Lumipas ng isang linggo tahimik ng mundo niya dahil hindi pa rin dumating boss nila. Tuluyan na din naging normal ang sistema ng katawan niya at pinilit na kalimutan ang pangyayari sa bar.Bandang alas sais naghanda na siyang umuwi, naunang mag-out si Lindsey dahil may pupuntahan ito. Malayo pa lang sa sakayan ng jeep natanaw n aniya nag pamilyar na mukha ng isang lalaki at may dalang bulaklak."Hi Era! For you," wika nito ng makalapit siya.Medyo nag-init ang ulo niya sa dalang nitong bulaklak."Greg, ilang beses ko na sinabi sayo na tapos na tayo diba? Tigilan mo na ang lahat ng ito!" mariing sambit niya."Era, ilang beses na akong nag-sorry di ba, ano bang gusto mong gawin ko para maayos natin relasyon natin?" madilim ang mukha nito mas madilim pa sa kalangitan. Minalas nga naman wala pa naman siyang payong dahil mukhang uulan pa."Greg, wala ka nang aayusin pa, dahil ayoko na! Mahirap bang intindihin iyon?" inis na wika niya.May ilang mga tao na nakatingin sa kanila."Bakit!
Terakhir Diperbarui : 2025-03-10 Baca selengkapnya