Tumalsik ang tubig, nahulog si Vinice sa nagyeyelong lawa."Vinvin."Sa sandaling nahulog sa tubig si Vinice sa tubig, ang malakas na boses ni Belle sa pagkagulat ay narinig sa hindi kalayuan kasabay ng malakas na pag iyak ni Belle."Tulong, nahulog si Vinvin sa lawa." Sa lakas ng sigaw niya ay nakatawag na iyon agad ng pansin ng mga tauhan sa labas.Pagkarinig nila ang sigaw ni Belle na nalunod si Vinice sa lawa ay agad na may dumating at sumaklolo kay Vinice at ang iba naman ay tinawag si Ace.Dumating si Vinice sa mansyon ngayon at halos kalahating araw pa lang ay nakilala na ito ng lahat ng katulong at alam nila kung gaano iniingatan ni Ace si Vinice.Hindi tulad ng anak ni Ashley na nahuling naipanganak. Kaya sa tuwing bibisita si Sisi sa mansyon ay walang pumapansin dito.Gayunpaman ang isang ito ay hindi isinunod sa apelyedo ng Mondragon ay iba parin kung itrato nila na isang tagapagmana na ng Mondragon.Si Wendy at Helen ay narinig din ang pagsigaw ni Belle kaya mabilis silang
Nakaupo si Wendy habang malamig ang mga matang nakatingin kay Ashley.Ang mukha na iyon, nakakasilaw sa unang tingin. Katulad nang babaeng iyon.Tumayo si Ashley sa kanyang pwesto ngunit hindi gumalawa.Kung mapapatunayan niya ang kanyang sarili, binawi din niya iyon pabalik.Sa pamilyang Mondragon, si Wendy ang isa sa taong pinakagalit sa kanya kaya wala ding silbi kung magsasalita pa siya.Ang isipin kung ano ba ang ginawa niya ngayon araw, kung bibigyan lamang siya ni Ace ng pagkakataong magpaliwanag. Ngunit hindi niya inaasahan iyon...Mas pinaniwalaan parin nito ang mga salita na mabait nitong anak at malaanghel nitong si Belle.Naniniwaa ito sa lahat kahit na anong sabihin ng dalawa at wala siyang pagkakataong madepensayan ang kanyang sarili.Mariing nakapinid ang mga labi ni Ashley, pilit na pinapakalma ang pag uumapaw ng galit sa kanyang puso. Ang harapin ngayon ang kalaban niya na may malakas na back up, hindi siya mananalo."Sinabi ni mama na lumuhod ka." si Helen na hindi m
Kinuha ni Ashley ang cellphone at tinignan ang nakuhang video.Saka siya bumalik sa loob ng mansyon. Ibinigay kay Lola Astrid ang cellphone."Lola, ang ebidensya ay nandito."Kinuha ni Lola Astrid ang cellphone. Tinignan iyon, dumilim ang mukha at sumigaw ng galit na galit."Lumuhod ka."Kinabahan na si Helen ng marinig na may ebidensya si Ashley at handa na itong umamin sa pagkakamali nito, At makita na biglang nagalit si Lola Astrid ay naglimanag ang kislap ng mga mata nito.Ang sabi niya, paanong magkakaroong ng ebidensya si Ashley?Sa mga sandaling iyon, pinuntahan ni Vinice si Ashley at nakatayo lamang si Helen sa kabilang panig ng lawa at nakita nito ang mga nangyari.Maliban kina VInce at Ashley, siya lang ang nandoon sa pinangyarihan ng kaguluhan.Basta matigas ang paniniwala nito na idiinin si Ashley at hindi siya makakawala.Muntik na itong maniwala na may ebidensya nga talaga si Ashley.Habang iniisip iyon, mas tumuwid ang tayo niya at taas ang nuong napatingin kay Ashley.A
