Lahat ng Kabanata ng CHASING HER: The Billionaire's Mistake: Kabanata 11 - Kabanata 20

107 Kabanata

CHAPTER 11: Ang Urn at larawan ni Sisi!

Sa nakitang iyon Tyron ay agad itong nakaramdam ng galit dahil alam nito kung gaano kamahal ni Ashley si Ace at malulungkot siya sa nakita. “Hayop na ‘to, hindi pa lumilipas ang pitong araw na pagkamatay ni Sisi ay lumalandi na sa kirida. Makikita niya at ipapamukha ko kung ano ang nararapat sa kanya.” Galit na galit na sabi ni Tyron na handa ng sugurin sina Ace at Belle. Mabilis namang pinigilan ni Ashley sa kamay si Tyron. Napatingin sa kanya si Tyron kaya siya napailing. Hindi din naman makakaya ni Tyron si Ace kaya ano pang silbi para sugurin ito. “Hindi pa ba tayo aalis? Akala ko ba pagsisilbihan mo ako?” pang iiba ni Ashley ng usapan at hindi binitawan si Tyron na pilit paring sugurin sina Ace. Alam ni Tyron kung paano siya naghirap sa piling nito na nagtiis sa pangmamaliit nito sa kanya. Nakita nito lahat iyon kung paano siya nagtiis na balang araw ay matugunan din ang pagmamahal niya kay Ace. “Ashley….” Gustong gustong pagsabihan ni Tyron si Ashley at ipamulat sa kanya a
last updateHuling Na-update : 2025-02-26
Magbasa pa

CHAPTER 12: Huwag si Tyron, Ako na lang!

Halos matumba si Ashley ng mabitawan siya ni Ace dahil sa paghila ni Tyron dito. At ang makitang walang laban si Tyron kay Ace ay payakap na pinigilan ni Ashley sa baywang si Ace para hindi ulit nito masaktan si Tyron. “Ace, tumigil ka na.” Bumaba ang tingin ni Ace at napatingin kay Ashley na nakayakap sa pagpigil. “Huwag mo akong pigilan.”Hindi gumalaw si Ashley para pakawalan si Ace. Mas nanggalaiti naman sa galit si Ace dahil sa pagproprotekta ni Ashley kay Tyron.Malakas na hinawakan ni Ace ang mga kamay ni Ashley para tanggalin ito sa pagkakapigil sa kanya sa baywang saka siya nito pasalyang itinabi.Nagliliyab sa galit na napatingin muli si Ace kay Tyron. At mabilis itong kumilos para sugurin ulit.Sa pagkakasipa naman ni Ace kay Tyron ay nakabawi na ito matapos sumadsad sa pinto kanina. Nagaapoy na din sa galit si Tyron na mas nadagdagan ang galit ng makita kung paano basta na lang itinapon si Ashley sa tabi na hindi na nabalanse ang katawan at tuluyang natumba sa sahig.
last updateHuling Na-update : 2025-02-28
Magbasa pa

CHAPTER 13: Anak ko Sisi... at wala kang karapatang pagsabihan siya ng ganyan!

"Apologize!" mapagbantang tinig ni Ace kaya napapitlag si Ashley at napatingin na dito. "Sinabi mong hihingi ka tawad para makaalis ka, ano pang hinihintay mo?" mahina pero may diing tono na dagdag pa nito. Hindi niya sinagot si Ace at humarap na kay Belle na may lihim na ngisi sa mga labi. "Sorry." Hindi malakas pero sapat na iyon para marinig nilang lahat ang paghingi niya ng tawad. "Ashley, okay lang... Alam ko naman na... Hindi mo sinadya." Bago pa man matapos ni Belle ang mga sinasabi ay muling nagsalita si Ashley. "Belle, belle, belle. Paano ba napaso ang kamay mo? Alam mo kung paano? At tignan natin kung hanggang kailan ang pagpapanggap mo." Matapos niya iyong sabihin ay mabilis siyang tumalikod at umalis. "Ashley, anong klaseng paghingi ng tawad iyan? Anong ugali ang mayroon ka?" si Helen na marahas na pinigilan siya nito sa kamay. "Bakit? Ano bang ugali ang mayroon ako? Ano man iyon? Wala ka ng pakialam." Malakas na ipiniksi ni Ashley ang kamay na hawak ni Helen. Sim
last updateHuling Na-update : 2025-02-28
Magbasa pa

CHAPTER 14: Ang Nakaraan!

