Umiling si Celestine at dahan-dahang lumakad paabante.“Sabi mo di ba, hindi natin dapat hayaang iba ang magdikta ng buhay natin, kaya’t ako na ang magdedesisyon para sa sarili kong buhay.”Napakalungkot ni Carene ng mga oras na iyon, ang kanyang mga salita ay tila tubig na dumaloy sa puso ng lahat ng nakarinig.“Dr. Yllana, aalis na ako.” Pagkasabi niya nito, tumalikod siya at muntik nang tumalon!Mula sa bubong at labas ng ospital, nagsigawan ang mga tao, "Aaaah!"Sa sandaling iyon, isang pigura ang mabilis na sumugod at hinawakan ang kanyang pulso.Nanlaki ang mga mata ni Celestine agad siyang tumakbo at tinulungan ang lalaking humawak kay Carene.Buong katawan ni Carene ay nakabitin sa gilid ng gusali.“Bitawan mo ako! Dapat na kong mamatay, alam mo ba iyon? Gusto ko nang mamatay!” umiiyak siyang sumigaw.Hinawakan ni Celestine ang kaliwang braso ni Carene, habang ang lalaki naman sa kanan. Patuloy na pinipiglas ni Carene ang kanyang kaliwang braso, at halos duguin na ang pulso ni
Itinaas ni Celestine ang kanyang ulo at tumingin sa likod ng kamay ni Benjamin. Ang likod ng kamay nito ay may gasgas at dumudugo.Hindi napigilan ni Celestine na titigan si Benjamin, "Hindi ba pareho lang tayo? Tumulong ka rin naman.”"Pero mas gumawa ka ng mabuti kaysa sa akin. Ni hindi mo nga inisip kung ano ang mga pwedeng mangyari kanina sa iyo," Biglang tumayo si Benjamin sa lugar kung saan kanina si Carene nakatayo.Nanginig ang puso ni Celestine.Bigla siyang lumingon at tinanong si Celestine, "Celestine. May itatanong ako sa iyo. Naalala mo ba na sinabi mo rin noon na gusto mong tumalon mula sa building? Parehas kayo ni Carene.”Hindi makapagsalita si Celestine noon."Malamang hindi mo na maalala. Paano kung tulungan kitang maalala ulit?" Tinaas ni Benjamin ang kanyang kilay at lumuhod.Ngumiti siya at sinabi, "Noong isang taon, isang gabi ay nagpadala ka sa akin ng isang text message. Sabi mo may sakit ka, at kung hindi ako uuwi, tatalon ka sa building at ako mismo ang pupul
“Eh ano naman ngayon kung nakita niya iyon? Wala namang problema,” Ngumiti si Celestine at tumingin kay Eduard.Hindi napigilan ni Eduard na magtanong, “Talaga bang hindi mo na siya mahal? As in, wala na talaga?”“Wala nang halaga kung mahal ko pa siya o hindi. Hindi ko na siya iintindihin kahit kailan.”Ibinaba ni Celestine ang kanyang kamay at tumingin sa bintana.Kapag minahal ko siya, hindi ko siya makuha. Kung hindi ko siya mahal, hindi ko rin siya makukuha. Talaga bang mahalaga pa ang pagmamahal nowadays?“Eduard, o!” biglang itinuro ni Celestine ang labas ng bintana.May mga bata na may hawak na balloons. Naglalaro ang mga ito sa may fountain. Sobrang saya nila, para silang walang problema sa buhay.Naintindihan ni Eduard ang ibig sabihin ni Celestine.Bumaba ng sasakyan si Celestine at akmang magpapaalala si Eduard na mag-ingat, pero ilang segundo lang ay bumaba na rin siya ng sasakyan para samahan si Celestine.“Maglilibang muna ako saglit, makikipaglaro ako sa mga bata. Gust
