Share

Chapter 228

Author: Athengstersxx
last update Last Updated: 2025-04-12 20:02:40

"Celestine. Sabihin mo nga sa akin, ikaw ba’y umiibig na kay Mr. Eduard Villaroman?”

Noong mga oras na iyon, buo na sa isipan ni Lola Belen ang lahat. Basta’t sabihin lang ni Celestine na inibig niya si Eduard, kailan man ay hindi na siya guguluhin pa ng pamilya Peters kahit na mahal na mahal nila siya.

Mahigpit na hawak ni Celestine ang kanyang cellphone, kinagat ang ibabang labi, nagpasiya at sumagot, “Opo, Lola Belen. Mabait talaga si Eduard. Ginagalang niya ako at mahinahon siya tuwing kinakausap niya ako. Isa pa, masaya ako na kasama siya.”

Muling natahimik si Lola Belen noong mga oras na iyon.

Narinig ni Celestine ang tahimik na buntong-hininga ng kanyang Lola Belen.

Marami nang ginawa si Lola Belen para sa marriage nina Celestine at Benjamin. Pero nauwi rin sa ganito...

“Celestine, ayaw talaga kitang mawala sa totoo lang,” medyo nanginginig ang boses ni Lola Belen.

Ngumiti si Celestine, “Kahit hindi na po kami ni Benjamin, hindi magbabago ang relasyon natin sa isa’t isa ha? Dad
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 229

    "Celestine, halika rito. Sa outpatient clinic tayo du-duty ngayon." Tawag ni Georgia kay Celestine.Lumapit si Diana at nagtanong, "Miss Padilla, pwede po ba akong sumama sa inyo sa outpatient clinic ngayon?"Tiningnan ni Georgia si Diana nang may pagtataka. Sasama rin siya? Hindi ba’t kadalasan ay hindi siya sumasama? Madalas nga, ayaw niya roon."Sige, sabay na lang kayong dalawang pumunta roon," Walang pakialam na sabi ni Georgia. Wala namang problema kung may isang dagdag o kulang na tao sa ospital.Napamura si Celestine kay Diana sa mahinang tinig, "Bakit parang anino kita? Hindi na kita matakasan. Ano bang gusto mong patunayan, ha?”"Ikaw kaya ang hindi ko matakasan! Ako ang nauna rito sa departament ng cardiac surgery pero ito dito ka rin nagtrabaho!" sagot ni Diana nang may panunuya."Diana, payo ko lang ha? Magpakumbaba ka. Huwag mong kalimutan kung sino ang tumulong sa iyo makapasok sa medical school!" banta ni Celestine kay Diana.Napahinto si Diana sa gulat.Nangumiti si C

    Last Updated : 2025-04-13
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 230

    Bumaba si Celestine kumuha ng gamit. Habang dumadaan siya sa emergency room, nakita niyang may isang taong mabilis na pumasok, kasunod ang ilang mga guard ng bilangguan at ilang mga pulis.Sumunod si Celestine at nakita ang ilang guards na sinisita ang isang doktor, "Mahalaga ang bilanggo na ito. Kailangang mailigtas mo siya. Naiintindihan mo ba?”“Opo, Sir. Naiintindihan ko. Gagawin po namin ang lahat para mailigtas siya,” sagot ng doktor.“Aasahan ko iyan. Salamat,” sabi noong guard.Pagkatapos noon, umalis ang guard para tumawag, "Oo, si 2823 ito. Siya ang pangunahing salarin sa kaso ng pagdukot kay Benjamin Peters."Tiningnan ni Celestine ang guard at tumungo sa emergency room.Nakita niya ang isang lalaking maputla ang mukha, may bula sa bibig, at tumitirik ang mga mata.Siya ba ay... nalason?Pwede bang malason sa loob ng bilangguan? Paano nangyari iyon? Ibig sabihin, hindi maayos ang security nila roon?Itinaas ni Celestine ang kilay, saka lumingon at napaisip, pwede bang kagag

    Last Updated : 2025-04-14
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 231