Ang mga eksenang iyon ay nakapagpaalala kay Ashley sa nakaraan.Madalas siyang sumama noon sa kanyang ina na umampon sa kanya para sa pagtratrabaho nito sa pamilyang Mondragon. Gayunpaman kahit na isa lamang katulong ang kanyang ina ay itinuring siyang tunay na apo ng matandang Mondragon. Na mas pinapaboran pa siya nito kaysa sa apo nitong si Helen.Napakapayat niya noon dahil sa hindi magandang trato sa kanila sa ampunan. Ngunit sa paglipas lang ng ilang mga buwan ay nahubog na ng maganda ang kanyang kalusugan.Sa edad niya noong labing apat ay nasangkot siya sa isang aksedente. Isang tambay sa kanto ang nagtangka sa kanya ng masama dinala sa hindi mataong lugar ngunit isang lalaki ang bigla na lang sumulpot at tinulungan siya hinila sa tambay na humila sa kanya.Si Ace."Magtago ka doon."Mangiyak-iyak siyang napatingin siya kay Ace. Nanginginig ang katawan niya sa takot at halos hindi na makagalaw."Ano pang ginagawa mo?"Pa
last updateHuling Na-update : 2025-03-01
Magbasa pa

CHAPTER 15: Bibili ng libingan para kay Sisi!

Napakapit si Ashley sa leeg ni Ace ng maramdaman nito na para siyang mahuhulog ng humakbang ito.Bumabaliktad ang kanyang sikmura.Nagpatuloy sa paglalakad si Ace at hindi pinansin ang pagkalukot ng magandang mukha ni Ashley."Ugh!"Sumuka si Ashley. Agad na nagbago ang ekspreson ni Ace at natigil sa paglalakad."Ashey, anong..."Bago pa man matapos ni Ace ang pagsita kay Ashley ay sumigaw ito. "Wow!" At muling nagsuka ng paulit ulit.Nag apoy ang mga mata ni Ace dahil doon. Basta na lang itinapon ni Ace si Ashley sa kama na parang nagtatapon lang ng basura.Napadaing si Ashley sa pagkabalisa.Nakatayo lang si Ace sa paanan ng kama habang nakatingin kay Ashley. Sinukaan siya habang ito ay wala man lang bahid ng suka.Nagdilim ang mukha.Ang red wine ay maganda sa pang amoy pero hindi ang suka nito.Ang masangsang na amoy na nanuot sa kanyang pang amoy ay para siyang din siyang masusuka.Sa mga sandaling iyon ay gustong sakalin ni Ace si Ashley hanggang sa mamatay. Hindi siya makatiis
last updateHuling Na-update : 2025-03-02
Magbasa pa

CHAPTER 16: Samahan si Ace para makita ang abo ng kanyang anak

Halos sumabog na sa galit si Ashley sa mga narinig niya mula kay Ace.Para kay Sisi ay gagawin niya ang lahat ng makakaya niya.At ito? Na ama ni Sisi ay gagawin naman ang lahat para sa babaeng mahal nito.Iyon na lang ang inaasahan niya pero ang kaunting pag asa niyang iyon ay bigla na lang naglaho na parang bola."Ashley!" bulalas ni Ace ng marinig ang sinabi niya. "Para lamang sa kagustuhan mong makilala ng pamilyang Mondragon ay masasabi mo ang mga bagay na iyan? Ina ka ni Sisi, pero sinasabi mo iyan sa kanya? Wala kang silbi bilang ina." galit na sumbat ni Ace kay Ashley."Walang silbing ina? Ace, ang walang silbi sa ating dalawa ay ikaw iyon. Ikaw! Hindi ka nararapat na maging ama ni Sisi. Patay na Sisi! Ang anak ko... Si Sisi ay patay na!" Basag na basag ang boses niya habang sinasabi iyon sa pagitan ng kanyang pag iyak.Masaganang luha ang naglandas sa kanyang mga pisngi. Sabihin man na isang buwan na mahigit mula nang namatay si Sisi ay sariwang sariwa parin sa kanyang isip a
last updateHuling Na-update : 2025-03-02
Magbasa pa

CHAPTER 17: Sigurado ka na nakita mo si Sisi?

"Ace, pasensya na... hindi ko naabutan si..." Habang nagsinasabi iyon ay hindi makatingin ng deretso si Belle kay Ace na para bang may nagawa itong mali.Tahimik lang si Ace na nakatingin kay Belle na ngayon ay nanahimik. "Nakita mo ba kung sino ang kasama ni Sisi?" Tanong niya na sa pagaakalang baka nadukot si Sisi.Naglipana pa naman sa lugar nila ang mga kidnapper."Isang babae. Parang yaya siya ni Sisi dahil maayos naman ang pakisama ni Sisi sa babae." sagot ni Belle na hindi sigurado."Saan sila nagtungo?" muling tanong ni Ace."Sa bandang iyon." walang pag aalinlangang itinuro ni Belle ang dereksyon.Mabilis naman na kumilos si Ace at hinabol sila sa dereksyon kung saan itinuro ni Belle.Binilisan pa niya ang lakad para lamang mahabol niya ang mga ito."Ooops."Ilang hakbang pa lang ang inilayo niya ng marinig niya si Belle na tila nasasaktan. Tumigil siya saka nilingon si Belle na nasa likuran niya at makita nga itong nadapa.Nakataas ang laylayan ng damit nito kaya nakita ni
last updateHuling Na-update : 2025-03-02
Magbasa pa

CHAPTER 18: Anong gagawin niya kay Sisi?

