. Halos sumabog na ang utak ko sa sobrang takot kanina. "Are you okay now?" nag-aalalang tanong ng amo ko sa akin. Tumango lang ako dahil hindi ko sigurado kung okay ako o hindi. "Magpahinga ka na, don't worry, safe ka dito," paninigurado pa ni Sir."Sige po," sabi ko. Bigla akong natameme at halos walang salitang namutawi sa labi ko. Halos wala akong tulog kinagabihan dahil iniisip ko pa rin ang nangyaring barilan kahapon. Hindi pa rin ako nahimasmasan sa pagkagulat. Imbes na lumabas ako at makipagkita sa kaibigan ko, minabuti ko na lang na dumito muna sa mansion. Balak kong magpaalam na mamasyal sa bahay nila Nanay Diday. Mas kailangan ko ng fresh air at tahimik na lugar.Kaya tumawag ako sa kaibigan ko at sinabi na hindi ako makakalabas. *Tawag*"Hello Joyce, pasensya na, hindi ako makakalabas ngayon," pagbabalita ko.
Chapter 39 Margarita"Aray!" sigaw ko. Natumba kasi ako habang nagpe-pedal ng bike.Katangahan ko kasi, nakatitig ba naman ako sa likod ng amo ko. Mabuti na lang at natumba lang ako, walang nagasgas sa paa at kamay ko. "Anong nangyari?" pasigaw na tanong ng amo ko. "Katangahan mo na naman siguro iyan, ano? Sa daan ka kasi tumingin, Marga! My God," pagalit na sigaw pa niya. Medyo malayo na kasi siya sa akin. "Nakatingin naman ako sa likod mo, ah, este sa daan. May naapakan lang na ligaw na bato ang gulong ng bike ko sa kalsada kaya nawalan ako ng balanse," alibi ko pa. "Try harder, Marga!" irap pa ni sir. At nagsimula na ulit itong paandarin ang gamit niyang quad bike motorcycle. Bongga ang pangalan ng gamit niyang sasakyan. Sa gitna kami ng puro puno ng tanim nagtungo. Nando'n na ang mag-asawa at may iba pa kaming kasama na mukhang mag-asawa rin. Kasing tanda lang rin nila Nanay Diday. "Hello po, magandang umaga po sa inyong lahat dito," bati ko agad nang makalapit na ako sa ku
Chapter 40MargaritaWala pa rin si Manang Thelma dito magdadalawang buwan na. Madalas rin na sabay kami palagi ng amo ko na kumakain. Lagi siyang nasa kusina kapag nagluluto ako at nakikialam sa ginagawa ko. Hindi naman pala marunong magluto.Nag-request siya ng sinangag ngayong umaga kaya naghahanda na ako sa mga lulutuin ko. "You're my honeybunch, sweetie-sweety, cutie pie. You're my cupcake gumsdrop-pang-pong-pyong, kiyong kiyong kingkong. You're my apple pie. And I love you so, and I want you to know that I'll always be right here," naging alien na rin ang boses ko dahil sa kilig sa amo niya. Para na akong butiki na kinikilig."You're my honeybunch, bunchi-bunchi; you're my sugar pie..." naputol ang pagkanta ko ng may yumakap sa akin mula sa likuran ko."Stop singing that alien song, my crazy woman!" Napaigtad ako dahil sa pagyakap niya sa akin sa likuran. Hindi pa nakontento, humalik pa siya sa pisngi ko. Kinikilig na naman ako. Parang mag-asawa na ang datingan naming ni sir
