Lahat ng Kabanata ng CHASING HER: The Billionaire's Mistake: Kabanata 21 - Kabanata 30

107 Kabanata

CHAPTER 21: Bigyan ng sampal si Belle!

Tinaas ni Ashley ang paa saka niya sinipa si Ace sa gitna ng mga hita nito.Hindi inaasahan ni Ace ang kanyang pagsipa. Napadaing ito sa sakit at napaatras ng hakbang palayo sa kanya.Itinulak pa ni Ashley si Ace dahilan para tuluyan itong mapaupo sa sahig.Kinuha ni Ashley ang pagkakataong iyon para tuluyang lumabas ng banyo.Tumayo si Ace na nakahawak sa pader saka lumabas. Nakatayo siya sa pinto at nakatingin sa palayong si Ashley na sa mga tingin niya ay parang pinagaaralan lang ang kanyang mabibiktama. At hindi na siya makapaghintay na kainin ito ng buhay.Sa hindi kalayuan ay nakatayo lamang si Belle sa likod ng malaking halaman. Kuyom ang mga palad.Hindi mahalaga kung limang taon na ang nakakalipas o limang taon pa ang lilipas. Alam ng lahat na mahal siya ni Ace at lahat ng gusto niya ay binibigay ni Ace sa kanya. Ngunit... hindi pa niya naranasan ang matignan ni Ace ng may pagnanasa tulad na lang kung paano nito tignan si Ashley na punong-puno ng pagnanasa......Nang makaba
last updateHuling Na-update : 2025-03-03
Magbasa pa

CHPATER 22: Alam na patay si Sisi!

Mabilis ang naging kilos ni Ashley at hindi napaghandaan ni Belle ang pagsampal niya dito.Nagbago agad ang ekspresyon nito.Wala si Ace kaya hindi tinatago ni Belle ang totoong ugali kung si Ashley ang kaharap.Pagkabawi niya ng kamay ay hinawakan niya ang kamay nito na ipinakilot sa likod nito saka niya ito binulungan."Kung mayroon kang oras na guluhin ako, mas mabuting pagtuunan mo na lang ng pansin si Ace at sabihin sa kanya na huwag na niya akong guluhin.Pagkatapos niya iyong sinabi ay itinulak niya ito. Bago pa man ito makasagot sa kanya ay tumalikod na siya at umalis.....Matapos ayusin ni Ashley ang papel niya para kalabas na ng hospital ay sumakay na siya ng elevator.Nadaanan niya ang nurse station na may dalawang nurse na nagbubulungan. Na siyang nakakita ng nangyari sa pagitan nila ni Belle. Binalikan niya ang mga ito para pagsabihan."Sabi ko kaya pala sila nag aaway ay dahil sa magkaribal sila sa pag-ibig.""Ano?""Naaalala mo ba si Lesie? Ang magandang at napakabait n
last updateHuling Na-update : 2025-03-03
Magbasa pa

CHAPTER 23: Marinig pang banggitin mo si Sisi, bubusalan ko ang bibig mo!

Malinaw na alam na ni Belle na patay na si Sisi.Ngunit paulit ulit lang nitong binabanggit si Sisi sa harapan niya.At sigurado si Ashley na sinadya ni Belle na tawagan siya ngayon. At iapat mismo ang paglilibing niya kay Sisi sa selebrasyon ng anak nito sa pagkapanalo.Pagmamalaki na naman ni Belle. Pagpapalaki kung gaano kamahal ni Ace ang anak nilang si Vinice at iparamdam sa kanya na walang pakialam si Ace kay Sisi.Nang buhay pa si Sisi ay laging sinasamantala ni Belle ang kagustuhan ni Ace dito at ginagamit niya iyon para inggitin lagi si Sisi at ipakitang mas mahal ni Ace si Vinice kaysa kay Sisi.At ngayong patay na ang anak niya ay patuloy parin ito sa pagmamaliit kay Sisi. Iniapi at laging iniinsulto.Babalik din kay Belle ang karma."Ashley, nakikinig ka pa ba?" malambot parin ang boses ni Belle kaya mas nakaramdam ng inis si Ashley.Ngising panunuya ang gumuhit sa labi ni Ashley. "Okay." sagot niya na agad binabaan ng cellphone.Hinalikan ni Ashley ang larawan ni Sisi bag
last updateHuling Na-update : 2025-03-04
Magbasa pa

CHAPTER 24: Sisirain ko ang mga kamay ni Ashley!