Mababa lang ang tingin ni Lola Astrid kay Belle sa kahit na anong anggulo. Kinuha nito ang kamay ni Ashley at marahang hinahaplos. "Lili, narito lang si Lola. At walang makakapankit sayo habang nandito ako."Hindi uubra ang paawa niya sa harap ni lola Astrid, kay Ace lang iyon gumagana. Muli siyang naupo sa tabi ni Ace na wala paring kakilos kilos na nakatingin lang din kay Ashley.Nasusuklam si Lola Astrid kay Belle na muling bumalik din sa pagkakaupo na napasulyap kina Ace at Wendy. At ang hawak na tungkod ni Lola Astrid ay malakas na itinipa sa semento na ikinabigla nilang lahat."Sino ang nagpapasok sa babaeng iyan dito sa pamamahay ko. Hindi ba nilinaw ko sa inyo noon pa na hindi siya karapat dapat na pumunta dito. Bakit? Hindi niyo na ba pinapakinggan ang mga salita ko? Sino sa inyo ang may lakas na loob na suwain ako?"Hindi man deretsang banggitin ang pangalan ni Belle ay alam na nitong siya ang pinapatamaan ng matanda dahilan para wala na siyang mukhang maihaharap sa mga nak
Ang malapad na mga palad ni Ace ay pumipisil sa maliit nitong baywang, para hindi mapaghiwalay ang pagkakadikit ng kanilang katawan.Ibinuka ang bibig saka kinagat ang labi ni Ashley na para bang pinaparusahan.Ang init ng kanilang mga paghinga. At ang mga daliri niya ay malayang dumapama sa mga sensitibo at malambot na balat sa baywang nito. Naramdaman kung paano manginig ang buo nitong katawan sa kanyang mga bisig at paos ang boses na sinabi nito sa kanya: "Sinasadya mong tuksuhin ako."Nababalot si Ashley sa mainit ng yakap ni Ace na punong puno ng pagnanasa sa katawan. Ang mga kamay niya ay ipinatong sa dibdib nito itulak at palayuin sa kanya. Naninigas ang mga labing: "Huwag."Hinatak nito ang kamay na nasa kanyang baywang ng tangkain niyang humiwalay sa kanya.Ngunit sa sandaling gumalaw siya ay hinatak siya kaya siya natumba mismo sa ibabaw ni Ace.Sa mga oras na iyon ay deretso siyang napaupo sa baywang at tiyan.Hindi mapagtanto ni Ashley kung nasusunog ba siya sa init ng sar
Sa sandaling marinig ang pagbanggit ni Ace kay Sisi ay para siyang naipako sa kinatatayuan niya."'Ashley, huwag ka ulit magwala at mawala sa sarili mo. Sabihin mo sa akin kung nasaan si Sisi?"Napansin ni Ace ang pananahimik ni Ashley kaya inakala na mauulit na naman ang pagwawala nito sa tuwing babanggitin si Sisi kaya agad niya itong binalaan.Alam naman ni Ashley na binabalaan siya ni Ace, sasabihing huwag banggitin si Sisi at patay na si Sisi?Nangdilim ang paningin ni Ashley, hindi na niya talaga matagalan na nakikita si Ace. Nag aalala lang siya kay lola Astrid kaya hindi pa siya umaalis.Alam niyang nalulungkot at naaawa si Lola Astrid para kay Sisi bago pa man ito ma-coma noon at ngayon ay nagising na ito at malaman na patay na si Sisi baka hindi nito matanggap ang lahat.Kaya wala siyang balak sabihin dito na patay na si Sisi.Mariing itiniklop ni Ashley ang mga labi at may gusto pa sanang sabihin ngunit hindi na niya nasabi iyon dahil sa pagkarinig niya ng boses ni Lola Ast
Hindi siya tumatok sa pinto at inutusan ang mayordoma na dalhin sa kanya ang susi para siya na mismo ang magbukas ng pinto.Pumasok sa loob ng kwarto at walang ingay na muling isinara ang pinto.Habang si Ashley na nasa loob ng banyo ay hindi narinig ang pagpasok ni Ace sa loob ng kwarto nito.Nakatayo lang si Ace sa may pinto dahil napansin niyang hindi naman nakasindi ang mga ilaw sa loob at tanging ang malamlam na ilaw sa banyo ang nagsilbing liwanag.Ikinandado niya ang pinto, tinatanggal ang kanyang blazer na basta na lang niya inihagis sa kung saan at humakbang palapit sa banyo.Tumayo sa harapan ng pinto ng banyo. Itinaas ang kamay at binuksan ang pinto.Sumalubong kay Ace ang mahalumigmig na hangin na bumalot sa banyo.Sa sandalin bumukas ang pinto, ay nasa kalagitnaan palang si Ashley ng kanyang pagligo, tamang naglalagay ng shower gel sa katawan. Nakatalikod siya sa may pinto. At pagkarinig na pagkarinig niya ang pagbukas ng pinto ay agad siyang napalingon.Sumalubong sa kan
