“BAKIT parang walang nabigla sa sinabi ko?” tanong ni Halina kay Fanny nang sabihin niya sa mga empleyado ang tungkol sa kanilang dalawa ni Goddy.Umalis saglit si Goddy para sagutin ang tawag ng kapatid nito kaya sinamantala niya.“Eh, kasi, ma’am. Kung gaano ho kayo kaingat sa lahat ng mga ginagawa mo noong wala pa kayo ni Vásquez, kabaliktaran naman ho ngayon. Napaka-careless niyo ho. Obvious ho kayo sa opisina. Saka kanina pagdating namin, tinawag mo po si Vásquez ng mahal. Eh, hindi naman po ganyan ang tawag niyo sa kanya sa opisina.”Napalabi siya sa sinabi ni Fanny. Kaya naman pala kakaiba ang mga tingin ng mga ito kanina. Alangang ngumiti siya sa mga tauhan. “Mabuti po at naamin niyo na, ma’am. Kami ho ang nahihirapan sa inyong dalawa, e,” ani ng isang tauhan niya. Sinundan din iyon nang hagikhik. “Sa totoo lang po, bagay po kayo.” “Oo, ma’am!”“Saka lagi na ho kayong nakangiti!”At kung ano-ano pang magaganda ang mga sinabi ng mga ito. Hindi pala siya marunong magtago. “
Terakhir Diperbarui : 2025-03-28 Baca selengkapnya