Home / Romance / Divorce Me Now, Mr. Peters! / Chapter 241 - Chapter 250

All Chapters of Divorce Me Now, Mr. Peters!: Chapter 241 - Chapter 250

254 Chapters

Chapter 241

Nang hindi sumagot si Celestine sa sinabi ni Shiela, alam na ni Shiela ang sagot. Hindi nga natuloy ang divorce nina Celestine at Benjamin.“Sige na, sabihin mo nga sa akin ang totoo, ayaw mo bang mawalay talaga sa kanya?” pagpupumilit ni Shiela.Nagsalin ng tubig si Celestine at napabuntong-hininga. “Ayaw na ayaw ko talaga. ID card ko kasi 'yun, at hindi ko kayang mawala 'yon!”Nagtakang tanong si Shiela, “ID card? Anong sinasabi mong ID card?”“Nawala ang ID card ko sa pinaka-importanteng oras. Doon pa talaga sa kailangan ko iyon. Wala akong magawa kundi maghintay na ma-reissue ito bago ako makapagpa-divorce.” Uminom si Celestine ng tubig, tumayo sa tabi ng bintana at tumingin palabas. Kita sa kanyang mga mata ang pagod at lungkot.Napabuntong-hininga si Shiela noong mga oras na iyon. “Ang dami niyong pinagdaanan nung nagpakasal kayo, pati ba naman ang divorce niyo may aberya pa rin? Hindi ko na talaga kayo maintindihan! Dyusko, kailan ba matatapos ito?”Napangiti na lang si Celesti
last updateLast Updated : 2025-04-17
Read more

Chapter 242

"Ibaba mo ang iyong balisong. Hindi nakakatulong iyan sa problema natin. Marami ka pang madadamay," Tinitigan ni Celestine ang balisong sa kamay nito.May mga taong paroo’t parito sa ospital, at maraming doktor at pasyente ang nanonood. Masama ang kahihinatnan kung may masaktan ang lalaki."Ipa-discharge mo nga sabi ang asawa ko! Hindi ba malinaw sa iyo iyon? Kung ginagawa mo na sana, hindi na ko magwawala pa rito!" sigaw ng lalaki."Sige. Ipapa-discharge ko na ang asawa mo kung iyon ang gusto mo," Tumango si Celestine at agad na pumayag.Nagtinginan ang lahat kay Celestine. Pumayag ba talaga siyang ipa-discharge na si Carene? Ang alam ng iba ay hindi pa pwede dahil may tests pa ito na kailangang gawin."Danica." Tumalikod si Celestine at tinawag si Danica.Lumapit si Danica, "Po? Ano po ang kailangan niyo, Dr. Yllana?"Kitang-kita ang takot ni Danica sa kanyang mga mata."Pumunta ka sa kwarto ni Carene at paki-discharge mo siya. Thank you.”Napakunot-noo si Danica, litong-lito. Totoo
last updateLast Updated : 2025-04-17
Read more

Chapter 243

Mabilis na gumulong si Celestine sa gilid, kaya’t hindi tumama ang balisong ni James sa kanya. Mahigpit ang pagkakakagat ni James sa kanyang mga ngipin dahil sa galit, namumutok ang mga ugat sa kanyang noo, at sumigaw, “’Wag kang umilag! Papatayin talaga kita!”Pero hindi tanga si Celestine, kaya umiwas siya.Nakatitig si James kay Celestine, at tumayo na si Celestine. Dahan-dahan niyang ibinaba ang silver na needle mula sa manggas niya at hinawakan iyon sa pagitan ng kanyang mga daliri.Nang makitang hindi siya makalapit kay Celestine, biglang tumingin si James kay Carene.Natigilan si Carene noong mga oras na iyon, at agad siyang hinatak ni James sa kanyang harapan, itinapat ang balisong sa leeg nito.“Payagan mo kaming lumabas dito, kundi papatayin ko siya! Makikita mo!” sigaw ni James kay Celestine.Hindi napigilang mamangha ulit si Celestine sa lalaki.“James, asawa mo si Carene, hindi ba? Ilang taon na kayong magkasama sa iisang bubong! Hindi mo ito kailangang gawin!” paalala n
last updateLast Updated : 2025-04-18
Read more

