Chapter 28 Margarita ANOOO?" sigaw ko! "Pangit ako?" malakas kong tanong. Humalakhak lang ang amo ko. Naisahan yata ako ng amo ko ah. Gumaganti ba siya? Huwag kang magpapatalo, Marga, pangche-cheer ko pa sa sarili ko. "Wala akong sinabing pangit ka! Ang sabi ko lang ay magkasing-edad na kayo ni Manang Thelma," natatawang pangtutuwid ng amo ko."Parang gano'n na rin 'yon, sir! Ang sama mo, nandamay ka pa ng kapwa. Ang masama pa, sa matanda mo pa ako inihambing, kung pwede naman sa artista sana!" maktol ko. Tumawa lang ang amo ko."Parang sinabi mo na rin na pangit si Manang Thelma, ah?" saad ni sir. Nag-enjoy na yata siya na makipagsabayan ng asaran sa akin."Parang gano'n na nga, sir. Ay, sorry naman, hindi naman pangit si Manang Thelma, kasi may boyfriend daw siya. Ang ibig ko lang sabihin, mukha na ba akong matanda, ha, sir? 21 years old pa lang ako eh! Matanda na ba ang mukha ko?" parang nadisappoint pa ako sa sinabi ni sir. Pero narealize ko na ako pala ang naunang nang asar
Chapter 29 Margarita Tumigil kami sa simpleng bahay. Ang ganda rin dito, ang daming mga tanim at naka-organize pa. Agad akong bumaba sa golf cart. "Wow, sir, ang dami namang mga gulay dito. Kompleto na yata ang gulay na nasa kanta na 'Bahay Ko,' ah" sabi ko pa at lumapit sa mga gulay. "May mga nakalagay pang pangalan, ang sipag naman ng mga nagtatanim dito, sir. Nilagyan pa nila ng mga pangalan, hindi naman siguro sila maliligaw o magkakapalit-palit ng bunga, hano?" daldal ko sabay tawa."Never ending na pagtatanong na naman iyan, Marga," suway sa akin ni sir. Nagsawa na yata siya sa kadadaldal ko.Hindi ko na lang siya pinansin. Binasa ko ang mga pangalan ng gulay. Kumanta na lang ako bigla ng 'Bahay Kubo.' Yung pagkanta ko, parang nasa choir sa simbahan. Nagpaikot-ikot pa ako sa gulayan. Tinuturo ko ang mga gulay habang binibigkas ang mga pangalan nila. Kaya lang napatigil ako dahil kulang sila, walang singkamas, labanos, wala ring bawang at linga. "Ay sayang! Itigil na ang pagk
Chapter 30 Margarita Sa unahan ay mga bagong tanim pa lang, tapos dito banda ay marami nang mga bunga at namamatay na rin ang iba dahil sa hinog na ang mga bunga ng mga gulay."Wow, ang dami naman gulay dito. Saan n'yo po binibenta, Nanay, ang mga gulay na ito?" tanong ko habang iginagala ang paningin sa kapaligiran. Ang lawak naman ng lupa ng amo ko. Karugtong na yata ang lupang ito sa mansyon niya. Parang isang barangay na sa lawak ng lupa. Ang amo ko lang rin yata ang may ganitong kalawak na lupa dahil may maliit pa siyang bundok dito."Pinapaangkat namin sa palengke para ibenta at 'yung iba pinamimigay ni Sir sa mga kamag-anak niya. Meron rin para sa pamilya ng mga trabahador niya dito sa mansion. Kapag kunti ang ani namin, kunti lang rin ang paghahatian ng lahat," kwento ni Nanay Diday.Ang bait at mapagbigay rin pala ang amo ko. Lahat ay may matatanggap kapag anihan pala ng mga gulay at prutas. Siguro yung pagbenta ng gulay at prutas iyon ang pambili nila ng abono at fertiliz