Lunes, Sharlies Jewelry Company...Sa unang araw, magrereport na si Ashley sa kumpanya at nag aalala siya na matraffic sa daan kaya nagpasya siyang sa subway na lang sumakay. Nakasalubong niya doon si Joane, ang nanalo sa ikatlong pwesto.Sabay na silang pumasok ng kumpanya. At habang naglalakad ay sinabayan nila ng kwentuhan na may kasama pang tawanan.Nakatayo sa harap ng entrance elevator at hinihintay iyon na bumukas.Habang sumakay naman si Belle sa kabila, at sa sandaling namataan ni Belle si Ashley ay kinuha niya ang cellphone sa bag at nagpanggap na may kausap at lumipat sa tabi nila at kasamang naghintay."Ace, kararating ko lang, pasakay pa lang ako ng elevator... huwag kang mag alala...uhm... alam ko.. kapag kasama kita... hindi kailanman ako maapi ng iba.. okay... hindi ko sasabihin... pasakay na ako ng elevator... mag ingat ka sa pagmamaneho..." at ng bumukas na ang elevator saka lanng nito binaba ang cellphone.Sabay silang tatlong sumakay ng elevator. Sa likod tumayo si
Matapos magpaalam ni Ashley ay bumalik siya sa Saguday.Inihatid siya ng driver sa mansyon."Nandito na tayo, fifth young lady." Magalang na sabi sa kanya ng driver."Salamat."Matapos niyang bumaba sa kotse ay hindi agad siya umakyat. Nakasunod lamang ang kanyang mata sa papalayong kotse.Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. Ang bilis ng mga nangyayari sa paligid niya.Tumalikod na siya para umakyat.Sa paghakbang niya ay may mabilis na kotseng tumigil sa tapat niya. Hindi niya iyon pinansin sa pag aakalang isa lamang din resedente ang sakay ng kotseng tumigil.Ngunit nagulat na lamang siya ng may biglang humawak sa kamay niya."Ace." Nanlaki ang mga mata niya at agad na nagpumiglas ng makilala ang humawak sa kanya.Hinatak agad siya ni Ace palapit at walang babalang binuhat siya at isinakay sa kotse.Mabilis ding sumakay si Ace at pinigilan ang kanyang pagbaba.Nang lumapit si Ace sa kanya ay itinaas niya ang kanyang paa saka ito sinipa nang malakas.Nagdilim naman ang mukha ni
Pagkalabas ni Ashley sa ospital ay tamang dumating si Drake.Tumigil ang kotse nito sa harapan niya.Mabilis na umibis ng sasakyan at lumapit sa kanya. Pinagbuksan siya nito ng pinto at umalalay pa sa pagsakay niya."Masama parin ba ang pakiramdam mo? Bakit hindi ka muna manatili sa ospital?" Tanong ni Drake sa kanya na may pag aalalang tinig.Nakatingin ito sa kanya ng makasakay na din ito.Umiling si Ashley. Naiisip parin niya ang nakita kanina sa chart ni Vinice. "Drake, may bahagi ba kayo sa ospital na ito?" Tanong niya kay Drake."Oo, bakit mo natanong? May problema ba?""Gusto ko sanang kumuha ng sample ng dugo ni Vinice. Gusto ko lang makasiguro."Napatitig sa kanya si Drake. Ilang sandali din itong hindi umimik."Sige." Tipid nitong sagot."Salamat.""Kahit ano, basta kaya kong tumulong. Lumapit ka lang sa akin."Sumulyap siya dito. Nagtama ang kanilang mga mata. Sabay na may guhit ng ngiti sa kanilang mga labi."Saan kita ihahatid?"Umiling siya. Wala siyang alam na uuwian n