Chapter 41 Harrison Mahigit isang taon na si Marga dito sa mansyon ko. Ayokong aminin sa sarili ko na may namumuo na akong nararamdaman para sa dalaga. Hindi kaya ng pride ko na nagkakagusto na ako sa katulong ko. "Fvck!" mura ko pa. "Anong problema, dude?" sabay suntok ng kaibigan ko ang braso ko bago naupo sa sofa sa VIP room ng luxury bar."Napapadalas na ang pag-inom mo, huh? Dahil ba iyan sa fiancée mo na naman?" dagdag pa nito. Umiling ako sabay tungga sa alak na nasa hawak kong baso. "Tell me. Curious ako kung ano yang bumabagabag sa pagkalalaki mo," sabay halakhak ng kaibigan ko. "Gago! Good boy ang pagkalalaki ko, huwag mo akong igaya diyan sa laspag mong pagkalalaki," sabay pa kaming tumawa ng malakas ng kaibigan ko. "Tangina nito! Naninigas pa rin 'yan agad-agad basta makakita ng naglalawang sapa, don't underestimate my lollipop," halakhak pa nito. "Ay wow! Séx na naman ba ang pinag-uusapan ninyong dalawa?" bungad ng isa pa naming kaibigan. "Alalahanin mong walang
Chapter 42Margarita"Sir! Bitawan mo ako! Umalis ka sa ibabaw ko. Ang bigat-bigat mo po," nahihirapan akong itulak siya palayo sa akin. Pero ang ginawa ng amo ko, sinunggaban niya ako ng mapusok na halik sa labi. Gusto ko ang panghahalik niya sa akin, kaso lasing ang amo ko. Hindi dapat ako tumugon sa matamis niyang halik. Pilit ko siyang pinipigilan, inaalis ang mukha nito sa mukha ko. Pero mahigpit niya akong niyakap, binaon ang mukha sa leeg ko. Napaigtad ako nang halikan niya ako sa leeg. Napadaing ako ng sipsîpin nito ang leeg ko at marahan na kinagat. "Sir, lasing ka po, matulog ka na," marahan ko pang pinalo ang braso niya. "Hmm..." ungol ng amo ko. Nakatulog na yata ang damulag kong amo. Napitpit na ako sa ilalim ng kama. Ang bigat ba naman ng amo ko. Sinubukan ko siyang itulak, kaso gumalaw na naman ang amo ko. Hinawakan ang magkabila kong pisngi. Hinaplos niya at marahan na pinisil ang magkabilang pisngi ko. "S-Sir," sambit ko. "I want you," anas ng amo ko. "Huwag
Chapter 43 Margarita Nagulat ako sa lakas ng sigaw ng amo ko kinabukasan. Napabalikwas ako ng bangon, pero biglang sumakit ang ulo ko at pati na rin ang buo kong katawan. "Anong ginawa mo sa akin kagabi? Bakit pareho tayong hubad? Sinong may sabing matulog ka dito sa kwarto ko at tumabi sa akin?" malakas na tanong ng amo ko. Galit na galit ang mukha niya na parang hindi niya gusto ang nangyayari. "Wala po akong kasalanan, sir," mahina kong sagot. "Wala?! So bakit nandito ka sa kwarto ko? Ginahasa mo ba ako?" akusa niya agad. Nasaktan ako sa paratang ng amo ko. "Ginahasa? Ikaw ang nagpumilit, sir, hindi mo ako pinakawalan! Kung sana hinayaan mo akong makaalis sa kwarto mo matapos kitang maipasok dito, wala sana ako sa sitwasyong ito ngayon, sir," masama ang loob kong sambit. "Ako pa ngayon ang sinisisi mo? Ikaw ang may mas matinong pag-iisip sa ating dalawa kagabi. Tapos ako ang may kasalanan, gano'n ba, huh?" galit na sigaw niya. "Wala po akong sinisisi, hindi ko ginusto ang n
Chapter 44Margarita Pabagsak akong nahiga sa sahig pagdating ko sa kwarto ko. Ang sakit ng buong katawan ko, idagdag pa ang sakit ng ulo ko't pussycat doll. Parang pinalo-palo nila ako ng dos por dos ng paulit-ulit sa katawan ko. "Ang sakit ng pussycat doll ko. Sorry, nawasak ka na yata, hindi ka na yata mapakinabangan pa. Paano na ako iihi niyan? Kawawa ka naman, hindi man lang nag-ingat ang ampalaya ni sir, basta na lang pumasok ng hindi man lang kumakatok. Napunit na yata ang pussycat doll