"KABANATA 60. Pag labas nila sa gusaling pinagdalhan sakanya ni Mr. Lim ay tyaka dumating ang mga pulis upang arestuhin ang matanda. Binuhat sya ni terrance hanggang sa makasakay sila sa sasakyan, maingat syang inilapag nito at bahagyang tumigil na ang panginginig ng katawa nya. "Just take a rest, ako nang bahala sa lahat. sisiguraduhin kong mabubulok sa kulungan ang matandang yun, hindi nya kilala kung sino ang binangga nya". Saad ni terrance habang hindi parin humuhupa ang galit sa mukha. "S-salamat, gusto ko lang itanong.. pano mo ko nahanap?" mahina nyang tanong sa lalaki at hindi sya bumibitaw ng tingin dito. "shhh, wag mo na isipin yun. Alam kong pagod ka.. M-masakit ba to?" tanong nito sabay hawak ng ibabang labi nya na pumutok buhat ng sampalin ni mr. lim. Nakita nya kung pano nag iba ang himig ng tono at pag aalala sa mata nito. Nginitian nya ang lalaki at hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa pisngi nya. "Okay na ako.. Salamat dumating ka.. salamat terrance.."
KABANATA 61. Nagtungo si terrance sa headquarters upang harapin si mr. lim. Pag pasok nya doon ay saktong ginagamot ang natamo nitong tama ng baril sa braso, Nakita sya ng matanda at agad na rumihistro ang takot sa mukha at naging balisa ang mga kilos. Inantay nyang matapos itong gamutin bago nya kausapin. Nang sumenyas ang pulis na nagbabantay dito ay nilapitan nya ang matanda. Umupo sya sa tapat nito at pinagkrus ang mga braso "Explain why you tried to touch my wife". ma-awtoridad nyang utos sa matanda. "H-hindi ko alam na asawa mo ang anak ni allan, akala ko ay dalaga pa ito at malaki ang pag kakautang ng ama nya saakin". nanginginig nitong sabi habang bakas sa mukha ang sakit na dulot ng kaliwang braso. "Hindi yan ang gusto kong marinig mula sa walang kwenta mong bibig!". Salubong ang kilay nyang sabi kay mr. lim."P-pero ayun ang totoo, naiinis ako sakanya dahil may usapan kami ngunit hindi nya ako sinipot". itinukod ni terrance ang dalawang siko sa hita at pinagsalikop ang
KABANATA 62. Halos walang kapaguran ang doctor sa dami ng pinuntahan nila, hiyang hiya sya dito dahil andami nitong pinamili sakanya. nag kwentuhan din sila ng tungkol sa pamilya at pakiramdam nya ay parang ang gaan lang ng lahat habang kasama nya ito. Pumasok sila sa isang botique na bilihan ng damit at excited itong mamili ng mga babagay sakanilang dalawa, masaya silang nagsukat ng magkaparehas na damit na pinili nito, "Wow ang gaganda nyo po bagay na bagay po sainyong mag-ina mam, lalo po kayong naging magkamukha" saad ng isang saleslady ng makita ang sinukat nilang damit. Nagtinginan silang dalawa at nagtawanan. Pero para sakanya may punto ang saleslady tinignan nyang maigi ang doctora at totoong maniniwala ang karamihan na tunay silang mag ina dahil malaki ang pagkakahawig nito sakanya, naisip nya marahil ay kaya magaan ang loob nila sa isa't-isa dahil doon. "Halika may isa pa tayong pupuntahan" muli sya nitong inakay papasok sa isang hub na bilihan ng mga gadgets. "Pu