    Tumawa si Benjamin, at may halong poot ang tingin niya kay Eduard, “Bagay? Sa tingin ko, hindi. Para silang magkakabatang kapatid.”Tumaas ang kilay ni Celestine. Narinig niya ang sinabi ni Benjamin kaya sinadya niyang yakapin ang braso ni Eduard, “Mr. Peters, tingnan niyo ulit nang maigi. Hindi ba talaga kami bagay? Mukha ba talaga kaming magkapatid?”Naninipit ang mata ni Benjamin.Ano'ng ibig sabihin ni Celestine? Tinutulak ba niya ang hangganan ni Benjamin? Gusto ba niya na makita na nagagalit ito?“Bakit hindi naman kami bagay?” Lalong dumikit si Celestine kay Eduard, mas naging malapit pa.Unti-unting bumaba ang kilay ni Benjamin. Ramdam ni Diana ang pagkainis nito.Maingat niyang hinawakan ang palad ni Benjamin. Para bang gusto na niyang alisin si Benjamin sa eksenang iyon.Tinitigan ni Benjamin si Celestine na parang gusto niya itong lamunin ng buo, napaka-sinister ng kanyang tingin.Hindi ito sineryoso ni Celestine, mas lalo pang naging malamig ang ekspresyon niya, at unti-un

    Last Updated : 2025-04-14
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 232

    Masarap ang pagkain sa private restaurant na ito, pero medyo mahal ang presyo. Buti na lang, maganda ang kapaligiran at maganda rin ang serbisyo ng mga waiter kaya okay lang. “Excuse me, Eduard. Pupunta lang ako sa rest room. Magre-retouch lang,” sabi ni Celestine. “Oh, sure. Hihintayin na lang din kita rito,” sagot ni Eduard pagkatapos ay uminom ng tubig. Tumingin na si Eduard sa palayong likuran ni Celestine. Sa isip-isip niya, napaka-blessed niya dahil nakilala niya ang isang babaeng katulad ni Celestine. Nang pumasok na siya sa rest room, tumayo si Celestine sa harap ng salamin. Nang hahawakan na niya ang gripo para maghugas ng kamay, bigla niyang nakita ang isang lalaking nakasandal sa pader. Naninliit ang mga mata ni Celestine at tumingin pabalik na parang hindi makapaniwala. Akala niya namamalik-mata lang siya sa lalaking nakita niya roon. "Ang liit talaga ng Nueva Ecija ‘no," hindi napigilang bulalas ni Celestine. Dapat malaki ang Nueva Ecija eh, para hindi sila m

    Last Updated : 2025-04-14
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 233

    Hinawakan ni Benjamin ang pulsuhan ni Celestine, pinatalikod siya at pagkatapos ay itinulak sa pader. Agad na tumambad kay Benjamin ang butterfly tattoo sa likod ng damit ni Celestine. Kumibot ang kilay ni Benjamin, at tila may malabong imahe ng isang babae na kumislap sa kanyang isipan. Biglang naging mabigat ang paghinga niya. Nakasandal pa rin si Celestine sa pader. Hindi niya napigilang lumingon at titigan si Benjamin nang masama, pumapalag at galit na galit, “Bitawan mo ako! Hindi mo dapat ginagawa sa akin ito!” Tinitigan ni Benjamin ang butterfly tattoo ni Celestine at napalunok. Lalong humigpit ang hawak niya at ang boses ay mababa, “Paano ka nasugatan nang ganito? Dati naman, wala ito ah. Kailan nangyari ito?” Sinungitan siya agad ni Celestine, “Anong paki mo? Ang sabi ko bitawan mo ako, huwag mo akong piliting saktan ka! Mabuti nga’t hindi pa ko gumaganti sa iyo!” Hindi napigilang tumingin ni Benjamin sa mukha ni Celestine. Mahaba at makapal ang pilikmata niya. Sa madi

    Last Updated : 2025-04-14
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 234

    Celestine is humming.Sa harap ng elevator, parehong tahimik ang dalawa. Para bang hindi sila magkakilala. Hanggang sa napatingin si Eduard sa balikat at leeg ni Celestine. “Paano mo ba talaga nakuha ang sugat na ’yan?”Napahinto si Celestine. Narinig rin ba niya ang usapan nila ni Benjamin?“Pasensya na, hindi ko sinasadya. Nakita ko lang si Diana sa may pinto kaya lumapit ako dala ng kuryosidad, tapos narinig ko na rin ang tungkol doon.” Paliwanag ni Eduard.Umiling si Celestine at hindi na pinansin ang paliwanag ni Eduard sa kanya.“Noong bata pa ako, wala akong muwang at nahulog ako mula sa balcony. Bumagsak ako sa isang vase at nasugatan ako.” Sagot ni Celestine.Tinitigan ni Eduard ang mga mata niya at nagtanong, “Totoo ba na roon talaga galing iyang sugat mo?”Hindi makapaniwala si Celestine sa narinig, para bang sinasabi ni Eduard na hindi totoo ang sinasabi niya.“So, ibig mo bang sabihin, hindi ka naniniwala sa akin? Siyempre, hindi ako nagsisinungaling. Doon nga galing an

    Last Updated : 2025-04-15
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 235

