Agad na umasim amg mukha ni Drake sa narinig. "Grandma, hindi natin lubos na kilala ang babaeng sinasabi mo. Baka mamaya may hindi magandang background ang pamilya niya. You can't just tell me to make her a new member of our family that easy just because she saved your life."Tila wala namang balak na makinig ang matanda sa mga sinabi niya. "I don't care, Levine. Sa pagsasakripisyo niya palang sa buhay niya para lang iligtas ako, sigurado akong mabuting tao ang babaeng yun."Pinagplanuhan ni Celestina na bigyan ng pabuya ang babaeng nagligtas sa kanya pero hindi niya napigilan ang pag-alis nito. Hindi rin ito nanghingi nang kung anu-ano sa kanya. Sa ilang dekada niya dito sa mundo, hindi pa siya kailanman pumapalya sa pagkilatis ng tao. At sigurado siyang may mabuting puso ang magandang dalaga na tagapagligtas niya.At hindi lahat ng tao ay may ganung pag-uugali kaya naman nais niyang mapabilang ito sa pamilya niya bilang asawa ng pinakamamahal niyang apo.Napailing nalang si Drake hab
Isang katok mula sa labas ng pinto ang pumukaw sa malalim na pag-iisip ni Drake. Huminga siya ng malalim at sumandal sa kanyang swivel chair."Come in…"Bumukas ang pinto at iniluwa ang General Manager ng product department para magreport sa kanya. Mula sa kanyang pamamahala sa Dynamic, nagtayo siya ng panibago at malaking luxurious car dealership sa buong Asya. At ngayong tapos na ang preparasyon, magsisimula na silang maghire ng mga sales associate ng naturang branch. "Master Levine, gaya ng utos mo, sa mga malalaking shop ng Dynamic tayo kukuha ng mga sales associate na ilalagay natin sa panibago nating shop…"Ito ang isa sa dahilan ng pagtitipon na naganap kahapon. Maraming prospects ang maaari nilang makuha upang maging customer ng naturang luxurious branch. Iba rin ang benefits para sa mga temple kaysa sa kasalukuyan nilang shops. Mas malaki. Mas galante. Kaya naman halos nagkukumahog ang lahat na makasali.Nagpatuloy sa pagsasalita ang general manager sa harap niya pero maya-
"Business trip?" Ulit ni Graciella.Masyadong tuso si Sir Marlou. Kapag umaalis ito papuntang business trip, madalas na ang mga tauhan sa shop na mababa ang sales quota ang sinasama nito. May reward system ang bawat isa sa kanila kapag nakabenta ka at kapag hindi mo naman naabot ang quota, maari ka pang matanggal sa trabaho. At kapag business trip ang usapan, si Sir Marlou ang may hawak ng performance ng empleyado na sasama sa lalaki. Ibig sabihin nun, kalahati ng kita ni Sir Marlou ay mapupunta sa kasama nito. Kaya naman maraming kababaihan ang nagkukumahog na sumama sa dito lalo na sa mga wala pang alam kung anong klaseng lalaki ang manager nila. Kapag nasa opisina sila, tila isang seryosong head ng shop si Sir Marlou pero kapag nasa labas na, nanamantala na ito sa kahinaan ng isang babaeng gaya ni Graciella. At dahil matagal na ito sa kumpanya, lagi nitong nalulusutan ang kabulastugang ginagawa. Iilan na sa mga kasamahan nila ang tumigil sa pagtatrabaho. Ang iba naman ay nagtitii