Sa Tres Reyes...Nanatiling gising buong gabi si Belle dahil sa galit.Sa labas ng kwarto niya ay narinig niya ang mga galaw doon.Gising na si Vinice at tulad ng dati ay hindi siya nito inistorbo dahil alam nito na ayaw na ayaw niya ng iniistorbo siya nito.Tinulungan ng katulong si Vinice sa paghahanda para sa pagpasok sa paaralan.Hindi lalabas ngayon si Belle. Gusto niyang ipaalam sa publiko na si Vinice ay anak ng isang Mondragon.Kaya nakapagpasya siyang bumuo ulit ng isang plano.Ilang sandali pa ay nakaalis na si Vinice hatid ng driver. Tahimik at palihim lang siyang sumunod dito.Sa hindi kalayuan ay nakamasid siya kay Vinice. May kinausap siyang mga bata at binayaran upang awayin at saktan nila si Vinice nang sa ganun ay dadating si Ace at ipagtatanggol si Vinice.Ngumisi si Belle na tila isang demonyo. Na sa ilalim ng itim na salaming suot ay sa mata nito ang nanlilisik nitong tingin.Ilang sandali pa ay umalis na ang driver na naghatid kay Vinice. Doon na lumapit ang tatlo
Matapos pahiran ang buong katawan ni Ashley ng gamot, nagpakuha si Ace ng kanyang maisusuot. Wala siyang balak umalis. Hindi niya iiwan ngayon si Ashley. Nang dumating ang damit niya ay nagpasya na siyang maligo sa banyo ng ward at doon na naglinis ng katawan. "Maari ka ng magpahinga." Utos niya kay Carlo nang lumabas siya matapos maligo. "Sige, Mr. Mondragon. Tawagan lamang ninyo ako kapag may kailangan kayo." Tumango na lang si Ace. Maayos na nagpaalam si Carlo. Pumasok pabalik sa loob. Ikinandado ang pinto. Muli siyang napatitig kay Ashley na mahimbing nang natutulog. Magaan na din ang bawat paghinga nito hindi tulad kanina. Nagpasya siyang mahiga sa tabi nito kahit na may isa pa namang kama sa loob. Bago nahiga ay inayos na muna niya ang ilaw para maging malamlam lang ang liwanag sa loob ng ward. Maingat ang bawat kilos niya na tumabi dito. Marahan niyang hinawakan ang ulo nito at pinaunan sa kanyang braso. Bahagya namang gumalaw si Ashley na naramdamang m
Hindi na nag isip pa si Ashley.Tumayo siya at humakbang palabas."At saan mo balak pumunta?" Tanong ni Ace.Pinigilan si Ashley sa mga kamay.Ngunit naging lakas kay Ashley ang pagnanais na kunin ang kwintas kaya naitulak niya si Ace ng malakas sa bintana.Nagulat ito.Mabilis ang kanyang naging hakbang bago pa man makahuma si Ace.Sumakay siya ng elevator.Walang ibang laman ang kanyang isip maliban sa makuha ang kwintas na itinapon no Ace sa bintana.Kahit na nanghihina ang kanyang katawan ay hindi niya iyon alintana.Humabol naman si Ace ngunit mabilis na nakasakay si Ashley sa elevator. Hindi na nito naabutan si Ashley.Nag aalala ito. Iniisip parin ni Ace kung bakit ganun kahalaga kay Ashley ang kwintas na iyon at nagkaroon ng lakas para puntahan iyon.Nag aatubili na hindi mahintay ni Ace na bumukas ang elevator. Kaya tinungo niya ang fire exit at doon na siya bumababa.Malalaki ang bawat hakbang niya pababa. Ngunit kahit na anong bilis ang ginawa niya ay mas mabilis ang elevat
Hindi pinansin ni Ace ang galit na tingin ni Ashley sa kanya, mas humigpit pa ang pagkakayapos ng braso niya sa baywang nito at hindi binitawan. Seryuso ang mukha na bumaling kay Drake. Tinignan ito ng may kahulugan habang yumuko siya at inilapit ang labi sa tainga ni Ashley. "Paalis mo siya, kung gusto mong makuha ang kwentas." Bulong niya kay Ashley habang ang mga mata ay nakatuon parin kay Drake. Nakaarko ang mga labi ni Ace. "Napakasama mo." Ganting bulong ni Ashley sa pagitan ng mga ngipin. Nanginginig si Ashley sa pinipigilang galit. Malinaw sa mga sinabi ni Ace kung ano ang ibig nitong sabihin sa mga salita nito. Na kung hindi niya papaalisin si Drake ay hindi niya makukuha ang kwentas niya. Napalunok siya, lumingon kay Drake. Napatingin naman sa kanya si Drake na tila hinihintay lang ang sasabihin niya. "M-maayos na ako, Drake. P-pwede mo na akong iwan." Sabi niya kay Drake. Kunot ang noo ni Drake sa narinig mula sa kanya ngunit hindi na nagtanong pa kung bakit kahit
