Semua Bab Divorce Me Now, Mr. Peters!: Bab 221 - Bab 230

254 Bab

Chapter 221

Magpapasalamat na sana si Mary sa taong tumulong sa kanya, pero nakita niya si Celestine. Agad na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Tiningnan ni Celestine si Mary. Sa lahat ng mga kagalang-galang na babae, siya ang may pinakakakaibang ganda. Elegante rin ang kanyang pananamit. Halatang mahilig siya sa mamahaling mga damit, uwing magkikita sila, ganoon ang suot niya. Maganda ang hugis ng kilay at mata ni Mary Valdez. Kahit nasa 50 na ang edad niya , napakaganda pa rin niya. Napailing siya, “Bakit nandito ka rin? Anong ginagawa mo rito?” “Ay, bakit po? Hindi po ba pwedeng kumain ako rito? Hindi naman nakakagulat na nandito rin ang isang tulad ko. Maliit lang ang Nueva Ecija. Kakaunti lang ang masasarap na kainan dito sa atin!” sagot ni Celestine na may bahagyang ngiti. Tumaas ang kilay ni Mary noong mga oras na iyon at tumingin sa mesa ni Celestine. “May kasama ka o nag-iisa ka?” “Ang lungkot naman ni Miss Yllana kung pati sa dinner ay mag-isa pa rin siya.” irap ni M
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-10
Baca selengkapnya

Chapter 222

Hindi alam ni Mary kung nasaan na si Freescia at kung ano na ang buhay niya. May maganda ba siyang buhay? Mahal ba siya ng mga magulang niya o di kaya naman ay mabuti ba ang mga tao sa paligid niya?Iyon ang tanong sa isip ni Mary na kahit kailan yata ay hindi na masasagot pa."May galit ka ba kay Mrs. Valdez?" tanong ni Eduard kay Celestine na may halong pagtataka."Hindi kami magkasundo ng anak niya, paano siya magiging mabait sa akin? Hayaan mo na, ganyan talaga siya," sagot ni Celestine. Hindi lang si Mary, pati na rin ang kapatid ni Diana na si Louie ay ganoon din ang trato sa kanya. Ang buong pamilya Valdez ay tila may matinding galit sa kanya.Itinaas ni Eduard ang kanyang kilay, "Oh?" Bigla niyang ipinatong ang kanyang mga braso sa mesa at pabulong na sinabi, "Celestine, may alam akong lihim tungkol sa pamilya Valdez. Gusto mo bang marinig?"Uminom muna si Celestine ng tubig. Lihim ng pamilya Valdez? Hinila niya ang kanyang tainga bilang senyales na nakikinig siya ng mabuti.T
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-10
Baca selengkapnya

Chapter 223

"Mr. Peters?" mahinang tawag ng nurse kay Benjamin.Lumingon si Benjamin,dama sa buong katawan niya ang hindi maipaliwanag na bigat at presensya.Napalunok ang nurse at iniabot ang gamot kay Benjamin. "Ito po ang gamot ninyo. Inumin niyo po ‘yan sa oras para gumaling na po kayo.”Tumango si Benjamin, hindi nakalimutang sulyapan ang emergency room, saka mahina ang tinig na nagtanong, "Anong nangyari?""Ah, inatake po sa puso ang ama ni Mr. Villaroman," sagot ng nurse.Napakunot-noo si Benjamin. Nagka-heart attack ang tatay ni Eduard, pero bakit magkasama sila ni Celestine? Nakuha pa ba nilang maglandian kahit ganito na ang sitwasyon?Pwede bang pagkatapos ng party noon ay naging full-time na doktor si Celestine ng pamilya Villaroman?Sa pag-iisip nito, hindi naiwasang mapailing si Benjamin at bahagyang napabuntong-hininga. Gaano ba talaga kagaling si Celestine bilang isang doktor? Mukhang sobrang tiwala sa kanya ang pamilya Villaroman."Mr. Peters, mas dapat po kayong mag-ingat sa tiya
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-11
Baca selengkapnya