"Ano?!" Gulat na tanong ni Marlou.Muntik pa siyang matumba sa kinatatayuan niya dahil sa kaba. Hindi naman sa pagiging overacting pero napakaliit na branch itong Dynamic Wheels. Ang paglipat sa kanya sa shop na ito ay tila isang parusa sa gaya niyang nagmula sa itaas. Kaya hindi na niya inaasahan pang magagawi dito ang isa sa mga taga Royal Headquarters but look at this now. Narito ang isa sa miyembro na mula doon!Hindi kaya sinusundo na siya para pabalikin sa Dynamic Group of Companies Royal Headquarters?Hindi na siya makapaghintay pa sa kaisipang iyon. Agad niyang inayos ang suot niyang suit para batiin ang bagong dating.Akmang lalabas ng shop si Marlou para batiin ang bisita nila pero naunahan na siya nito. Isang binatang nakasuot ng gray suit at may dalang attache case ang dumating."Mr. Marlou Castillo."Mabilis na bumati pabalik si Marlou sa lalaking kaharap lalo na nang mapagtanto niya kung sino ito. Ang secretary ng special assistant ni Master Levine ang dumating. Hindi n
Muli na namang sumagi sa isipan ni Marlou ang pagpapadala ni Graciella ng complaint letter kay Master Levine noong nakaraan. Wala rin siyang nabalitaan na may nobyo ang babae tapos bigla nalang itong mag-aanunsyo na ikinasal na ito?Hindi kaya si Master Levine ang…No!Napakaimposible!Mabilis na iwinaksi ni Marlou ang kaisipang iyon. Langit si Master Levine samantalang isang hamak na empleyado lang si Graciella kaya imposible na magkita ang dalawa. At kung sakali man na may pagkakataon na magkita sila, napapalibutan ng sandamakmak na magaganda at mayayamang babae si Master Levine. Maganda man si Graciella pero malayong-malayo ito sa mga taga-alta sosyedad na kababaihan.At kung sakali man na asawa nga ni Master Levine si Graciella, bakit narito parin ang babae sa Dynamic Wheels? Malamang hindi na ito magpapakahirap pa sa pagtatrabaho dito.Lahat sila alam kung gaano kagusto ni Graciella ng pera at trabaho kaya hindi talaga siya isang Mrs.Yoshida.Nakahinga ng maluwag si Marlou pero m
Sandaling natigilan si Kimmy sa tanong ni Graciella. "Hindi ako sigurado pero isang game anchor din kasi si Felip at marami siyang natatanggap na gifts at rewards mula sa mga fans niya. Higit two hundred thousand ang kinikita niya buwan-buwan. Wala man lang katiting sa sweldo ko."Muling tumango si Graciella. "Kung ganun ay magpapatulong tayo sa Kuya Garett ko. Kabisado niya ang mga building dito sa lugar natin lalo pa't kakabukas lang niya ng bagong fruit stand.""Thank you Graciella."Mabilis na lumipas ang oras. Sumapit ang ala-sais ng gabi kung saan inimbita sila ng general manager ng team dinner bilang selebrasyon sa promotion ni Graciella.Maraming ininom si Kimmy dahilan para mag-alala si Graciella kaya't tinawagan niya si Felip gamit ang telepono ng babae.Pagkalipas ng halos dalawampung minuto, isang pamilyar na BMW ang huminto sa tapat ng restaurant."Graciella," ani Felip habang mabilis na naglakad palapit sa kanya. Lasing na lasing na si Kimmy habang mahigpit na nakayakap
Napalunok si Owen bago nagsalita. "M—master Levine, pwede po bang magtanong kung ano ang gagawin ninyo sa apartment at doon kayo uuwi?"Mas lalo lang na sumimangot si Drake. Masyadong madaldal itong si Owen ngayong gabi. Ang isa pang kinaiinisan niya, hindi niya akalaing darating ang araw na lolokohin lang siya ng isang babaeng gaya ni Graciella!Kani-kanina lang, napagtanto niyang ang asawa niya ang nagligtas sa kanyang lola kaya naman bahagya siyang nakaramdam ng konsensya dahil sa mga masasamang bagay na iniisip niya sa babae. Pero agad din iyong naglaho dahil sa nakita niya ngayong gabi.How dare her!Paulit-ulit niyang sinabi dito noong bago palang silang magkasama na ayaw niyang gumawa ito ng bagay na maaring makadumi sa pangalan niya habang kasal sila. Kung gusto niya talagang lumandi, pwede namang pagkatapos na ng kalahating taon kung saan magkahiwalay na sila.Pero mukhang hindi yata kayang pigilan ni Graciella ang kati at nakikipagdate na sa lalaking may-ari ng BMW kahit nak
