Ang malamig at matigas na puso ni Ace ay lumapbot ng kaunti habang nakatingin siya kay Ashley.Sa mga sandaling nakatitig siya kay Ashley ay nawala ang tila baluting bakal na ibinalot nito sa sarili kaninang umaga at ngayon ay tila ito isang maamong tupa na takot na takot masaktan.Napakalambot ng pisngi nito kaya hindi niya mapigilan ang haplusin iyon ng paulit ulit.Ngunit aksedenteng nasagi niya ang pasa nito sa pisngi."Hiss~" napasinghap sa sakit si Ashley at napaatras sa kanyang paghaplos.Ang isa niyang kamay ay inabot ang lampara para isindi iyon at nagkaroon na ng liwanag ang buong silid.Nakita ni Ace ang namumula at namamagang pisngi ni Ashley. Tinitigan iyon ng husto kaya nakita niya ng malinaw ang marka ng sampal sa pisngi nito. Lumamig ang kanyang tingin.Tumayo siya at naglakad palabas ng silid.Habang kinakalkal ang kabinet ng medisina ay tinawagan din niya si Carlo."Mr. Mondragon, may problema ba?""Alamin mo kung sino ang naglipat kay Ashley sa detention center, alam
"Inillibing? Ashley, paulit ulit mo na lang bang isusumpa ang anak mo? Hindi ka pa ba titigil?" Ang mukha ni Ace ay naninigas sa galit at ang boses ay nag aapoy na parang galing sa empyerno.Nanginig naman ang katawan ni Ashley. Namumula ang mga matang napatingin sa larawan ni Sisi na nasa gilid ng kama.At sa mga mata ni Sisi sa larawan ay parang nakatingin sa dereksyon ni Ace.Simula nang maisilang at magkaisip si Sisi ay kahit na malamig ang pagtrato ni Ace dito ay hindi parin nagbabago ang pagmamahal nito sa ama.Sa mga sandaling iyon na nakatitig siya sa mga mata ng kanyang anak, nakikita niya doon na patuloy lang na umaasa. Umaasa na sana, ang kanyang ama ay mabigyan siya ng kaunting oras na makasama ito bago pa man ito tuluyang mawala.Inalis niya ang kamay ni Ace na nakahawak sa batok niya at tumingin dito. Para kay Sisi ay muli siyang nagsalita: "Ace, totoo ang lahat ng sinabi ko, si Sisi.. ay pata...."Matamang tinitigan ni Ace si Ashley na namumula ang mga mata at may namum
Pilit na pinapakalma ni Belle ang sarili. Simula ng bumalik siya sa Quirino, nagbibigay si Ace ng buwanan nilang gastusin ng kanyang anak at si Ace na din ang gumagastos sa pagpapagamot ni Vinice kaya buo parin ang perang binibigay nito sa kanila na hawak niya. Ang isang milyon ay hindi mahirap hanapin lalo na at malaki ang ibinibigay sa kanya ni Ace bilang sustento kau Vinice. "Siguraduhin mo lang na hindi mo ako niluluko." dagdag pa ni Harold bago tuluyang iniwan si Belle. Bago pa man makalapit si Ace sa kanila ay binilisan niya ang paglagpas kay Harold at agad na lumapit kay Ace. "Anong kailangan niya? May problema ba?" tanong ni Ace na napasulyap pa sa papalayong pigura ni Harold. "Wala naman, nagtatanong lang ng dereksyon." maayos na sagot ni Belle na hindi makatingin ng deretso kay Ace. Hindi na din naman nagtanong si Ace at sabay na silang umalis ng hospital. ..... Sa Saguday... Nakatulog si Ashley ng halos buong araw at paggising niya ay gabi na naman. Kumalam ang ka
