Semua Bab My Hot Young Professor Became My Husband?: Bab 51 - Bab 60

89 Bab

"Bracelet"

KABANATA 51. Malapit na sumapit ang alas otso ng gabi at sa mga oras na yun ay naagaw ang atensyon ng press at mga bisitang naroon sa nasabing okasyon. Isang magarang sasakyan ang huminto sa tapat ng red carpet sa bukana ng entrance kung saan naroon ang nagkukumpulang camera man at journalists. Bumaba si spencer mula sa driver seat suot ang magara nitong black tuxedo, Bagay na bagay sa lalaki ang suot lalong lumabas ang angkin nitong kagwapuhan. umikot ang lalaki sa bandang front seat at masuyong pinagbuksan ang di kilalang babae ng karamihan. maingat itong inalalayan ni spencer at sunod sunod ang naging kislapan ng camera ng makita nila kung gaano kaganda ang kasama ng binata. "Sino sya?" "Girlfriend ba sya si Spencer Smith?" "Ang ganda nya" "My god, She looks stunning" "Hurry up, let's take more pictures from this couples" Samo't saring ingay at kanya kanyang kuha ng picture ang mga ito habang dahan-dahan silang naglalakad sa red carpet. Sa kabilang banda i
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-12
Baca selengkapnya

"AKIN KA!"

KABANATA 52. Hindi pinansin ni terrance ang tanong ni ivy, tanging poot ang nangingibabaw sa presesnya nya ngayon at kundi lang nya pinangangalagaan ang pangalan ay kakaladkarin nya pauwi ang asawa. Ilang sandali pa ay umalingawngaw ang malakas na musika sa buong paligid, isa isang nagsipuntahan sa harap ang mga panauhin at magkakaparehang sumayaw sa saliw ng musika na love songs. Mga mag aasawa at magkakasintahan ang makikita at dahan dahang sumasayaw ng malamyos. Tapos nang kumain si spencer at irish at nag ayang sumayaw ang lalaki sakanya nakalahad ang kamay nito at nakangiti ng malapad. "Pede ko bang isayaw ang pinakamagandang babae sa gabing ito?". Tinignan nya muna ang kamay nito at sinabing "Hindi ako marunong sumayaw". "Akong bahala, basta sumunod kalang". Kahit hindi pa sya sumasagot ay hinila na sya nito sa unahan, Marami ang nakatingin sakanila at pakiramdaman nya ay kanina pa may mainit na matang nakatitig sakanya na tila nagmamatyag lamang kaya hindi sya map
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-12
Baca selengkapnya

"Long Lost daughter"

KABANATA 53."Keep an eye on this woman named irish". Ma-awtoridad na utos ni Mr. Lendon Lloyd sabay abot nito ng mga litrato ni irish na kuha kanina habang kausap nya ito sa mga nakaitim na private elite na tauhan. "Kailangan walang makakapansin na nagmamatyag kayo sa bawat kilos nya, Alamin ang lahat lahat ng tungkol sakanya simula pagkabata. magulang, kapanganakan, status ng buhay at lahat ng taong kaugnay sakanya"."Aye sir!" sabay sabay na turan ng mga tauhan sa utos ng tycoon. Kakatapos lamang ng pagdaraos sakanyang okasyon at ipinatawag nya agad ang mga magagaling na tauhan para sa isang mahalagang misyon. Matapos mag alisan ang mga tauhan ay kinuha nya sa isang vault ang ilang litrato na tanging pinakamahalagang kayaman para sakanya. "My dearest daughter Irene, Where are you now?" Isang malalim na buntong hininga at malungkot na mukha ang mababanaag sa matanda at may namumuong luha sa mga mata habang kinakausap ang litrato ng nawawalang anak. Bumalik sa ala-ala nya kung pa
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-13
Baca selengkapnya

"Positive"