Chapter 31 Margarita Tapos na kaming nag-harvest, nagtungo na muna kami sa kubo na gawa ni Tatay Osting. Pahingaan raw nila sa tanghali dahil presko ang hangin. Dala ko ang pagkain na pinabili ni Sir, buti na lang medyo dinamihan ko yung binili kong chicken fried. Kakain na raw muna kami habang nagpapahinga bago umuwi. "Nay, Tay, kumakain ba kayo ng pritong manok? Hindi kasi ito mabuti sa kalusugan ninyo lalo na't matatanda na kayong dalawa," sabi ko pa. "Ayaw mo ba silang bigyan sa binili mong fried chicken, Marga? Bakit nagtatanong ka pa kung gusto nila o hindi?" singit ni Sir. "Hindi naman sa ayaw ko mag-share ng pagkain, Sir. Concern lang naman po ang dalaga dito. Mas maganda kasi kapag healthy palagi ang kinakain para humaba ang buhay nila sa mundong ito," mahinahon ko namang sagot sa amo ko. "Kanina lang concern ka sa mukha ko kunwari. Pero face-shaming ka lang pala, makalait ka sa mukha ko wagas. Ngayon health concern naman pero ayaw mag-share ng pagkain. Kunwari ka pang
Chapter 32 Busy na ako sa paglalagay ng mga gulay na nakuha namin sa gulayan, sa gulay storage. Ang iba ay inilagay ko sa loob ng fridge para hindi madaling masira. Naghugas ako ng isang kamatis at agad ko itong kinagat matapos ko itong mahugasan. "Hmm, sarap! Ang tamis naman ng kamatis na ito. Bakit 'yung ibang kamatis na tanim ni Tatay ko maasim at matabang?" kausap ko pa sa sarili ko. "Beefsteak tomato ang tawag sa malaking kamatis na 'yan," boses agad ni sir ang narinig ko. "Ay puta!" gulat kong sigaw. Pero hindi ako pinansin ng amo ko. Nagpatuloy lang ito sa sinasabi niya. "Madalas itong gamitin sa salad, sandwich, at kahit toping para sa burgers. May iba't ibang uri ng mga kamatis, at ang naitatanim siguro ng Tatay mo ay 'yung klase ng kamatis na madalas nabibili sa palengke na very common na sa Pilipinas. Yung mga tanim ni Nanay Diday ay imported na galing pa sa ibang bansa. Kaya masarap ang mga tanim nila," walang pakialam kung nagulat niya ako. "Kamuntik na akong ma-he
Chapter 33 Margarita Sampung minuto na at hindi pa rin bumababa ang amo ko. Baka nakatulog ito, akyatin ko na kaya siya? Lumamig na kasi ang niluto ko, hindi na masarap kapag lumamig ang pagkain. Parang sa pag-ibig rin habang tumatagal, lumalamig ang pagmamahalan, hindi na masarap, hindi na masaya, kaya basta na lang itinatapon sa tabi. Ang masama pa, siniraan ka na nga, nilait ka pa. "Buwisit 'yan! Napahugot tuloy ako," sambit ko habang nanginginig ang ulo. Kakain na sana ako, kaya lang ayoko namang mas mauna akong kumain kaysa sa amo ko. Kaya akyatin ko na nga ang pa-importanteng amo. Papasok pa lang ako sa dining room nang makasalubong ko ang amo ko. Pupungas-pungas na naglalakad patungong kusina. "Anong nangyari, bakit ka sumisigaw?" mukhang kagigising lang ang amo ko. Pero imbes na sumagot, napatulala ako sa harapan niya. Paano nakahubad ang lalaking ito na papasok sa kusina. Boxer shorts lang ang suot at susme, bakat na bakat ang ampalaya niya. Ang umbok at ang... bigla s
Chapter 34 MargaritaExcited akong nagbihis dahil mamaya lang ay aalis na kami ng amo ko para sa pangalawang hearing sa kasong hawak niya. Ang bata pa pala ang minolestiya ng alkalde. Parang walang anak at asawa ang gago! Sisiguraduhin kong makukulong ang matandang gurang na iyon. "Buwesit siya!" gigil kong sambit. Kahit sino naman ay magagalit sa walang silbing alkalde na iyon. Manyak ang puta! Sa bata pa talaga inabutan ng libog. Siraulo! Lumabas na ako sa kwarto ko. Sa sala ko na lang siya hintayin, baka iwan niya ako nang bigla. Mas maganda nang maaga akong nakabihis kaysa sa paghintayin ko ang amo ko. Simpleng pants at white shirt lang naman ang suot ko. Lip gloss at pulbo lang rin ang nilagay ko sa mukha ko. Nagulat pa siya nang maabutan ang amo sa sala. Nakadekuwatro ito habang nakaupo, at nakatutok ang paningin sa cellphone. Seryoso ang mukha at mukhang galit dahil naggalaw ang panga niya. Madilim rin ang aura ng kanyang mukha. Parang may kaaway sa cellphone, baka buway