Chapter 244

Sinabi ni Celestine na isa siyang independent individual. Kahit na siya ang asawa ni James, pasyente pa rin siya na dapat tulungan. “Carene, sinabi ko dati na gagamutin kita, kaya gagamutin kita ha.” Lumingon si Celestine sa doktor sa labas at sumigaw, “Miss Georgia, nasugatan po si Carene!” “Dr. Yllana, salamat. Kahit mamatay ako, ayos lang sa akin dahil tinulungan mo na ako noon pa.” Mahina at banayad ang tinig ni Carene nang sabihin niya iyon. Ramdam ni Celestine ang matinding awa para sa kanya sa mga sandaling iyon. Sino ba naman ang ayaw maging maganda at elegante ang kanyang buhay, pero itinulak siya ng buhay para maging isang simpleng babae sa probinsya. Dinala na ng pulis si James. Hindi matahimik ang puso ni Celestine, hindi niya magawang palayain si James. Sinabi niya noon na si Carene ay duwag, at kinamumuhian niya ang ganitong uri ng tao. Pero nang papalapit na si James para saktan siya, si Carene na isang duwag at ordinaryong tao ang siyang humarang at pumrotekta s
last updateLast Updated : 2025-04-18
Read more

Chapter 245

Itinaas ni Celestine ang kanyang ulo, hawak ang balikat gamit ang isang kamay.Lumabas na sina Lola Belen at Zsa Zsa pala iyon, kapwa nagmamadali at halatang nag-aalala para kay Celestine."Celestine, anong nangyari? Pagkakita namin ng balita sa TV kanina, agad kaming pumunta rito! Kamusta ka na? Nasaan ang lalaking may gawa sa iyo nito?!" may pag-aalalang tanong ni Lola Belen.“Oo nga, aba dapat ay magbayad siya dahil sa ginawa niya! Ipapakulong natin siya!” sabi naman ni Zsa Zsa.Nag-aalala si Lola Belen habang sinusuportahan si Celestine para makaupo. Tinitingnan din niya kung okay si Celestine mula ulo hanggang paa.Tiningnan ni Celestine ang dalawa, at naalala rin ang kanyang pamilya na agad na rumesponde. Kumpara kay Carene, talagang napagtanto niyang napakaswerte niya. Si Carene, wala nang pamilya ang titingin para sa kanya. Pero siya, ito at dalawa pa.“Lola Belen , Mommy, ayos lang po ako. Hindi niyo na po ko kailangan puntahan pa rito. Naabala pa phone tuloy kayo,” Binuka n
last updateLast Updated : 2025-04-18
Read more

Chapter 246

Gustong umuwi ni Celestine, pero dumalaw si Mr. Macabuhay sa kanya at iginiit na ipa-check up siya ng buo at manatili sa ospital ng dalawang araw. Wala na sa panganib si Carene, sa kabutihang-palad ay ayos lang siya. Nagamot na siya ni Georgia.Nabuburyong si Celestine sa loob ng ward mag-isa. Wala naman siyang sakit, pero hindi siya pinapayagang lumabas. Para siyang special na ginto na bawal mahawakan ng kung sinu-sino lang.Tumunog bigla ang kanyang cellphone, may dumating na text message. Galing ito kay Zsa Zsa. “Celestine paparating na ang dumplings! Hintayin mo na lang dyan. Baka mamaya ay parating na iyon.”Nang maalala niya na gawa ng nanay ni Benjamin ang dumplings, hindi na siya gaanong nabagot. Kahit paano ay natuwa na siya sa paghihintay.Hinugasan niya ang mga prutas para kumain, nagbuhos na rin siya ng dalawang tasa ng tsaa, at naghintay kina Lola Belen at Zsa Zsa.May kumatok sa pinto ng ward.Agad na sinabi ni Celestine, “Pasok!” Masaya siyang lumingon dahil alam niyan
last updateLast Updated : 2025-04-19
Read more

Chapter 247

Hindi siya nagsasalita, basta nakatitig lang si Benjamin sa kanya.Medyo nag-alanganan si Celestine sa pagtitig ni Benjamin sa kanya, kaya ibinaba na niya ang kanyang ulo at tahimik na kumain ng dumplings. Makalipas ang ilang sandali, tumingin ulit siya at nakita niyang nakatingin pa rin ito sa kanya.“Mabubusog ka ba sa pagtitig lang sa akin? Kumain ka na lang dyan, huwag mo na akong titigan! ” Mabilis na kumuha si Celestine ng dumpling at inilagay ito sa mangkok ni Benjamin.Ibinaling niya ang tingin sa mangkok at tiningnan ang dumpling, saka napakunot ang noo.Parang bigla namang naalala ni Celestine ang isang bagay, kaya kinuha niya ulit ang dumpling mula sa mangkok nito.Napatanong si Benjamin sa kanyang sarili.‘Anong ginagawa niya? Kumain daw ako pero kinuha naman niya ang dumplings sa mangkok ko?’“Nakalimutan ko, ayaw mo nga pala na sinasabihan kang kumain,” Sabi ni Celestine habang ngumunguya at pabulong na nagsalita.Hindi nakapagsalita si Benjamin.Tahimik siya at sa huli
last updateLast Updated : 2025-04-19
Read more

