All Chapters of Marrying her Billionaire Baby Daddy: Chapter 41 - Chapter 50

62 Chapters

Kabanata 41

Sumikip ang dibdib ni Drake sa narinig. "Saan? Anong oras? What kind of truck? Nakuha mo ba yung plate number?" Sunod-sunod niyang tanong.Kinuha ni Drake ang kanyang cellphone sa mesa para tawagan ang head bodyguard ng mga Yoshida at paimbestigahan ang nangyari at hanapin ang sasakyan na muntik ng makabangga sa lola niya.Mula sila sa mayamang pamilya, kaya hindi imposible na may magtangka sa buhay ng lola niya. Kailangan niyang papanagutin kung sino man iyon at hindi niya talaga ito titigilan. Kahit pa hanapin niya ang salarin sa buong Pilipinas.Mas lalo pang gumaan ang pakiramdam ng matanda sa reaksyon ni Drake. Napatunayan niyang mahal na mahal talaga siya ng kanyang apo. Iwinasiwas niya ang kanyang kamay para patigilin si Drake sa gagawin nito."Hindi na kailangan yan. Ang importante ay maayos lang ako. Tsaka baka naduling lang ang driver kaya hindi niya ako nakita."Hindi naman natinag si Drake sa sinabi ng lola niya. Mas mabuti ng makasiguro siya kaysa magpakampante. "Naniniw
last updateLast Updated : 2025-03-18
Read more

Kabanata 42

Agad na umasim amg mukha ni Drake sa narinig. "Grandma, hindi natin lubos na kilala ang babaeng sinasabi mo. Baka mamaya may hindi magandang background ang pamilya niya. You can't just tell me to make her a new member of our family that easy just because she saved your life."Tila wala namang balak na makinig ang matanda sa mga sinabi niya. "I don't care, Levine. Sa pagsasakripisyo niya palang sa buhay niya para lang iligtas ako, sigurado akong mabuting tao ang babaeng yun."Pinagplanuhan ni Celestina na bigyan ng pabuya ang babaeng nagligtas sa kanya pero hindi niya napigilan ang pag-alis nito. Hindi rin ito nanghingi nang kung anu-ano sa kanya. Sa ilang dekada niya dito sa mundo, hindi pa siya kailanman pumapalya sa pagkilatis ng tao. At sigurado siyang may mabuting puso ang magandang dalaga na tagapagligtas niya.At hindi lahat ng tao ay may ganung pag-uugali kaya naman nais niyang mapabilang ito sa pamilya niya bilang asawa ng pinakamamahal niyang apo.Napailing nalang si Drake hab
last updateLast Updated : 2025-03-19
Read more

Kabanata 43

Isang katok mula sa labas ng pinto ang pumukaw sa malalim na pag-iisip ni Drake. Huminga siya ng malalim at sumandal sa kanyang swivel chair."Come in…"Bumukas ang pinto at iniluwa ang General Manager ng product department para magreport sa kanya. Mula sa kanyang pamamahala sa Dynamic, nagtayo siya ng panibago at malaking luxurious car dealership sa buong Asya. At ngayong tapos na ang preparasyon, magsisimula na silang maghire ng mga sales associate ng naturang branch. "Master Levine, gaya ng utos mo, sa mga malalaking shop ng Dynamic tayo kukuha ng mga sales associate na ilalagay natin sa panibago nating shop…"Ito ang isa sa dahilan ng pagtitipon na naganap kahapon. Maraming prospects ang maaari nilang makuha upang maging customer ng naturang luxurious branch. Iba rin ang benefits para sa mga temple kaysa sa kasalukuyan nilang shops. Mas malaki. Mas galante. Kaya naman halos nagkukumahog ang lahat na makasali.Nagpatuloy sa pagsasalita ang general manager sa harap niya pero maya-
last updateLast Updated : 2025-03-20
Read more

