Hindi siya tumatok sa pinto at inutusan ang mayordoma na dalhin sa kanya ang susi para siya na mismo ang magbukas ng pinto.Pumasok sa loob ng kwarto at walang ingay na muling isinara ang pinto.Habang si Ashley na nasa loob ng banyo ay hindi narinig ang pagpasok ni Ace sa loob ng kwarto nito.Nakatayo lang si Ace sa may pinto dahil napansin niyang hindi naman nakasindi ang mga ilaw sa loob at tanging ang malamlam na ilaw sa banyo ang nagsilbing liwanag.Ikinandado niya ang pinto, tinatanggal ang kanyang blazer na basta na lang niya inihagis sa kung saan at humakbang palapit sa banyo.Tumayo sa harapan ng pinto ng banyo. Itinaas ang kamay at binuksan ang pinto.Sumalubong kay Ace ang mahalumigmig na hangin na bumalot sa banyo.Sa sandalin bumukas ang pinto, ay nasa kalagitnaan palang si Ashley ng kanyang pagligo, tamang naglalagay ng shower gel sa katawan. Nakatalikod siya sa may pinto. At pagkarinig na pagkarinig niya ang pagbukas ng pinto ay agad siyang napalingon.Sumalubong sa kan
Lunes, Sharlies Jewelry Company...Sa unang araw, magrereport na si Ashley sa kumpanya at nag aalala siya na matraffic sa daan kaya nagpasya siyang sa subway na lang sumakay. Nakasalubong niya doon si Joane, ang nanalo sa ikatlong pwesto.Sabay na silang pumasok ng kumpanya. At habang naglalakad ay sinabayan nila ng kwentuhan na may kasama pang tawanan.Nakatayo sa harap ng entrance elevator at hinihintay iyon na bumukas.Habang sumakay naman si Belle sa kabila, at sa sandaling namataan ni Belle si Ashley ay kinuha niya ang cellphone sa bag at nagpanggap na may kausap at lumipat sa tabi nila at kasamang naghintay."Ace, kararating ko lang, pasakay pa lang ako ng elevator... huwag kang mag alala...uhm... alam ko.. kapag kasama kita... hindi kailanman ako maapi ng iba.. okay... hindi ko sasabihin... pasakay na ako ng elevator... mag ingat ka sa pagmamaneho..." at ng bumukas na ang elevator saka lanng nito binaba ang cellphone.Sabay silang tatlong sumakay ng elevator. Sa likod tumayo si
Matapos niya iyong sabihin ay ibinaba na niya ang hawak na magazine. Hindi na pinansin si Belle at lumabas ng conference room.Sa loob na naiwan si Belle at hindi maitago ang galit."Ashley, hindi mo maaagaw sa akin si Ace." Sabi nito na kinakalma ang sarili bago nagpasyang lumabas na din.Pinilit na naman ang naging ngiti na napaskil sa labi nito kapag nakikita siya ng iba at bumalik na siya sa sariling upuan.Napasulyap si Belle kay Ashley na ngayon ay nakatayo sa harap ng printer at nagxerox ng kopya ng ilang mga dokumento."Mayroon ba kayong oras ngayong gabi?""Belle, ilelebre mo ba kami ng hapunan?" tanong ng isa.Ngumiti si Belle. "Tumawag kasi si Ace sa akin at sinabi niya ipagdiwang ang pagpasok ko dito sa SJC. Kaya gusto kong imbitahan sana kayo kung may oras kayo.""Oo naman, libre kami." mabilis na naging tugon ng halos lahat ng kasama nilang empleyado."Hindi na kami makapaghintay na makatikim ng mga mahahaling pagkain. Sa mamahaling restaurant tayo kakain diba?" pagbibir