"Masaya ka ba?""Ano bang klaseng tanong yan. Syempre oo no! Doble sa sahod ko ang kikitain ko kapag nagsimula na ako doon," masiglang sagot ni Graciella.Hindi pa siya nakakaget-over sa kaisipang doble sa kasalukuyan niyang income ang kikitain niya tapos magaan lang ang trabaho niya.Bahagyang napasimangot si Drake habang nakikita ang masasayang ngiti ni Graciella. Talagang nagniningning ang mga mata nito sa tuwing pera na ang usapan."So, kaya marami tayong pagkain ngayon dahil isa itong selebrasyon?"Muli siyang sumulyap sa mga pagkain na nasa hapag. Isn't it too early to celebrate? Kapag hindi ito nakapasa sa assessment ay hindi rin naman ito tuluyang makakapasok.Tila nahihiya namang tumango si Graciella. "Parang ganun na nga pero ang isa sa mga rason ay nais talaga kitang palasalamatan.""Pasalamatan? Why?""Sobrang hirap ng kumpetisyon para sa position na nakuha ko. Kung tutuusin ay wala naman dapat ang branch namin sa pagpipilian pero nasali parin. Drake, may sinabi ka ba kay
"Uhm… Kuya Garett, Ate Cherry siya nga pala si—""Drake. Tawagin niyo nalang po aking Drake," singit ng lalaki.Bahagya pa itong humakbang paatras at iminuwestra sa kanyang kapatid at asawa nito na maupo sa sofa nila. Kahit na malamig ang ekspresyon sa mukha ng lalaki, makikita parin ang mataas nitong respeto para sa pamilya niya.Mas lalo pang gumaan ang loob ni Garett sa ikinikilos ni Drake. Salungat kay Gavin na tila takot na takot habang palihim na sumusulyap may Drake.Masyado siyang nahihiya ngayon. Ang sabi ng mga magulang niya kanina pupuntahan lang nila si Tita Graciella niya. Nagtataka siya at hindi pamilyar ang lugar na pinuntahan nila tapos may nakakatakot pa na lalaki na kasama ng Tita niya. Kaya naman nagtago siya sa likuran ng kanyang Daddy Garett at kalahati lang ng kanyang mukha ang ipinakita niya habang nakasilip.Marahan namang hinagod ni Garett ang buhok ni Gavin bago nagsalita. "Wag ka ng mahiya, Gavin. Si Tito Drake mo iyan. Mag-hello ka sa kanya."Muli namang tu
"Sigurado kang tapos na'to?" Tanong ni Graciella.Lumapit siya sa sink at sinipat ng tingin ang petchay. Agad na nahagip ng kanyang mga mata ang maliliit na putik na dumikit sa dahon nito. Nagsalubong naman ang kilay ni Drake. Mali pala ang ginawa niya? Kailangan palang isa-isahin ang bawat dahon ng mga gulay para malinisan talaga?Umangat ang sulok ng labi ni Graciella. Hindi niya aakalain na hindi marunong maghugas ng gulay si Drake. Kahit nga ang pamangkin niyang si Gavin na limang taong gulang palang, alam ang bagay na pinapagawa niya sa lalaki.Pero hindi naman niya ipinakita kay Drake ang reaksyon niya bagkus ay tinuruan niya ang lalaki para matuto ito. "Kahit na mukhang malinis na tingnan yung gulay, may mga naiiwan paring kaunting putik sa dahon o di kaya ay sa ugat niyan. Pero hindi naman yan madumi, kung tutuusin healthy ang ganitong gulay kasi halatang sa farm pa galing at walang masyadong kemikal. Kailangan lang talaga na hugasan ng maayos," malumanay niyang paliwanag.Tu