Chapter 35 Margarita Itong building na ito rin pala ang pupuntahan namin. "Ang Dela Berde Law Firm Building." Hindi kami sa opisina nito nagtungo kundi sa lobby lang, at may isang pasilyo kaming dinaanan bago makarating sa isang kwarto. Pumasok rin ako agad nang pumasok na ang amo ko. May bata akong nakita na nakaupo lamang at mukhang tulala. Kaya ngumiti agad ako nang lumingon ito sa gawi namin ni sir. "Hello, anong pangalan mo?" magiliw kong tanong. Mukhang nahiya pa ito sa pagbati ko, kaya hindi niya ako sinagot, nagyuko lang siya ng ulo. "Pagpasensyahan mo na siya, Miss. Mahiyain at medyo takot ang anak ko. Na-trauma yata sa pagiging palakaibigan niya," paghingi ng pasensya ng ginang sa akin. "Ayos lang po iyon, Madam. Naiintindihan ko po. Sana makuha na po natin ang hustisya para sa anak niyo, Madam," nakakaunawa kong sabi. Kita ko ang takot at pag-aatubili sa kanyang mga mata. Huwag naman sana nilang iurong ang kaso dahil lang sa takot sila sa anumang banta o pananakot m
Chapter 78 Margarita "Mado labing labing, you," kanta ng anak kong lalaki. Sumigla sila lalo at naging hyper dahil sa sobrang saya. First time kasi nilang makakain sa loob ng MacDo. "Mali Kuya, Mado labing ko to," sabay pakita sa dalawang daliri niya.Nagbangayan pa talaga silang dalawa kung sino sa kanila ang tama. Mahina namang natawa ang lalaking ito.Wala na akong nagawa. Wala akong laban sa mga batang ito at sa lalaking kinaiinisan ko! Sa lalaking ito yata nagmana sa katigasan ng ulo ang mga anak ko.Nakikinig naman ang mga anak ko, pero kapag may gustong gawin, sabihin, at maglaro sa mga bawal, ginagawa talaga nila. Nakasimangot akong sumunod sa kanila dahil pati ang anak kong si baby Molly ay humawak na rin sa kamay ng lalaking ito. Sa isip ko, sinusuntok ko ang mukha ng lalaking ito. Galit na galit ang isip ko sa pagsuntok at sabunot sa lalaki. Masamang tingin pa akong nakatingin sa likuran nito. Bigla itong tumingin sa likuran, sakto namang inambaan ko siya ng su
Chapter 77 Margarita"Ang danda po ng kochi niyo po. Salamat po sa pasakay sa amin," salita ni baby Hollis nang umandar na ang sasakyan. "You're welcome, little boy. Are you happy?" masuyong tanong ni sir Harrison sa anak ko."Opo, happy happy po," masayang sagot niya sabay hagikhik nito. Napapagaan ng anak ng mga anak ko ang loob ko sa simpleng kasiyahan nilang ito. "Huwag kang mabait sa mga bata," mahina kong sabi kay sir Harrison. "Why not?" sabay lingon sa akin."Don't 'why not,' why not me!" sikmat ko. Mahina naman itong tumawa. "Nanay, aaway mo po siya?" singit na naman ni baby Hollis. "Oo... este hindi, baby ko. Sinabi ko lang na mag-drive siya, bawal magsalita," umirap pa ako nang lihim. "Okay lang naman, Nanay, na masalita po siya. Kamay naman po ang gamit sa pagdyab, hindi po labi," napa-facepalm ako sa sagot ng anak ko. Wala na yata akong kakampi dito sa loob ng sasakyan. "Pati ikaw, baby Hollis, bawal ka rin magsalita," seryoso kong sabi. "Papanis po laway natin