Lumapit si Belle sa kanya at humawak sa kanyang braso.Galit siya sa narinig ngunit hindi naman niya inalis ang pagkakahawak nito sa kanya.Napansin din ni Ace si Ashley na nakatingin sa kanila at may ngisi sa mga labi.Na ngayon ay nais ni Ashley na ihalintulad sa kung ano ang papairalin ni Ace ngayon sa mga narinig. O papalampasin lamang ni Ace si Belle dahil sa pagmamahal nito dito.Hindi siya umimik. Naghintay lamang siya makita kung paano iwaksi ni Ace ang kamay ni Belle pero ilang minuto na ang lumipas pero nanatiling nakahawak parin si Belle kay Ace.Nakaramdam siya ng pagkahaba. Mawawalan ba ng saysay ang plinano niyang ipakita kay Ace ang tunay na ugali at mukha ni Belle?Paano naman siya? Nasaan ang hustisya?Isang salita lang ba ni Belle ay mapapatawag na ni Ace ito?Habang siya? Kahit na anong paliwanag ang gawin niya ay wala man ang ni isang pinaniwalaan si Ace.Na kung nagkamali siya ay agad siya nitong pinapagalitan.Naikuyom ni Ashley ang mga palad. Punong puno ng pagk
Nahihilo at pasuray-suray na ang lakad niya. Hindi niya napansin ang taong nasa harapan niya kaya bumangga siya mismo sa malapad nitong dibdib."Hiss~"Napasinghap si Ashley saka sinapo ang tungki ng kanyang ilong dahil sumidhi doon ang sakit sa pagkakabangga niya sa matigas na dibdib.Habang hawak niya ang ilong ay napatingala siya, kunot ang noo at balak niya itong sitahin at sabihin kung bakit bigla na lang itong humarang sa daraanan niya.Ngunit, ang pamilyar na kislap ng mga mata ang sumalubong sa kanya na ngayon ay nakatitig sa kanya.At nakilala niya ito. Si Ace.Sadyang nabigla si Ashley ng makita si Ace dahil ang akala niya ay nakaalis na ito at inihatid si Belle.Kaya bakit ngayon nasa harapan niya si Ace?Naipilig niya ang kanyang ulo. Ayaw na niyang pagtuunan iyon ng pansin. Wala siyang pakialam kay Ace dahil ayaw na niyang ipagpilitan dito kung ano ba ang tunay na ugali ni Belle. wala naman itong pakialam kung masama ang babaeng mahal nito kay bakit pa siya makikialam.An
Mas humigpit ang hawak ni Ace sa baywang ni Ashley at hindi hinayaang makawala."Gusto mo bang magkasakit at magleave sa ikalawang araw ng iyong trabaho?"Natahimik si Ashley sa sinabi ni Ace.Maayos na hinawakan niya si Ashley. Inilagay ang mga kamay nito sa leeg niya saka binuhat.Walang ibang tao kung saang bahagi sila ng garden ng restaurant ngunit sa bungad ay labas masok ang mga dumadating at umaalis.Ayaw ni Ashley na may makakita sa kanila kaya hinila niya ang jacket ni Ace na naipasuot sa kanya saka tinakpan ang mukha.Napatingin lang si Ace sa ginawa niya ngunit hindi na ito nagsalita at nagpatuloy sa paghakbang paalis......Ang manager sa restaurant ay naihanda na ang sasakyan.Nakayakap at maayos na isinakay ni Ace si Ashley sa sasakyan.Pagkasakay na pagkasakay ni Ashley sa sasakyan ay agad siyang lumayo kay Ace ng sumakay na din ito.Sumandal sa may bintana at sa labas ibinaling ang mga mata."Sa saguday, salamat." Pagbaling niya sa driver at hindi pinansin si Ace na na
Hindi namapigilan ni Ashley ang hindi maupo sa harapan ng desk ni Sisi at maingat iyong binuksan.Sa loob ay nakita niya na isa iyong larawan. Larawang iginuhit ni Sisi. Si Sisi, siya at si Ace ang nakaguhit sa larawan na magkasamang naglalaro sa playground.Nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Ashley sa nakita. Mga pangarap ni Sisi na sa larawan na lang natupad dahil kahit kailan ay hindi nasubukan ni Ace na ipasyal si Sisi sa paluraan.Sa larawan, nakikita niya kung gaano iyon kadetalyado. Nakahawak si Ace sa duyan kung saan nakasakay si Sisi habang siya ay nasa tabi at pinapanuod niya ang mag ama. Parang sinasaksak ang kanyang puso sa kung paano kadetalyado ang iginuhit ni Sisi sa larawan.Iyon ang pinangarap ni Sisi na ang akala ay matutupad iyon ni Ace sa araw ng kaarawan nito. Habang mas iaabangan ni Sisi iyon, ay siya namang pabigat ng pabigat ang nararamdaman niya at patuloy na naipagdadasal habang papalapit ang kaarawan nito na sana, matupad ni Ace ang huling kahilingan na iyo