"Sige po."Hindi nagsalita si Belle at nanatiling nakahawak lang sa kamay ni Ace. At bago makapasok sa loob ay sinulyapan pa nito si Ashley na may ngisi sa mga labi.Kuyom ang palad ni Ashley."Kahit na anong sabihin niya, huwag mo siyang papasukin." muli ay bilin pa ni Ace bago tuluyang pumasok.Naghintay na lang si Ashley sa labas. Nagpunta sa gilid at sumandal sa pader at naghintay siya kay Drake hanggang sa lumabas ito.Napakalakas parin ng ulan. At ang hawak niyang payong ay hindi sapat iyon para hindi siya mabasa. Basang basa na siya at halos maligo na siya sa ulan.Nanginginig na siya sa lamig. Sa ayos niya ay nakakaawa na siya sa paningin ng ibang makakakita sa kanya. Ngunit nanatili parin siya at nakatingin lamang sa malaking pinto ng hotel.Lumapit naman sa kanya si Carlo na dala ang malaking payong."Ms. Diaz, inutusan ako ni Mr. Mondragon na ihatid na kita pabalik.""Hindi ko kailangan." malamig na pagtanggi niya dito.Matapos siyang magsalita ay hindi na niya ito inimik p
Kulang sampung minuto ay tuluyan silang nakarating ng hospital para doon na muling isalba ang buhay ng lalaki.Naghintay siya sa labas ng emergency room, nakatingin sa pulang ilaw sa itaas ng pinto, nanginginig ang kanyang katawan.Patuloy lamang siya pagdadasal. Pagdadasal na sana maisalba ang buhay ng lalaki.Habang si Drake ay nakikipag usap naman sa mga pulis. Nalaman niya sa mga pulis na isang sugarol ang lalaki at ang pangalan ni ay Harold Galvan.Nakakalap na din sila ng ilang mga ebidensya kung ano ang dahilan kung bakit ito nasaksak. Pareho din nitong sugarol ang nakaaway nito at malaki ang pagkakautang nito dito. Sinisingil at nang hindi makabayad ay sinasaksak na ito ng kaaway.Umalis na din ang mga pulis matapos nilang masabi iyon kay Drake.Lumapit na din si Drake kay Ashley at tumabi sa kanya."Magpalit ka na muna ng damit mo para hindi ka sipunin o lagnatin." May ibinigay si Drake kay Ashley na paper bag na naglalaman ng damit na pamalit niya."Ako na ang bahalang maghi
Kasasakay lang ni Ashley ng taxi nang makatanggap siya ng tawag mula sa tiyahin ni Ace na si Wendy Mondragon."May gaganaping pagtitipon mamaya, nasaan ka? Pumarito ka para makatulong."Pagkasabi nito iyon ay agad na binabaan siya ng tawag.Inuutasan siya nito.Sa mata ni Wendy ay isa lamang siyang katulong. Simula nang pumupunta siya sa mansyon ng Mondragon ay hindi siya itinuring na katulong ni Lolo Astrid.Kahit nang mamatay ang kanyang ina na umampon sa kanya ay sinabi sa kanya ni Lola Astrid na siya ang pangalawang lady ng pamilya ngunit si Lola Astrid lang ang kumikilala sa kanya at ang iba ay wala nang pakialam sa kanya.Nagpunta si Lola Astrid sa ibang bansa para doon maayos na magpagamod. Siya at ni Ace ay magkasamang tumira ng limang taon at nagkaroon ng anak ngunit hindi din siya kinilala ni Ace bilang asawa nito kaya lahat ng ibang membro ng pamilyang Mondragon ay walang kumilala sa kanya kahit na ang kanyang anak ay hindi kinilala na bahagi ng pamilya nila.Isa lamang siy
Sa mga sandaling iyon, ginugulo ni Ashley ang utak ni Ace at hindi nito kayang pigilan ang sarili na huwag maapektuhan kay Ashley at hinalikan si Ashley. Habang si Belle ay naghahanap sa labas dahil hindi nito makita si Ace. Nakita ang katulong na nasa labas ng kusina at agad nitong naisip na kagagawan iyon ni Wendy para palabasin ang mga ito sa kusina. Ngayon, iisang tao na lang ang nasa kusina. Hindi maitago sa kislap ng mga mata ni Belle ang paghihinala kaya tinungo niya ang kusina. Ngunit ng makita ni Helen si Belle ay agad itong inigilan. "Belle, imposeble naman na nasa kusina ngayon si Kuya Ace." Hindi sumagot si Belle at nagtuloy lang sa paglapit sa kusina. Narinig ni Ace ang usapan sa labas kaya bahagya siyang natauhan ngunit hinsdi niya itinigil ang paghalik kay Ashley. Hanggang sa mas lumapit na ang mga yabag sa kusina. Binitawan ni Ace ang labi ni Ashley at bahagyang umatras ng ilang hakbang. Agad namang bumaba sa pagkakaupo sa lamesa si Ashley na halos hindi nakata
