KABANATA 41.Nung una ay nag alinlangan si irish na pumasok sa bahay nito at sandaling pinakiramdaman ang paligid. Pumasok sya ng dahan dahan at sinipat sipat ang loob ng bahay, Halos kakaonti lamang ang gamit at hindi kalakihan ang spasyo. "Maupo ka irish, ikukuha kita sandali ng maiinom" Alok ng ginang sakanya."Hindi ako nagpunta rito para makiinom, Maikli lang ang oras ko at tumatakbo ito, Magpaliwanag ka kung san ka kumuha ng lakas ng loob para lokohin si papa sa loob ng mahabang panahon na pagsasama nyo!". May poot ngunit matatag na saad nya sa madrasta. Umupo ang ginang, yumuko ito at nagpakawala ng buntong hininga. "Una sa lahat humihingi ako ng kapatawaran mo sa lahat ng kalupitang dinanas mo sa kamay ko hanggang sa lumaki ka, Hindi ko naman sinasadya 'yon, sa kasakiman ko na mapunta saakin ang bahay ng ama mo ay unti-unti kitang siniraan sakanya". Biglang nag iba ang ekspresyon ni irish at nagkaroon ng mapait na ngiti ang sumilay sa mukha nya. " Hindi na bago sakin ang si
Terakhir Diperbarui : 2025-03-07 Baca selengkapnya