Sinabi ng matandang ginang, "Aba, ibig sabihin ay may space na kayo para ilagay ang wedding photo niyo rito. Ipa-frame niyo tapos ilagay niyo riyan. Sigurado akong mas gaganda ang bahay niyo.”Ngumiti si Celestine "Sige, kapag may oras po kami, gagawin po namin ‘yan.”Pagkatapos noon, umupo siya para kumain. "Lola, huwag ka na pong madalas pumunta rito in the future ha? Kung nami-miss mo ako, tawagan mo na lang ako at ako na po ang pupunta sa'yo. Lalo na kapag wala po akong ginagawa.”Pagkasabi noon ay ngumiti siya.Para maiwasan ang nangyari ngayon, kinailangan na siya ang bumisita sa matanda.Bukod pa rito, lahat ng may kinalaman sa kanya ay inalis na mula sa mansion na ito. Matalino si Lola Belen kahit matanda na, kung patuloy itong pupunta roon ay siguradong malalaman niya rin ang totoo balang araw."Busy naman kasi kayong lahat. Kaya, hayaan niyo na lang akong pumunta kahit saan ko gusto. Isa pa, mag-iingat naman ako. Huwag kayong mag-alala sa akin.”Tumingin si Celestine kay Be
Last Updated : 2025-03-01 Read more