Lumipas ng isang linggo tahimik ng mundo niya dahil hindi pa rin dumating boss nila. Tuluyan na din naging normal ang sistema ng katawan niya at pinilit na kalimutan ang pangyayari sa bar.Bandang alas sais naghanda na siyang umuwi, naunang mag-out si Lindsey dahil may pupuntahan ito. Malayo pa lang sa sakayan ng jeep natanaw n aniya nag pamilyar na mukha ng isang lalaki at may dalang bulaklak."Hi Era! For you," wika nito ng makalapit siya.Medyo nag-init ang ulo niya sa dalang nitong bulaklak."Greg, ilang beses ko na sinabi sayo na tapos na tayo diba? Tigilan mo na ang lahat ng ito!" mariing sambit niya."Era, ilang beses na akong nag-sorry di ba, ano bang gusto mong gawin ko para maayos natin relasyon natin?" madilim ang mukha nito mas madilim pa sa kalangitan. Minalas nga naman wala pa naman siyang payong dahil mukhang uulan pa."Greg, wala ka nang aayusin pa, dahil ayoko na! Mahirap bang intindihin iyon?" inis na wika niya.May ilang mga tao na nakatingin sa kanila."Bakit!
Isang haplos sa mukha niya ang naramdaman niya. Pakiramdam niya safe siya sa mga palad na iyon, niyakap ang unan at pinagpatuloy ang pagtulog para damhin ang magandang panaginip na iyon. Isang ungol ang lumabas sa labi niya ng pakiramdam niyang lumapat ang daliri sa labi niya. "Sleepyhead, wake up," masuyong bulong sa tainga niya.Bakit parang totoo iyon dahil sa nadarama niya ang mainit na hininga nito sa kanyang leeg. Nakiramdam siya, alam niya nasa bahay na siya. Hanggang unti-unting inimulat ang kanyang mga mata.Napakurap siya. Isang napaka-gwapong mukha ang sumalubong sa kanya, kilala niya iyon. Pero, bakit nandito ito. Muli siyang pumikit dahil sa antok, alam niya panaginip ito. "Hmmm. . . inaantok pa ako," at muling bumalik sa pagkakidlip.Hanggang biglang nag-sink in ang lahat. Bigla siyang napabangon at sa katarantahan nagkabanggaan ang noo nila."Ouch!" wika ng boss niya na halos panabay sila."Aray!" Hawak sa noo niya. "S-sir! Sorry, nakatulog po ako, uuwi na ba tayo?" i
Marahang ginalaw ang katawan niya ngunit parang may mabigat na bagay na nakadagan dito. Naisip niya na unan lang ito at ikinurap ang mga mata at tumingin sa paligid. Hindi niya kwarto ito saka tumingin sa orasan, alas diyes na mula dito. Sinubukan niyang tanggalin ang nakadangan sa beywang niya pero isang kaba ang naramdaman niya. Mapayapang nakayakap ang boss niya at ang isang legs nito nakadangan pa sa mga hita niya. Pinilit niyang tanggalin iyon pero mukhang mahihirapan siya.Naalala niya na naglagay pa siya ng space sa gitna at naglagay ng unan.Asan na iyon? Ibinaling niya ang paningin sa gilid niya at natagpuan ang hinahanap niya. Tumitig siya sa lalaking kaharap niya. Her boss is perfectly image of man of her dreamsm, but it is only a dream. Malamang pinapantasya din ng ibang babae ang imaheng ito. Muling bumilis ang tibok ng puso niya ng biglang humigpit pa ang yakap nito. Magsalita sana siya ng magmulat ang mata nito ng saglit saka muling pumikit."Babe, let's sleep agai