    "Benjamin, bakit ka nandito? Anong ginagawa mo rito?" Gulat na gulat si Lola Belen nang makita si Benjamin.Palihim na kumilos sila ni Zsa Zsa, sino ang nagsabi kay Benjamin na narito sila?"Lola Belen, ako ang nagsabi sa kanya na pumunta rito," sabi ni Celestine.Sa labas ng opisina, isang grupo ng mga doktor at nurses ang nakasilip papasok, sabik na sabik sa tsismis na kanilang maririnig.Hanggang sa isinara ni Benjamin ang pinto ng opisina, napabuntong-hininga ang lahat sa labas, "Ay! Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Pumunta pa talaga si Benjamin? Ibig sabihin, tungkol sa kanya ang pinag-uusapan nila?""Lola Belen, Mommy. Ihahatid ko na kayo pauwi." Lumapit si Benjamin kay Lola Belen para alalayan ito.Agad namang itinulak ni Lola Belen si Benjamin, saka tumalikod habang nakapulupot ang mga braso sa kanyang dibdib at nagsalita nang masungit, "Hindi ako uuwi! Kailangan kong kausapin si Celestine!""Ospital po ito, nagtatrabaho si Celestine ngayon. Naaabala na siya dahil sa pagbisita

    Last Updated : 2025-04-15
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 236

    Tumawa si Celestine. Para bang marami siyang narinig kamakailan na sinasabi ng mga tao na mahal pa rin niya si Benjamin hanggang ngayon.Tiningnan ni Celestine si Benjamin, at tinanong niya ang sarili, mahal pa ba talaga niya ito o naiipit na lang talaga siya dahil ayaw ng pamilya Peters na maghiwalay sila?Marahil, may kaunti pang pagmamahal. Pero iyon ay pagmamahal na may halong panghihinayang.Panghihinayang sa mga taon na sana ay nagamit niya para maging magaling na doktor. Panghihinayang sa pagmamahal na dapat ay naibigay niya sa iba.Tiningnan ni Celestine ang gwapong mukha nito, at hindi niya maiwasang maalala ang mga panahong bagong kasal pa lang sila.Sobrang inlove na talaga siya noon kay Benjamin, feeling niya ay siya na ang pinakang swerte sa mundo.Tinanong pa siya ni Shiela noon, “Celestine, mahal mo ba talaga siya nang gano’n kalalim? Seryoso ka ba talaga? Handa kang tratuhin ka niya na para bang isa kang malalimig na bangkay pagkatapos ng kasal? Ipaliwanag mo sa akin k

    Last Updated : 2025-04-15

Latest chapter

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 245

    Itinaas ni Celestine ang kanyang ulo, hawak ang balikat gamit ang isang kamay.Lumabas na sina Lola Belen at Zsa Zsa pala iyon, kapwa nagmamadali at halatang nag-aalala para kay Celestine."Celestine, anong nangyari? Pagkakita namin ng balita sa TV kanina, agad kaming pumunta rito! Kamusta ka na? Nasaan ang lalaking may gawa sa iyo nito?!" may pag-aalalang tanong ni Lola Belen.“Oo nga, aba dapat ay magbayad siya dahil sa ginawa niya! Ipapakulong natin siya!” sabi naman ni Zsa Zsa.Nag-aalala si Lola Belen habang sinusuportahan si Celestine para makaupo. Tinitingnan din niya kung okay si Celestine mula ulo hanggang paa.Tiningnan ni Celestine ang dalawa, at naalala rin ang kanyang pamilya na agad na rumesponde. Kumpara kay Carene, talagang napagtanto niyang napakaswerte niya. Si Carene, wala nang pamilya ang titingin para sa kanya. Pero siya, ito at dalawa pa.“Lola Belen , Mommy, ayos lang po ako. Hindi niyo na po ko kailangan puntahan pa rito. Naabala pa phone tuloy kayo,” Binuka n

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 244

    Sinabi ni Celestine na isa siyang independent individual. Kahit na siya ang asawa ni James, pasyente pa rin siya na dapat tulungan. “Carene, sinabi ko dati na gagamutin kita, kaya gagamutin kita ha.” Lumingon si Celestine sa doktor sa labas at sumigaw, “Miss Georgia, nasugatan po si Carene!” “Dr. Yllana, salamat. Kahit mamatay ako, ayos lang sa akin dahil tinulungan mo na ako noon pa.” Mahina at banayad ang tinig ni Carene nang sabihin niya iyon. Ramdam ni Celestine ang matinding awa para sa kanya sa mga sandaling iyon. Sino ba naman ang ayaw maging maganda at elegante ang kanyang buhay, pero itinulak siya ng buhay para maging isang simpleng babae sa probinsya. Dinala na ng pulis si James. Hindi matahimik ang puso ni Celestine, hindi niya magawang palayain si James. Sinabi niya noon na si Carene ay duwag, at kinamumuhian niya ang ganitong uri ng tao. Pero nang papalapit na si James para saktan siya, si Carene na isang duwag at ordinaryong tao ang siyang humarang at pumrotekta s