ko. Ang sakit sobra," daing ko pa. Hindi na muna ako gumalaw at hinayaan ko na lang ang sarili ko na mahiga dito sa sahig. Wala namang makakakita sa katawan kong hubad. Pumikit na ako para matulog, bahala na ang amo ko kung magalit sa akin. Kasalanan naman niya eh.Maggagabi na ng magising ako. Alas sais medya na. Ganun ako katagal na nakatulog sa sahig? Tanong ko pa sa sarili ko.Nagmamadali na akong bumangon upang makaligo na. Ang baho ko na, amoy panis na laway ni sir. "Eww!" sambit ko. P
Chapter 76 Margarita "Sige po, Attorney Rueda. Salamat po sa advice at sana po matulungan niyo po ang tatay ko," magalang kong sabi. "I'll call Miss Macayan. We are willing to help. Basta magsabi lang ng totoo ang tatay mo para magawan natin ng paraan. Magpapa-imbestiga rin ako sa lugar na pinangyarihan ng krimen," "Maraming salamat po," tumayo na ako. Gusto ko na talagang umalis kanina pa. Kung hindi ko lang kasama ang mga bata, baka kumaripas na ako ng takbo palabas ng opisina. "Sige po, mauna na po kami," hinawakan na ni Lala ang kamay ng anak kong lalaki. Hawak ko naman ang anak kong babae.Hindi puwedeng magtagal kami dito. Ayokong makilala ng mga bata ang lalaking ito. Lumalayo na nga ako, bakit naman pinaglalapit mo kaming dalawa, Panginoon?"Ihahatid ko na kayo. Mainit at mahirap maghintay ng sasakyan sa labas," presente ni sir Harrison.Napasinghap ako ng wala sa oras. Hindi puwede! Ayokong makasama ang lalaking ito. Gulo lang ang dala niya sa buhay ko mula nang awayin
Chapter 75 Harrison Pinapapunta ako ni Attorney Rueda sa opisina niya, hindi naman ako busy ngayon kaya nakadaan ako dito. Balak ko sanang magtungo sa restaurant ulit para makakain sa luto ni Marga. I really miss her, lalo na ang mga luto niya. "I miss my crazy woman big time!" sambit ko. Hindi na ako makapag-concentrate sa trabaho at sa negosyo ko, even sa pagtuturo sa law school, nawala na ako sa focus dahil sa pagkawala ni Marga sa mansyon. Kasalanan ko naman kung bakit bigla siyang umalis. Totoo pala ang kasabihan na saka mo lang ma-realize ang halaga ng isang tao kapag nawala na siya sa buhay mo.Saka ko lang na-realize na hindi ko pala kaya na hindi ko siya makita. Laging hinahanap-hanap ng puso ko ang dalaga. Noong una, hindi ko pa kayang aminin sa sarili ko na nagkakagusto na ako kay Marga. Ang masaklap pa ay hindi ko namamalayan na may malalim na pala akong nararamdaman sa kanya. I love her craziness. "God knows how much I regret hurting Marga. I know to myself that I
Chapter 74Margarita Tuwang-tuwa kami ni Lala na dumarami na ang suki namin. Hindi na rin ito nagtuloy sa trabahong in-apply-an niya dahil hindi nila akalain na mag-boom ang munting karinderya ko. Kaya bumili na rin ako ng medyo malaking kawali at mga lagayan ng mga ulam. Mga anak ko pa rin ang taga-tawag sa mga dumaraan sa tapat ng bahay namin para bumili ng ulam. Lucky charms ko talaga ang dalawang bata na ito.Kadadaldal, hindi nahihiyang magtawag ng mga customer. Minsan, nakikipagbiruan pa sila. May mga galante na nagbibigay ng tips para sa mga bata.Nakalimutan ko pansamantala ang binalita ng kaibigan ko na nasa kulungan ang tatay ko. Ngayong rest day namin ay Thursday, kaya may oras na akong mag-cellphone. Marami na naman akong natanggap na missed calls at messages. Ang kuya ko ang tinawagan ko. Agad naman nitong sinagot ang tawag ko. "Rita, mabuti naman at tumawag ka na. Kumusta ka na?" bungad agad ng kuya ko. "Maayos-ayos naman na ako kahit papaano, Kuya. Kumusta kayo di
