Home / Romance / CHASING HER: The Billionaire's Mistake / CHAPTER 16: Samahan si Ace para makita ang abo ng kanyang anak

Share

CHAPTER 16: Samahan si Ace para makita ang abo ng kanyang anak

Author: Ellise
last update Last Updated: 2025-03-02 02:00:34

Halos sumabog na sa galit si Ashley sa mga narinig niya mula kay Ace.

Para kay Sisi ay gagawin niya ang lahat ng makakaya niya.

At ito? Na ama ni Sisi ay gagawin naman ang lahat para sa babaeng mahal nito.

Iyon na lang ang inaasahan niya pero ang kaunting pag asa niyang iyon ay bigla na lang naglaho na parang bola.

"Ashley!" bulalas ni Ace ng marinig ang sinabi niya. "Para lamang sa kagustuhan mong makilala ng pamilyang Mondragon ay masasabi mo ang mga bagay na iyan? Ina ka ni Sisi, pero sinasabi mo iyan sa kanya? Wala kang silbi bilang ina." galit na sumbat ni Ace kay Ashley.

"Walang silbing ina? Ace, ang walang silbi sa ating dalawa ay ikaw iyon. Ikaw! Hindi ka nararapat na maging ama ni Sisi. Patay na Sisi! Ang anak ko... Si Sisi ay patay na!" Basag na basag ang boses niya habang sinasabi iyon sa pagitan ng kanyang pag iyak.

Masaganang luha ang naglandas sa kanyang mga pisngi. Sabihin man na isang buwan na mahigit mula nang namatay si Sisi ay sariwang sariwa parin sa kanyang isip a
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Ellise
haha.. sa jna lang yan bhe. umakyat ka pa ng chapter. para makita mo kung paano po masupalpal ang kinaiinisan nating Ace at Belle.
goodnovel comment avatar
maricar biscocho
nakakainis basahin masydong kawawa Ang bida Dito sorry author
goodnovel comment avatar
Ellise
salamat po sa pagbabasa..
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 17: Sigurado ka na nakita mo si Sisi?

    "Ace, pasensya na... hindi ko naabutan si..." Habang nagsinasabi iyon ay hindi makatingin ng deretso si Belle kay Ace na para bang may nagawa itong mali.Tahimik lang si Ace na nakatingin kay Belle na ngayon ay nanahimik. "Nakita mo ba kung sino ang kasama ni Sisi?" Tanong niya na sa pagaakalang baka nadukot si Sisi.Naglipana pa naman sa lugar nila ang mga kidnapper."Isang babae. Parang yaya siya ni Sisi dahil maayos naman ang pakisama ni Sisi sa babae." sagot ni Belle na hindi sigurado."Saan sila nagtungo?" muling tanong ni Ace."Sa bandang iyon." walang pag aalinlangang itinuro ni Belle ang dereksyon.Mabilis naman na kumilos si Ace at hinabol sila sa dereksyon kung saan itinuro ni Belle.Binilisan pa niya ang lakad para lamang mahabol niya ang mga ito."Ooops."Ilang hakbang pa lang ang inilayo niya ng marinig niya si Belle na tila nasasaktan. Tumigil siya saka nilingon si Belle na nasa likuran niya at makita nga itong nadapa.Nakataas ang laylayan ng damit nito kaya nakita ni

    Last Updated : 2025-03-02
  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 18: Anong gagawin niya kay Sisi?

    Hindi na pinansin ni Ace ang sinabi niya at tinalikuran na siya ng mga ito at nagtuloy sa pagpasok sa kapitol.Nakatayo lang si Ashley habang nakasunod ang tingin niya sa palayong pigura ng dalawa. Kahit na pilit niyang pinapatatag ang sarili ay hindi parin iyon sapat para hindi siya mapanghinaan.Bumalik na din siya sa loob at umaasa parin kahit papano.Patay na si Sisi. Sinabi niya kay Ace ang totoo na patay na ito baka sakaling ibalik sa kanya ang dapat para sa kanya. Ngunit sa natanggap nitong tawag mula kay Belle ay muling nawala ang pag asang iyon at muling nalihis na malaman ni Ace ang katotohanan. Gayunpaman ay hindi na niya ipagpipilitang sabihin dito ang totoo dahil kahit na anong paninwalaan nito ay wala na siyang pakialam.Ang gabing ito ang hinihintay niya na umaasa na hindi magiging dahilan ang kapangyarihan ni Ace para mawala sa kanya ang pagkakataon.Wala namang silbi ang isang milyon sa isang tulasd ni Ace pero para sa kanya ay napakalaking halaga iyon. Marami ng bagay

    Last Updated : 2025-03-02
  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 19: Nag aapoy ang mga mata niya sa selos.