Halos dalawang araw pa nag tinaggal nila sa rest house at halos hindi sila nagkibuan simula ng mangyari ang eksenang iyon at muli silang bumalik ng trabaho. Hindi na niya naramdaman ang presensya ng boss niya dahil walang report na pinagawa sa kanila si Mrs. Jimenez. Siguro nadala lang ito ng eksena dahil dalawa lang sila s Tagaytay.Panay hikab siya sa trabaho halos isang linggo na rin naramdaman iyon kahit sapat ang tulog niya."Era, parang puyat ka lagi? Ano ba ginagawa ko at mukhang hindi ka natutulog?" Tapik ni Lindsey."Ewan ko ba, halika na kain na tayo. Gutom na ako." wala sa loob na sagot at yaya niya sa kaibigan.Nakatitig lang ito sa kanya."Era, Five minutes pa. Hindi ba kumain tayo ng umagahan at snacks kanina, kailan ka pa naging matakaw sa pagkain?" nakangising wika nito."Ewan ko saiyo lahat na lang napapansin mo." inayos niya ang mga papeles mesa at kumuha ng pera sa bag. " Twelve na, halika na."Hinila niya ito.Pagdating sa canteen wala pang masyadong tao at sila p
Iba ang daan tinatahak ng kanyang boss dahil nag-volunteer itong maghatid sa kanya pero dumaan muna sa isang restaurant at nag-order ng pagkain. Napakunot noo niya, pwede naman ipagawa sa mga tauhan nito at mga maid iyon pero personal na ginawa ng binata kahit ang pag-d-drive ay siya mismo ang gumawa. Huminto sila sa isang gusaling pamilyar sa kaniya pero baka nagkakamali lang siya. "Stay here, may kukuhanin lang ako sa condo." sama umimbis sa sasakyan.Hindi siya mapakali sa kanyang pwesto dahil sa pamilyar ang lugar na iyo sa kanya, dito pala ang condo ng boss niya. Mga ilang minuto lang nakita niyang palabas na ang binata ng gusali. As usual, napakagwapo nito at parang isang perfect na master piece na naglalakad. May kahawig itong isang model at artista pero hindi niya matukoy kung sino. Parang nag-crave siyang yakapin ito. "Hey! Are you okey?" Nasa harap na pala niya ito at hinfi namalayan ang paglapit nito. Napakurap ang mga mata niya, ang hirap naman ipaliwanag nang narar
Hating-gabi nang magising siya at makaramdam ng gutom. Ayaw niya sanang pansinin iyon pero sadyang hindi niya matiis. Lumabas siya at naghanap ng makakain. Medyo maliwanag sa kusina kaya naman kahit alanganin, binuksan niya ang refrigerator. May nakita siyang sandwich doon. Inilabas niya iyon. Kumuha rin siya ng tasa, saka sinalinan iyon ng freshmilk. Bahala na. Palitan na lang niya iyon kapag hinanap ng boss niya. Inilapag niya sa mesa ang mga pagakain, saka kumuha ng tray. Sa kwarto niya na lang kakainin ang mga iyon. "Why didn't you turn on the lights?" At biglang lumiwanag ang paligid. Nabigla naman siya. Kilala niya ang tinig na iyon kahit hindi niya lingunin. "S-Sir. . ." natitigilang wika niya. "S-sorry kung nakialam na ho ako sa kusina ninyo. Ano kasi . . . " Ayaw niyang lingunin ito dahil sa hiya. Nahuli kasi siya nito. Naramdaman niya ang paglapit nito. "It's okay! Are you sure na iyan lang ang kakainin mo? Malamig na ang mga iyan. Much better if you drink hot milk."