Chapter 248

"Ano'ng hindi tama sa pagtulog ko rito?" Ngumisi si Benjamin at tumawa."Isang lalaki, isang babae sa isang kwarto, hindi iyon tama. Alam mo iyan," Seryosong sinabi iyon ni Celestine."Hindi tama? Bakit?" Pinikit niya ang mga mata at biglang tumayo at naglakad papunta sa kama ni Celestine.Biglang pumasok sa isipan ni Celestine ang isang masamang ideya. Sumiksik siya sa kama. Yumuko si Benjamin at inilagay ang mga kamay sa tabi ng kanyang mga tainga. "Noong araw na iyon sa sasakyan, hindi iyan ang sinabi mo."“Ha?” tanong ni Celestine.‘Sa sasakyan noong araw na iyon? Anong ibig sabihin ni Benjamin tungkol doon?’Anong araw ang sinasabi niya? Sandali, may nakalimutan ba siyang pangyayari noon?"Uminom ka ng sobra sa bar noong araw na iyon, at tinukso mo ako sa buong biyahe pabalik. Nakalimutan mo na ba, Ms. Yllana?" Bahagyang pinikit ni Benjamin ang kanyang mga mata, na may halong galit.Nabigla si Celestine. Noong araw na iyon sa bar...Binigyan siya ni Benjamin ng ilang segundo par
last updateLast Updated : 2025-04-19
Read more

Chapter 249

Binuksan ni Benjamin ang kanyang cellphone para magbigay liwanag iyon sa kanya,nakita niyang biglang lumapit si Celestine at sumiksik sa kanyang mga bisig.“Celestine? Bakit ka tumayo?” Hindi napigilang tawagin siya ni Benjamin noong mga oras na iyon.Hindi siya sumagot. Pumikit na lang siya at nagtulug-tulugan para hindi masabi ni Benjamin na tumitingin siya sa kanya.Maliit lang ang sofa, at nakasandal na ang likod ni Benjamin sa sandalan. Bumaling si Celestine at kusang inakap ni Benjamin ang kanyang kamay at hinila siya palapit.Sa liit ng espasyo ng sofa, puwedeng mahulog si Celestine kapag gumalaw siya.Sa isip-isip ni Benjamin, nagsl-sleepwalk ba siya?Umagang-umaga noon.Tumigil na ang malakas na ulan at napaka-presko ng hangin sa buong Nueva Ecija.Pumasok ang nurse para kumuha ng dugo at nakita ang dalawang taong magkayakap na natutulog sa sofa.Pasilip-silip ang nurse, hindi na naglakas-loob na istorbohin sila, at lumipat na lang muna sa ibang kuwarto.Dahan-dahan niyang si
last updateLast Updated : 2025-04-19
Read more

Chapter 250

Pumikit si Celestine at huminga nang malalim bago nagsalita."Nang nag-apply ako ng ID card kahapon, sinabi ng staff na aabutin ng tatlong araw para mapabilis ang process noon. Kapag walang magiging aberya, bukas ay pwede na iyon.”Nakatuwid ang mga braso ni Celestine habang nakasandal sa dingding, pinapanood si Benjamin habang siya ay nagtatali ng kanyang kurbata.Tumingala si Benjamin, he’s humming, at saka muling nagpatuloy sa pagtali ng kurbata, waring wala siyang pakialam sa mga sinasabi ni Celestine.Kailangang aminin, napakagwapo talaga ng lalaking ito, parang kasalanan na kapag tumitingin sa kanya. Bawat tingin, parang may pagnanasa na.Kahit bagong gising lang at lutang pa ay sobrang gwapo ni Benjamin.Pinipigilan ni Celestine ang sarili at kinuha ni Benjamin ang kanyang suit jacket sa gilid ng sofa. Pinanood ni Celestine ang mahahaba’t makikinis na daliri nito habang isa-isang isinusuot ang mga butones ng kanyang damit.Tsk.Napaka-swerte talaga ni Diana dahil ganito kagwapo
last updateLast Updated : 2025-04-20
Read more
PREV
1
...
212223242526
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status