    "At may isa pa akong magandang balita." pagkasabi ni Charlie iyon ay tumingin ito kay Ashley.Sa tingin nito ay hindi maitago ang paghanga nito kay Ashley.Gustong gusto ni Charlie ang desenyo ni Ashley. At para dito ay iyon ang nanalo sa lahat ng mga sumali sa kompitisyon."Sa ipinakitang magandang desenyo ng pangalawang nanalo at ang pangatlo ay sasabihin ko na kayong dalawa ay makakapasok din ng SJC. Para sa deleberasyon ng magaganda niyong gawa ay inaasahan ko na mas may maipapakita pa kayong mas maganda pang mga desenyo."Pagkarinig iyon ng lahat ay nagsipalakpakan ang mga ito sa magandang balita. Lahat ng mga jewerly designer ay pinangarap na makapagtrabaho sa SJC. At isa talaga iton sa pangarap ni Ashley. Hindi siya makapaniwala sa narinig."Talaga?" masayang masaya na sabi ng pangatlong nanalo dahilan para mas lalong malukot ang mukha ni Belle sa narinig at hindi na iyon maitago pa.Malinaw naman na nasabing ang unang nanalo lang ang makakapasok sa SJC kaya hindi makapaniwala

    Last Updated : 2025-03-03
  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 20: Halik na nakakawala ng kanyang paghinga!

    Sa restaurant...Ipinaghila ng upuan ni Drake si Ashley."Thank you." nagpasalamat si Ashley sa kanya saka naupo.Masasabi niyang maginoo si Drake at nabubuhay na may maganda ang reputasyon.Naupo na din si Drake.Mag oorder muna o mag uusap.Naghintay lamang si Ashley na kausapin siya ni Drake tungkol sa kanyang desenyo.Ngunit hindi nakatitig lang si Drake sa kanya.Magaan lamang ang tingin nito sa kanya kaya hindi siya nakaramdam ng pagkaasiwa. Ngunit nang magtagal ang titig nito sa kanya ay nakaramdam na siya ng pagkabalisa.Nangunot ang nuo niya at tumingin na din siya dito.Hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip nito kaya naisip niya na baka nagbibiro lamang ito sa sinabi nito sa kanya.Hindi kaya nagkamali lamang siya sa pagkakakilala dito na maganda ang reputasyon nito? Hindi kaya isa talaga itong mapaglaro?"Hindi mo talaga ako naaalala?"Nagtaka si Ashley sa sinabi ni Drake. Tila may magneto ang boses nito sa tunog na hindi nagmamadali."Huh?"Saglit na natigilan si Ashley

    Last Updated : 2025-03-03
  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 21: Bigyan ng sampal si Belle!

    Tinaas ni Ashley ang paa saka niya sinipa si Ace sa gitna ng mga hita nito.Hindi inaasahan ni Ace ang kanyang pagsipa. Napadaing ito sa sakit at napaatras ng hakbang palayo sa kanya.Itinulak pa ni Ashley si Ace dahilan para tuluyan itong mapaupo sa sahig.Kinuha ni Ashley ang pagkakataong iyon para tuluyang lumabas ng banyo.Tumayo si Ace na nakahawak sa pader saka lumabas. Nakatayo siya sa pinto at nakatingin sa palayong si Ashley na sa mga tingin niya ay parang pinagaaralan lang ang kanyang mabibiktama. At hindi na siya makapaghintay na kainin ito ng buhay.Sa hindi kalayuan ay nakatayo lamang si Belle sa likod ng malaking halaman. Kuyom ang mga palad.Hindi mahalaga kung limang taon na ang nakakalipas o limang taon pa ang lilipas. Alam ng lahat na mahal siya ni Ace at lahat ng gusto niya ay binibigay ni Ace sa kanya. Ngunit... hindi pa niya naranasan ang matignan ni Ace ng may pagnanasa tulad na lang kung paano nito tignan si Ashley na punong-puno ng pagnanasa......Nang makaba

    Last Updated : 2025-03-03
  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHPATER 22: Alam na patay si Sisi!