KABANATA 54. Umalis sya ng apartment ng may ngiti sa labi dahil pakiramdam nya ay nabawasan ang mga problemang pasanin nya, Malaking tulong na din na nandyan ang madrasta upang magalaga sa ama para hindi ito magtaka kung bakit hindi sya madalas na uuwi naisip nyang kapag nagtanong na lamang ang ama ay tyaka nya nalang poproblemahin kung ano ang ipapalusot nya dito. Lulan na sya ng taxi ng maisip ang isa pang problema na kinakaharap, "Manong sa ospital nga po" sabi nya sa driver, naisip nyang kailangan nya ng magpa check-up upang makumpirma kung buntis ba sya o hindi. Namamawis ang mga kamay nya sa sobrang kaba nang matapos na mainterview ng doctor binigyan sya nito ng pregnancy test at kasalukuyan syang nasa cr ngayon. Matagal nyang tinitigan ang hawak na PT at nagaalinlangan na gamitin. "Kung sakali man na buntis ako paano na?" Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya bago buksan ang test at binasa ang instruction kung paano gamitin. Mabilis na bumagsak ang luha nya
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-14
Baca selengkapnya

"Barbecue"

KABANATA 55. Alas dyes ng gabi nakauwi si terrance sa mansyon at dumiretso sa kusina, sa byahe palang kasi ay kumukulo na ang tiyan niya ng maisip na halos hindi na pala sya nakapag hapunan dahil sa nangyari kay ivy. Tinignan nya ang ref kung mayroon pwedeng iinit na lagi naman talagang mayroon sa dami ng ipinapaluto ng donya mula ng doon sila tumira ni irish. Dumako ang mata nya sa nakalagay sa isang tupperware at may kuryosidad na binuksan iyon, "Barbecue?" Hindi nya inaasahan na mag papa ihaw o magpapaorder ang donya ng ganoong klase ng pagkain. Highschool pa sya noon ng huling makatikim ng gantong klase ng barbecue na nabibili lamang sa mga tabing kalye. Tila may nagudyok sakanya para tikman yun dahil sa masarap na amoy nito, kinuha nya ang lalagyan at ininit sa microwave. Tinikman nya muna kung ano ang lasa nun at nang magustuhan ang lasa ay halos maubos nya ito. Nagising si irish dahil kumakalam nanaman ang sikmura nya, sinipat nya ang orasan at pasado alas dyes na
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-14
Baca selengkapnya

"Legal wife"

KABANATA 56. Natapos ang agahan nila ng hindi nya padin pinapansin o kahit pukulan ng tingin manlang si terrance. Naiinis sya sa presenya ng lalaki at masama padin ang loob nya dahil sa ginawa nito. Naisip nyang pumunta sa bahay ng ama dahil nangako syang bibili sila ng mga pangangailangan nito sa bahay, sakto at linggo ngayon walang pasok sa school kaya kahit maghapon syang tumambay sa bahay ng ama ay ayos lang para na din lumipas ang sama ng loob nya kahit papano. Maya-maya lamang ay kumilos na sya para mag handa sa pag alis, matapos nyang maligo ay naghanap sya masusuot na damit. pakiramdam nya nitong mga nakaraang araw ay init na init sya sa mga damit na balot sa katawan para syang nanlalagkit kaya madalas syang maligo. Pinili nyang isuot ang isang maikling short at fitted na blouse tinernuhan nya ito ng sling bag at sandals lamang. Nag lagay sya ng kaunting liptint at face powder dahil hindi naman sya mahilig maglagay ng kolorete sa mukha. nang masiguro na ayus na ang
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-15
Baca selengkapnya

"First Heart Break"

KABANATA 57. "HOW DARE YOU!" Sigaw sa inis ni ivy habang hawak ang kaliwang pisngi. Hinablot nya ang buhok ni irish kaya nabitawan nito ang mga hawak nyang paper bag at pakiramdam nya ay matatanggal ang anit dahil sa pagkakasabunot ng babae sa buhok nya. "Bitawan mo ko!" Hinawakan nya ang kamay ni ivy at pinilipit 'yon ng malakas, Nang makawala buong lakas nyang tinulak ang babae at malakas din itong tumalsik sa sahig, dahilan para mag simulang mag kumpulan ang mga taong nagdaraan at makiusyoso ng makilala nila kung sino ang babaeng nakahandusay sa sahig. "Diba yung sikat na model yan si ivy de chavez?" "oo nga sya yan, OMG!" "Kawawa naman sya bakit sya inaapi nung isang babae?" Dinig nyang sabi ng ilang mga tao na nanunuod sakanila sabay nilabas nito ang kanya-kanyang telepono at tila kinukuhaan sila ng video. Dahil sa narinig biglang umarte si ivy at nag paawa sa mga ito na akala mo'y hindi sya ang nagumpisang manakit. Nagulat sya ng humagulgol sa iyak si ivy at sinabin
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-15
Baca selengkapnya