Gustong magpumiglas ni Ashley, ngunit ang malaking kamay ni Ace ay nakayakap lang sa kanya na parang isang bakal.Sapilitan siyang ipinapasok ni Ace sa loob ng bahay na halos matisod na siya papasok.Nakabukas ang tarangkahan. Hinihila siya ni Ace papasok doon.Iginala niya ang paningin, at tumingin sa bawat sulok. At kahit saan siya tumingin ay nakikita niya ang mga alaala ng kabataan ni Ace. Kumpara sa Mansyon kung saan siya nakatira ay ito ang itinuturing na bahay ni Ace. Sa mansyon kung saan siya nito noon itinira na saka lang uuwi doon kapag gustong puunan ang pangangailangan.Nariinig nila na umiiyak si Belle mula sa loob."Nakikiusap ako, pakawalan mo ang anak ko, huwag mo siyang sasaktan, nakikiusap ako."Narinig iyon ni Ashley kaya napatingin siya kung saan iyon nanggagaling at nakita niya si Belle na nasa sala.Nakaluhod si Belle na nakatalikod sa may pinto.Suot parin nito ang dress na suot kanina at ang buhok nito ay magulong magulo na. Na parang bang sinabunutan ito.Sa h
Matapos magpaalam ni Ashley ay bumalik siya sa Saguday.Inihatid siya ng driver sa mansyon."Nandito na tayo, fifth young lady." Magalang na sabi sa kanya ng driver."Salamat."Matapos niyang bumaba sa kotse ay hindi agad siya umakyat. Nakasunod lamang ang kanyang mata sa papalayong kotse.Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. Ang bilis ng mga nangyayari sa paligid niya.Tumalikod na siya para umakyat.Sa paghakbang niya ay may mabilis na kotseng tumigil sa tapat niya. Hindi niya iyon pinansin sa pag aakalang isa lamang din resedente ang sakay ng kotseng tumigil.Ngunit nagulat na lamang siya ng may biglang humawak sa kamay niya."Ace." Nanlaki ang mga mata niya at agad na nagpumiglas ng makilala ang humawak sa kanya.Hinatak agad siya ni Ace palapit at walang babalang binuhat siya at isinakay sa kotse.Mabilis ding sumakay si Ace at pinigilan ang kanyang pagbaba.Nang lumapit si Ace sa kanya ay itinaas niya ang kanyang paa saka ito sinipa nang malakas.Nagdilim naman ang mukha ni
Pagkalabas ni Ashley sa ospital ay tamang dumating si Drake.Tumigil ang kotse nito sa harapan niya.Mabilis na umibis ng sasakyan at lumapit sa kanya. Pinagbuksan siya nito ng pinto at umalalay pa sa pagsakay niya."Masama parin ba ang pakiramdam mo? Bakit hindi ka muna manatili sa ospital?" Tanong ni Drake sa kanya na may pag aalalang tinig.Nakatingin ito sa kanya ng makasakay na din ito.Umiling si Ashley. Naiisip parin niya ang nakita kanina sa chart ni Vinice. "Drake, may bahagi ba kayo sa ospital na ito?" Tanong niya kay Drake."Oo, bakit mo natanong? May problema ba?""Gusto ko sanang kumuha ng sample ng dugo ni Vinice. Gusto ko lang makasiguro."Napatitig sa kanya si Drake. Ilang sandali din itong hindi umimik."Sige." Tipid nitong sagot."Salamat.""Kahit ano, basta kaya kong tumulong. Lumapit ka lang sa akin."Sumulyap siya dito. Nagtama ang kanilang mga mata. Sabay na may guhit ng ngiti sa kanilang mga labi."Saan kita ihahatid?"Umiling siya. Wala siyang alam na uuwian n