"You're wounded! C'mon! Dadalhin kita sa ospital!" Natatarantang wika ni Drake.Mabilis na umiling si Graciella at pigilan si Drake nang akmang aakayin na siya nito palabas ng kusina. "Ayos lang ako. Konting sugat lang 'to. Huhugasan ko lang to ng tubig at lalagyan ng band-aid."Nang magsimulang magluto si Graciella noong dalawampung taong gulang palang siya, halos hindi siya marunong gumamit ng kutsilyo kaya madalas siyang nasusugatan.Ang pinakamalaking sugat na natamo niya ay noong nagbabalat siya ng patatas. Nang subukan niyang linisin ang maliit na butas ng patatas, lumihis ang kutsilyo at dumiretso sa kanyang palad. Malalim ang naging sugat niya at malakas pa ang pagdurugo.At dahil mahirap lang sila, wala siyang ipinambili ng gamot kaya naman, nilagyan lang niya iyon ng halamang gamot na kinuha pa niya likod-bahay nila. Umabot pa ng halos kalahating buwan bago naghilom ang sugat niya. Nang magkaroon siya ng pera ay pinatingnan niya iyon sa doktor. Wala namang naging kumplikasy
Narinig niya ang pabulong na pagsasalita ni Owen sa kabilang linya na para bang kinakausap nito ang sarili. Sigurado siyang kung anu-anong senaryo na naman ang pumapasok sa isipan nito kaya naman agad niyang iniba ang usapan."Anong balita kay Grandma?""Narinig ko pong nagpabili siya sa isa sa mga housekeeper ng panibagong tela dahil balak niyang manahi," sagot ni Owen.Nakahinga ng maluwag si Drake sa narinig. Kahit na sinabi ng matanda na balak nitong ipahanap ang nagligtas sa buhay nito at gawing isang ganap na Yoshida, mukhang nakalimutan na yata iyon ng matanda na ipinagpasalamat niya. Suportado niya ito sa kung anuman ang balak nitong gawin pwera lang sa pamimilit sa kanya na magpakasal na."Sabihan mo ang mga guards at kasambahay na bantayang maigi si Grandma dahil kung mauulit pa ang nangyari noong nakaraan, sila ang mananagot sakin.""Masusunod po, Master Levine," agaran na tugon ni Owen.Saktong pagkatapos niyang makausap si Owen, narinig niya ang papalapit na yabag ni Grac
Habang nalilibang siya sa panonood kay Graciella, tumunog ang kanyang cellphone. Nang tingnan niya ang caller ay nakita niyang si Owen iyon."What's the matter?" Kaswal niyang bungad."Master Levine, kumunsulta po ako ng legal adviser kaninang umaga. Kung gusto niyo pong idivorce si Miss Santiago, kailangan po ninyong dumaan sa one month cooling period pero kung hindi na talaga kayo makapaghintay pa, pwede naman po kayong magfile agad. Hindi ko lang po alam kung may mga properties po kayong paghahatian—""Huh? Bakit ka kumunsulta ng legal adviser?" Putol ni Drake sa sasabihin sana ni Owen sa pagalit na paraan. Natigilan naman si Owen sa naging reaksyon ni Drake sa sinabi niya. "Uh, hindi po ba nagmamadali kayong umuwi ng apartment kagabi dahil galit kayo kay Miss Santiago at nais ninyong makipagdivorce sa kanya?" Naguguluhan niyang tanong.Sinadya niya talagang kumunsulta ng palihim sa isang private consultant dahil baka kumalat sa media ang tungkol sa kasal ng boss niya kay Miss San
"Hello po, Sir, meron po kaming latest brand ng pressure cooker na binuo mula sa pinakabagong teknolohiyang panggatong na binuo sa Germany na siyang most rice consumer sa buong mundo. Kapag ito po ang ginamit ninyo, para narin kayong nagsaing ng kanin gamit ang kahoy na panggatong lalo pa't pinapalabas nito ang natural na aroma ng bigas. Nakasale po tayo at ten percent discount at… kapag binili mo itong pressure cooker kasama ang steamer at electric cooker, may twenty percent discount po kayo na may kasama ng three packs nitong well milled rice!"Mahabang litaniya ng saleslady na wala ng balak pa na lubayan si Drake. Hindi magaling si Drake sa pakikipag-usap sa mga sales lady ng mall lalo na ang madaldal na kagaya nitong kaharap niya. Madalas kasi kapag may pinapabili siya, si Owen ang namamahala ng mga orders niya pero iba itong si Graciella."Hindi ba't China ang pinakamalaking percentage ng rice consumer sa buong mundo? Hindi ko alam na napalitan na pala ng Germany," kaswal na pun