"Kidnap"

KABANATA 58. Maagang nagising si irish upang pumasok sa school nagdadalawang isip pa sya kung papasok sya sa first subject dahil paniguradong magkikita nanaman sila ni terrance, ngunit hindi nya kailangan ihalo ang personal na problema sa pag-aaral lalo na't 2 weeks nalang graduation na nila. "Hi siswang! himala ata hindi ka late ngayon". bati ng kaibigang si alexis, "Oo nga baka may lagnat ka!" Kinapa kapa pa sya sa noo ni kate at dinadama kung may lagnat sya. "Haha ang eepal nyo din talaga e no, ngayon na ngalang pumasok ng maaga pupunahin nyo pa mga bruha talaga kayo!" Natatawa nyang sabi sa mga to. Naputol ang tawanan at asaran nila ng dumating ang professor na ayaw nyang makita. "Good morning sir terrance". bati ng mga classmates nya ngunit hindi ito bumati pabalik. Iniwasan nyang mapatingin dito habang nag checheck ng attendance ang lalaki. "Tambalque!".--"Present" taas nya sa kamay ng banggitin nito ang apelido nya. Malamig ang tinging ibinigay nito sakanya at nagsi
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-16
Baca selengkapnya

"Saviour"

KABANATA 59. Nagising si irish ng may palad na humahaplos sa mukha nya, makirot ang ulo nya dahil sa kung anong pinaamoy sakanya ng mga dumukot kanina. Unti-unti nyang minulat ang mata at napansing nasa isang silid sya nakahiga at nakatali ang magkabilang kamay sa sa headboard ng kama. Tinignan nya kung sino ang taong himihimas sa mukha nya. "M-mr. Lim? Anong ibig sabihin nito, pakawalan mo ko!" Magkahalong gulat at inis ang namayani sa dibdib nya ng makita ang nakakasukang mukha ng matandang negosyante. "Hahaha!.. bakit? bayad na ba kayo sa pagkakautang nyo?" Tumawa ng malakas si Mr. Lim at hinawakan ng mahigpit ang mukha nya gamit ang isang kamay nito. "B-bitawan mo ako, nasasaktan ako! Babayaran naman kita ng buo bigyan mo pa ako ng panahon". Paliwanag nya dito ngunit inilapit nito ang mukha sakanya. "Ano ka sinuswerte?, mahabang panahon na ang binigay ko sayo, pero anong ginawa mo niloko mo lang ako! hindi ka na nga sumipot sa usapan hindi kapa nag bayad ng buo".
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-17
Baca selengkapnya

"Maling Akala"

"KABANATA 60. Pag labas nila sa gusaling pinagdalhan sakanya ni Mr. Lim ay tyaka dumating ang mga pulis upang arestuhin ang matanda. Binuhat sya ni terrance hanggang sa makasakay sila sa sasakyan, maingat syang inilapag nito at bahagyang tumigil na ang panginginig ng katawa nya. "Just take a rest, ako nang bahala sa lahat. sisiguraduhin kong mabubulok sa kulungan ang matandang yun, hindi nya kilala kung sino ang binangga nya". Saad ni terrance habang hindi parin humuhupa ang galit sa mukha. "S-salamat, gusto ko lang itanong.. pano mo ko nahanap?" mahina nyang tanong sa lalaki at hindi sya bumibitaw ng tingin dito. "shhh, wag mo na isipin yun. Alam kong pagod ka.. M-masakit ba to?" tanong nito sabay hawak ng ibabang labi nya na pumutok buhat ng sampalin ni mr. lim. Nakita nya kung pano nag iba ang himig ng tono at pag aalala sa mata nito. Nginitian nya ang lalaki at hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa pisngi nya. "Okay na ako.. Salamat dumating ka.. salamat terrance.."
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-17
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
456789
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status