Kinabukasan.Maulap at mahamog sa labas ng bintana. Nagising si Celestine sa tunog ng kanyang cellphone.Paglingon niya, nakita niyang si Vernard ang tumatawag, kaya ibinaba niya ito. Wala namang seryosong dahilan kung bakit tumatawag ito kung minsan.Pero maya-maya, tumawag ulit si Vernard, na para bang may mahalagang sasabihin sa kanya.Pumikit si Celestine at pinindot ang answer button sa kanyang cellphone, sabay sabi nang walang gana, “Anong meron? Anong gusto mong sabihin? Kung ano man iyon, sabihin mo na agad.”Parang sobrang saya ni Vernard habang nagsasalita, “Kagigising mo lang pala. Boss, sumikat ka na sa internet ah.”Naguluhan si Celestine, “Ha? Anong meron? Anong ibig mong sabihin?”“Bilisan mong buksan ang social media account mo at tingnan kung ano ang trending ngayon. Dalian mo.” Pagkasabi nun, ibinaba agad ni Vernard ang tawag, na parang natatakot na maabala si Celestine sa pag-check ng trending.Dumilat si Celestine habang humihikab. Kita na antok pa talaga siya. Bin
"Celestine. Sabihin mo nga sa akin, ikaw ba’y umiibig na kay Mr. Eduard Villaroman?”Noong mga oras na iyon, buo na sa isipan ni Lola Belen ang lahat. Basta’t sabihin lang ni Celestine na inibig niya si Eduard, kailan man ay hindi na siya guguluhin pa ng pamilya Peters kahit na mahal na mahal nila siya.Mahigpit na hawak ni Celestine ang kanyang cellphone, kinagat ang ibabang labi, nagpasiya at sumagot, “Opo, Lola Belen. Mabait talaga si Eduard. Ginagalang niya ako at mahinahon siya tuwing kinakausap niya ako. Isa pa, masaya ako na kasama siya.”Muling natahimik si Lola Belen noong mga oras na iyon.Narinig ni Celestine ang tahimik na buntong-hininga ng kanyang Lola Belen.Marami nang ginawa si Lola Belen para sa marriage nina Celestine at Benjamin. Pero nauwi rin sa ganito...“Celestine, ayaw talaga kitang mawala sa totoo lang,” medyo nanginginig ang boses ni Lola Belen.Ngumiti si Celestine, “Kahit hindi na po kami ni Benjamin, hindi magbabago ang relasyon natin sa isa’t isa ha? Dad
"Celestine, halika rito. Sa outpatient clinic tayo du-duty ngayon." Tawag ni Georgia kay Celestine.Lumapit si Diana at nagtanong, "Miss Padilla, pwede po ba akong sumama sa inyo sa outpatient clinic ngayon?"Tiningnan ni Georgia si Diana nang may pagtataka. Sasama rin siya? Hindi ba’t kadalasan ay hindi siya sumasama? Madalas nga, ayaw niya roon."Sige, sabay na lang kayong dalawang pumunta roon," Walang pakialam na sabi ni Georgia. Wala namang problema kung may isang dagdag o kulang na tao sa ospital.Napamura si Celestine kay Diana sa mahinang tinig, "Bakit parang anino kita? Hindi na kita matakasan. Ano bang gusto mong patunayan, ha?”"Ikaw kaya ang hindi ko matakasan! Ako ang nauna rito sa departament ng cardiac surgery pero ito dito ka rin nagtrabaho!" sagot ni Diana nang may panunuya."Diana, payo ko lang ha? Magpakumbaba ka. Huwag mong kalimutan kung sino ang tumulong sa iyo makapasok sa medical school!" banta ni Celestine kay Diana.Napahinto si Diana sa gulat.Nangumiti si C
Bumaba si Celestine kumuha ng gamit. Habang dumadaan siya sa emergency room, nakita niyang may isang taong mabilis na pumasok, kasunod ang ilang mga guard ng bilangguan at ilang mga pulis.Sumunod si Celestine at nakita ang ilang guards na sinisita ang isang doktor, "Mahalaga ang bilanggo na ito. Kailangang mailigtas mo siya. Naiintindihan mo ba?”“Opo, Sir. Naiintindihan ko. Gagawin po namin ang lahat para mailigtas siya,” sagot ng doktor.“Aasahan ko iyan. Salamat,” sabi noong guard.Pagkatapos noon, umalis ang guard para tumawag, "Oo, si 2823 ito. Siya ang pangunahing salarin sa kaso ng pagdukot kay Benjamin Peters."Tiningnan ni Celestine ang guard at tumungo sa emergency room.Nakita niya ang isang lalaking maputla ang mukha, may bula sa bibig, at tumitirik ang mga mata.Siya ba ay... nalason?Pwede bang malason sa loob ng bilangguan? Paano nangyari iyon? Ibig sabihin, hindi maayos ang security nila roon?Itinaas ni Celestine ang kilay, saka lumingon at napaisip, pwede bang kagag