Sa Tres Reyes...Nanatiling gising buong gabi si Belle dahil sa galit.Sa labas ng kwarto niya ay narinig niya ang mga galaw doon.Gising na si Vinice at tulad ng dati ay hindi siya nito inistorbo dahil alam nito na ayaw na ayaw niya ng iniistorbo siya nito.Tinulungan ng katulong si Vinice sa paghahanda para sa pagpasok sa paaralan.Hindi lalabas ngayon si Belle. Gusto niyang ipaalam sa publiko na si Vinice ay anak ng isang Mondragon.Kaya nakapagpasya siyang bumuo ulit ng isang plano.Ilang sandali pa ay nakaalis na si Vinice hatid ng driver. Tahimik at palihim lang siyang sumunod dito.Sa hindi kalayuan ay nakamasid siya kay Vinice. May kinausap siyang mga bata at binayaran upang awayin at saktan nila si Vinice nang sa ganun ay dadating si Ace at ipagtatanggol si Vinice.Ngumisi si Belle na tila isang demonyo. Na sa ilalim ng itim na salaming suot ay sa mata nito ang nanlilisik nitong tingin.Ilang sandali pa ay umalis na ang driver na naghatid kay Vinice. Doon na lumapit ang tatlo
Matapos pahiran ang buong katawan ni Ashley ng gamot, nagpakuha si Ace ng kanyang maisusuot. Wala siyang balak umalis. Hindi niya iiwan ngayon si Ashley. Nang dumating ang damit niya ay nagpasya na siyang maligo sa banyo ng ward at doon na naglinis ng katawan. "Maari ka ng magpahinga." Utos niya kay Carlo nang lumabas siya matapos maligo. "Sige, Mr. Mondragon. Tawagan lamang ninyo ako kapag may kailangan kayo." Tumango na lang si Ace. Maayos na nagpaalam si Carlo. Pumasok pabalik sa loob. Ikinandado ang pinto. Muli siyang napatitig kay Ashley na mahimbing nang natutulog. Magaan na din ang bawat paghinga nito hindi tulad kanina. Nagpasya siyang mahiga sa tabi nito kahit na may isa pa namang kama sa loob. Bago nahiga ay inayos na muna niya ang ilaw para maging malamlam lang ang liwanag sa loob ng ward. Maingat ang bawat kilos niya na tumabi dito. Marahan niyang hinawakan ang ulo nito at pinaunan sa kanyang braso. Bahagya namang gumalaw si Ashley na naramdamang m
Hindi na nag isip pa si Ashley.Tumayo siya at humakbang palabas."At saan mo balak pumunta?" Tanong ni Ace.Pinigilan si Ashley sa mga kamay.Ngunit naging lakas kay Ashley ang pagnanais na kunin ang kwintas kaya naitulak niya si Ace ng malakas sa bintana.Nagulat ito.Mabilis ang kanyang naging hakbang bago pa man makahuma si Ace.Sumakay siya ng elevator.Walang ibang laman ang kanyang isip maliban sa makuha ang kwintas na itinapon no Ace sa bintana.Kahit na nanghihina ang kanyang katawan ay hindi niya iyon alintana.Humabol naman si Ace ngunit mabilis na nakasakay si Ashley sa elevator. Hindi na nito naabutan si Ashley.Nag aalala ito. Iniisip parin ni Ace kung bakit ganun kahalaga kay Ashley ang kwintas na iyon at nagkaroon ng lakas para puntahan iyon.Nag aatubili na hindi mahintay ni Ace na bumukas ang elevator. Kaya tinungo niya ang fire exit at doon na siya bumababa.Malalaki ang bawat hakbang niya pababa. Ngunit kahit na anong bilis ang ginawa niya ay mas mabilis ang elevat
Hindi pinansin ni Ace ang galit na tingin ni Ashley sa kanya, mas humigpit pa ang pagkakayapos ng braso niya sa baywang nito at hindi binitawan. Seryuso ang mukha na bumaling kay Drake. Tinignan ito ng may kahulugan habang yumuko siya at inilapit ang labi sa tainga ni Ashley. "Paalis mo siya, kung gusto mong makuha ang kwentas." Bulong niya kay Ashley habang ang mga mata ay nakatuon parin kay Drake. Nakaarko ang mga labi ni Ace. "Napakasama mo." Ganting bulong ni Ashley sa pagitan ng mga ngipin. Nanginginig si Ashley sa pinipigilang galit. Malinaw sa mga sinabi ni Ace kung ano ang ibig nitong sabihin sa mga salita nito. Na kung hindi niya papaalisin si Drake ay hindi niya makukuha ang kwentas niya. Napalunok siya, lumingon kay Drake. Napatingin naman sa kanya si Drake na tila hinihintay lang ang sasabihin niya. "M-maayos na ako, Drake. P-pwede mo na akong iwan." Sabi niya kay Drake. Kunot ang noo ni Drake sa narinig mula sa kanya ngunit hindi na nagtanong pa kung bakit kahit
