Home / Romance / Divorce Me Now, Mr. Peters! / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Divorce Me Now, Mr. Peters!: Chapter 21 - Chapter 30

187 Chapters

Chapter 21

Nang makita ni Celestine ang reaksiyon nito, alam niyang hindi niya ito naaalala."Lahat ng mga regalong binigay mo sa akin ay nasa drawer ng study room," ani Benjamin."Hmm. Wala akong hinihingi na kahit na anong involved sa divorce natin, ang singsing lang na iyon. Babalik ako sa mansion kapag nagkaroon ako ng oras, kukunin ko ang mga gamit ko at aalis na rin pagkatapos." Pagkatapos niyang magsalita, agad na siyang nagbabalak na bumaba sa sasakyan.Di sinasadyang hinawakan ni Benjamin ang kanyang kamay at nakita siyang maayos na nagsasalita tungkol sa iba’t ibang bagay.Unti-unting sumiklab ang isang hindi maipaliwanag na galit sa kanyang puso, "Nagmamadali ka ba sa divorce natin?"
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 22

Wala nang magawa si Jolo kundi magsalita sa likuran ni Celestine. “Kapatid, alam mo ba? Ang pinakamabisang paraan para makalimutan mo ang sakit ay magpaka-busy ka.”“Huwag mong isipin na pinipilit ka lang ni Daddy na i-run ang business ng family. Sa totoo lang, tinutulungan ka ni Daddy na malimutan ang sakit na dinulot sa’yo noong Benjamin na iyon!”“Kung ganoon, may dinner party si Daddy bukas ng gabi; dapat sumama ka kay Daddy ha?” dagdag pa ni Jolo.Pumunta na lang si Celestine sa kanyang kwarto, namumula ang mukha sa galit.Bagaman mabuti na maging busy para malimutan ang mga nasa isip niya ay sobrang siksik naman ng kanyang iskedyul. Paano na? May hustisya pa kaya sa mundong ito?Pumunta si Celestine sa kama at agad na kinuha ang kanyang cellphone nang makatanggap siya ng text message mula kay Vernard.“Boss, nakuha mo na ba ang singsing? Hindi na ako makapaghintay na patayin silang lahat kasama ka!”Ang singsing.
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 23

"Sorry," Palabas na sana si Celestine ng study room nang biglang hinawakan ni Diana ang braso ni Celestine.Huminto si Celestine at tiningnan siya, naghihintay sa sasabihin ni Diana sa kanya."Celestine, pinapayuhan kitang maging matino at makipag-divorce na kay Benj sa lalong madaling panahon." Itinaas niya ang kanyang baba at may pagbabanta sa kanyang tinig.Bahagyang ngumiti si Celestine, inalis ang kamay ni Diana sa kanyang braso, at sinabi ng may pangungutya, "Sa huli, magiging iyo rin naman ang posisyon bilang Mrs. Peters, hindi ba? Bakit ka nagmamadali?"Nagpanting ang tenga ni Diana sa galit, "Celestine, tigilan mo ang pagsasalita ng walang kwenta! Tatlong taon mong inangkin ang posisyong dapat ay sa akin, hindi ka ba nahihiya?"Tumingin si Celestine sa kanya nang malamig, "Ang sarili mong kahinaan ang dahilan kung bakit hindi ka kinilala ng pamilya Peters. Paano ko naging kasalanan ang pag-angkin ko sa pagiging Mrs. Pet
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 24

Nakita mismo ni Celestine kung paano hinawakan ni Benjamin ang pulso ni Diana at siya ang pinili, hindi siya.Ang pakiramdam ng pagbagsak at kawalan ng bigat ay naging napakalinaw, at agad na napuno ng kawalan ng pag-asa ang kanyang puso.Hindi kailanman siya pinili ni Benjamin, kahit minsan, kahit nga yata na pareho silang malugmok sa kumunoy ay hindi pa rin siya nito pipiliin.“Celestine!” tawag ni Diana na may kunwaring pag-aalala.Huminto si Celestine sa sulok ng hagdan, at ang sakit sa kanyang katawan at puso ay halos hindi niya kayanin.Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang ulo at nakita sina Benjamin at Diana na nakatingin pababa sa kanya.Ang kahihiyan, kawalan ng pag-asa, at sakit ay hindi sapat upang ilarawan ang kanyang nararamdaman sa sandaling iyon.Hindi naman kataasan ang hagdan, hindi siya mamamatay sa pagbagsak. Pero pinatay nito ang lahat ng lakas niya.Matalim ang tingin ni Benjamin kay Celes
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 25

"Mag-sorry? Bakit ako magso-sorry sa babaeng iyan?" Tinitigan ni Celestine si Benjamin.Nagtagpo ang kanilang mga mata—ang dating puno ng pagmamahal na tingin ni Celestine ay ngayon puno na ng poot at kawalan ng pag-asa.Dahan-dahang ngumiti si Celestine, parang isang sirang puting rosas—punung-puno ng sugat, ngunit patuloy pa ring umiindayog nang may kagandahan.Mahinahon niyang binigkas ang mga salita, "Maliban na lang kung mamatay ako."Itinulak niya si Benjamin palayo, hinawakan ang railing ng hagdan, at matigas ang loob na bumaba."Celestine, talagang wala kang modo!" sigaw ni Benjamin, nakakunot ang noo.Bumwelta si Celestine, "Ikaw ang walang modo, tanga!"Sa isip-isip niya, dahil mahal na mahal niya ang malanding iyon, sana magsama silang dalawa habambuhay!Sa tindi ng galit ni Benjamin, pinunit niya ang isang painting sa dingding at marahas na hinila ang kanyang kurbata.Talagang marunong na ng
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 26