KABANATA 63. Napasinghap sya nang bahagyang iikot at idiniin ni terrance sa glass wall ng cr patalikod, hinalikan sya nito sa batok at balikat napalakas ang ungol nya dahil nakuha nito ang pinaka kiliti nya banda roon. Tila biglang nasilaban ang inosenteng pagkatao nya ng gawin iyon ng lalaki, mabilis syang umikot muli paharap at tinignan ng nakakaakit si terrance. "Damn, Don't stare at me like that, I'm tempted to punish you because you've been avoiding me for days".. Saad nito sa paos-paos na boses habang hindi bumibitaw nang titig sakanya. "Wag kang maingay, Kasalanan mo kung bakit kita iniiwasan".. sabi nya dito sabay tinakpan ng hintuturo ang bibig ng lalaki. Hindi pinansin ng lalaki ang nakita nyang pagsilip ng galit sa mga mata nito. Nagulat si terrance nang marahas na hinubad ni irish ang suot nyang polo shirt dahilan para mag talsikan ang mga butones nun sa paligid. "Woahh, suddenly became wild huh?". Hindi pinansin ni irish ang sinabi nito nang makita nya ang b
KABANATA 64. Masayang masaya sila ng buong pamilya nya at ngayon nya lamang ito naranasan. Nang makauwi na sila mula sa pag-cecelebrate ng graduation nya ay lumapit sya sa ama upang magpaalam. "Pa, alis na po ako".. "Alian anak,.. Maaari ba akong magtanong?". may pag aalinlangan sa mga mata nito kaya na-curious sya kung ano ang gusto nitong sabihin. "Sige po papa, ano po 'yon?" Tanong nya dito pabalik. "Saan ka ba tumutuloy? halos isang buwan nadin ng tumira kami dito pero wala ka naman binabanggit kung saan ka nakatira at dalawa hanggang tatlong beses sa isang linggo kalang naman umuuwi dito ngunit bumibisita lamang". nagulat sya sa biglang pagtanong nito, hindi pa sya handa na sabihin sa ama ang lahat kahit na magaling na ito. "Ah-- n-nagboboarding house po ako papa malapit sa school". palusot nya dito. "Anak, hindi ka magaling magsinungaling, pero kung ayaw mong sabihin sa ngayon ay ayos lang. ang mahalaga saakin ay maayos ang lagay mo". nginitian sya ng ama at t
KABANATA 65.Mabilis nyang tinakpan ang dibdib ng mapagtantong totoo ang sinasabi nito, nkasanayan na kasi talaga nyang hindi magsuot ng bra pag matutulog at nakalimutan nyang magsuot nun bago lumabas ng kwarto, sobrang nipis pa mandin ng suot nyang sando at kitang kita talaga ang hubog non. Nagmadali syang umakyat ng kwarto at doon na huminga ng payapa, nainis syang pumadyak sa sahig dahil sa pagkapahiya nya ng dalawang beses, "Grabe andamot nya, para kare-kare lang!". Inis nyang kinapa ang sikmura dahil sa gutom. Matapos maligo at magbihis ay narinig nya ang pag tunog ng telepono na bigay sakanya ng doctor, ayun padin ang gamit nyang number dahil may mga mahahalaga syang contacts doon. Nakarehistro ang pangalan ng kaibigang si spencer kaya agad nyang sinagot ang tawag nito. "Hey what's up?" antagal kitang hindi na contact akala ko ay blinock mo na ako sa phone mo". mataray na bungad sakanya ng lalaki. "Nako, pasensya kana ha nasira kasi yung cellphone ko". "I know na, nakwento
KABANATA 66. Sumabay sya sa sasakyang maghahatid sa donya sa ospital, hawak hawak nya ang kamay nito habang nasa loob sila ng sasakyan. "Apo..""Po? lola, bakit po may kailangan po ba kayo?" Baling nya sa donya. "Tapatin mo nga ako, mahal mo ba ang apo ko?" deretsahang tanong nito na nagpatigil sakanya."Lola.. " Yumuko sya dito at pinipigilan ang pag iyak, ayaw nyang makita ng matanda ang mga mata nya dahil tiyak na mahuhulaan nito ang totoo nyang nararamdaman dahil hindi sya ganon kagaling magsinungaling. "Ayos lang apo.. pasensya kana kung pinilit pa kitang mag pakasal, ang totoo ay binabagabag ako ng konsensya ko, naging makasarili ako dahil sa kagustuhan kong magkaroon na ng apo sa tuhod.." malungkot na turan ng donya at bahagyang hinihimas ang likod ng kamay ni irish. Gustong-gusto ipaalam ni irish na buntis na sya at si terrance ang ama, ngunit umuurong ng kusa ang dila nya. pakiramdam nya ay pag nalaman iyon ni terrance baka kunin sakanya ang bata dahil di nya pagmamay-ar