"Ahhhhh." Malakas na sigaw ng lalaki ng muli niyang ipalo ang hawak na bakal sa isa pa nitong kamay. Idiniin ang dulo sa bakal na hawak sa mga likod ng palad nito na nasa semento. "Hindi ko naman siya ginahasa. Sinampal ko lamang siya. Sinipa. At pinagsusintok." Muli ay sabi ng lalaki na mas ikinadilim pa ng mukha ni Ace. Nang makita iyon ng lalaki ay mas nanginig ito sa takot. Itinikom niya ang bibig dahil nang mapagtantong hindi dapat niya sinabi ang ginawa kay Ashley. "Sinabi mo na napakahalaga sa kanya ang kwentas na ito?" Tanong niya. Yumuko at pinulot ang kwentas. "Oo. Oo. Kahit na anong pilit kong agawin iyan ay ayaw niyang pakawalan. Ibubuwis niya ang buhay niya para sa kwentas na iyan." Sagot ng lalaki sa nanginginig paring boses. Hindi na sinabi ng lalaki ang mga sinabi ni Ashley tungkol sa kwentas na iyon dahil hindi naman ito naniniwala. Sino ang maniniwala na ang kwentas na iyon ay naglalaman ng mga abo bg anak nito? Hindi pa ito nakakarinig ng ganung kabaliwan na
Sa Tres Reyes, hindi mapakali si Ace habang nasa kwarto ni Belle.Kunot ang noo niyang nakatingin kay Belle na nakapikit ngunit halata niyang hindi parin ito nakakatulog.Nagpakawala siya ng malalim na paghinga saka binawi ang kamay na hawak nito."Ace." At tulad ng inaasahan niya ay nagmulat ito ng mga mata."Matulog ka na." Utos niya dito saka iniwas ang kamay niyang muli nitong hahawakan.Hindi mapakali ang mata nito sa malamig na pikikitungo niya dito ngunit hindi na iyon ang iniisip niya sa ngayon.Nang umalis siya kanina sa lugar kung saan niya iniwan si Ashley ay agad niyang tinawagan si Carlo na puntahan si Ashley.Kaya hindi na niya nakita kanina sa club si Carlo dahil alam niyang pinuntahan na nito si Ashley.At dapat may natanggap na siyang tawag mula kay Carlo pero hanggang ngayon ay wala parin.Kinapa niya ang cellphone sa bulsa. Doon niya napagtanto na wala sa kanya ang cellphone at naalala na nasa coat niya na naiwan sa kotse.Tumayo siya."Ace, huwag mo akong iiwan."S
Lumipad sa himpapawid ang helicopter sakay si Drake ilang minuto lang mula ng tumawag siya para papuntahin iyon sa kanya. Sinimulan nilang galugarin ang lugar mula sa taas. Hawak ni Drake ang isang teleskopyo at masusing tumingin ang kalupaan para mahanap si Ashley. Ilang minuto lang namataan niya si Ashley na nakahandusay na sa lupa at walang kagalaw galaw. Sa liwanag ng helicopter na nakatutok kay Ashley ay nakita niya agad ang kalunoslunos nitong kalagayan. Nanginig ang buong katawan niya sa nakita. May pagmamadali na agad niyang inutusan ang piloto na bumama ilang metro ang layo kung saan nakahandusay si Ashley. Sa dalawang metrong taas ng helicopter ay walang pag aalinlangan na tumalon si Drake pababa saka senenyasang umalis na iyon. Ang pamamadali niyang mga hakbang palapit kay Ashley ay tinawagan na din niya ang kanyang driver na puntahan sila. Nilapitan niya ito. Lumuhod sa isang tuhod. Nanginginig ang mga kamay niyang umangat para kalungin ang katawan ni Ashley n