Sa pagsigaw ni Belle ay siya namang paghila ni Ashley ng mantel nang walang pagdadalawang isip. "Huwag!" Ang mga pagkain, inumin na nasa malaki at magarbong lamesa at tuluyang bumagsak sa sahig. Napakagulo. "Ashley, tumigil ka na." sumigaw si Ace para patigilin siya. Tumigil? Ngumisi lamang si Ashley. Dumalo siya para sirain ang pagsasaya ng mag inang Belle at Vinice. Hindi pinansin ni Ashley ang pagsigaw sa galit ni Ace. Kumilos siya para lapitan naman ang lamesa kung saan nakalagay ang mga regalo para kay Vinice. Itinulak niya ang mga iyon para bumagsak. Bumagsak sa sahig na para lamang mga basura. "Ahhh!" mas lumakas ang pag iyak ni Vinice. Ang makitang unti-unting sinisira ni Ashley ang magarbong selebrasyon na pinaghandaan pa nila Ace at Belle para kay Vinice para sa pagkapanalo nito ay gumagaan ang pakiramdam niya. "Ashley, sumusobra ka na." namumula ang mga mata ni Belle sa galit. Mabalis na tumayo mula sa pagkakahawak kay Vinice na nagmadaling lumapit kay Ashley. Ha
last updateHuling Na-update : 2025-03-04
Magbasa pa

CHAPTER 25: Init na humaplos sa matigas na puso ni Ace!

Pilit siyang nagpupumiglas ngunit hindi siya makawala sa pagkakahawak sa kanya ng dalawa.Nakasunod na lang ang tingin ni Ashley sa matulis na bakal na unti unting bumaba sa kanyang kamay.Sa mga sandaling iyon...May nagbukas ng pinto mula sa labas ng selda.Ang tatlong tao sa loob ay hindi inaasahan na may darating sa mga oras na iyon, natigilan sila sa kabiglaan.Kinuha naman ni Ashley ang pagkakataong iyon para tuluyang makawala sa pagkakahawak ng dalawa sa kanya.Sa sandaling babawiin na niya ang mga kamay mula sa pagkakahawak sa kanya ay muling ipinagpatuloy ng pinuno ng mga ito ang pagsaksak sa kanyang kamay ng walang pagaalinlangan.Ang tunog ng bakal na tumusok sa semento ay nagiwan iyon ng langitngit na tunog."Anong ginawa ninyo?"Si Derektor Rey na nakita ang pangyayari sa loob, galit na sumigaw ito.Bago pa man makalapit si Derektor Rey ay may malalaking hakbang nang nauna dito papasok, ang lalaking ginagalang sa probinsya ng Isabela.May seryusong mukha ngunit sa makikit
last updateHuling Na-update : 2025-03-04
Magbasa pa

CHAPTER 26: Inilibing ngayon si Sisi!

Ang malamig at matigas na puso ni Ace ay lumapbot ng kaunti habang nakatingin siya kay Ashley.Sa mga sandaling nakatitig siya kay Ashley ay nawala ang tila baluting bakal na ibinalot nito sa sarili kaninang umaga at ngayon ay tila ito isang maamong tupa na takot na takot masaktan.Napakalambot ng pisngi nito kaya hindi niya mapigilan ang haplusin iyon ng paulit ulit.Ngunit aksedenteng nasagi niya ang pasa nito sa pisngi."Hiss~" napasinghap sa sakit si Ashley at napaatras sa kanyang paghaplos.Ang isa niyang kamay ay inabot ang lampara para isindi iyon at nagkaroon na ng liwanag ang buong silid.Nakita ni Ace ang namumula at namamagang pisngi ni Ashley. Tinitigan iyon ng husto kaya nakita niya ng malinaw ang marka ng sampal sa pisngi nito. Lumamig ang kanyang tingin.Tumayo siya at naglakad palabas ng silid.Habang kinakalkal ang kabinet ng medisina ay tinawagan din niya si Carlo."Mr. Mondragon, may problema ba?""Alamin mo kung sino ang naglipat kay Ashley sa detention center, alam
last updateHuling Na-update : 2025-03-05
Magbasa pa

CHAPTER 27: Ang katotohanan sa pagkawala ng kidney donor ni Sisi.

"Inillibing? Ashley, paulit ulit mo na lang bang isusumpa ang anak mo? Hindi ka pa ba titigil?" Ang mukha ni Ace ay naninigas sa galit at ang boses ay nag aapoy na parang galing sa empyerno.Nanginig naman ang katawan ni Ashley. Namumula ang mga matang napatingin sa larawan ni Sisi na nasa gilid ng kama.At sa mga mata ni Sisi sa larawan ay parang nakatingin sa dereksyon ni Ace.Simula nang maisilang at magkaisip si Sisi ay kahit na malamig ang pagtrato ni Ace dito ay hindi parin nagbabago ang pagmamahal nito sa ama.Sa mga sandaling iyon na nakatitig siya sa mga mata ng kanyang anak, nakikita niya doon na patuloy lang na umaasa. Umaasa na sana, ang kanyang ama ay mabigyan siya ng kaunting oras na makasama ito bago pa man ito tuluyang mawala.Inalis niya ang kamay ni Ace na nakahawak sa batok niya at tumingin dito. Para kay Sisi ay muli siyang nagsalita: "Ace, totoo ang lahat ng sinabi ko, si Sisi.. ay pata...."Matamang tinitigan ni Ace si Ashley na namumula ang mga mata at may namum
last updateHuling Na-update : 2025-03-05
Magbasa pa

CHAPTER 28: Isang milyon, sasabihin ko sayo kung sino ang kumuha ng kidney donor ng anak mo.