Kinabukasan ay bumili ulit si Graciella ng agahan nila. Dahil kinain naman ni Drake ang pancake na binili niya noong nakaraan, bumili siya ulit para sa lalaki at sinamahan pa niya ng wonton soup.Bahgyang napangiwi si Drake sa amoy ng mantika pero nang matikman na niya ang sabaw ay nawala narin ang pangit niyang ekspresyon. Gaya ng gusto ni Graciella, lumilitaw ulit sa sa kutsay ang wonton soup. Bumagay naman iyon sa lasa ng sabaw kaya ayos narin.Habang kumakain si Drake, nakita niya si Graciella na may maraming pandesal sa pinggan nito. "Hindi ka yata kumain ng burger ngayon?""Hindi ako bumili. Gusto mo ba ng burger?"Mabilis namang umiling si Drake. "Hindi."Kung nataon na noong hindi pa niya lubos na kilala si Drake, iisipin niyang galit ang lalaki pero ngayong medyo nasanay na siya sa mukha nito, masasabi niyang kahit na nakasimangot ito o minsan ay nakakatakot ang mga mata kung tumitig gaya ngayon habang tumatanggi ito sa kanya, talagang normal lang iyon sa lalaki."Nakakasawa
Mabilis namang natigilan si Drake nang mapagtanto ang kanyang ginawa. Baka mamaya isipin ni Graciella na masyado siyang padalos-dalos pagdating sa paggastos ng pera."Inirekomenda sa akin ng kaibigan ko yan. Kahit medyo may kamahalan, matibay naman. At gagamitin natin yan sa loob ng mahabang panahon kaya sulit parin," matabang niyang paliwanag.Talagang hindi na kapani-paniwala ang sarili niya. Siya na may-ari ng Dynamic Group of Companies nagpapaliwanag pa sa babae sa bagay na binili niya kahit na sariling pera naman niya ang ginamit niya?! Nakakatawa na talaga siya. Sa kabilang banda, naniniwala naman si Graciella na may kalayaan parin ang bawat isa sa kanila sa paggastos ng kani-kanilang pera. Yun nga lang, wala siyang balak na hayaan pa si Drake na mamili sa ibang bagay. "Darating na sina Kuya bukas kaya sa mall nalang ako mamimili ng iba pang kulang natin dito dahil kung sa online tayo oorder, aabot pa ng dalawa o tatlong araw bago darating," paliwanag niya. Nakahinga ng maluw
"B—bakit mo ako binigyan ng ganyan? Diba may inabot ka na sakin noong nakaraan?" Naguguluhang tanong ni Graciella."Para yun sa mga gamit dito sa bahay. Tapos ito naman para sa pang-araw araw nating gastusin dito sa bahay. Kailangan mong mamili ng mga rekados kung magluluto ka kaya ito ang gamitin mo. Magtatransfer ako ng pera diyan buwan-buwan."Mabilis na umiling si Graciella. "Diba nag-usap na tayo noong nakaraan na sayo ang malalaking halaga ng gamit dito sa bahay tapos akin ang maliliit. Isa pa, mura lang naman ang mga gulay sa palengke."Ayaw niyang abusuhin ang kabaitan ni Drake. Pero pagkatapos niyang magsalita, pinukol siya nito ng isang masamang titig para ipaabaot sa kanya na hindi nito nagugustuhan ang sinabi niya. Wala na tuloy siyang nagawa kundi tanggapin nalang ang panibagong ATM card na ibinigay nito.Hindi niya tuloy maiwasang lihim na magmaktol.May usapan na sila pero bakit pabago-bago ang isipan ni Drake tungkol sa napagkasunduan nila?Tapos sabi pa nito noon na l