Tumawa si Benjamin, at may halong poot ang tingin niya kay Eduard, “Bagay? Sa tingin ko, hindi. Para silang magkakabatang kapatid.”Tumaas ang kilay ni Celestine. Narinig niya ang sinabi ni Benjamin kaya sinadya niyang yakapin ang braso ni Eduard, “Mr. Peters, tingnan niyo ulit nang maigi. Hindi ba talaga kami bagay? Mukha ba talaga kaming magkapatid?”Naninipit ang mata ni Benjamin.Ano'ng ibig sabihin ni Celestine? Tinutulak ba niya ang hangganan ni Benjamin? Gusto ba niya na makita na nagagalit ito?“Bakit hindi naman kami bagay?” Lalong dumikit si Celestine kay Eduard, mas naging malapit pa.Unti-unting bumaba ang kilay ni Benjamin. Ramdam ni Diana ang pagkainis nito.Maingat niyang hinawakan ang palad ni Benjamin. Para bang gusto na niyang alisin si Benjamin sa eksenang iyon.Tinitigan ni Benjamin si Celestine na parang gusto niya itong lamunin ng buo, napaka-sinister ng kanyang tingin.Hindi ito sineryoso ni Celestine, mas lalo pang naging malamig ang ekspresyon niya, at unti-un
Sa Cardiac Surgery Department..Pagkabukas na pagkabukas ni Celestine ng pintuan ng kanyang opisina, agad niyang narinig si Dr. Feliciano na nagrereklamo, "Nakakahiya talaga ang pamilya Valdez ngayon. Maaga pa lang sinabi na nila sa media na magpapadala sila ng snow lotus grass, pero peke naman pala ang pinadala! Ginawa nilang tanga si Mrs. Belen Peters!"Tumango ang isa pang doktor, "Oo nga, parang sila pa mismo ang bumaril sa sarili nila. Sila ang tanga.""Uy, Dr. Yllana!" Kumaway si Dr. Feliciano kay Celestine, "Ayos ka na ba? Nakalabas ka na pala ng ospital.”Tumango si Celestine at hindi na nagsalita pa.Sumunod si Dr. Feliciano at nagtanong habang nanlalaki ang mga mata, "Dr. Yllana, paano mo nga pala nakuha ang snow lotus grass?"Binuksan ni Celestine ang kanyang bibig, pero paano niya sasagutin ang tanong na iyon?Sasabihin ba niyang isa siyang boss ng base na kahit anong gusto niya ay nakukuha niya? Hindi naman pwede siguro iyon?Habang nag-iisip pa si Celestine ng isasagot,
Palabas na sana siya ng kanyang cellphone, pero napansin niyang nagbabasa rin si Celestine ng balita sa kanyang cellphone.Agad niyang inagaw ang cellphone ni Celestine at itinuro ang nilalaman nito, "Hindi ba't ikaw ang may gawa nito? Aminin mo na kasi!”"Celestine, napaka-despicable mo! Gaano katagal na ba mula nang nangyari ang insidente sa snow lotus grass? Bakit mo ito muling binuhay? Dahil ba gusto ka nang hiwalayan ni Benjamin kaya gusto mong gumanti sa pamilya Valdez? Ganoon ba?”Tiningnan ni Celestine si Diana at naunawaan kung bakit ganoon na lang ang galit niya ngayon.Lumabas na siya pala ang pinaghihinalaan ni Diana na nagpakalat ng issue tungkol sa snow lotus grass.Tumayo si Celestine noong mga oras na iyon at akmang itutulak na naman siya ni Diana pagkatayo niya.Inalis ni Celestine ang kamay ni Diana, kaya napaatras ito ng dalawang hakbang.Nakapagkunot-noo si Diana habang tinititigan si Celestine.Maayos na inayos ni Celestine ang kanyang damit, isinuklay ang buhok,