KABANATA 67. Nais habulin ni terrance si irish pero hinawakan ni ivy ang braso nya at umarte na parang nahihilo. Alam ni ivy na susundan ng nobyo ang babae dahil nakita nya ang pagaalala sa mukha nito ng umalis si irish sa ospital. "Babe, nahihilo ako". Agad na walang nagawa si terrance kundi alalayan ang nobya. "Bakit hindi mo agad sinabi saakin, sana ay nasamahan kitang mag pacheck up". saad nya dito at inalalayang makaupo. "Ayaw kitang istorbohin dahil masyado kang busy sa trabaho at isa pa gusto talaga kitang isorpresa, sana masaya ka ngayong mag kakaanak na tayo". hinawakan nito ang mukha nya at humilig sa balikat ng lalaki. "Totoo bang sa apo ko iyang dinadala mo?" putol ng donya sa mungkahi ni ivy. "Lola naman, diba ito naman ang gusto mo ang magka apo sa tuhod? please wag mo nang pagdudahan si ivy kilala ko sya". Pagtatanggol ni terrance sa nobya mula sa gustong palabasin ng lola. Natahimik ang mantanda at di na muling nagsalita, malakas ang kutob nyang may tinatagong l
KABANATA 91. "WHAAAAT?" Mataas na boses ng ama ni terrance na si terry ang nangibabaw sa hapag kainan nila sa mansyon ng umaga ding iyon matapos matanggap ang tawag mula sa private hospital na malapit sa lugar kung saan naaksidente si terrance kaninang madaling araw. Ayon sa ospital ay dinala si terrance pasado alas singko na ng umaga matapos itong araruhin ng 10 wheeler truck dahil sa bilis ng pag mamaneho at ayon sa doktor ay lasing na lasing ang anak. Durog ang unahan ng kotse nito at malakas na tumilapon sa tabi ng daan. "Terry, what happened? who's calling?" Tanong ni vivian dito ng mapatayo ang asawa sa sobrang gulat. "Come on! we need to go to the hospital. Naaksidente ang anak mo at malubha daw ang kalagayan!" Natutop ni vivian ang sariling bibig, ganon din si donya imelda na humawak sa dibdib at binagsak ang kubyertos na hawak. "Ano kamo? diyos ko! sasama ako!" Agad na sagot ng matanda. "No mom, please stay here baka makasama sa kalusugan mo, babalitaan ka nam
KABANATA 90. Isang linggo na ang nakalipas nang halos hindi umuuwi si terrance sa kanilang mansyon, Lagi lang syang nasa trabaho at pinipilit na abalahin ang sarili. Pagkatapos nya magpa-gabi sa kumpanya ay dederetso naman sya sa bar at doon na halos nagpapalipas ng gabi, nilalango nya ang sarili sa alak at mag-isang nagluluksa dahil sa nangyari sa asawa. Pakiramdam nya ay kalahati ng pagkatao nya ay nawala na rin, wala ng sigla, saya at buhay. Tahimik syang nakatitig sa picture ni irish sakanyang telepono dahil naka wallpaper ang litrato nito doon habang umiinom ng alak. Madaling araw na ngunit heto sya't inuubos ang sariling kamalayan sa paglalasing. Wala syang gustong makasama at makausap, maging si ivy ay iniiwasan nya rin at pinadadalhan nalang ng kung anong kailangan nito sa pagbubuntis. Para sakanya sariwang sariwa pa ang mga nangyari at kada pipikit sya ng mata ay mukha ni irish ang nakikita nya, ang nakangiting itsura nito at ang boses na tila miss na miss na nya