    Mabilis ang naging kilos ni Ashley at hindi napaghandaan ni Belle ang pagsampal niya dito.Nagbago agad ang ekspresyon nito.Wala si Ace kaya hindi tinatago ni Belle ang totoong ugali kung si Ashley ang kaharap.Pagkabawi niya ng kamay ay hinawakan niya ang kamay nito na ipinakilot sa likod nito saka niya ito binulungan."Kung mayroon kang oras na guluhin ako, mas mabuting pagtuunan mo na lang ng pansin si Ace at sabihin sa kanya na huwag na niya akong guluhin.Pagkatapos niya iyong sinabi ay itinulak niya ito. Bago pa man ito makasagot sa kanya ay tumalikod na siya at umalis.....Matapos ayusin ni Ashley ang papel niya para kalabas na ng hospital ay sumakay na siya ng elevator.Nadaanan niya ang nurse station na may dalawang nurse na nagbubulungan. Na siyang nakakita ng nangyari sa pagitan nila ni Belle. Binalikan niya ang mga ito para pagsabihan."Sabi ko kaya pala sila nag aaway ay dahil sa magkaribal sila sa pag-ibig.""Ano?""Naaalala mo ba si Lesie? Ang magandang at napakabait n

    Last Updated : 2025-03-03
  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 23: Marinig pang banggitin mo si Sisi, bubusalan ko ang bibig mo!

    Malinaw na alam na ni Belle na patay na si Sisi.Ngunit paulit ulit lang nitong binabanggit si Sisi sa harapan niya.At sigurado si Ashley na sinadya ni Belle na tawagan siya ngayon. At iapat mismo ang paglilibing niya kay Sisi sa selebrasyon ng anak nito sa pagkapanalo.Pagmamalaki na naman ni Belle. Pagpapalaki kung gaano kamahal ni Ace ang anak nilang si Vinice at iparamdam sa kanya na walang pakialam si Ace kay Sisi.Nang buhay pa si Sisi ay laging sinasamantala ni Belle ang kagustuhan ni Ace dito at ginagamit niya iyon para inggitin lagi si Sisi at ipakitang mas mahal ni Ace si Vinice kaysa kay Sisi.At ngayong patay na ang anak niya ay patuloy parin ito sa pagmamaliit kay Sisi. Iniapi at laging iniinsulto.Babalik din kay Belle ang karma."Ashley, nakikinig ka pa ba?" malambot parin ang boses ni Belle kaya mas nakaramdam ng inis si Ashley.Ngising panunuya ang gumuhit sa labi ni Ashley. "Okay." sagot niya na agad binabaan ng cellphone.Hinalikan ni Ashley ang larawan ni Sisi bag

    Last Updated : 2025-03-04
  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 24: Sisirain ko ang mga kamay ni Ashley!

    Sa pagsigaw ni Belle ay siya namang paghila ni Ashley ng mantel nang walang pagdadalawang isip. "Huwag!" Ang mga pagkain, inumin na nasa malaki at magarbong lamesa at tuluyang bumagsak sa sahig. Napakagulo. "Ashley, tumigil ka na." sumigaw si Ace para patigilin siya. Tumigil? Ngumisi lamang si Ashley. Dumalo siya para sirain ang pagsasaya ng mag inang Belle at Vinice. Hindi pinansin ni Ashley ang pagsigaw sa galit ni Ace. Kumilos siya para lapitan naman ang lamesa kung saan nakalagay ang mga regalo para kay Vinice. Itinulak niya ang mga iyon para bumagsak. Bumagsak sa sahig na para lamang mga basura. "Ahhh!" mas lumakas ang pag iyak ni Vinice. Ang makitang unti-unting sinisira ni Ashley ang magarbong selebrasyon na pinaghandaan pa nila Ace at Belle para kay Vinice para sa pagkapanalo nito ay gumagaan ang pakiramdam niya. "Ashley, sumusobra ka na." namumula ang mga mata ni Belle sa galit. Mabalis na tumayo mula sa pagkakahawak kay Vinice na nagmadaling lumapit kay Ashley. Ha