Sa kumpanya ng ‘D Belinda.Pagdating pa lang ni Benjamin sa opisina, agad siyang sinalubong ni Veronica."Mr.Peters, hindi maganda ang pakiramdam ni Miss Valdez kaya dinala na siya sa ospital."“Okay, thank you for your kindness, Veronica. Maaasahan talaga kita sa mga ganitong bagay at sitwasyon,” nakangiti si Benjamin habang sinasabi iyon."Welcome po, Mr. Peters. Ang surveillance video rin po pala ng mansion na hiniling ninyo ay ipinadala na po sa inyong email, Mr. Peters,” sagot naman ni Veronica pagkatapos ay ngumiti.Tumango si Benjamin, hinila niya ang isang upuan at mabilis na binuksan ang kanyang laptop.Nang makita niya ang file ng video, hindi niya alam kung bakit, pero biglang tumigil ang kanyang kamay.Sa kanyang isipan, muling umalingawngaw ang nanginginig na tinig ni Celestine."Benjamin, ilang beses na. Hindi mo man lang inimbestigahan at agad mo akong hinatulan. Natatakot ka bang baka hindi kasin
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 27

Ngumiti si Benjamin, "Bakit ka nagpapakahirap sa sarili mo?”"Ano? Hindi kita maintindihan,” Nanginig ang pakiramdam ni Diana, at kitang-kita sa mukha niya ang takot."Diana, sinabi ko naman na pakakasalan kita, di ba? Bakit mo pa ginagawa ito?" Nakasimangot si Benjamin at dumiretso sa gusto niyang puntuhin.Halos huminto na sa paghinga si Diana. Puno siya ng takot dahil hindi niya maintindihan kung ano ang sinasabi ni Benjamin sa kanya."Benj,hindi ko maintindihan ang sinasabi mo," yumuko si Diana pagkatapos sabihin iyon.Tatlong segundo siyang nanahimik, pagkatapos ay kinuha niya ang kanyang cellphone at binuksan ang isang video.Sa screen, makikita si Diana na hinawakan ang braso ni Celestine, pagkatapos ay sinampal ang sarili. Pagkatapos noon, bumagsak siya sa hagdan at itinulak si Celestine!Bago pa niya muling mapanood ito, agad nang binawi ni Benjamin ang kanyang cellphone.
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 28

Isang gabi, sa Columbus Garden.Isang sinaunang restaurant ito, tahimik at elegante ang nasabing place.Huli nang dumating si Celestine, may hawak na nakatiklop na pamaypay, suot ang berdeng damit na may mga butones. Binuksan niya ang pinto ng restaurant at agad na tumayo ang mga taong nagkakape at nag-uusap sa loob.Tumama ang ilaw sa kanyang katawan, at ang kanyang balat ay napakaputi at kaakit-akit. Mataas ang hiwa ng kanyang damit, kaya't kitang-kita ang mahahaba at tuwid niyang mga binti.Ang kanyang buhok ay nakatali gamit ang isang hairpin, at natakpan ng kanyang bangs ang sugat sa kanyang noo.Lahat ay natulala sa kagandahan niya."Aba, hindi ba ito si Miss Yllana?" unang nagsalita ang isang lalaking nasa edad trenta na.Si Ian Villaflores ay matalik na kaibigan ni Jolo. Siya ang nag-organize sa private dinner noong gabing iyon, lahat ng dumalo ay mga kilalang magaling at betera
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 29

Lahat ay tumingin sa mga taong papasok ng restaurant, at sinabi ni Ian, "Alam niyo, kapag pahulihin talaga ay dapat parusahan ang mga iyan!”Tumingin si Celestine sa labas ng pinto at biglang narinig ang isang pamilyar na boses, "Pasensya na po sa lahat, nahuli ako."Ang boses na ito ay galing kay.."Ah, Benjamin? Akala ko ang tatay mo ang darating,” sabi ni Ian."Sean, hindi rin ba darating ang tatay mo?"Mula sa likod ng screen ay narinig ang boses ni Marc.Biglang sumikip ang dibdib ni Celestine. Hindi niya alam kung bakit pumunta pa siya sa private dinner na ito.Sa likod ng screen, nakita ni Celestine ang dalawang taong dahan-dahang lumalapit.Si Benjamin at si Sean.Naka-itim na suit si Benjamin at agad niyang nakita si Celestine na nakaupo sa gitna ng karamihan.Ang ganda ng suot ni Celestine  at masyado siyang kapansin-pansin sa gitna ng napakaraming mga tao.Kumunot ang noo ni
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more

Chapter 30

Mabangis na ngumiti ang lalaki at hinila si Celestine sa kanyang mga bisig, "Isang daang milyon? Sige ba! Isang bukas lang ng bibig ko ay kayang-kaya ko na ibigay sa iyo ‘yon!”Pinikit ni Celestine ang kanyang mga mata. Oh? Ang yabang naman pala ng lalaking ito?"Pasensya na po, Sir, taga saan kayo? Bakit ngayon ko lang kayo nakita?" Ngumiti si Celestine at matapang na tinitigan ang lalaking nasa harapan niya.Mataas ang tingin ng lalaki sa sarili, "Ako ang presidente ng Fairy House Inc. Bakit? Ako si Brian Cay.”Biglang natawa si Celestine sa kanyang narinig.Brian Cay?Hindi ba ito ang bobo at tiwaling tagapagmana ng pamilya Cay? Pinakasikat dahil siya ay naloko ng walong milyong piso ng isang lalaking nagkunwaring babae sa internet!Isang malaking hangal at ang maipagmamalaki niya lang ay  ang fact na marami siyang pera!"Ano'ng tinatawanan mo? Minamaliit mo ba ako, ha?" Galit na tinitigan ni Brian si Celesti
last updateLast Updated : 2025-02-27
Read more
PREV
123456
...
19
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status