KABANATA 89.Ilang araw na ang nakakalipas mula ng mabalitaan ni allan mula sa pamilya ni terrance ang pagkamatay ng anak, Araw-awa syang tulala at wala sa sarili matapos syang personal na pumunta sa mansyon ng mga padilla at nakaharap ang pamilya ni terrance. Hindi nya nakaharap ang lalaki dahil ayon sa pamilya ay bibihirang umuwi ang lalaki at kung uuwi man ay lasing na lasing at hindi makausap ng maayos. Hanggang ngayon ay hindi nya matanggap ang nangyari sa anak at sinisisi ang sarili dahil sa tingin nya ay napabayaan nya ito kaya sinapit ang ganoong kalunos-lunos na pangyayari. "Alan, kumain ka naman ilang araw na akong nababahala baka atakihin ka muli sa puso" May pag-aalalang saad ni tess sa asawa habang hinahaplos nito ang likod niya."Hayaan mo na lamang ako tess, hindi ko matanggap na ganon nalang kabilis nawala ang anak ko saakin. kaya pala iba ang kutob ko sa mga nakaraang tagpo namin ay iyon na pala ang huling sandali na makakasama ko si irish... ang anak ko... ang anak
KABANATA 88. Huminto sa pag mamaneho si terrance ng madaanan nya ang isang tulay na may malalim na ilog sa ilalim. itinabi nya ang sasakyan at wala sa sarili na naglakad papunta doon. Tumigil sya ng makita ang taas non at tumitig sa tubig, natagpuan nya ang sarili na muling lumuluha ngunit blanko ang ekpresyon ng mukha, marahan nyang kinapa ang bulsa ng suot na jacket at kinuha mula roon ang jade bracelet na kinuha nya sa kamay ng asawa bago ito i-crimate. Nagbagsakan ang mga luha nya habang nakatitig sa naiwang alala ng asawa, "Bakit gano'n? kung kailan sigurado na ako sa nararamdaman ko at handa na akong ipaglaban ka ay tyaka mo naman ako iniwan? Andaya mo naman.. andaya-daya mo.." kausap nya sa hawak na bracelet. "Tulungan mo akong kayanin to, tumungan mo akong bumangon muli dahil pag hindi ko kinaya... Susunod ako kung nasan ka man ngayon".. Bumuntong hininga sya at ipinikit ang mata, inilagay nya sa dibdib ang bracelet kasunod ng mga paghikbing ni minsan ay hindi nya g
KABANATA 87. "Ano, may balita na ba?". Tanong ni terrance sa tauhan nya matapos nitong sagutin ang tawag. "Yes sir, malapit na po kami sa area at may mga nakapag sabi na may narinig silang putukan ng baril sa isang abandonadong warehouse". sagot nito kay terrance. "Good, send me the exact location. NOW!" Pagkasabi nun ay halos paliparin nya na ang sasakyan habang binabagtas ang lugar na naroon sa GPS tracker ng mga tauhan, malapit lang din sya sa lugar kaya mataimtim syang nagdarasal habang kumakabog ang dibdib dahil sa pangamba na baka nasaktan na ang asawa. "Lord please save irish, ipinapangako ko kapag nakita ko sya ay hindi ko na hahayaang mawalay sya sa tabi ko, handa na akong ipaglaban ang nararamdaman ko sakanya at kahit anong mangyari mamahalin ko sya hanggang sa huling hininga ko". tahimik nyang dasal sa isip habang papalapit na sa lugar na sinabi. Mabilis nyang narating ang liblib na lugar at masukal na daan, pabalang nyang ipinarada ang sasakyan at tumakbo papa
KABANATA 86. "Hahhh!" Sumigaw ng malakas si myla ng nagsitalsikan sa mukha at dibdib nya ang mga dugo na galing kay irish matapos itong biglang humarang at yumakap sakanya ng mahigpit, Nanginginig ang buong katawan at kamay nya ng saluhin nya ang babae. "I-irish.. i-irish.." pati bibig ay hindi nya maibuka ng maayos dahil sa pagkagulat. May naramdaman syang mainit na likido sa kamay nya na nakahawak sa likod ni irish, dahan-dahan nyang inangat ang palad at nakita nya ang napakaraming dugo na nagmumula sa babae. Muli syang napahiyaw dahil sa takot, natumba silang dalawa sa sahig dahil hindi nya na kinaya ang bigat ni irish, "Irish, irish please wag kang pumikit, bakit mo ginagawa yun? lumaban ka!... Lumaban kaaa!" Dahil sa pagkataranta inalog nya ng husto ang katawan ni irish at tinakpan ang tama nito ng baril sa bandang likod ng balikat, dahilan para magkalat ang dugo ni irish sa mga kamay at braso nya. Natutop ni ivy ang bibig nya matapos na makita kung sino ang tinamaan ng baril
