MUKHANG matatapos ang dinner na iyon na hindi niya nakakausap si Goddy. Mukhang tutol nga ang Daddy niya dahils sa inakto nito after na katukin sila ni Goddy sa silid niya. Dapat sa tabi niya si Goddy pero pinatabi ng Daddy niya sa sarili nito. Si Prince ang katabi nito, pero pinalipat nito ang kapatid sa tabi niya. “Parang hadlang si Daddy sa inyo ng boyfriend mo, Ate ko,” bulong ni Prince sa kanya.“Kumain ka na nga lang, Prince.”Natatawang ngumuya naman ito. Dinig niya ang lutong ng gulay na kinakain nito. “Kuya Goddy, may girlfriend ka na po?” tanong ni Addison na ikinatingin niya kay Goddy. Akmang susubo pa naman sana ang nobyo.“Meron na, Adi.” Masuyong tumingin sa kanya si Goddy. Pero bago pa mahuli ng Daddy niya ay binalik nito ang tingin sa kapatid.“Ay, sayang. Mag-a-apply pa naman sana ako,” nakangiting sabi ni Addison.“Addison!” Napalakas yata ang pagkakatawag niya dahil sa kanya nakatingin ang mga ito. “A-ang bata-bata mo pa para magka-nobyo,” sabi na lang niya.“Tama
Last Updated : 2025-03-23 Read more