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 243

    Mabilis na gumulong si Celestine sa gilid, kaya’t hindi tumama ang balisong ni James sa kanya. Mahigpit ang pagkakakagat ni James sa kanyang mga ngipin dahil sa galit, namumutok ang mga ugat sa kanyang noo, at sumigaw, “’Wag kang umilag! Papatayin talaga kita!”Pero hindi tanga si Celestine, kaya umiwas siya.Nakatitig si James kay Celestine, at tumayo na si Celestine. Dahan-dahan niyang ibinaba ang silver na needle mula sa manggas niya at hinawakan iyon sa pagitan ng kanyang mga daliri.Nang makitang hindi siya makalapit kay Celestine, biglang tumingin si James kay Carene.Natigilan si Carene noong mga oras na iyon, at agad siyang hinatak ni James sa kanyang harapan, itinapat ang balisong sa leeg nito.“Payagan mo kaming lumabas dito, kundi papatayin ko siya! Makikita mo!” sigaw ni James kay Celestine.Hindi napigilang mamangha ulit si Celestine sa lalaki.“James, asawa mo si Carene, hindi ba? Ilang taon na kayong magkasama sa iisang bubong! Hindi mo ito kailangang gawin!” paalala n

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 242

    "Ibaba mo ang iyong balisong. Hindi nakakatulong iyan sa problema natin. Marami ka pang madadamay," Tinitigan ni Celestine ang balisong sa kamay nito.May mga taong paroo’t parito sa ospital, at maraming doktor at pasyente ang nanonood. Masama ang kahihinatnan kung may masaktan ang lalaki."Ipa-discharge mo nga sabi ang asawa ko! Hindi ba malinaw sa iyo iyon? Kung ginagawa mo na sana, hindi na ko magwawala pa rito!" sigaw ng lalaki."Sige. Ipapa-discharge ko na ang asawa mo kung iyon ang gusto mo," Tumango si Celestine at agad na pumayag.Nagtinginan ang lahat kay Celestine. Pumayag ba talaga siyang ipa-discharge na si Carene? Ang alam ng iba ay hindi pa pwede dahil may tests pa ito na kailangang gawin."Danica." Tumalikod si Celestine at tinawag si Danica.Lumapit si Danica, "Po? Ano po ang kailangan niyo, Dr. Yllana?"Kitang-kita ang takot ni Danica sa kanyang mga mata."Pumunta ka sa kwarto ni Carene at paki-discharge mo siya. Thank you.”Napakunot-noo si Danica, litong-lito. Totoo

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 241

    Nang hindi sumagot si Celestine sa sinabi ni Shiela, alam na ni Shiela ang sagot. Hindi nga natuloy ang divorce nina Celestine at Benjamin.“Sige na, sabihin mo nga sa akin ang totoo, ayaw mo bang mawalay talaga sa kanya?” pagpupumilit ni Shiela.Nagsalin ng tubig si Celestine at napabuntong-hininga. “Ayaw na ayaw ko talaga. ID card ko kasi 'yun, at hindi ko kayang mawala 'yon!”Nagtakang tanong si Shiela, “ID card? Anong sinasabi mong ID card?”“Nawala ang ID card ko sa pinaka-importanteng oras. Doon pa talaga sa kailangan ko iyon. Wala akong magawa kundi maghintay na ma-reissue ito bago ako makapagpa-divorce.” Uminom si Celestine ng tubig, tumayo sa tabi ng bintana at tumingin palabas. Kita sa kanyang mga mata ang pagod at lungkot.Napabuntong-hininga si Shiela noong mga oras na iyon. “Ang dami niyong pinagdaanan nung nagpakasal kayo, pati ba naman ang divorce niyo may aberya pa rin? Hindi ko na talaga kayo maintindihan! Dyusko, kailan ba matatapos ito?”Napangiti na lang si Celesti