Chapter 73 Margarita "Friend, dumating na naman sa restaurant si Joyce at hinahanap ka na naman niya," pagbabalita ni Bela sa akin."Ano na naman ba ang kailangan niya sa akin? Hindi pa ba sapat ang pamamahiya niya sa akin noong nakaraang linggo? Hindi ba siya nagsasawa sa ganung gawain niya? Bwesit siya!" gigil kong sambit. "Ewan ko ba sa babaeng iyon! Binalaan na kita noon, di ba? Kaso hindi ka nakinig sa akin," inis rin na sabi niya sa akin. "Matagal ko na kasi siyang kaibigan at isa pa, pinsan ko siya. Hindi ko naman akalain na ganito na pala ang ginagawa niya sa akin ng hindi ko alam. Naging totoo ako sa kanya, tapos ganito ang isusukli niya sa akin. Lahat sila, niloko nila ako, pinaglaruan ang damdamin ko, inabuso ang kabaitan ko, sinira nila ang tiwala ko sa kanila. Kaya ang hirap na para sa akin ang magtiwalang muli," hindi ko na naman mapigilan ang mapaiyak. "Naiintindihan kita, friend, at least ngayon alam mo na ang totoong ugali ng impakta mong pinsan," alo niya sa aki
Chapter 72Margarita Isang linggo na akong wala nang gana at hindi makapag-isip ng maayos kung anong trabaho ang papasukan ko. Nagdalawang-isip ako kung magluluto na lang ako ng ulam sa labas para ibenta. Kaya lang, matrabaho at kunti lang ang gamit ko sa kusina.Kaya naguguluhan ako at hindi makaisip ng maayos. Dumagdag pa sa kaisipan ko ang ama ng mga anak ko. Sumisiksik siya palagi sa isip ko. Hindi ko naman dapat siya iniisip at hindi ko na siya dapat pang isiping mabuti. Dagdag problema lang siya sa buhay ko.Kinausap ko na rin ang kasama ko dito sa bahay na baka hindi ko na siya kayang sahuran. Naiintindihan naman niya ako at inutusan ko siyang maghanap ng bagong trabaho na pwede niyang pasukan. Ni-recommend ko siya kay Bela, pero sabi wala pang bakante."Ate, tutulungan na lang muna kita magtinda ng ulam sa labas habang wala pa po akong tawag sa in-apply-an ko na trabaho," sabi ng yaya ng mga anak ko."Sige, para may extra income tayong dalawa. At may maidagdag ako sa sahod mo
Chapter 71Margarita"Okay ka lang?" mahinahon na tanong sa akin ni Sir Harrison. "Opo, salamat!" mahina kong sagot na parang bumalik na naman ako sa dating mahinhin at takot sa amo. "Ihahatid na kita mamaya." "Po? Huwag na po. Salamat na lang. Sige, bye!" Mabilis akong tumakbo palayo kay Sir Harrison. Nakasalubong ko si Sir Mateo sa labas ng restroom at nahiya ako bigla sa kanya. Kailangan ko na siyang kausapin. Bahala na kung pagsisisihan ko ang agarang desisyon na ito. Akala ko tahimik na ang buhay ko, pero bakit mas lalong nagulo pa yata ngayon. Hindi ko na naman mapigilan na sisihin si Sir Harrison sa nangyaring kaguluhan ngayon. Bigla rin akong nahiya nang sabihin ng pinsan ko kay Sir Harrison na mahal ko siya! Gusto kong magsisigaw sa inis, galit, hiya, at sama ng loob. Gusto kong isigaw na noon lang iyon, hindi na ngayon! "S-Sir, pasensiya na po, ahm, gusto ko sanang makausap ka kung hindi ka po busy," lakas-loob kong sabi kahit pa kinakabahan ako. "Sure," tumalikod it