    Last Updated : 2025-03-04

Latest chapter

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 76: Family Tree

    Pagkalabas ni Ashley sa ospital ay tamang dumating si Drake.Tumigil ang kotse nito sa harapan niya.Mabilis na umibis ng sasakyan at lumapit sa kanya. Pinagbuksan siya nito ng pinto at umalalay pa sa pagsakay niya."Masama parin ba ang pakiramdam mo? Bakit hindi ka muna manatili sa ospital?" Tanong ni Drake sa kanya na may pag aalalang tinig.Nakatingin ito sa kanya ng makasakay na din ito.Umiling si Ashley. Naiisip parin niya ang nakita kanina sa chart ni Vinice. "Drake, may bahagi ba kayo sa ospital na ito?" Tanong niya kay Drake."Oo, bakit mo natanong? May problema ba?""Gusto ko sanang kumuha ng sample ng dugo ni Vinice. Gusto ko lang makasiguro."Napatitig sa kanya si Drake. Ilang sandali din itong hindi umimik."Sige." Tipid nitong sagot."Salamat.""Kahit ano, basta kaya kong tumulong. Lumapit ka lang sa akin."Sumulyap siya dito. Nagtama ang kanilang mga mata. Sabay na may guhit ng ngiti sa kanilang mga labi."Saan kita ihahatid?"Umiling siya. Wala siyang alam na uuwian n

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 75: Hayaan si Ace na malugmok sa kasinungalingang pinaniniwalaan!

    Sa Tres Reyes...Nanatiling gising buong gabi si Belle dahil sa galit.Sa labas ng kwarto niya ay narinig niya ang mga galaw doon.Gising na si Vinice at tulad ng dati ay hindi siya nito inistorbo dahil alam nito na ayaw na ayaw niya ng iniistorbo siya nito.Tinulungan ng katulong si Vinice sa paghahanda para sa pagpasok sa paaralan.Hindi lalabas ngayon si Belle. Gusto niyang ipaalam sa publiko na si Vinice ay anak ng isang Mondragon.Kaya nakapagpasya siyang bumuo ulit ng isang plano.Ilang sandali pa ay nakaalis na si Vinice hatid ng driver. Tahimik at palihim lang siyang sumunod dito.Sa hindi kalayuan ay nakamasid siya kay Vinice. May kinausap siyang mga bata at binayaran upang awayin at saktan nila si Vinice nang sa ganun ay dadating si Ace at ipagtatanggol si Vinice.Ngumisi si Belle na tila isang demonyo. Na sa ilalim ng itim na salaming suot ay sa mata nito ang nanlilisik nitong tingin.Ilang sandali pa ay umalis na ang driver na naghatid kay Vinice. Doon na lumapit ang tatlo

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 74: Nagalit si Belle sa nakitang pag aalala ni Ace kay Ashley!

    Matapos pahiran ang buong katawan ni Ashley ng gamot, nagpakuha si Ace ng kanyang maisusuot. Wala siyang balak umalis. Hindi niya iiwan ngayon si Ashley. Nang dumating ang damit niya ay nagpasya na siyang maligo sa banyo ng ward at doon na naglinis ng katawan. "Maari ka ng magpahinga." Utos niya kay Carlo nang lumabas siya matapos maligo. "Sige, Mr. Mondragon. Tawagan lamang ninyo ako kapag may kailangan kayo." Tumango na lang si Ace. Maayos na nagpaalam si Carlo. Pumasok pabalik sa loob. Ikinandado ang pinto. Muli siyang napatitig kay Ashley na mahimbing nang natutulog. Magaan na din ang bawat paghinga nito hindi tulad kanina. Nagpasya siyang mahiga sa tabi nito kahit na may isa pa namang kama sa loob. Bago nahiga ay inayos na muna niya ang ilaw para maging malamlam lang ang liwanag sa loob ng ward. Maingat ang bawat kilos niya na tumabi dito. Marahan niyang hinawakan ang ulo nito at pinaunan sa kanyang braso. Bahagya namang gumalaw si Ashley na naramdamang m

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 73: Sinabi kay Ace na hindi basura ang kwintas. Iyon ay si Sisi!