Pilit na pinapakalma ni Belle ang sarili. Simula ng bumalik siya sa Quirino, nagbibigay si Ace ng buwanan nilang gastusin ng kanyang anak at si Ace na din ang gumagastos sa pagpapagamot ni Vinice kaya buo parin ang perang binibigay nito sa kanila na hawak niya. Ang isang milyon ay hindi mahirap hanapin lalo na at malaki ang ibinibigay sa kanya ni Ace bilang sustento kau Vinice. "Siguraduhin mo lang na hindi mo ako niluluko." dagdag pa ni Harold bago tuluyang iniwan si Belle. Bago pa man makalapit si Ace sa kanila ay binilisan niya ang paglagpas kay Harold at agad na lumapit kay Ace. "Anong kailangan niya? May problema ba?" tanong ni Ace na napasulyap pa sa papalayong pigura ni Harold. "Wala naman, nagtatanong lang ng dereksyon." maayos na sagot ni Belle na hindi makatingin ng deretso kay Ace. Hindi na din naman nagtanong si Ace at sabay na silang umalis ng hospital. ..... Sa Saguday... Nakatulog si Ashley ng halos buong araw at paggising niya ay gabi na naman. Kumalam ang ka
last updateHuling Na-update : 2025-03-05
Magbasa pa

CHAPTER 29: Nakikiusap ako, sabihin mo sa akin kung sino?

"Sige po."Hindi nagsalita si Belle at nanatiling nakahawak lang sa kamay ni Ace. At bago makapasok sa loob ay sinulyapan pa nito si Ashley na may ngisi sa mga labi.Kuyom ang palad ni Ashley."Kahit na anong sabihin niya, huwag mo siyang papasukin." muli ay bilin pa ni Ace bago tuluyang pumasok.Naghintay na lang si Ashley sa labas. Nagpunta sa gilid at sumandal sa pader at naghintay siya kay Drake hanggang sa lumabas ito.Napakalakas parin ng ulan. At ang hawak niyang payong ay hindi sapat iyon para hindi siya mabasa. Basang basa na siya at halos maligo na siya sa ulan.Nanginginig na siya sa lamig. Sa ayos niya ay nakakaawa na siya sa paningin ng ibang makakakita sa kanya. Ngunit nanatili parin siya at nakatingin lamang sa malaking pinto ng hotel.Lumapit naman sa kanya si Carlo na dala ang malaking payong."Ms. Diaz, inutusan ako ni Mr. Mondragon na ihatid na kita pabalik.""Hindi ko kailangan." malamig na pagtanggi niya dito.Matapos siyang magsalita ay hindi na niya ito inimik p
last updateHuling Na-update : 2025-03-05
Magbasa pa

CHAPTER 30: Babawian ko ng buhay si Belle!

Kulang sampung minuto ay tuluyan silang nakarating ng hospital para doon na muling isalba ang buhay ng lalaki.Naghintay siya sa labas ng emergency room, nakatingin sa pulang ilaw sa itaas ng pinto, nanginginig ang kanyang katawan.Patuloy lamang siya pagdadasal. Pagdadasal na sana maisalba ang buhay ng lalaki.Habang si Drake ay nakikipag usap naman sa mga pulis. Nalaman niya sa mga pulis na isang sugarol ang lalaki at ang pangalan ni ay Harold Galvan.Nakakalap na din sila ng ilang mga ebidensya kung ano ang dahilan kung bakit ito nasaksak. Pareho din nitong sugarol ang nakaaway nito at malaki ang pagkakautang nito dito. Sinisingil at nang hindi makabayad ay sinasaksak na ito ng kaaway.Umalis na din ang mga pulis matapos nilang masabi iyon kay Drake.Lumapit na din si Drake kay Ashley at tumabi sa kanya."Magpalit ka na muna ng damit mo para hindi ka sipunin o lagnatin." May ibinigay si Drake kay Ashley na paper bag na naglalaman ng damit na pamalit niya."Ako na ang bahalang maghi
last updateHuling Na-update : 2025-03-06
Magbasa pa
PREV
123456
...
11
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status