Tumalsik ang tubig, nahulog si Vinice sa nagyeyelong lawa."Vinvin."Sa sandaling nahulog sa tubig si Vinice sa tubig, ang malakas na boses ni Belle sa pagkagulat ay narinig sa hindi kalayuan kasabay ng malakas na pag iyak ni Belle."Tulong, nahulog si Vinvin sa lawa." Sa lakas ng sigaw niya ay nakatawag na iyon agad ng pansin ng mga tauhan sa labas.Pagkarinig nila ang sigaw ni Belle na nalunod si Vinice sa lawa ay agad na may dumating at sumaklolo kay Vinice at ang iba naman ay tinawag si Ace.Dumating si Vinice sa mansyon ngayon at halos kalahating araw pa lang ay nakilala na ito ng lahat ng katulong at alam nila kung gaano iniingatan ni Ace si Vinice.Hindi tulad ng anak ni Ashley na nahuling naipanganak. Kaya sa tuwing bibisita si Sisi sa mansyon ay walang pumapansin dito.Gayunpaman ang isang ito ay hindi isinunod sa apelyedo ng Mondragon ay iba parin kung itrato nila na isang tagapagmana na ng Mondragon.Si Wendy at Helen ay narinig din ang pagsigaw ni Belle kaya mabilis silang
Mahigpit pa rin na naikuyom ni Belle ang palad Ginawa niya ang lahat para sa marating niya ngayon ang kinalalagyan niya ngunit sinisira lang ni Ashley. Naalala pa niya nang makabalik sila ni Vinice ay ipinagpatuloy niya ang pagtatanim ng masamang imahe ni Ashley sa mga mata ni Ace habang siya ay nagtagamin ng magandang imahe dito. Binabaliktad niya ang lahat gamit lamang ang kanyang mga salita at mga paawa niya kay Ace. Nagtatagumpay naman siya kahit na minsan ay hindi napapansin niya na tila nagdadalawang isip si Ace ngunut kapag nakikita na niya iyon ay ipinapaalala niya ang jade pendant na hawak nito. At dahil doon, nakukuha niya ang buong tiwala ni Ace. Isa pa ay ang malaman niya na may sakit nga si Sisi, at isa iyon sa ginawan niya na naman ng paraan para ipakitang nagsisinungaling na naman si Ashley at sinabi niya kay Ace na ginagamit lang ni Ashley si Sisi para kunin ang pansin nito. At naisip niya, na kung mawawala si Sisi ay wala na ngang hahadlang na manatili si Ace s
"Asha!' Ipinulupot ni Ace ang mga braso sa baywang ni Ashley na puno ng pag aalala ang mukha. Ibinaba niya ang kanyang mga mata at tumingin kay Ashley na bumagsak sa kanyang mga braso. Sa kaibuturan ng kanyang mga mata ay may kirot sa kanyang puso na hindi niya namamalayan. "Ashley." Naiwan naman ang mga kamay ni Drake sa ere, itinaas niya ang kanyang mga mata at nag- aalalang tumingin kay Ashley. Sa pagtingin ni Drake kay Ashley na mukhang hindi maganda, ang kailangan nito ngayon ay isang magandang pahinga. Alam ni Drake ang personalidad ni Ace at hindi nito hahayaang umalis si Ashley kasama niya. Dahil sa gusot na kinakaharap nito ay hindi makapag pahinga ng maayos si Ashley. Binawi ni Drake ang kanyang kamay at hinayaan si Ace na hawakan si Ashley at umalis para makapag pahinga na muna ito. Hindi na muna siya makikialam kahit na gustong gusto niyang bawiin si Ashley sa mga kamay ni Ace. Isinakay na ni Ace si Ashley sa sasakyan. Mabilis na pinaandar ang sasakyan paa