KABANATA 85. Tunog ng isang basag na baso ang narinig ni spencer kaya nilingon nya ang ina at nakita ang pagkabalisa sa mga kilos nito, "Mom, are you okay?" Mabilis nyang nilapitan ang ina sa gawi nito sa mesa habang sila ay naghahapunan. "H-ha?" Nilingon ni yolly ang anak dahil bahagya sya nitong hinaplos sa likod, hindi nya namalayan na nakalapit na pala ito sakanya dahil sa malalim na pag iisip. Hindi nya alam ang biglaang panlalamig na naramdaman kaya iinom sana sya ng tubig ngunit dumulas ang babasaging baso sa kamay nya dahilan para mahulog ito sa sahig at mabasag. "Ang sabi ko po ay ayos lang ba kayo? i think you need to take your medicine mom". Dalawa lamang sila ng anak na naghahapunan ng gabing iyon, ngunit parang may kung anong kumurot sa dibdib nya at nakaramdam sya ng kakaibang kaba. "A-ayos lang ako anak, sige na tapusin mo na yang kinakain mo bigla ako nawalan ng gana". sagot nya sa anak dahil halata sa mukha nito ang pag-aalala sakanya. "Okay, sigurado ka po
KABANATA 84. Ayaw nya mang ipakita kay ivy na labis syang nasasaktan ngunit hindi nya mapigilan ang sarili pakiramdam nya ay para nadin syang pinatay kasabay ng pagkadurog ng puso. Bahagyang kumirot ang tiyan nya marahil ay dahil sa labis na pag-iyak. "Oh bakit natameme ka? asan na ang tapang mo kanina? Stupid b*tch! kahit saang anggulo mo tignan talo ka, narinig mo diba? si terrance na mismo ang nagsabi hindi ka niya kailanman mamahalin wala lang syang choice kaya napilitang pakasalan ka! Bata ka pa nga talaga, madaling mauto!". Naghari ang malakas na tawa nito sa buong lugar, tawa na mapanuya't mapang-insulto. Inangat nya ang tingin sa babae at kahit hilam sa luha't pagkabigo ang mukha nya at mapait nya pading nginitian ito, Naisip nya na talunan nga sya at kahit sabihin pa nya kay terrance ang sikreto ni ivy, sa mga narinig nya ngayon ay mababalewala lamang 'yon dahil mahal na mahal nito ang babae, "Oo na! tapos ka na ba? mag-sama kayong dalawa, akala mo ba hindi ko alam na h
KABANATA 83. "Wag kang mag patawa miss, mabuti pa manahimik ka nalang baka di mo magustuhan pag nanggigil ako".. Saad nito sakanya at hinaplos ang braso nya habang hinahagod ng tingin ang kabuuan ng katawan nya. Nanindig ang balahibo nya sa ginawa ng maskuladong lalaki, iniwas nya ang braso sa pagkakahawak nito. "Hindi ba kayo natatakot? pag nalaman ng mga pulis to--".. Naputol ang sasabihin nya ng bigla syang sampalin ng lalaki at hawakan nito ng mahigpit ang mukha nya. "Sabi ko manahimik ka! isang salita mo pa di lang yan ang aabutin mo!" Binitawan nito ang pisngi nya at naramdaman nya ang mainit na dugong tumulo mula sa gilid ng labi nya marahil ay dahil sa lakas ng sampal na natamo, ngunit hindi nya alintana ang hapdi tanging nasa isip nya lang kung paano makakatakas sa lugar na 'yon. Umalis ang mga lalaki sa harap nya at ang iba nama'y nagsusugal sa di kalayuan sa tantya nya ay may halos sampong lalaki ang nagbabantay sakanila ngayon. iginala nya ang paningin at tini