Nakagising siyang masakit ang katawan at halos hindi siya makabangon sa tindi ng pagod kagabi. Madaling araw na nga pala iyon.Kinapa niya ang katabi niya pero wala ito at tanging unan na lang ang yakap niya. Kahit masakit ang katawan pinilit niya tumayo at tumingin sa orasan, alas dos na nang hapon kaya pala ang hapdi na nang sikmura niya. Ibinalot ng manipis na kumot ang katawan niya at hinanap ang mga damit na kung saan lang itinapon iyon ng binata. Halos hindi niya maihakbang ang paa sa sakit nang nadarama niya. Muli siyang naupo sa gilid ng kama. Nakapa niya diin ang maayos na nakatuping damit niya at may maliit na note.Eat the food, I'll prepared your breakfast. I'm in the office now, Nanay Nida go there. See you soon and we need to talk about last night.HunterNailagay ito sa dibdib niya at napapikit. Kaya ba niyang harapin ito? A one wild night again pero bakit familiar ang nangyari kagabi. Naipilig niya ang ulo niya. Sinuot na niya isa-isa ang damit niya at inayos ang hig
Maganda na ang pakiramdam niya ng bumangon siya. Hinanap niya si Nanay Nida pero wala sa kusina pagkunwa'y tumingin sa orasan. Pasadong alas singko na pala ng hapon, medyo kumalam na ang sikmura niya at naghanap makakain ng isang doorbell narinig niya.Baka si Nanay Nida, hindi na nagpaalam lumabas. Nagmadali niyang tinungo ang pinto at binuksan iyon.Ngunit isang magandang babae ang bumungad sa kanya. Mukhang pamilyar ang mukha nito kung hindi siya nagkamali ito ang babaeng kahalikan ng boss niya sa opisina. Biglang siyang kinabahan dahil doon."Who are you? "Masungit na wika nito at halos magdikit ang mga kilay nito. "Looks familiar,huh! Where is Hunter?" malakas na wika nito."Ho? Wala po siya dito. Nasa opisina niya." napakunot ang noo niya.Umismid ito."Ako nga ay huwag mong lukuhin, nasa labas ang sasakyan niya," sigaw nito." At teka kayo lang dalawa dito, walang hiya ka! Hindi ba't isa ka sa empleyado niya? Kaya pala pamilyar ang mukha mo." Dalawang kamay nito ang humawak s
Tulalang napatingin siya sa lalaki na titig na titig sa kaniya. "I know you're gonna freak out. But please, hear me out first." Huminga ito nang malalim. "For the very first time that I laid my eyes on your picture, nabighani mo na agad ako. I know it may sound weird, but it's true. Mula noon hindi ka na nawala sa isip ko. Pero nainis ako sa iyo dahil kahit may nangyari na sa atin, hindi mo man ako mapag-ukulan ng pansin. Ipinagpalagay ko na lang na dahil iyon sa kalasingan or sa kung anumang nainom mo nang gabing iyon." Tumigil ito sandali bago nagpatuloy, "But when it happened the second time, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit parang wala lang iyon sa iyo. Alam ko na kahit noong una may tama ka, I know you could at least remember my touch and kisses. Your body remembered that. Dahil hindi mo naman ibibigay ang sarili mo sa akin nang gano-ganoon na lang. But you kept your distance. That's why I asked myself why. Mas lalo pa akong nagtaka nang bigla ka na lang mag-re
Nagising siya nakayakap pa rin ang binata sa kanya. She can't imagine, na ma-inlove agad siya sa boss niya ng ganoon kadaling panahon at ibinigay ng buong-buo ang sarili niya. Mapayapang natutulog ito saka maingat na inalis ang kamay sa beywang niya at pinalitan iyon ng unan. Inayos ang sarili at lumabas ng kwarto. Napadaan siya sa veranda nakita niyang maganda ang ayos nito ngayon, may mga flower decorated at table for two. Napangiti siya dahil sa mga maliit na sunflower sa paligid nito at nagmistulang maliit na garden.May bisita yata si Don Edwardo at sweet naman nito. Tumalikod siya at humakbang palayo doon pero nabanagga niya nag isang bulto ng katawan."I'm sorry~" Napanganga siya at napatingin sa gwapong mukha ng kaharap at halos tumingala siya sa taas nito."Hunter,Akala ko ba natutulog ka sa loob?" Medyo nahiya siya dito dahil first time niyang makita ang mukha ng binata pagkatapos may mangyari sa kanila."Ba