Chapter 224

Umiling si Celestine at dahan-dahang lumakad paabante.“Sabi mo di ba, hindi natin dapat hayaang iba ang magdikta ng buhay natin, kaya’t ako na ang magdedesisyon para sa sarili kong buhay.”Napakalungkot ni Carene ng mga oras na iyon, ang kanyang mga salita ay tila tubig na dumaloy sa puso ng lahat ng nakarinig.“Dr. Yllana, aalis na ako.” Pagkasabi niya nito, tumalikod siya at muntik nang tumalon!Mula sa bubong at labas ng ospital, nagsigawan ang mga tao, "Aaaah!"Sa sandaling iyon, isang pigura ang mabilis na sumugod at hinawakan ang kanyang pulso.Nanlaki ang mga mata ni Celestine agad siyang tumakbo at tinulungan ang lalaking humawak kay Carene.Buong katawan ni Carene ay nakabitin sa gilid ng gusali.“Bitawan mo ako! Dapat na kong mamatay, alam mo ba iyon? Gusto ko nang mamatay!” umiiyak siyang sumigaw.Hinawakan ni Celestine ang kaliwang braso ni Carene, habang ang lalaki naman sa kanan. Patuloy na pinipiglas ni Carene ang kanyang kaliwang braso, at halos duguin na ang pulso ni
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-11
Baca selengkapnya

Chapter 225

Itinaas ni Celestine ang kanyang ulo at tumingin sa likod ng kamay ni Benjamin. Ang likod ng kamay nito ay may gasgas at dumudugo.Hindi napigilan ni Celestine na titigan si Benjamin, "Hindi ba pareho lang tayo? Tumulong ka rin naman.”"Pero mas gumawa ka ng mabuti kaysa sa akin. Ni hindi mo nga inisip kung ano ang mga pwedeng mangyari kanina sa iyo," Biglang tumayo si Benjamin sa lugar kung saan kanina si Carene nakatayo.Nanginig ang puso ni Celestine.Bigla siyang lumingon at tinanong si Celestine, "Celestine. May itatanong ako sa iyo. Naalala mo ba na sinabi mo rin noon na gusto mong tumalon mula sa building? Parehas kayo ni Carene.”Hindi makapagsalita si Celestine noon."Malamang hindi mo na maalala. Paano kung tulungan kitang maalala ulit?" Tinaas ni Benjamin ang kanyang kilay at lumuhod.Ngumiti siya at sinabi, "Noong isang taon, isang gabi ay nagpadala ka sa akin ng isang text message. Sabi mo may sakit ka, at kung hindi ako uuwi, tatalon ka sa building at ako mismo ang pupul
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-11
Baca selengkapnya

Chapter 226

“Eh ano naman ngayon kung nakita niya iyon? Wala namang problema,” Ngumiti si Celestine at tumingin kay Eduard.Hindi napigilan ni Eduard na magtanong, “Talaga bang hindi mo na siya mahal? As in, wala na talaga?”“Wala nang halaga kung mahal ko pa siya o hindi. Hindi ko na siya iintindihin kahit kailan.”Ibinaba ni Celestine ang kanyang kamay at tumingin sa bintana.Kapag minahal ko siya, hindi ko siya makuha. Kung hindi ko siya mahal, hindi ko rin siya makukuha. Talaga bang mahalaga pa ang pagmamahal nowadays?“Eduard, o!” biglang itinuro ni Celestine ang labas ng bintana.May mga bata na may hawak na balloons. Naglalaro ang mga ito sa may fountain. Sobrang saya nila, para silang walang problema sa buhay.Naintindihan ni Eduard ang ibig sabihin ni Celestine.Bumaba ng sasakyan si Celestine at akmang magpapaalala si Eduard na mag-ingat, pero ilang segundo lang ay bumaba na rin siya ng sasakyan para samahan si Celestine.“Maglilibang muna ako saglit, makikipaglaro ako sa mga bata. Gust
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-12
Baca selengkapnya

Chapter 227

Kinabukasan.Maulap at mahamog sa labas ng bintana. Nagising si Celestine sa tunog ng kanyang cellphone.Paglingon niya, nakita niyang si Vernard ang tumatawag, kaya ibinaba niya ito. Wala namang seryosong dahilan kung bakit tumatawag ito kung minsan.Pero maya-maya, tumawag ulit si Vernard, na para bang may mahalagang sasabihin sa kanya.Pumikit si Celestine at pinindot ang answer button sa kanyang cellphone, sabay sabi nang walang gana, “Anong meron? Anong gusto mong sabihin? Kung ano man iyon, sabihin mo na agad.”Parang sobrang saya ni Vernard habang nagsasalita, “Kagigising mo lang pala. Boss, sumikat ka na sa internet ah.”Naguluhan si Celestine, “Ha? Anong meron? Anong ibig mong sabihin?”“Bilisan mong buksan ang social media account mo at tingnan kung ano ang trending ngayon. Dalian mo.” Pagkasabi nun, ibinaba agad ni Vernard ang tawag, na parang natatakot na maabala si Celestine sa pag-check ng trending.Dumilat si Celestine habang humihikab. Kita na antok pa talaga siya. Bin
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-12
Baca selengkapnya

