Home / Romance / Hating My Possessive Husband / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Hating My Possessive Husband : Chapter 11 - Chapter 20

42 Chapters

Chapter 11

Para akong lumulutang sa kawalan. Nakita ko ang sarili kong nakatayo sa isang malawak na silid, napapalibutan ng anino ng nakaraan. Sa harapan ko, may isang babae—mahaba ang buhok, nakasuot ng puting bestida, at tila lumulutang ang presensya niya sa hangin. Hindi ko makita ang kanyang mukha, pero alam kong kilala ko siya. "Samantha..." Mahinang tinig ang tumawag sa akin, puno ng dalamhati at babala. "Sinong—?" Hindi ko natapos ang tanong ko dahil biglang nagbago ang paligid. Nagising ako sa tunog ng isang makina—parang monitor na bumibilis ang pagtunog. Dahan-dahan akong dumilat, pero bumungad sa akin ang mapusyaw na ilaw ng isang kisame. May matinding kirot sa katawan ko, parang tinanggalan ako ng lakas. Nasa isang silid ako—hindi ito pamilyar. Ang kama ay malambot, ang hangin ay amoy gamot, at may nararamdaman akong malamig na bakal na nakatusok sa kamay ko—dextrose. "Sa
last updateLast Updated : 2025-02-28
Read more

Chapter 12

Hindi ko namalayan na mahigpit kong hawak ang kwintas. Ang puso ko, bumibilis ang tibok sa kaba at galit na hindi ko maitago. Ano pa ba ang kailangan kong malaman? Ano pang kasinungalingan ang ipapakita niya sa akin? Napatingin ako sa paligid ng silid—walang bintana, isang pintuang hindi ko alam kung may susian mula sa loob. Malambot ang kama, maayos ang mga gamit, pero kahit gaano ito kaganda, alam kong isa itong kulungan. Pinilit kong bumangon. Mahina pa rin ang katawan ko, pero hindi ko pwedeng basta na lang manatili rito at maghintay sa anong sorpresa ang pinaplano ni Krim. Kung totoo nga ang hinala ko—kung wala na si Lucia—wala na akong ibang aasahan. Kailangan kong makaalis. Nilapitan ko ang pinto at marahang hinawakan ang hawakan nito. Dahan-dahan, sinubukan kong itulak—sarado. Hindi na ako nagulat, pero hindi rin ako susuko. Sinubukan kong kalabitin ang doorknob, baka sakaling hindi naka-lock, pero walang epekto
last updateLast Updated : 2025-02-28
Read more

Chapter 13

Habang patuloy kaming tumatakbo ni Elara sa makipot at madilim na pasilyo, hindi ko maiwasang lingunin ang dinaanan namin. Sa likuran, naririnig ko ang mahihinang tunog ng yabag—hindi ko alam kung may nakapansin sa pagkawala ko o kung may paparating na bantay. “Huwag kang titigil,” bulong ni Elara habang mahigpit na hawak ang kamay ko. Napansin kong paliko-liko ang dinadaanan namin, na parang mas lumalalim pa kami sa loob ng gusali imbes na palabas. Napakunot ang noo ko. “Elara… saan mo ba ako dadalhin?” Hindi siya agad sumagot. Nang makarating kami sa dulo ng pasilyo, saglit siyang huminto at sinilip ang paligid bago humarap sa akin. “Alam kong gusto mong makatakas, pero hindi mo magagawa ‘yan kung hindi mo alam ang buong katotohanan,” aniya sa mababang tinig. Muli kong naalala ang papel na iniwan niya sa akin. "Huwag kang maniniw
last updateLast Updated : 2025-03-01
Read more

Chapter 14

Mabilis ang pangyayari. Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa loob ng silid. Napasinghap ako, awtomatikong napaatras habang hinila ako ni Elara papalayo kay Krim. Sa gilid ng paningin ko, nakita ko ang folder na naglalaman ng aking pagkatao—tumilapon sa sahig, ang mga papel nagkalat sa paligid. Nakita kong naglakad si Krim papasok, hindi inaalis ang tingin sa akin. Sa ilalim ng malamig na ilaw, nakita ko ang bahagyang ngiti sa kanyang labi. Hindi iyon ngiti ng kasiyahan—iyon ay isang ngiti ng taong may hawak ng kapalaran ko. “Samantha Villacruz,” aniya, binibigkas ang pangalang hindi ko pa rin matanggap. “Sa wakas, alam mo na rin ang totoo mong pangalan..” Umiling ako. “Hindi. Hindi ako si Samantha Villacruz!” Tumawa siya nang mahina. “Nakakatawa, hindi ba? Buong buhay mo, iba ang trato nila sayo
last updateLast Updated : 2025-03-02
Read more

Chapter 15

Madilim ang lagusan. Halos wala akong makita habang mabilis kaming tumatakbo sa makipot na pasilyo. Ang amoy ng lumang kahoy at alikabok ay kumakapit sa hangin, at bawat hakbang ko’y nag-iiwan ng pangamba—hindi lang dahil sa maaaring humabol sa amin, kundi dahil sa mga sinabi ni Krim bago kami tumakas. "Ikaw ang susi, Samantha. Hindi mo naiintindihan, pero kapag lumabas ka ng silid na ‘to… magsisimula ang gulo.” Ano ang ibig niyang sabihin? “Malapit na tayo,” bulong ni Elara, hindi lumilingon. “Huwag kang titigil.” Pero bago pa ako makasagot, biglang dumagundong ang paligid. Niyanig ng malakas na tunog ang pasilyo—isang bagay ang sumabog sa di kalayuan, at sa isang iglap, nagsimula nang gumuho ang mga dingding. “Bilisan mo!” sigaw ni Elara, hinawakan ako sa braso at hinila palapit sa isang lumang bakal na pinto. Mabilis niyang pinihit ang hawakan—pero hindi i
last updateLast Updated : 2025-03-02
Read more