“Para ba sa iyo ay nakakadiri akong babae?!” galit na sambit ni Celestine habang nakangiwi ang mga ngipin. Kung ang nakaraang segundo ay puno pa ng lambing, sa susunod na segundo’y pawang kalupitan na lamang ang natira para sa kanya. Hinawakan ni Benjamin ang kanyang damit, ngumisi siya, nakakadiri? Kailan niya sinabi iyon? Ang ganitong klase ng pakikitungo ay bagay na bagay sa kanyang mayabang at dominanteng ugali! “Puntahan mo na si Diana, pakasalan mo siya. Sana’y maging masaya kayo! Wala nang pipigil sa inyo!” Kinuha ni Celestine ang mansanas sa tabi ng kama at inihagis ito kay Benjamin, “Lumayas ka! Hindi kita kailangan dito!” Pakiramdam niya ay malas kung manatili pa ito ng isang segundo sa loob ng kwarto niya! Nandoon nga si Diana, pero nandoon din naman siya, hindi ba? Buhay na buhay! Sinabi pa ni Benjamin na iba siya kay Diana. Oo nga naman, magkaibang-magkaiba sila. Si Celestine ay mas marangal at mas mataas kaysa kay Diana nang maraming ulit! Nawalan ng pasensya si
Mahigpit na hawak ni Celestine ang kanyang cellphone, kinukumpirma ang hinala sa kanyang isipan.Nag-panic si Benjamin dahil hindi niya agad nakita si Celestine sa kwarto nito.Nagkakagusto na ba siya kay Celestine kaya ganoon ang reaksyon ni Benjamin?"Makakalabas ka na ba bukas sa ospital?" tanong niya bigla.Pinatay ni Celestine ang kanyang cellphone, at nang siya’y tumingin pataas, hawak ni Benjamin ang hair dryer at pinatutuyo ang kanyang buhok.Tumango si Celestine, "Oo. Bukas na nga.""Hindi ka na kailangang sunduin pa ni Eduard sa ospital, ako na ang maghahatid sa’yo pauwi. Basta, hintayin mo ako rito bukas." Habang sinasabi niya iyon, patuloy siyang nagpapatuyo ng buhok.Isinuksok ni Celestine ang sarili sa kumot at nag-mutter siya, "Huwag mo na akong alalahanin, Benjamin. Kaya ko naman na ang sarili ko.”"Ha?” Napangisi siya, kinamot ang buhok gamit ang dulo ng daliri, at isinara ang hair dryer.Itinapon niya ito sa cabinet, tapos tumingin kay Celestine, "Kung ayaw mong maka
Hanggang sa tumigil na ang mga yabag.Nang mapatingin si Celestine nang hindi sinasadya, nakita niya ang isang pamilyar na lalaki.Dahan-dahang ibinaba ni Celestine ang mga hawak niya at tumayo, saka tinitigan ang lalaki mula ulo hanggang paa.“Benj.. Benjamin? Anong nangyari sa’yo?" medyo tulala si Celestine noong mga oras na iyon.Napatingin si Danica sa kanila. Kitang-kita ang gulat sa kanyang itsura. Basa ng ulan ang buhok ni Benjamin. Nakakunot ang noo at nakatitig kay Celestine, halatang puno ng kaba at pag-aalala.Nasa likod ni Benjamin sina Veronica at dalawang guards mula sa ospital."Bakit hindi mo sinasagot ang cellphone mo? Kanina pa ko tawag nang tawag." Galit at puno ng paninisi ang tono ni Benjamin pagbungad pa lang ng mga salita niya.Kinapa ni Celestine ang bulsa niya. Cellphone niya?Ah, nakalimutan niyang kunin ito noong nagpalit siya ng damit. Naiwan ni
Tahimik si Benjamin ng ilang ulit.Naging seryoso ang mukha ni Celestine, parang galit na galit ang kanyang mukha.Napakatahimik sa kwartong iyon, at kitang-kita ang mainit na paghinga ng dalawa. Nakita ni Celestine na bumibilis ang paghinga ni Benjamin, at sa huli ay nawalan ito ng kontrol at itinulak siya palayo.“Wag kang umasa na mangyayari iyon sa atin.” Hinding-hindi niya mamahalin si Celestine. Hindi niya makita ang sarili na mamahalin niya ito.Ang malamig at walang emosyon na sagot ay nagpadapa ng damdamin Celestine.“Hindi talaga ako aasa,” mahinang sagot ni Celestine sa sagot ni Benjamin.Ilang ulit na rin niya itong sinabi sa sarili kaya sanay na siya. Hindi na nagulat pa sa sinabi ni Benjamin.Tumindig si Benjamin, inayos ang kanyang kwelyo, at kita sa leeg niya ang gumagalaw na lalamunan. Hindi na niya kayang tingnan pa si Celestine, kaya tumingin na lamang siya sa bintana.Matagal na nakatitig si Celestine sa likod niya, bago siya tumawa. “Nagbibiro lang naman ako, para