Nakatanaw siya sa bintana mula sa taas at hinihintay ang pagdating ng binata pero wala pa rin ito. Nangawit n aang leeg niya sa kakatingin sa gate pero wala pa rin ito.Tatlong araw simula noong mamasyal sila pagkatapos noon hindi na ito nagparamdam. Ayaw niyang tanunungin kay Nanay Nida baka mahalta siya nito.Pero tuwing umaga may dala ang matanda na mga prutas at isang kumpol ng bulaklak bago ito maglinis ng kwarto niya at inaabot iyon sa kanya kasama ng mga vitamins.Kakatapos lang niyang kumain, lumabas sa may veranda dala ang isang kumpol na maliit na sunflower habang nakatanaw sa tarangkahan."Kainis ka! Hindi man lnag nagpaalam kung saan pupunta!" malakas niyang bulong sa hangin.Namimiss din pala niya ito pati ang amoy nito at kakulitan nito.Kusang tumulo nag luha niya. Bakit napansin niya lately ang bilis niyang makaramdam ng ganito. Hindi naman siya iyakin katulad ngayon.Napatingala siya sa langit saka pinah
Kinabukasan kumain sila kasabay si Don Edwardo, sobrang aliwalas ng mukha nito."Kumusta na pakiramdam mo,hija?" simula nito."Ayos naman po," isang ngiti binigay dito pero nahihiya pa rin siya."Enjoy here, mamaya maraming tao sa labas at magsimula na ang pag-ani. Isama mo siya, hijo." baling sa anak.Hindi na siya tumingin. "Si Nanay Nida na lang po—""Ako na lang, after this dad," seryoso ito.Ano kayang nasa isip ng dati niyang boss. Baka napipilitan lang ito dahil sa utos ng ama, magpahinga na lang siya sa taas.Hindi na siya nagsalita at kumibo.Nauna nagpaalam ang matanda para pumunta sa labas at tingnan ang mga tao sa pag-ani."Come on, let's go outside." inalalayan siya nito."Mauna ka na, magpahinga muna ako sa taas." wika niya.Tumingin sa kanya ito."Masama ba pakiramdam mo?" Umiling siya at deritsong umakyat sa taas. Hindi na niya ito pinansin
AVELLA FARMIsang masaganang paligid ang nakikita niya. Luntiang mga puno at huni lang na ibon ang maririnig sa kigar na iyon. May mga ibat-ibat hayop dito na nadadaanan sila at sa gitna may isang malaking bahay na sa palagay niya ito ang tinutumbok nila.Malayo pa lang natanaw na niya ang isang matandang lalaki sa tingin niya mga nasa sixties na ito. Matikas pa rin kahit may edad na, malawak nag pagkakangiti nito sa kanila."Hey, son. Nice to be back here. How our company in Manila?" masiglang yumakap ang matanda. "And she is. . .?" mas malawak ang ngiti nito sa kanya."Hi Dad! Ayos naman ang first month ko sa business natin at all employees are good. By the way, this is Emerald but they call Era." kinabig siya palapit ng binata at hinapit ang beywang niya. "Sweetheart, Don Edwardo, my dad." Siniko niya ito bahagya bago ngumiti at nag-bless sa matanda."Nice to meet you,hija. Masaya ako at~" "Dad, let's go inside. Wha