Chapter 76 Margarita "Sige po, Attorney Rueda. Salamat po sa advice at sana po matulungan niyo po ang tatay ko," magalang kong sabi. "I'll call Miss Macayan. We are willing to help. Basta magsabi lang ng totoo ang tatay mo para magawan natin ng paraan. Magpapa-imbestiga rin ako sa lugar na pinangyarihan ng krimen," "Maraming salamat po," tumayo na ako. Gusto ko na talagang umalis kanina pa. Kung hindi ko lang kasama ang mga bata, baka kumaripas na ako ng takbo palabas ng opisina. "Sige po, mauna na po kami," hinawakan na ni Lala ang kamay ng anak kong lalaki. Hawak ko naman ang anak kong babae.Hindi puwedeng magtagal kami dito. Ayokong makilala ng mga bata ang lalaking ito. Lumalayo na nga ako, bakit naman pinaglalapit mo kaming dalawa, Panginoon?"Ihahatid ko na kayo. Mainit at mahirap maghintay ng sasakyan sa labas," presente ni sir Harrison.Napasinghap ako ng wala sa oras. Hindi puwede! Ayokong makasama ang lalaking ito. Gulo lang ang dala niya sa buhay ko mula nang awayin
Chapter 75 Harrison Pinapapunta ako ni Attorney Rueda sa opisina niya, hindi naman ako busy ngayon kaya nakadaan ako dito. Balak ko sanang magtungo sa restaurant ulit para makakain sa luto ni Marga. I really miss her, lalo na ang mga luto niya. "I miss my crazy woman big time!" sambit ko. Hindi na ako makapag-concentrate sa trabaho at sa negosyo ko, even sa pagtuturo sa law school, nawala na ako sa focus dahil sa pagkawala ni Marga sa mansyon. Kasalanan ko naman kung bakit bigla siyang umalis. Totoo pala ang kasabihan na saka mo lang ma-realize ang halaga ng isang tao kapag nawala na siya sa buhay mo.Saka ko lang na-realize na hindi ko pala kaya na hindi ko siya makita. Laging hinahanap-hanap ng puso ko ang dalaga. Noong una, hindi ko pa kayang aminin sa sarili ko na nagkakagusto na ako kay Marga. Ang masaklap pa ay hindi ko namamalayan na may malalim na pala akong nararamdaman sa kanya. I love her craziness. "God knows how much I regret hurting Marga. I know to myself that I
Chapter 74Margarita Tuwang-tuwa kami ni Lala na dumarami na ang suki namin. Hindi na rin ito nagtuloy sa trabahong in-apply-an niya dahil hindi nila akalain na mag-boom ang munting karinderya ko. Kaya bumili na rin ako ng medyo malaking kawali at mga lagayan ng mga ulam. Mga anak ko pa rin ang taga-tawag sa mga dumaraan sa tapat ng bahay namin para bumili ng ulam. Lucky charms ko talaga ang dalawang bata na ito.Kadadaldal, hindi nahihiyang magtawag ng mga customer. Minsan, nakikipagbiruan pa sila. May mga galante na nagbibigay ng tips para sa mga bata.Nakalimutan ko pansamantala ang binalita ng kaibigan ko na nasa kulungan ang tatay ko. Ngayong rest day namin ay Thursday, kaya may oras na akong mag-cellphone. Marami na naman akong natanggap na missed calls at messages. Ang kuya ko ang tinawagan ko. Agad naman nitong sinagot ang tawag ko. "Rita, mabuti naman at tumawag ka na. Kumusta ka na?" bungad agad ng kuya ko. "Maayos-ayos naman na ako kahit papaano, Kuya. Kumusta kayo di
Chapter 73 Margarita "Friend, dumating na naman sa restaurant si Joyce at hinahanap ka na naman niya," pagbabalita ni Bela sa akin."Ano na naman ba ang kailangan niya sa akin? Hindi pa ba sapat ang pamamahiya niya sa akin noong nakaraang linggo? Hindi ba siya nagsasawa sa ganung gawain niya? Bwesit siya!" gigil kong sambit. "Ewan ko ba sa babaeng iyon! Binalaan na kita noon, di ba? Kaso hindi ka nakinig sa akin," inis rin na sabi niya sa akin. "Matagal ko na kasi siyang kaibigan at isa pa, pinsan ko siya. Hindi ko naman akalain na ganito na pala ang ginagawa niya sa akin ng hindi ko alam. Naging totoo ako sa kanya, tapos ganito ang isusukli niya sa akin. Lahat sila, niloko nila ako, pinaglaruan ang damdamin ko, inabuso ang kabaitan ko, sinira nila ang tiwala ko sa kanila. Kaya ang hirap na para sa akin ang magtiwalang muli," hindi ko na naman mapigilan ang mapaiyak. "Naiintindihan kita, friend, at least ngayon alam mo na ang totoong ugali ng impakta mong pinsan," alo niya sa aki