Tumingin si Ashley kay Ace, puno ng hinanakit. Para saan pa ang mga katanungang iyon ni Ace? Itinaas ni Ashley ang kanyang kamay at tinulak ng malakas si Ace, itinulak niya ito palayo, itinuro ang mga piraso ng tasa sa lupa. "Ano ang sinabi niya? Sinabi niya na iyan ay ginawa ni Sisi sa loob ng dalawang buwan para lamang iregalo sayo. Narinig mo ba yun?” Nanginginig ang boses sa galit si Ashley habang sinasabi iyon kay Ace. "And you smashed it with your own hands! Bilang isang ama, muli mong niyurakan ang pagmamahal ni Sisi sa iyo!" "Ace, si Sisi ay malamang na hindi pinalad sa loob ng walong buhay na ipanganak na muli bilang iyong anak, na nagbibigay sa iyo ng pagkakataong saktan siya nang paulit-ulit nang ganito!" Walang maapuhap na salita si Ace na isagot kay Ashley. Hindi ito ang cup na ibibigay ni Ashley kay Drake para ipahayag ang pagmamahal niya dito, kundi isang regalo sa kaarawan niya na ginawa ni Sisi para sa kanya. At binasag na lang niya ito gamit ang sarili niyan
Bago makarating sa ceramic shop si Ace, nakita niya mula sa malayo si Drake na hawak-hawak si Ashley sa mga braso nito. Sumandal si Ashley kay Drake sa mga bisig nito nang walang anumang pagtanggi. Magkayakap silang dalawa sa kalsada na parang walang ibang tao sa paligid nila. Katulad ng ibang normal na mag-asawang nagmamahalan na walang pakialam sa sasabihin ng iba. Halos katatapos lang itinanggi ni Ashley sa publiko kung ano nga ba ang relasyon nila sa harap ng maraming media outlet sa bahay ng pamilyang Mondragon, at pagkatapos ay tumalikod, umalis at ngayon ay niyakap nito si Drake. Ngunit kilalang-kilala ni Ace si Ashley. Si Ashley ay isang tao na may malakas na pakiramdam ng may hangganan pagdating sa mga relasyon sa pagitan ng mga lalaki at babae. Sa loob ng limang taon na nakasama niya ito, kahit na sabihing pinabayaan niya ito at hindi pinansin, hindi siya madalas bumalik sa El Cielo. Si Ashley ay hindi kailanman nagkaroon ng anumang relasyon sa ibang lalaki at a
Naiwan sa ere ang kamay ni Drake na napatingin kay Ashley.Tahimik na binawi ang kamay niya na hindi napansin ni Ashley dahil nakatingin ito sa labas ng bintana.Binawi na din niya ang tingin mula kay Ashley at umayos ng upo.Habang si Ashley ay tahimik lamang na binalingan ang kanyang cellphone.Kinuha iyon mula sa kanyang bag. At halatang nagulat siya nang makita kung sino ang tumawag.Pagkaraan lamang ng ilang sandali, inayos at pinakalma niya ang sarili bago sinagot abg tawag."Yes, hello?""Lady boss." Ang tawag ay galing sa ceramic shop.Ang ceramic cup na ginawa ni Sisi sa tindahang iyon bago ito mamatay ay handa na.Tinanong siya kung kailan siya magkakaroon ng oras para kunin iyon."Kukunin ko ngayon din."Pagkatapos magsalita ni Ashley, ibinaba niya ang cellphone."Saan ka pupunta? Ihahatid na kita doon." Si Drake na nauna nang nagsalita bago pa man siya makapagsalita.Hindi nag atubili si Ashley at sinabi ng maayos kay Drake kung saan siya pupunta. Ibinigay niya dito ang ad
Kumilos si Axel at direktang hinila si Ashley, na minsan nitong hinamak, para iligtas sila sa sitwasyon. Hindi na nito tinanong ang kagustuhan ni Ashley. Sa opinyon ni Axel, ang aksyon ni Ashley ngayon ay para lamang mapromote sa katayuan. Sinundan ni Ashley si Ace sa loob ng limang taon nang walang anumang legal na katayuan. Hindi pa kasi nila kinikilala si Ashley at si Sisi na bahagi ng pamilyang Mondragon, ngunit ngayon ay pinili nilang kilalanin sa publiko si Belle at ang anak nitong babae. Sa isip ni Axel ay nagseselos si Ashley kaya sinadya niyang isiwalat na isa lamang bastarda si Vinice sa harap nila at maraming tao ng magsimula na ang piging. Sa ganitong paraan, hinding hindi papayagan ni Axel na papasukin si Belle at ang bastarda nito sa pamilyang Mondragon. Ang plano ni Ace na ianunsyo sa harap ng publiko si Belle at ang anak nito ay ginawa na, at lahat ng mga pangunahing pamilya at media ay naghihintay na lang sa kumpermasyon. At hindi hahayaan ni Axel na m