    Hindi na nag isip pa si Ashley.Tumayo siya at humakbang palabas."At saan mo balak pumunta?" Tanong ni Ace.Pinigilan si Ashley sa mga kamay.Ngunit naging lakas kay Ashley ang pagnanais na kunin ang kwintas kaya naitulak niya si Ace ng malakas sa bintana.Nagulat ito.Mabilis ang kanyang naging hakbang bago pa man makahuma si Ace.Sumakay siya ng elevator.Walang ibang laman ang kanyang isip maliban sa makuha ang kwintas na itinapon no Ace sa bintana.Kahit na nanghihina ang kanyang katawan ay hindi niya iyon alintana.Humabol naman si Ace ngunit mabilis na nakasakay si Ashley sa elevator. Hindi na nito naabutan si Ashley.Nag aalala ito. Iniisip parin ni Ace kung bakit ganun kahalaga kay Ashley ang kwintas na iyon at nagkaroon ng lakas para puntahan iyon.Nag aatubili na hindi mahintay ni Ace na bumukas ang elevator. Kaya tinungo niya ang fire exit at doon na siya bumababa.Malalaki ang bawat hakbang niya pababa. Ngunit kahit na anong bilis ang ginawa niya ay mas mabilis ang elevat

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 72: Itinapon ni Ace ang kwentas!

    Hindi pinansin ni Ace ang galit na tingin ni Ashley sa kanya, mas humigpit pa ang pagkakayapos ng braso niya sa baywang nito at hindi binitawan. Seryuso ang mukha na bumaling kay Drake. Tinignan ito ng may kahulugan habang yumuko siya at inilapit ang labi sa tainga ni Ashley. "Paalis mo siya, kung gusto mong makuha ang kwentas." Bulong niya kay Ashley habang ang mga mata ay nakatuon parin kay Drake. Nakaarko ang mga labi ni Ace. "Napakasama mo." Ganting bulong ni Ashley sa pagitan ng mga ngipin. Nanginginig si Ashley sa pinipigilang galit. Malinaw sa mga sinabi ni Ace kung ano ang ibig nitong sabihin sa mga salita nito. Na kung hindi niya papaalisin si Drake ay hindi niya makukuha ang kwentas niya. Napalunok siya, lumingon kay Drake. Napatingin naman sa kanya si Drake na tila hinihintay lang ang sasabihin niya. "M-maayos na ako, Drake. P-pwede mo na akong iwan." Sabi niya kay Drake. Kunot ang noo ni Drake sa narinig mula sa kanya ngunit hindi na nagtanong pa kung bakit kahit

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 71-3: Nasa kamay ni Ace ang kwentas ni Sisi!

    "Ahhhhh." Malakas na sigaw ng lalaki ng muli niyang ipalo ang hawak na bakal sa isa pa nitong kamay. Idiniin ang dulo sa bakal na hawak sa mga likod ng palad nito na nasa semento. "Hindi ko naman siya ginahasa. Sinampal ko lamang siya. Sinipa. At pinagsusintok." Muli ay sabi ng lalaki na mas ikinadilim pa ng mukha ni Ace. Nang makita iyon ng lalaki ay mas nanginig ito sa takot. Itinikom niya ang bibig dahil nang mapagtantong hindi dapat niya sinabi ang ginawa kay Ashley. "Sinabi mo na napakahalaga sa kanya ang kwentas na ito?" Tanong niya. Yumuko at pinulot ang kwentas. "Oo. Oo. Kahit na anong pilit kong agawin iyan ay ayaw niyang pakawalan. Ibubuwis niya ang buhay niya para sa kwentas na iyan." Sagot ng lalaki sa nanginginig paring boses. Hindi na sinabi ng lalaki ang mga sinabi ni Ashley tungkol sa kwentas na iyon dahil hindi naman ito naniniwala. Sino ang maniniwala na ang kwentas na iyon ay naglalaman ng mga abo bg anak nito? Hindi pa ito nakakarinig ng ganung kabaliwan na

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 71-2: Nasa kamay ni Ace ang kwentas ni Sisi!