Chapter 72Margarita Isang linggo na akong wala nang gana at hindi makapag-isip ng maayos kung anong trabaho ang papasukan ko. Nagdalawang-isip ako kung magluluto na lang ako ng ulam sa labas para ibenta. Kaya lang, matrabaho at kunti lang ang gamit ko sa kusina.Kaya naguguluhan ako at hindi makaisip ng maayos. Dumagdag pa sa kaisipan ko ang ama ng mga anak ko. Sumisiksik siya palagi sa isip ko. Hindi ko naman dapat siya iniisip at hindi ko na siya dapat pang isiping mabuti. Dagdag problema lang siya sa buhay ko.Kinausap ko na rin ang kasama ko dito sa bahay na baka hindi ko na siya kayang sahuran. Naiintindihan naman niya ako at inutusan ko siyang maghanap ng bagong trabaho na pwede niyang pasukan. Ni-recommend ko siya kay Bela, pero sabi wala pang bakante."Ate, tutulungan na lang muna kita magtinda ng ulam sa labas habang wala pa po akong tawag sa in-apply-an ko na trabaho," sabi ng yaya ng mga anak ko."Sige, para may extra income tayong dalawa. At may maidagdag ako sa sahod mo
Chapter 71 Margarita "Okay ka lang?" mahinahon na tanong sa akin ni Sir Harrison. "Opo, salamat!" mahina kong sagot na parang bumalik na naman ako sa dating mahinhin at takot sa amo. "Ihahatid na kita mamaya." "Po? Huwag na po. Salamat na lang. Sige, bye!" Mabilis akong tumakbo palayo kay Sir Harrison. Nakasalubong ko si Sir Mateo sa labas ng restroom at nahiya ako bigla sa kanya. Kailangan ko na siyang kausapin. Bahala na kung pagsisisihan ko ang agarang desisyon na ito. Akala ko tahimik na ang buhay ko, pero bakit mas lalong nagulo pa yata ngayon. Hindi ko na naman mapigilan na sisihin si Sir Harrison sa nangyaring kaguluhan ngayon. Bigla rin akong nahiya nang sabihin ng pinsan ko kay Sir Harrison na mahal ko siya! Gusto kong magsisigaw sa inis, galit, hiya, at sama ng loob. Gusto kong isigaw na noon lang iyon, hindi na ngayon! "S-Sir, pasensiya na po, ahm, gusto ko sanang makausap ka kung hindi ka po busy," lakas-loob kong sabi kahit pa kinakabahan ako. "Sure," tum
Chapter 70 Margarita Sa isang linggo kong pagtatrabaho sa restaurant, parang bago lang ako kung kausapin nila. Kakausapin lang nila ako kapag kailangan o mahalaga. Hindi ko rin alam ang biglaan nilang pagbabago sa pakikitungo nila sa akin. Nasasaktan ako. Nagagalit at naiinis na naman ako sa magkasintahang iyon. Ilang taon na ba ang nakalipas, bakit hindi pa rin sila makamove on? Bwesit talaga ang mga palakang ito! Naiiyak ako dahil parang itchepwera na ako sa kusina. Parang ako na lang ang nagtatrabaho dito. Tumutulong ang iba, pero hindi nila ako kinakausap. Kung mag-uusap man sila, ako ay hindi kasama sa kwentuhan. Nasasaktan talaga ako. Nakakadiri ba akong tao dahil lamang sa tsismis na hindi naman totoo? Naniwala sila sa impaktang iyon kaysa sa kwento ko. Wala naman akong kinalaman sa hiwalayan nila, eh. Anong malay ko sa buhay nila ngayong abala ako sa sarili kong buhay kasama ang mga anak ko? "Rita, may gustong kumausap sa'yo sa labas, kamag-anak mo raw," sabi ng lalaking