Share

Chapter 23

last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-09 00:14:56

Lumapit ako sa kanya. "Zion."

Tumingin siya sa akin. "Hindi ka makatulog?"

Umiling ako. "Wala akong balita kina Krim at Elara."

Saglit siyang nanahimik, pero may bumakas sa mukha niyang pag-aalinlangan.

"may nalalaman kaba?" tanong ko agad.

Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "may nalaman ako."

Napatigil ako. "Nalaman mo na ang alin?!"

Tumango siya. "May mga contact ako. Sinubukan kong ipahanap sila, at may natanggap akong impormasyon."

Lumapit ako sa kanya, naninikip ang dibdib ko. "Ano ang nangyari sa kanila, Zion?!"

Tumingin siya diretso sa mga mata ko.

"Buhay pa sila, Samantha."

Halos mawalan ako ng lakas sa narinig ko. Napaluhod ako, napakapit sa dibdib
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 24

    Huminga siya nang malalim bago nagsalita. "Hindi aksidente ang lahat ng ito, Samantha." Napakuyom ang mga kamao ko. Hindi ko alam kung paano tatanggapin ang sinabi niya. "Nang una kitang makita... hindi lang ako basta isang estrangherong nakilala mo sa hindi sinasadyang pagkakataon. Alam ko na kung sino ka bago pa man kita lapitan." Sinadya kong magkautang ang mga kinilala mong magulang sa akin para hingin kang kapalit. Mas lalo akong nanlamig sa sinabi niya. "Ano'ng ibig mong sabihin?" bulong ko, pero dama ang panginginig ng boses ko. "Tumanggap ako ng isang misyon," sagot niya, diretso ang tingin niya sa akin. "Ito ay para bantayan ka ,protektahan ka. at kung kinakailangan… alisin ang sino mang lalapit sa'yo na maaaring maglagay sa'yo sa peligro."

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-10
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 25

    Ramdam ko ang bigat ng sitwasyon. Hindi ako sanay sa ganito—hindi ako sundalo, hindi ako trained na pumatay ng tao. Pero wala akong choice. Kung hindi ko ipagtatanggol ang sarili ko, siguradong mamamatay ako dito. Kailangan kong lumaban. Tahimik akong huminga nang malalim, pinipilit pakalmahin ang sarili ko. Isang malakas na putok ng baril ang bumasag sa katahimikan. Nakita kong bumagsak ang isa sa mga kalaban. "one down," malamig na sabi ni Zion, hawak pa rin ang baril niya. Doon na nagsimula ang tunay na bakbakan. Isa sa mga lalaking may hawak ng rifle ang sumilip sa bintana ng warehouse at pinaputukan kami. Mabilis kaming nagkubli sa likod ng lamesa. Ang tunog ng bala na tumatama sa metal at kahoy ay nagpagising sa lahat ng senses ko.

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-11
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 26

    Tahimik ang loob ng sasakyan maliban sa bahagyang ugong ng makina. Ilang oras na kaming nasa biyahe, dumaan sa ilang kalye at lumiko sa mga hindi mataong daan upang matiyak na walang sumusunod sa amin. Napansin kong lalong namutla si Krim. Hawak pa rin niya ang sugatang tagiliran, pero ngayon ay mas mahigpit na, animo'y nilalamig kahit pa mainit sa loob ng sasakyan. Hindi ko mapigilang magtanong kung saan kami papunta "Saan ba tayo pupunta Elara?" "Pupunta tayo sa isa sa mga property ni krim at malapit na tayo," mahina pero matigas ang boses ni Elara, na patuloy na nagmamaneho. Hindi ko alam kung dapat ba akong makaramdam ng ginhawa o hindi. Matapos ang lahat ng rebelasyong nalaman ko, parang hindi pa rin sapat ang isang tahimik na biyahe para ayusin ang kaguluhan sa isip ko. Huminga ako ng malalim at nilingon si Zion na tahimik lang sa tabi ko.

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-11
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 27

    Tahimik akong nagpatuloy sa pagluluto habang nasa likuran ko pa rin si Elara. Ramdam ko ang panonod niya sa akin,parang gusto niyang basahin ang bawat galaw at kilos ko. Hindi ko alam kung nagugustuhan ko ang pakiramdam na ‘yon. Napatingin ako sa kumukulong sabaw ng tinola at marahang inabot ang asin upang timplahin ito. Sa gilid ng paningin ko, nakita kong uminom ng tubig si Elara bago sumandal sa counter, hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. "Alam kong mahirap pagkatiwalaan si Krim ngayon," sabi niya sa wakas, mahina ang boses niya pero dama ko ang bigat ng mga salita niya. "Pero isang bagay ang sigurado ako hindi niya hahayaan na mapahamak ka." Hindi ko agad siya sinagot. Naramdaman kong may nais siyang iparating sa akin, pero hindi ko alam kung dapat ko bang seryosohin ang mga sinasabi niya. Huminga ako nang malalim. "At paano ka nakakasiguro? Ikaw mismo nagsabi na may mga bagay siyang itinago sa aki