"Ahhhhh." Malakas na sigaw ng lalaki ng muli niyang ipalo ang hawak na bakal sa isa pa nitong kamay. Idiniin ang dulo sa bakal na hawak sa mga likod ng palad nito na nasa semento. "Hindi ko naman siya ginahasa. Sinampal ko lamang siya. Sinipa. At pinagsusintok." Muli ay sabi ng lalaki na mas ikinadilim pa ng mukha ni Ace. Nang makita iyon ng lalaki ay mas nanginig ito sa takot. Itinikom niya ang bibig dahil nang mapagtantong hindi dapat niya sinabi ang ginawa kay Ashley. "Sinabi mo na napakahalaga sa kanya ang kwentas na ito?" Tanong niya. Yumuko at pinulot ang kwentas. "Oo. Oo. Kahit na anong pilit kong agawin iyan ay ayaw niyang pakawalan. Ibubuwis niya ang buhay niya para sa kwentas na iyan." Sagot ng lalaki sa nanginginig paring boses. Hindi na sinabi ng lalaki ang mga sinabi ni Ashley tungkol sa kwentas na iyon dahil hindi naman ito naniniwala. Sino ang maniniwala na ang kwentas na iyon ay naglalaman ng mga abo bg anak nito? Hindi pa ito nakakarinig ng ganung kabaliwan na
Sa Tres Reyes, hindi mapakali si Ace habang nasa kwarto ni Belle.Kunot ang noo niyang nakatingin kay Belle na nakapikit ngunit halata niyang hindi parin ito nakakatulog.Nagpakawala siya ng malalim na paghinga saka binawi ang kamay na hawak nito."Ace." At tulad ng inaasahan niya ay nagmulat ito ng mga mata."Matulog ka na." Utos niya dito saka iniwas ang kamay niyang muli nitong hahawakan.Hindi mapakali ang mata nito sa malamig na pikikitungo niya dito ngunit hindi na iyon ang iniisip niya sa ngayon.Nang umalis siya kanina sa lugar kung saan niya iniwan si Ashley ay agad niyang tinawagan si Carlo na puntahan si Ashley.Kaya hindi na niya nakita kanina sa club si Carlo dahil alam niyang pinuntahan na nito si Ashley.At dapat may natanggap na siyang tawag mula kay Carlo pero hanggang ngayon ay wala parin.Kinapa niya ang cellphone sa bulsa. Doon niya napagtanto na wala sa kanya ang cellphone at naalala na nasa coat niya na naiwan sa kotse.Tumayo siya."Ace, huwag mo akong iiwan."S
Lumipad sa himpapawid ang helicopter sakay si Drake ilang minuto lang mula ng tumawag siya para papuntahin iyon sa kanya. Sinimulan nilang galugarin ang lugar mula sa taas. Hawak ni Drake ang isang teleskopyo at masusing tumingin ang kalupaan para mahanap si Ashley. Ilang minuto lang namataan niya si Ashley na nakahandusay na sa lupa at walang kagalaw galaw. Sa liwanag ng helicopter na nakatutok kay Ashley ay nakita niya agad ang kalunoslunos nitong kalagayan. Nanginig ang buong katawan niya sa nakita. May pagmamadali na agad niyang inutusan ang piloto na bumama ilang metro ang layo kung saan nakahandusay si Ashley. Sa dalawang metrong taas ng helicopter ay walang pag aalinlangan na tumalon si Drake pababa saka senenyasang umalis na iyon. Ang pamamadali niyang mga hakbang palapit kay Ashley ay tinawagan na din niya ang kanyang driver na puntahan sila. Nilapitan niya ito. Lumuhod sa isang tuhod. Nanginginig ang mga kamay niyang umangat para kalungin ang katawan ni Ashley n