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 240

    Pagkalabas ni Celestine, agad niyang nakita ang Maybach ni Benjamin. Binuksan niya ang pinto at sumakay.Ang lalaki ay naka-suot ng suit at may suot na mamahaling relo. Maayos ang kanyang itim na buhok at ang buong anyo niya ay nagpapakita ng isang uri ng karangyaan sa buhay na mahirap ipaliwanag.Tinanong niya si Celestine, "Nahanap mo na ba ang ID mo?”Umupo si Celestine nang patagilid, nakaharap kay Benjamin."Mr. Peters, hindi ka ba naniniwala sa akin? ‘Di ba, ang sabi ko, nawawala nga kanina? Nahihilo na nga ako kakahanap eh."Napatitig si Benjamin. Ano'ng klaseng reaksyon 'yon? Parang bata. Simple lang naman ang tanong niya ah."Kung iniisip mo na parang ayaw kong matuloy ang divorce, hindi ko talaga sinadyang hindi matuloy iyon, nawala lang talaga ang ID ko." Tahimik na tinaas ni Celestine ang kamay. "Sumusumpa ako, nawala talaga. Hinanap na namin ni Mommy sa kwarto ko, pero wala eh.”Tiningnan ni Benjamin ang mukhang punong-puno ng pagsisisi ni Celestine at may naramdaman siya

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 239

    Gabi na noon. Bumili si Celestine ng maraming merienda at umuwi. Umiinom ng tsaa si Wendell habang pinagmamasdan ang anak niyang naka-pajama na kumakain ng potato chips sa sala, litong-lito. Bihira lang na makitang relaxed si Celestine ng ganito, kaya medyo kakaiba talaga iyon para sa kanya. “Ano’ng ginagawa mo?” napakunot ang noo ni Wendell, “May magandang balita ba para maging masaya ka ng ganyan?” Gustong sabihin ni Celestine na makikipag-divorce na siya kay Benjamin bukas. Pero naisip niyang palagi namang nauudlot ang divorce nila dati. Palagi siyang nagbibigay ng pag-asa, tapos mauuwi rin sa pagkadismaya. Kaya balak na lang niyang ipakita agad ang divorce certificate pagkatapos ng proseso bukas. Hindi pa siya kailanman naging ganito ka-determinado na makuha ang divorce certificate kaya sigurado siyang bukas na matatapos ang pagiging mag-asawa nila ni Benjamin. Napaisip pa siya, baliw na ba talaga siya? Simpleng bagay lang pero sobrang saya na niya. Muntik pa siyang mah

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 238

    Talagang naramdaman ni Celestine na napakabaho ng amoy ng sigarilyo, parang kahit anong gawin niya ay hindi niya ito matanggal.Siyempre, hindi lang tungkol sa amoy ng sigarilyo ang tinutukoy niya, kundi pati na rin siya.Ngumiti si Celestine at mahina niyang sinabi, “Benjamin, patawad kung kailangan pa nating umabot dito.”Pagkasabi nito, tila nakahinga siya nang maluwag.Ibababa sana ni Benjamin ang tingin at kumirot ang lalamunan niya. Pinatay na niya ang sigarilyo, saka sinabi, “Uulitin ko lang ang sinabi ko kanina sa loob ng coffee shop.”Kumunot ang noo niya, at ang tingin niya kay Celestine ay puno ng pasensya at seryosong hindi pa niya ipinakita noon. Inulit niya, “Kahit ano ang gusto mong gawin, gagawin ko na rin. Irerespeto ko ang desisyon mo.”Tumango si Celestine nang mariin, “Sige, magpa-divorce na tayo para matapos na ang lahat ng ito.”Pinindot ni Benjamin nang madiin ang kamay niyang may hawak na upos ng sigarilyo, saka tumango, “Sige. Walang problema.”“Kailan tayo ma

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 237

    Nakunot ang kanyang noo, at halatang magulo ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Celestine. Alam ni Celestine na napahiya siya dahil sa mga sinabi ni Lola Belen. Natatakot din siyang magkamali ng pagkaintindi si Benjamin, na baka isipin nitong sinadya niya ang lahat para lang hindi ito iwan. "Hindi ako gagawa ng gano'ng kahina-hinalang hiling kay Lola Belen, huwag kang mag-alala," nakangiting sabi ni Celestine, na para bang sinisikap siyang pakalmahin. Pero habang mas lantaran ang paliwanag ni Celestine, mas lalo siyang naiinis. Malakas na isinara ang pinto ng coffee shop. Hindi maiwasang yumuko ni Celestine, at unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mukha. Napabuntong-hininga si Lola Belen, “Celestine, ikaw naman! Bakit mo ‘yon sinabi sa kanya? Ginagawa ko nga ang lahat para hindi na kayo maghiwalay!” “Hindi mo ba nakita? Nag-alinlangan siya kanina. Ibig sabihin, sa totoo lang ay hindi—" “Lola Belen, may gusto pa po ba kayong sabihin sa akin?” sabat ni Celestine agad,

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status