Kabanata 44

"Business trip?" Ulit ni Graciella.Masyadong tuso si Sir Marlou. Kapag umaalis ito papuntang business trip, madalas na ang mga tauhan sa shop na mababa ang sales quota ang sinasama nito. May reward system ang bawat isa sa kanila kapag nakabenta ka at kapag hindi mo naman naabot ang quota, maari ka pang matanggal sa trabaho. At kapag business trip ang usapan, si Sir Marlou ang may hawak ng performance ng empleyado na sasama sa lalaki. Ibig sabihin nun, kalahati ng kita ni Sir Marlou ay mapupunta sa kasama nito. Kaya naman maraming kababaihan ang nagkukumahog na sumama sa dito lalo na sa mga wala pang alam kung anong klaseng lalaki ang manager nila. Kapag nasa opisina sila, tila isang seryosong head ng shop si Sir Marlou pero kapag nasa labas na, nanamantala na ito sa kahinaan ng isang babaeng gaya ni Graciella. At dahil matagal na ito sa kumpanya, lagi nitong nalulusutan ang kabulastugang ginagawa. Iilan na sa mga kasamahan nila ang tumigil sa pagtatrabaho. Ang iba naman ay nagtitii
last updateLast Updated : 2025-03-21
Read more

Kabanata 45

"Ano?!" Gulat na tanong ni Marlou.Muntik pa siyang matumba sa kinatatayuan niya dahil sa kaba. Hindi naman sa pagiging overacting pero napakaliit na branch itong Dynamic Wheels. Ang paglipat sa kanya sa shop na ito ay tila isang parusa sa gaya niyang nagmula sa itaas. Kaya hindi na niya inaasahan pang magagawi dito ang isa sa mga taga Royal Headquarters but look at this now. Narito ang isa sa miyembro na mula doon!Hindi kaya sinusundo na siya para pabalikin sa Dynamic Group of Companies Royal Headquarters?Hindi na siya makapaghintay pa sa kaisipang iyon. Agad niyang inayos ang suot niyang suit para batiin ang bagong dating.Akmang lalabas ng shop si Marlou para batiin ang bisita nila pero naunahan na siya nito. Isang binatang nakasuot ng gray suit at may dalang attache case ang dumating."Mr. Marlou Castillo."Mabilis na bumati pabalik si Marlou sa lalaking kaharap lalo na nang mapagtanto niya kung sino ito. Ang secretary ng special assistant ni Master Levine ang dumating. Hindi n
last updateLast Updated : 2025-03-23
Read more

Kabanata 46

Muli na namang sumagi sa isipan ni Marlou ang pagpapadala ni Graciella ng complaint letter kay Master Levine noong nakaraan. Wala rin siyang nabalitaan na may nobyo ang babae tapos bigla nalang itong mag-aanunsyo na ikinasal na ito?Hindi kaya si Master Levine ang…No!Napakaimposible!Mabilis na iwinaksi ni Marlou ang kaisipang iyon. Langit si Master Levine samantalang isang hamak na empleyado lang si Graciella kaya imposible na magkita ang dalawa. At kung sakali man na may pagkakataon na magkita sila, napapalibutan ng sandamakmak na magaganda at mayayamang babae si Master Levine. Maganda man si Graciella pero malayong-malayo ito sa mga taga-alta sosyedad na kababaihan.At kung sakali man na asawa nga ni Master Levine si Graciella, bakit narito parin ang babae sa Dynamic Wheels? Malamang hindi na ito magpapakahirap pa sa pagtatrabaho dito.Lahat sila alam kung gaano kagusto ni Graciella ng pera at trabaho kaya hindi talaga siya isang Mrs.Yoshida.Nakahinga ng maluwag si Marlou pero m
last updateLast Updated : 2025-03-24
Read more

Kabanata 47

Sandaling natigilan si Kimmy sa tanong ni Graciella. "Hindi ako sigurado pero isang game anchor din kasi si Felip at marami siyang natatanggap na gifts at rewards mula sa mga fans niya. Higit two hundred thousand ang kinikita niya buwan-buwan. Wala man lang katiting sa sweldo ko."Muling tumango si Graciella. "Kung ganun ay magpapatulong tayo sa Kuya Garett ko. Kabisado niya ang mga building dito sa lugar natin lalo pa't kakabukas lang niya ng bagong fruit stand.""Thank you Graciella."Mabilis na lumipas ang oras. Sumapit ang ala-sais ng gabi kung saan inimbita sila ng general manager ng team dinner bilang selebrasyon sa promotion ni Graciella.Maraming ininom si Kimmy dahilan para mag-alala si Graciella kaya't tinawagan niya si Felip gamit ang telepono ng babae.Pagkalipas ng halos dalawampung minuto, isang pamilyar na BMW ang huminto sa tapat ng restaurant."Graciella," ani Felip habang mabilis na naglakad palapit sa kanya. Lasing na lasing na si Kimmy habang mahigpit na nakayakap
last updateLast Updated : 2025-03-24
Read more

