Sa sumunod na oras, itinuro niya sa akin ang mga tamang paraan ng paghawak sa kutsilyo, paano ito gamitin sa depensa, at kung paano umatake nang hindi agad matatalo. Paulit-ulit kaming nag-ensayo. Paulit-ulit akong bumagsak. Pero sa bawat pagkadapa, bumabangon ako. Hanggang sa unti-unti, natutunan kong basahin ang mga kilos niya. Sa isa sa mga sumunod na pagtatangka ko, nang sinubukan niyang agawin ang kutsilyo mula sa akin, mabilis akong umatras, umiwas, at sa unang pagkakataon, ako naman ang nakahawak sa braso niya. Isang mabilis na galaw, at naitulak ko siya pabalik. Nagtagpo ang mga mata namin. Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Ngumiti ako. "Mukhang hindi na ako gano'n kabagal, ah?" Tumawa siya nang mahina. "Hindi pa tayo tapos, Samanth
Last Updated : 2025-03-08 Read more