Pagkatapos magsalita ni Eduard, sinulyapan niya si Benjamin na para bang ibang layunin.Nakita niyang nakatitig sa kanya si Benjamin nang walang emosyon. Kung nakakamatay ang tingin, pakiramdam ni Eduard ay patay na siya sa mga sandaling iyon. Ngumiti si Eduard sa gilid ng kanyang labi at umalis na nang tuluyan.Nang maisara ang pinto ng kwarto, dahan-dahang pinisil ni Benjamin ang kanyang mga kamao. Nagpipigil siya, nagliliyab ang kanyang mga mata."Hindi ka ba aalis dito? Umalis na si Eduard, umalis ka na rin," sabi ni Celestine na umalingawngaw sa kanyang tainga.Mabilis na tumingin si Benjamin kay Celestine at hindi napigilang matawa."Celestine, dinalhan kita ng dinner, at hindi pa nga ako naka-upo ng limang minuto, pinalalayas mo na ako? Do you have manners?”Samantalang si Eduard pa nga ang parang ayaw niyang paalisin kanina! Uminit na naman tuloy ang ulo ni Benjamin noong mga oras na iyon.Napakabilis talagang magpalit ng isip ng babaeng ito! Papalitan na lang siya nang ganoo
She will strive to live for her life. Iyon ang natutunan ni Carene kay Celestine. Gabi na noon. Nakahiga si Celestine sa kama at naglalaro ng games sa kanyang cellphone nang may kumatok sa pinto ng kanyang kwarto. Lumingon si Celestine at natigilan nang makita kung sino ang dumating, saka tumayo, “Eduard, ikaw pala iyan.” Naka-itim na suit si Eduard at may suot na gold-rimmed na salamin. Mayroon siyang kakaibang karisma at elegante rin ang kanyang dating. Lumapit siya bitbit ang isang bouquet ng lilies at may basket of fruits sa isang kamay, at pabirong nagsabi, “Dumating ako para bisitahin ang isang bayani.” Napasimangot si Celestine, “Anong bayani? Sa huli, may ibang humarang para sa akin. Kung may bayani rito, siya iyon at hindi ako.” “Bakit parang nadismaya kang hindi ikaw mismo ang nasaksak? Iba ang tono mo ah,” Ibinaba niya ang basket of fruits at iniabot ang mga bulaklak kay Celestine, “Lilies para sa iyo, sariwang-sariwa, kasing fresh ng mga ngiti mo.” Tiningnan ni Cel
“Miss Georgia, pakawalan mo na po dito sa ospital. Gusto ko na umuwi, at saka, ayos na ayos na po ako! Ang lakas ko na nga eh!”Bumisita si Georgia kay Celestine noong mga oras na iyon. Agad na hinawakan ni Celestine ang braso ni Georgia at nagmakaawang palabasin na siya, kawawang-kawawa ang kanyang itsura.Binuklat ni Georgia ang medical record ni Celestine at tamad na nagsalita, “Hindi ako ang ayaw kang palabasin, si Mr. Macabuhay ang ayaw. Wala akong magagawa. Siya na ang nagsalita eh.”“Oh…” Napaupo si Celestine sa kama na parang nawalan ng pag-asa, nakasimangot na tumingin kay Georgia. “Gusto ko nang bumalik sa trabaho. Mahal na mahal ko ang trabaho ko. Miss Georgia, naiintindihan mo naman ako, hindi ba?”Napatawa si Georgia sa narinig.Araw-araw silang magkasama sa operating room, busy mula umaga hanggang gabi, at madalas pa niya itong pinapagalitan. Mahal niya ang trabahong ‘yon? Iyon ba talaga ang dahilan kung bakit gusto niyang bumalik sa trabaho?“Sige, kakausapin ko si Mr.