Chapter 16

Ang kaba sa dibdib ko ay hindi pa rin humuhupa. Sa loob ng sasakyan, ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko habang nakatitig sa duguang si Krim. Hawak niya ang sugatang tagiliran, pero kahit mahina, hindi nawawala ang matalim niyang tingin. "Kamusta Samantha?" may bahid ng pang-aasar sa boses niya, pero halatang pinipilit niya lang maging kalmado. "Huwag kang magsalita," singit ni Elara habang pilit niyang ginagamot ang sugat ni Krim gamit ang isang punit na tela mula sa kanyang damit. "Dapat natin siyang madala sa ligtas na lugar." Napatingin ako sa paligid. Ang bilis ng takbo ng sasakyan, tila gusto naming matakasan ang hindi lang ang mga lalaking humabol sa amin, kundi pati ang bangungot na dala ng buong sitwasyong ito. "Anong nangyari sa’yo?" tanong ko kay Krim. Napangisi siya kahit halatang masakit ang sugat niya. "Pinaglalaruan lang ako nang kaunti. Pero
last updateLast Updated : 2025-03-03
Read more

Chapter 17

Humigpit ang pagkakahawak ko sa upuan habang patuloy na umaandar ang sasakyan sa bilis ng takbo nito. Ramdam ko ang matinding kaba sa dibdib ko—hindi lang dahil sa rebelasyong nalaman ko, kundi dahil sa tiyak na panganib na humahabol sa amin. "Elara, bilisan mo!" sigaw ni Krim habang sinusubukang itaas ang baril niya, pero halata sa mukha niyang wala siya sa kondisyon para lumaban. Mabilis na sumilip si Elara sa likuran, at sa isang iglap, nagpaputok siya ng dalawang beses. Pumutok ang windshield ng isa sa mga sasakyan sa likod namin, dahilan para bahagya itong lumihis ng direksyon. "Isa pa!" sigaw ni Krim. Pero bago pa makapagpaputok ulit si Elara, bumukas ang bintana ng kabilang sasakyan at may lumabas na lalaking armado. "Tangina!" halos sabay naming sigaw ni Elara nang makita naming itinutok ng lalaki ang armas niya sa gulong ng sasakyan namin. Isang putok ng baril ang
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more

Chapter 18

Dahan-dahan kong iniangat ang mga kamay ko, na parang sumusuko. "Sige, sumasama na ako. Pero pakawalan mo siya." Natawa ang lalaki. "Matalino ka, pero hindi ganun kadali—" Hindi ko na siya hinayaang tapusin ang sasabihin niya. Sa isang mabilis na galaw, inihagis ko ang patalim na hawak ko diretso sa braso niya. "AARGH!" sigaw niya nang bumaon ang kutsilyo sa laman niya, dahilan para mabitawan niya si Elara. Sa parehong segundo, gumalaw si Elara—isang mabilis na sipa sa pagitan ng mga hita ng lalaki, sinundan ng suntok sa panga. Nabitawan niya ang baril. Kahit masakit ang katawan ko, mabilis akong sumugod, kinuha ang baril sa sahig at itinutok iyon sa kanya. "Subukan mong gumalaw at tatapusin kita," malamig kong sabi. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang tapang kong iyon, pero sa ngayon, hindi ko kayang magpakita ng kahinaan.
last updateLast Updated : 2025-03-05
Read more

Chapter 19

Si Krim ay nakasandal na sa upuan, mahigpit na hawak ang sugatang tagiliran. Mas lalo siyang namumutla, at kahit anong tapang ang ipakita niya, alam kong lumalaban siya sa sakit. “Elara, may alam ka bang ligtas na lugar?” tanong ko, hindi inaalis ang tingin sa kalsada. “Samantha, hindi pwedeng kahit saan lang tayo pupunta,” sagot niya, nilingon si Krim. “Kailangan natin ng doktor.” “Tangina, alam ko! Pero saan?” Nag-isip siya saglit, saka bumunot ng cellphone. “May isang safehouse sa labas ng siyudad. May contact akong doktor na pwedeng pumunta roon.” “Sigurado ka bang hindi tayo mahahanap doon?” “Wala tayong ibang choice.” Tumango ako at pinanatili ang bilis ng takbo ng sasakyan. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. Kahit pa nakatakas kami, alam kong hindi pa tapos ang laban.
last updateLast Updated : 2025-03-06
Read more

Chapter 20

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Ramdam ko ang malamig na bakal ng baril na nakatutok sa akin—ang lalaking naka-itim ay nakangisi, tila nag-aabang ng takot sa mga mata ko. "Akala mo makakatakas ka, ha?" bulong niya, mababa pero puno ng panunuya. Narinig kong napamura si Elara habang dahan-dahang iniangat ang baril niya, pero bago pa siya makagalaw— isang putok ng baril ang narinig koNapapikit ako, pero hindi ako tinamaan. Nang imulat ko ang mga mata ko, nakita kong bumagsak ang lalaki sa sahig, duguan. Si Krim ang nagpaputok. Hawak niya ang baril niya gamit ang nanginginig na kamay, pero kahit sugatan, sapul parin ang kanyang tama. "Samantha, takbo na!" sigaw niya. Mabilis akong napayuko habang sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa loob ng bahay. Lumundag si Elara patungo sa kabilang bahagi ng dingding, nagpapalit ng magasin sa baril niya. “May paparating pang iba!” sig
last updateLast Updated : 2025-03-06
Read more
PREV
12345
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status