Chapter 228

"Celestine. Sabihin mo nga sa akin, ikaw ba’y umiibig na kay Mr. Eduard Villaroman?”Noong mga oras na iyon, buo na sa isipan ni Lola Belen ang lahat. Basta’t sabihin lang ni Celestine na inibig niya si Eduard, kailan man ay hindi na siya guguluhin pa ng pamilya Peters kahit na mahal na mahal nila siya.Mahigpit na hawak ni Celestine ang kanyang cellphone, kinagat ang ibabang labi, nagpasiya at sumagot, “Opo, Lola Belen. Mabait talaga si Eduard. Ginagalang niya ako at mahinahon siya tuwing kinakausap niya ako. Isa pa, masaya ako na kasama siya.”Muling natahimik si Lola Belen noong mga oras na iyon.Narinig ni Celestine ang tahimik na buntong-hininga ng kanyang Lola Belen.Marami nang ginawa si Lola Belen para sa marriage nina Celestine at Benjamin. Pero nauwi rin sa ganito...“Celestine, ayaw talaga kitang mawala sa totoo lang,” medyo nanginginig ang boses ni Lola Belen.Ngumiti si Celestine, “Kahit hindi na po kami ni Benjamin, hindi magbabago ang relasyon natin sa isa’t isa ha? Dad
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-12
Baca selengkapnya

Chapter 229

"Celestine, halika rito. Sa outpatient clinic tayo du-duty ngayon." Tawag ni Georgia kay Celestine.Lumapit si Diana at nagtanong, "Miss Padilla, pwede po ba akong sumama sa inyo sa outpatient clinic ngayon?"Tiningnan ni Georgia si Diana nang may pagtataka. Sasama rin siya? Hindi ba’t kadalasan ay hindi siya sumasama? Madalas nga, ayaw niya roon."Sige, sabay na lang kayong dalawang pumunta roon," Walang pakialam na sabi ni Georgia. Wala namang problema kung may isang dagdag o kulang na tao sa ospital.Napamura si Celestine kay Diana sa mahinang tinig, "Bakit parang anino kita? Hindi na kita matakasan. Ano bang gusto mong patunayan, ha?”"Ikaw kaya ang hindi ko matakasan! Ako ang nauna rito sa departament ng cardiac surgery pero ito dito ka rin nagtrabaho!" sagot ni Diana nang may panunuya."Diana, payo ko lang ha? Magpakumbaba ka. Huwag mong kalimutan kung sino ang tumulong sa iyo makapasok sa medical school!" banta ni Celestine kay Diana.Napahinto si Diana sa gulat.Nangumiti si C
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-13
Baca selengkapnya

Chapter 230

Bumaba si Celestine kumuha ng gamit. Habang dumadaan siya sa emergency room, nakita niyang may isang taong mabilis na pumasok, kasunod ang ilang mga guard ng bilangguan at ilang mga pulis.Sumunod si Celestine at nakita ang ilang guards na sinisita ang isang doktor, "Mahalaga ang bilanggo na ito. Kailangang mailigtas mo siya. Naiintindihan mo ba?”“Opo, Sir. Naiintindihan ko. Gagawin po namin ang lahat para mailigtas siya,” sagot ng doktor.“Aasahan ko iyan. Salamat,” sabi noong guard.Pagkatapos noon, umalis ang guard para tumawag, "Oo, si 2823 ito. Siya ang pangunahing salarin sa kaso ng pagdukot kay Benjamin Peters."Tiningnan ni Celestine ang guard at tumungo sa emergency room.Nakita niya ang isang lalaking maputla ang mukha, may bula sa bibig, at tumitirik ang mga mata.Siya ba ay... nalason?Pwede bang malason sa loob ng bilangguan? Paano nangyari iyon? Ibig sabihin, hindi maayos ang security nila roon?Itinaas ni Celestine ang kilay, saka lumingon at napaisip, pwede bang kagag
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-14
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
212223242526
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status