Sa pagsampal ni Axel kay Ace ay hindi agad ito nakakilos.Napatingin siya sa mga papel na nagkalat sa semento.Kahit hindi na niya iyon hawakan ay malinaw sa kanyang mga mata ang nakasulat doon.Paternity test nila ni Vinice at nagresulta na hindi niya ito tunay na anak.Nandilim ang paningin niya. Tumingin kay Belle na nagtatanong ang mga mata.Habang si Belle ay mas nanginig pa sa takot sa nakitang reaksyon ni Ace."Walang kwenta kang babae. At sinasabi ko sayo, hindi ka kailanman mapapabilang sa aming pamilya." Si Axel na sa galit ay sinampal si Belle sa harap ng kanilang bisita.Habang si Ashley ay tahimik lamang, nakaarko ang mga labi na may ngiting tagumpay.Hindi na siya makikialam, sapat na iyon sa ngayon. Ang ipahiya si Ace sa lahat at makita ang pagbagsak ni Belle ng paunti unti."Ace..."Hindi umimik si Ace. Madilim ang ekspresyon ng mukha nito."At ikaw." Galit na binalingan ni Axel si Vinice na naguguluhan sa mga nangyayari.Mahigpit na hinawakan ni Axel ang braso ni Vini
Nagsimula na ang piging para sa pagkilala sa mag inang Belle at Vinice.Dumating si Ashley sa patyo ni Lola Astrid. Nagulat si lola Astrid ng makita siya sa pag aakalang hindi siya makakadalo.Maraming mga kilalang tao sa Quirino at halos ng mga kapartner sa negosyo ng Mondragon ang dumalo.Tahimik lamang si Ashley na nanunuod sa pagdating ng mga bisita.Sa loob loob niya ay hindi na makapaghintay ngunit mas pinanatili niya ng sarili na manahimik muna.Mas maraming dadalo. Mas maraming bisita, mas maganda ang kalalabasan ng kanyang plano. Mas marami ang makakaalam na ang isang Ace ay nagpakatanga sa babaeng minahal at inaako ang anak ng iba.Dumating na din sina Belle at Vinice na sinundo ng driver ng Mondragon. Kasabay ng pagdating na din nina Ace at ang ama nito.Nakita niya si Belle na napakaganda ng bihis. Kumikinang ang silver dress nito at nakapink naman ang dress ni Vinice.Umarko ang kilay labi niya habang nakasunod lamang ang tingin niya sa mga ito.Sabay sabay na pumasok sa
Ang lumang bahay ng pamilya Mondragon, ang patyo ni Lola AstridAyaw ni Ashley na pumunta sa pamilyang Mondragon, ngunit naisip niya si Lola Astrid na naghihintay sa kanya.Isa si Lola Astrid sa iilang tao sa mundong ito na mabait sa kanya at tunay na nagmamalasakit sa kanya.Hiniling niya sa kanya na pumunta para sa hapunan, ngunit alam niyang ayaw niyang harapin ang ibang mga tao sa pamilyang Mondragon, kumain lamang siya sa looban ni Lola Astrid.Si Ashley ay kausap si Lola Astrid.Habang magkasabay na pumasok sina Ace at ang ama nito na si Axel Mondragon."Ma.""Lola."Nakita ni lola Astrid ang dalawa at mukhang naiinis, "Anong ginagawa mo dito?""Tungkol sa usapin kina Ace at Belle, nais naming hingin ang iyong opinyon.""Mahalaga pa ba ang aking opinyon?" Pabalang na tanong ni Lola Astrid.Hindi nagsalita si Ace sa pag uusap ng kanyang ama at ni lola Astrid.Sa pagpasok kanina ni Ace ay nakita niya na nag uusap sina Ashley at lola Astrid ngunit ng makalapit na sila ay parang hin