    Sa Tres Reyes, hindi mapakali si Ace habang nasa kwarto ni Belle.Kunot ang noo niyang nakatingin kay Belle na nakapikit ngunit halata niyang hindi parin ito nakakatulog.Nagpakawala siya ng malalim na paghinga saka binawi ang kamay na hawak nito."Ace." At tulad ng inaasahan niya ay nagmulat ito ng mga mata."Matulog ka na." Utos niya dito saka iniwas ang kamay niyang muli nitong hahawakan.Hindi mapakali ang mata nito sa malamig na pikikitungo niya dito ngunit hindi na iyon ang iniisip niya sa ngayon.Nang umalis siya kanina sa lugar kung saan niya iniwan si Ashley ay agad niyang tinawagan si Carlo na puntahan si Ashley.Kaya hindi na niya nakita kanina sa club si Carlo dahil alam niyang pinuntahan na nito si Ashley.At dapat may natanggap na siyang tawag mula kay Carlo pero hanggang ngayon ay wala parin.Kinapa niya ang cellphone sa bulsa. Doon niya napagtanto na wala sa kanya ang cellphone at naalala na nasa coat niya na naiwan sa kotse.Tumayo siya."Ace, huwag mo akong iiwan."S

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 71-1: Nasa kamay ni Ace ang kwentas ni Sisi!

    Lumipad sa himpapawid ang helicopter sakay si Drake ilang minuto lang mula ng tumawag siya para papuntahin iyon sa kanya. Sinimulan nilang galugarin ang lugar mula sa taas. Hawak ni Drake ang isang teleskopyo at masusing tumingin ang kalupaan para mahanap si Ashley. Ilang minuto lang namataan niya si Ashley na nakahandusay na sa lupa at walang kagalaw galaw. Sa liwanag ng helicopter na nakatutok kay Ashley ay nakita niya agad ang kalunoslunos nitong kalagayan. Nanginig ang buong katawan niya sa nakita. May pagmamadali na agad niyang inutusan ang piloto na bumama ilang metro ang layo kung saan nakahandusay si Ashley. Sa dalawang metrong taas ng helicopter ay walang pag aalinlangan na tumalon si Drake pababa saka senenyasang umalis na iyon. Ang pamamadali niyang mga hakbang palapit kay Ashley ay tinawagan na din niya ang kanyang driver na puntahan sila. Nilapitan niya ito. Lumuhod sa isang tuhod. Nanginginig ang mga kamay niyang umangat para kalungin ang katawan ni Ashley n

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 71: Nasa kamay ni Ace ang kwentas ni Sisi!

    "Puta ka, naghabanap ka ng away." Namumula na ang mga mata ng lalaki na sinunggaban si Ashley. Nakahandusay na sa lupa si Ashley, ngunit ng makitang muli siyang susugurin ng lalaki ay naiyakap niya ng mahigpit ang mga kamay sa sarili para itago doon ang kwentas ni Sisi. "Akin na iyan. Ilabas mo." Malakas na pinaghiwalay ng lalaki ang mga kamay niya ngunit hindi inaasahan ng lalaki na magkakaroon ng lakas si Ashley na halos hindi nito matinag ang pagkakayakap mismo sa sarili niya. Mas nagalit ang lalaki. "Akala mo ba ay hindi kita kayang gawan ng masama, mas naghahanap ka ng ikakasira ng buhay mo." Banta ng lalaki pero nakabaluktot lang siya at hindi niya ito hinyaang magtagumpay. Muli siyang pinagsisipa ng lalaki. Hindi niya alintana ang sakit na pisikal na pinaparanas ngayon sa kanya ng lalaki. Para sa kanya ay walang ibang mas sasakit sa pagkawala ng kanyang anak. Kung paano siya hindi makakain at hindi makatulog sa gabi simula ng mamatay ito. Doon niya naranasan an

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status