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-12
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 28

    Naramdaman ko ang biglang pagbilis ng pintig ng puso ko. Para bang sa isang iglap, ang init ng kusina mula sa niluluto kong tinola ay napalitan ng nakakabinging lamig ng panganib. Mabilis akong lumingon kay Elara, kita sa mukha niya ang seryosong ekspresyon. Ang emergency phone na hawak niya ay mahigpit niyang hinahawakan, na parang anumang oras ay may sasabog na mas malaking balita. "Anong klaseng activity ang nakita sa security system?" tanong ni Zion, agad itong tumayo mula sa pagkakaupo niya sa stool. Sumulyap si Elara sa akin bago nagsalita. "Dalawang sasakyan ang nakita sa labas ng safehouse. Hindi sila dumidiretso rito, pero paulit-ulit silang dumadaan sa parehong ruta. May isa ring lalaki na lumapit sa gate kanina. Tila ina-assess niya ang seguridad natin." Napalunok ako. Hindi ito coincidence. Alam nilang narito kami.

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-13
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 29

    Halos mapatayo ako sa upuan nang makita ang seryosong ekspresyon ni Elara. Kita sa mga mata niya ang tensyon, ang pagiging alerto, at ang hindi maitatangging urgency sa kilos niya. "Kailangan nating umalis dito, ngayon din." ulit niya, mas madiin ang tono. Ngunit bago pa ako makagalaw, umangat ang kamay ni Krim, hudyat na huwag kaming magmadali. "Hindi tayo aalis," malamig niyang sagot. Nagkatinginan kami ni Elara. Kita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya, halatang hindi niya inaasahan ang sagot na iyon. "Krim, hindi ito biro," madiin niyang sabi. "May mga gumagalaw na malapit sa perimeter. Naka-detect ang security system ng suspicious activities, at—" Alam kong may sasabihin pa siya, pero naputol iyon nang biglang tumunog ang isang soft beep mula sa smartwatch ni Kri

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-13
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 30

    Samantha," mahina pero matigas ang tawag ni Elara. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang matalim na tingin niya. "Wala nang atrasan ‘to. Kung mananatili ka rito, kailangan mong tanggapin ang mundo ni Krim. Hindi ka na lang basta outsider na nagkataong napasok sa gulong ‘to. Isa ka nang target." Napalunok ako. Target. Ang simpleng buhay na ginusto ko, ang katahimikan na matagal ko nang hinahanap—lahat ‘yon parang naglaho na. "Hindi kita pipilitin," dagdag ni Krim, mas malumanay ang boses niya ngayon. "Pero gusto kong malaman mo ang katotohanan. Ang mga taong ‘yan... hindi sila titigil hangga’t hindi nila tayo nakukuha. At ang mas masakit, gagamitin nila ang lahat ng paraan para lang matiyak na hindi tayo makakatakas kahit buhay pa natin ang maging kapalit." Kinabahan ako sa narinig ko. "Putangina," bulong ni Zion habang mahigpit ang pagkakahawak

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-13
  • Hating My Possessive Husband    Chapter 31

    Tumayo si Krim mula sa kanyang kinauupuan, ang mga mata niya ay hindi inaalis sa screen. Kita sa thermal imaging ng drone ang paparating na reinforcement mahigit sampung tao at lahat ay armado. Hindi ito simpleng grupo ng mga tauhan lang mukhang sanay silang lumaban. Kinuha ni Krim ang isa pang baril mula sa panel sa gilid ng bunker at sinuri ito bago tumingin sa akin. "Dito ka lang," mahina ngunit matigas ang tono niya. "Ano'ng plano mo?" tanong ko, pilit pinipigil ang kaba sa boses ko. "Hindi natin sila hahayaang makalapit pa sa perimeters ng safe house." Tumigil siya saglit at hinawakan ang isang hidden switch sa gilid ng bunker. "May trap system ang buong bakuran. Kung tama ang posisyon nila, magagamit natin ‘yon laban sa kanila." Naramdaman ko ang malamig na pawis sa likod ng leeg ko habang pinapanood siyang gumalaw. May pinindot siyang button a