Kabanata 48

Napalunok si Owen bago nagsalita. "M—master Levine, pwede po bang magtanong kung ano ang gagawin ninyo sa apartment at doon kayo uuwi?"Mas lalo lang na sumimangot si Drake. Masyadong madaldal itong si Owen ngayong gabi. Ang isa pang kinaiinisan niya, hindi niya akalaing darating ang araw na lolokohin lang siya ng isang babaeng gaya ni Graciella!Kani-kanina lang, napagtanto niyang ang asawa niya ang nagligtas sa kanyang lola kaya naman bahagya siyang nakaramdam ng konsensya dahil sa mga masasamang bagay na iniisip niya sa babae. Pero agad din iyong naglaho dahil sa nakita niya ngayong gabi.How dare her!Paulit-ulit niyang sinabi dito noong bago palang silang magkasama na ayaw niyang gumawa ito ng bagay na maaring makadumi sa pangalan niya habang kasal sila. Kung gusto niya talagang lumandi, pwede namang pagkatapos na ng kalahating taon kung saan magkahiwalay na sila.Pero mukhang hindi yata kayang pigilan ni Graciella ang kati at nakikipagdate na sa lalaking may-ari ng BMW kahit nak
last updateLast Updated : 2025-03-25
Read more

Kabanata 49

"Masaya ka ba?""Ano bang klaseng tanong yan. Syempre oo no! Doble sa sahod ko ang kikitain ko kapag nagsimula na ako doon," masiglang sagot ni Graciella.Hindi pa siya nakakaget-over sa kaisipang doble sa kasalukuyan niyang income ang kikitain niya tapos magaan lang ang trabaho niya.Bahagyang napasimangot si Drake habang nakikita ang masasayang ngiti ni Graciella. Talagang nagniningning ang mga mata nito sa tuwing pera na ang usapan."So, kaya marami tayong pagkain ngayon dahil isa itong selebrasyon?"Muli siyang sumulyap sa mga pagkain na nasa hapag. Isn't it too early to celebrate? Kapag hindi ito nakapasa sa assessment ay hindi rin naman ito tuluyang makakapasok.Tila nahihiya namang tumango si Graciella. "Parang ganun na nga pero ang isa sa mga rason ay nais talaga kitang palasalamatan.""Pasalamatan? Why?""Sobrang hirap ng kumpetisyon para sa position na nakuha ko. Kung tutuusin ay wala naman dapat ang branch namin sa pagpipilian pero nasali parin. Drake, may sinabi ka ba kay
last updateLast Updated : 2025-03-26
Read more

Kabanata 50

Pero aminin man niya o sa hindi, unti-unti ng naglalaho ang galit niya sa babae. Lalo pa't wala siyang kakaibang napapasin sa mga ikinikilos nito at kaswal lang siyang pinagsisilbihan. Hindi niya maiwasang isipin na baka nagkamali lang talaga siya sa nakita niya kanina.At para matapos na ang lahat, napagpasyahan ni Drake na subukan si Graciella.Maingat na inilapag ni Drake ang hawak niyang mangkok bago nagsalita. "Graciella, may nakita akong dalawang partikular na tao kanina sa Burgos Street pero napansin ko na kamukhang-kamukha mo yung babae.""Burgos Street? Inimbitahan kami ng general manager namin kanina para sa team dinner ng Dynamic Wheels. Doon kami sa restaurant na malapit sa sinasabi mo—"Sandaling natigilan si Graciella nang may mapagtanto siya. "Baka nga ako yung nakita mo at ang lalaki naman ay si Felip, kaibigan ko. Teka lang ha."Felip…That's so bold of her to say his lover's name infront of him.Nagkamali lang kaya talaga siya?Habang nag-aalangan siya, nakita niya s
last updateLast Updated : 2025-03-26
Read more
PREV
1234567
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status