Hindi na pinansin ni Ace ang sinabi niya at tinalikuran na siya ng mga ito at nagtuloy sa pagpasok sa kapitol.Nakatayo lang si Ashley habang nakasunod ang tingin niya sa palayong pigura ng dalawa. Kahit na pilit niyang pinapatatag ang sarili ay hindi parin iyon sapat para hindi siya mapanghinaan.Bumalik na din siya sa loob at umaasa parin kahit papano.Patay na si Sisi. Sinabi niya kay Ace ang totoo na patay na ito baka sakaling ibalik sa kanya ang dapat para sa kanya. Ngunit sa natanggap nitong tawag mula kay Belle ay muling nawala ang pag asang iyon at muling nalihis na malaman ni Ace ang katotohanan. Gayunpaman ay hindi na niya ipagpipilitang sabihin dito ang totoo dahil kahit na anong paninwalaan nito ay wala na siyang pakialam.Ang gabing ito ang hinihintay niya na umaasa na hindi magiging dahilan ang kapangyarihan ni Ace para mawala sa kanya ang pagkakataon.Wala namang silbi ang isang milyon sa isang tulasd ni Ace pero para sa kanya ay napakalaking halaga iyon. Marami ng bagay
last updateHuling Na-update : 2025-03-02
Magbasa pa

CHAPTER 19: Nag aapoy ang mga mata niya sa selos.

"At may isa pa akong magandang balita." pagkasabi ni Charlie iyon ay tumingin ito kay Ashley.Sa tingin nito ay hindi maitago ang paghanga nito kay Ashley.Gustong gusto ni Charlie ang desenyo ni Ashley. At para dito ay iyon ang nanalo sa lahat ng mga sumali sa kompitisyon."Sa ipinakitang magandang desenyo ng pangalawang nanalo at ang pangatlo ay sasabihin ko na kayong dalawa ay makakapasok din ng SJC. Para sa deleberasyon ng magaganda niyong gawa ay inaasahan ko na mas may maipapakita pa kayong mas maganda pang mga desenyo."Pagkarinig iyon ng lahat ay nagsipalakpakan ang mga ito sa magandang balita. Lahat ng mga jewerly designer ay pinangarap na makapagtrabaho sa SJC. At isa talaga iton sa pangarap ni Ashley. Hindi siya makapaniwala sa narinig."Talaga?" masayang masaya na sabi ng pangatlong nanalo dahilan para mas lalong malukot ang mukha ni Belle sa narinig at hindi na iyon maitago pa.Malinaw naman na nasabing ang unang nanalo lang ang makakapasok sa SJC kaya hindi makapaniwala
last updateHuling Na-update : 2025-03-03
Magbasa pa

CHAPTER 20: Halik na nakakawala ng kanyang paghinga!

Sa restaurant...Ipinaghila ng upuan ni Drake si Ashley."Thank you." nagpasalamat si Ashley sa kanya saka naupo.Masasabi niyang maginoo si Drake at nabubuhay na may maganda ang reputasyon.Naupo na din si Drake.Mag oorder muna o mag uusap.Naghintay lamang si Ashley na kausapin siya ni Drake tungkol sa kanyang desenyo.Ngunit hindi nakatitig lang si Drake sa kanya.Magaan lamang ang tingin nito sa kanya kaya hindi siya nakaramdam ng pagkaasiwa. Ngunit nang magtagal ang titig nito sa kanya ay nakaramdam na siya ng pagkabalisa.Nangunot ang nuo niya at tumingin na din siya dito.Hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip nito kaya naisip niya na baka nagbibiro lamang ito sa sinabi nito sa kanya.Hindi kaya nagkamali lamang siya sa pagkakakilala dito na maganda ang reputasyon nito? Hindi kaya isa talaga itong mapaglaro?"Hindi mo talaga ako naaalala?"Nagtaka si Ashley sa sinabi ni Drake. Tila may magneto ang boses nito sa tunog na hindi nagmamadali."Huh?"Saglit na natigilan si Ashley
last updateHuling Na-update : 2025-03-03
Magbasa pa
PREV
123456
...
11
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status