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-14

Bab terbaru

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 41

    Narinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril mula sa likuran namin. Shet. Alam na nilang nandito kami. At kung hindi kami kikilos nang mas mabilis— Kami mismo ang magiging sunod na target. Mabilis akong napasandal sa malamig na pader ng tunnel habang patuloy ang putukan. Humigpit ang hawak ko sa baril ko, sinusubukang tantyahin kung gaano karami ang mga humahabol sa amin. "Tangina, Samantha!" sigaw ni Elara habang nakadapa sa lupa, pilit na itinatago ang sarili sa likod ng isang sirang beam. "Paki-explain kung paano tayo makakaalis dito ng buhay?!" "Give me a second!" sagot ko habang pilit kong nililingon ang direksyon ng mga kalaban. Sa malabong liwanag ng flashlight ni Elara, naaaninag ko ang apat na lalaking naka-black tactical gear na papalapit sa amin. Hindi lang ito simpleng tauhan ni Kiyo—mga trained assassins ang ipinadala niya. Mabilis ang galaw nila, halos hindi marinig ang yabag ng mga paa nila sa lupa. May dalang mga silenced rifles ang dalawa, haban

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 42

    Matarik ang daan, at sa bawat hakbang ko, ramdam ko ang paghapdi ng mga sugat sa katawan ko. Pero hindi ko ininda. Mas malala ang pwedeng mangyari kung mahuli kami. Si Krim naman ay panay ang ungol sa sakit, pero wala siyang reklamo. Alam kong kaya niya pa, pero hindi ko rin pwedeng pilitin siyang lumaban kung hindi na niya kaya. "Elara, paki-check si Krim," utos ko habang binabantayan ang paligid. "Make sure na hindi siya nawawalan ng maraming dugo." Tumango siya at mabilis na lumapit kay Krim. Nang tingnan ko sila, nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Krim nang idiin ni Elara ang sugat niya para mapigilan ang pagdurugo. "Malas natin," sabi ni Elara. "We need medical supplies. Hindi kakayanin ni Krim ‘to nang matagal kung hindi natin malulunasan ang sugat niya." Alam ko ‘yun. Pero wala kaming choice ngayon kundi magpatuloy. Isang iglap lang, narinig ko ang mababang ugong sa hangin. Parang isang anino ang dumaan sa ibabaw namin. A drone. "Tangina,"

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 40

    Biglang dumapo ang tingin ko sa isang lumang wooden beam sa gilid. Gaya ng karamihan sa mga suporta ng tunnel, mukhang bulok na ito—sapat para bumagsak kung may sapat na puwersa. "Elara!" tawag ko sa kanya habang mabilis na nagre-reload ng bala. "Ano?!" sigaw niya pabalik. "‘Yung beam sa kanan mo—barilin mo sa pinaka-weak na parte!" Napalunok siya. "‘Tangina, baka matabunan tayong lahat niyan!" "It’s either that or we get killed right here!" sagot ko, nakatutok na rin ang baril ko sa isa sa mga paparating na kalaban. Mabilis akong lumingon. Nakita kong bumagsak siya sa gilid ng pinto, duguan ang balikat. “Krim!” Napasigaw ako at agad lumapit sa kanya. Nakita ko kung paano siya nagpu

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 39

    Napuno ng katahimikan ang buong hideout. Kahit ang tunog ng paghinga ko ay parang umaalingawngaw sa loob ng bunker. Hindi ko alam kung anong mas nakakatakot—ang presensya ni Aldo o ang bagong dumating na lalaking kilala namin bilang Kiyo. Si Krim, si Elara, at ako ay sabay-sabay na nakatingin sa monitor, pinapanood ang bagong kalaban na nakatayo sa ibabaw ng patay na tauhan ni Aldo. Si Kiyo. Nakangiti siya, pero hindi ito ngiting magaan o walang bahid ng pananakot. Isa itong mapanganib na ngiti—parang isang predator na pinagmamasdan ang kanyang biktima bago umatake. “Hindi ito maganda,” mahina pero matigas ang boses ni Elara habang hinihigpitan ang hawak sa baril. “Mas malala pa sa hindi maganda,” sagot ni Krim, ang mga mata niya ay hindi naalis sa screen. Muli kong ibinaling ang tingin ko sa monitor. Ang isang tauhan ni Aldo a

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 38

    Nanigas ang katawan ko. "At ikaw naman, Samantha… alam kong marami kang tanong. Pero hayaan mong ako ang magbigay sa ‘yo ng mga sagot." Pinatay ni Krim ang transmission bago pa makapagsalita pa si Aldo. Hinawakan niya ako sa braso, at doon ko lang napansin ang pagkapit niya nang mahigpit. "Samantha, makinig ka sa akin. Hindi tayo pwedeng lumabas sa ngayon. Hindi tayo pwedeng sumuko." Pero isang tanong lang ang naiwan sa isip ko… *Ano ang alam ni Aldi na hindi ko pa alam? Tahimik lang akong nakatingin sa screen kung saan kanina pa nakatayo si Aldo. Kahit hindi ko marinig ang boses niya ngayon, ramdam ko ang presensya niya—malamig, nakakatakot, at puno ng pananakot. "Hindi tayo pwedeng lumabas," ulit ni Krim, mas mahigpit na ngayon ang hawak niya sa braso ko. "Alam ko." Tumango ako