"Sir Hunter! Ikaw nag nagdala sa akin dito?" inis na wika niya dito ng makalapit sa kanya ang lalaki.Umurong siya nang dahandahan pero na-out of balance siya saka tumama ang hita sa gilid ng upuan, hindi niya iyon napansin pero imbis na sa semento siya bumagsak ay sa mga bisig ng binata siya napahawak at maingat na isinandal sa dibdib nito. Napapikit siya ng masamyo ang pabango, nagustuhan niya ang amoy na iyon. Simula ng malaman niya na nagdalangtao siya ito na yata ang amoy na hindi niya kayang mawala pa.Pinaglihihan ba niya ito? Muli niyang sa sarili habang nakapikit ang mga mata."Are you okay?" Mahinang bulong nito. Biglang uminit ang ulo niya at ititulak ito."Sir Hunter, this is kidnapping! Pauwin mo na ako. Ano kasalanan ko para ikulong mo dito?" mataas na boses niya nilakasan lang ang loob niya para hindi mahalataang nararamdaman niya."Don't call me sir. I'm not your boss anymore. Remember, you are resigned ." wal
Nakagising siya sa isang malawak na kama at maayos siyang nakahiga doon. Napabalikwas siya ng bangon at mabilis na tumanaw sa bintana. Mula doon makikita mo ang isang malawak at asul na dagat.Hinawakan niya ang katawan kung may nagbago pero mukhang wala naman. Binuksan niya ang pinto, bukas iyon at sumalubong sa kanya ang malakas na hihip ng hangin. Tumingin ulit siya sa kabuuan ng kwarto, nandoon lahat ng gamit niya bumalik siya sa loob at hinanap ang cellphone pero wala ito doon. Kahit na kinakabahan lumabas siya ng kwarto, two storey iyon at ilang baitang pa para mqrating ang malawak na salas.Napakalawak ng bahay na iyon at eleganteng tingnan mukhang buhay hari at reyna ang nakatira dito.Bakit ba siya napunta dito? Asan ang mga tao at dumukot sa kanya? Si Roxanne ba? Ganito ba kayaman ang babaeng iyon. Nasa gitna na siya ng hagdan pero mukhang mahaba pa ang lalakarin niya. Mula sa gitna napatingin siya sa isang malaking chandelier
Dahil sa nangyari nadagdagan ng isang buwan ang kanyang leave at halos tatlong araw na simula ng ihatid siya ng binata sa boarding house ng lumabas siya ng hospital. Puno lagi ng pagkain at prutas ang mesa nila at tuwang-tuwa ang mga kasama niya dahil doon."Pwede ka na ba magkwento sa akin?" wika ni Lindsey na naiwan sa harapan niya. Maagang umalis ang mga kasama nila para pumasok.Tumingin siya dito sa tagal na nila naging magkaibigan, alam naman niya namapagkakatiwalaan ito."I'm pregnant," iyon lang ang namutawi sa labi niya.Saka siya nagkwento ng buo dito.Nakita niya nag pag-awang ng mga labi ng kaibigan."Ibig sabihin, may nangyari sa inyo ni Sir Hunter noong gabing kinuha ka niya sa bar?" bulalas nito.At biglang dumagundong ang mundo niya."Lindsey, ulitin mo nga sinabi mo?" halos hindi lumabas sa bibig niya."Lasing ako noon at wala akong matandaan na nagkita kami pwera na lang sa l
Mausok at maingay pero pinahanap niya sa bodyguard niya ang dalaga. Napakunot ang noo niya ng makita ang isang lalaki na may nilagay na gamot sa baso ng alak at inabot sa isang babae.Hindi siya maaring magkamali."Era!" Malakas na tawag niya.Pero huli na lahat, nainom na nito ang alak. Nakita niya ang pag-asim mng mukha nito, tanda ng hindi gusto ang lasa. Mabilis umpekto ang gamot na iyon, halos lundagin niya ang lalaki nang umakbay ito sa dalaga.Nag-init ng husto nagbulo niya at nabigyan niya ng isang malakas na sundok sa panga nito pero unti-unti natumba ang dalaga kaya binuhat niya ito palabas.Isang senyas ang ginawa niya sa mga kasamahan nito. It's Lindsey, on of his employee and he got approval from her."Jeff, fix this!"Saka mabilis na dindala ang dalaga sa condo niya para maayos niya ang walang malay na dalaga.Bago siya lumabas tiningnan niya kung maayos na ito at binigyan ng tubig."Don't you think it's too hot in here?"Boses ng dalaga na biglang nabuhay pagkakalalaki