Chapter 70 Margarita Sa isang linggo kong pagtatrabaho sa restaurant, parang bago lang ako kung kausapin nila. Kakausapin lang nila ako kapag kailangan o mahalaga. Hindi ko rin alam ang biglaan nilang pagbabago sa pakikitungo nila sa akin. Nasasaktan ako. Nagagalit at naiinis na naman ako sa magkasintahang iyon. Ilang taon na ba ang nakalipas, bakit hindi pa rin sila makamove on? Bwesit talaga ang mga palakang ito! Naiiyak ako dahil parang itchepwera na ako sa kusina. Parang ako na lang ang nagtatrabaho dito. Tumutulong ang iba, pero hindi nila ako kinakausap. Kung mag-uusap man sila, ako ay hindi kasama sa kwentuhan. Nasasaktan talaga ako. Nakakadiri ba akong tao dahil lamang sa tsismis na hindi naman totoo? Naniwala sila sa impaktang iyon kaysa sa kwento ko. Wala naman akong kinalaman sa hiwalayan nila, eh. Anong malay ko sa buhay nila ngayong abala ako sa sarili kong buhay kasama ang mga anak ko? "Rita, may gustong kumausap sa'yo sa labas, kamag-anak mo raw," sabi ng lalaking
Chapter 69 Margarita Kinabukasan, nagtungo ako sa opisina ng boss namin. Kararating lang niya kahapon dito sa Pilipinas galing ibang bansa. Alam niya ang nangyari dito sa restaurant niya at napanood ang CCTV, ayon sa manager namin, at hindi niya nagustuhan ang ginawa ng kasintahan ng kaibigan niya. Pina-ban niya sa restaurant si Tiffany at pinagbayad ng danyos sa pamamahiya at pang-eskandalo niya sa loob ng restaurant niya. "Magandang umaga po, sir. Pinapatawag niyo raw ako?" bungad ko pagkapasok ko sa loob ng opisina ni sir Mateo. "Yes. Sit down," seryosong sabi ni sir. Tumalima naman agad siya. Nahiya siya sa mapanuring tingin nito sa akin. "Magkwento ka sa paratang ni Tiffany sa'yo?" diretsang sabi ni sir. "Ho?" taka kong sambit."I just want to know kung bakit gano'n na lang ang galit sa'yo ng kasintahan ng kaibigan ko." "Sir, bawal ang chismoso dito! Ang personal kong buhay ay dapat manatiling lihim lang," seryoso kong sagot. "Paano kita maipagtatanggol kung hindi ko a
Chapter 68MargaritaMay party sa restaurant. Nirentahan raw nila ang restaurant para sa selebrasyon ng mga nag-graduate sa katabing unibersidad ng restaurant na ito. Sasabak na naman kaming lahat sa gawain namin dito sa kusina. Mga 100 katao yata ang kakain, not sure. Ayoko naman magtanong dahil ang trabaho ko lang naman dito ay magluto. Hindi ang magtanong ng kung ano-ano.Wala naman siguro dito ang lalaking iyon. Sabi kasi ni Bela araw-araw daw na dito kumakain ang lalaking iyon. Tahimik na ang buhay ko tapos guguluhin na naman niya. Lumayo na nga ako, di ba? Ano pa ba ang gusto niya? Napa-buntong hininga na lang ako. "Kulang ang waitress natin, baka lang pwede kayo?" tanong ng manager namin. Alam kasi nitong sa kusina lang kami. Pero kawawa naman ang mga kasamahan namin, kaya nag-oo na lang kami. Nagulat pa ako dahil ang dami naman pala talagang tao. Mas maganda na lang sana ang self-service dahil nakahilera naman sa labas ang mga ulam. Parang catering style. Bakit kailangan pa