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 37

    Nanlamig ang dugo ko nang makita ko ang pagngiti ni Aldo sa security monitor. Alam niyang nanonood ako. Alam niyang ako ang naka assign sa system. Paanong…? Bumilis ang tibok ng puso ko. Mabilis kong ini-scan ang ibang security feeds sa monitor—nakita kong patuloy ang labanan sa itaas. Si Krim, Elara, at Zion ay nagtatago sa iba't ibang sulok ng bahay, lumalaban sa mga armadong lalaking pilit na pumapasok. Pero isang bagay ang mas kinabahala ko. Si Aldo ay hindi pa kumikilos. Wala siyang baril sa kamay, pero kitang-kita ang kumpiyansa sa tindig niya. Para bang alam niyang hawak niya ang sitwasyon. Nagulat ako nang biglang may malakas na tunog sa bandang kaliwa ko. Mabilis akong napalingon—may naramdaman akong bahagyang panginginig sa sahig. May pumapasok sa basement. "Shit..." Agad akong lumapit sa gun rack at kinuha ang handgun na hawak ko kanina. Mabilis kong ininspeksyon ang magazine at loaded pa rin. Huminga ako nang malalim. Hindi ako maaaring mag-pan

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 36

    Pinanood ko si Krim habang dahan-dahan niyang tinanggal ang mga strap ng kanyang tactical vest. Kitang-kita sa ekspresyon niya ang pag-aalala, pero hindi niya hinayaang lumalim pa ang usapan tungkol sa sugat ko. Ang atensyon niya ngayon ay nasa encrypted message na nakuha ni Zion. "Ipakita mo sa akin," utos ni Krim habang lumalapit sa isang monitor sa main room. Mabilis na kinalikot ni Zion ang keyboard, at ilang saglit lang ay lumabas sa screen ang isang serye ng random characters. Hindi ko ito maintindihan mga halo-halong letra, numero, at simbolo. Pero hindi ito ordinaryong mensahe. "Ito ang pinakamalalim na encryption na nakita ko," bulong ni Zion, hindi inaalis ang tingin sa screen. "At mukhang galing ito sa isa sa dating core members ng grupo mo." Tumayo si Krim sa likod niya, nagbubuntong-hininga. "Siya ba an

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 35

    Sa pagpabaril ni Krim ay may isang kalaban ang natumba sa sahig, bumagsak siya nang hindi man lang nakaputok pabalik. "Dalawa pa sa kanan!" sigaw ni Zion habang mabilis na sumilong sa isang konkretong poste sa gilid ng tunnel Agad akong sumunod, humihingal habang mahigpit na hawak ang baril sa nanginginig kong mga kamay. "Sam, bantayan mo ang kaliwa!" utos ni Elara habang binabaril ang isa pang kalaban na sumilip mula sa dulo ng tunnel. Tumango ako, pinipilit na kontrolin ang kaba sa dibdib ko. Itinapat ko ang baril sa direksyong sinabi niya, hinahanap ang kahit anong galaw sa dilim. Narinig ko ang tunog ng pag-reload ni Krim sa tabi ko. "Kaya mo ‘to, Sam. Huwag kang matakot." Hindi ko na natanong ang sarili ko dahil biglang may lumabas mula sa isang madilim na sulok—isang lalaki armado siya at may dalang baril, papunta ito

  • Hating My Possessive Husband    Chapter 34

    "Kaya siya pinaghahanap," mahinang dagdag ni Elara. "At kaya hanggang ngayon, hindi siya tinatantanan." Napapikit ako, pinoproseso ang bigat ng impormasyong ‘yon. "Kaya ka ba lumayo sa akin noon, Krim?" mahina kong tanong. "Dahil alam mong hindi ako magiging ligtas at pinabayaang magdesisyon para sa sarili ko?" Mabagal siyang lumapit sa akin, hindi inaalis ang tingin sa mga mata ko. "Oo," bulong niya. "At kahit anong gawin ko, kahit anong pagsisikap kong ilayo ka sa gulong ‘to… nahatak ka pa rin pabalik at ngayon mas lalo pang lumala dahil nalaman nila kung sino ka talaga." Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit o masaktan. Pero isang bagay ang sigurado ako dahil hindi na ako lalayo kay Krim. --- Tumikhim si Zion, binasag nito ang tensyon sa pagitan namin. "Ngayon, ang tanong… paano natin sila mauunahan?" Nagpalit ang s

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status