Beranda / Romance / CHASING HER: The Billionaire's Mistake / CHAPTER 44: Ang banal na alaala para kay Sisi!

Share

CHAPTER 44: Ang banal na alaala para kay Sisi!

Penulis: Ellise
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-10 16:22:42
Mas humigpit ang hawak ni Ace sa baywang ni Ashley at hindi hinayaang makawala.

"Gusto mo bang magkasakit at magleave sa ikalawang araw ng iyong trabaho?"

Natahimik si Ashley sa sinabi ni Ace.

Maayos na hinawakan niya si Ashley. Inilagay ang mga kamay nito sa leeg niya saka binuhat.

Walang ibang tao kung saang bahagi sila ng garden ng restaurant ngunit sa bungad ay labas masok ang mga dumadating at umaalis.

Ayaw ni Ashley na may makakita sa kanila kaya hinila niya ang jacket ni Ace na naipasuot sa kanya saka tinakpan ang mukha.

Napatingin lang si Ace sa ginawa niya ngunit hindi na ito nagsalita at nagpatuloy sa paghakbang paalis.

.....

Ang manager sa restaurant ay naihanda na ang sasakyan.

Nakayakap at maayos na isinakay ni Ace si Ashley sa sasakyan.

Pagkasakay na pagkasakay ni Ashley sa sasakyan ay agad siyang lumayo kay Ace ng sumakay na din ito.

Sumandal sa may bintana at sa labas ibinaling ang mga mata.

"Sa saguday, salamat." Pagbaling niya sa driver at hindi pinansin si Ace na na
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Therrie DC Del Poso
ano ba nman billionaire napaka tangan Ng character.kainis
goodnovel comment avatar
yachiii
bumabait na si ace
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 45: Pabalikin mo si Sisi!

    Hindi namapigilan ni Ashley ang hindi maupo sa harapan ng desk ni Sisi at maingat iyong binuksan.Sa loob ay nakita niya na isa iyong larawan. Larawang iginuhit ni Sisi. Si Sisi, siya at si Ace ang nakaguhit sa larawan na magkasamang naglalaro sa playground.Nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Ashley sa nakita. Mga pangarap ni Sisi na sa larawan na lang natupad dahil kahit kailan ay hindi nasubukan ni Ace na ipasyal si Sisi sa paluraan.Sa larawan, nakikita niya kung gaano iyon kadetalyado. Nakahawak si Ace sa duyan kung saan nakasakay si Sisi habang siya ay nasa tabi at pinapanuod niya ang mag ama. Parang sinasaksak ang kanyang puso sa kung paano kadetalyado ang iginuhit ni Sisi sa larawan.Iyon ang pinangarap ni Sisi na ang akala ay matutupad iyon ni Ace sa araw ng kaarawan nito. Habang mas iaabangan ni Sisi iyon, ay siya namang pabigat ng pabigat ang nararamdaman niya at patuloy na naipagdadasal habang papalapit ang kaarawan nito na sana, matupad ni Ace ang huling kahilingan na iyo

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-10
  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 46: Belle, ikaw at ang anak mo ay dapat lang na mamatay!

    Gustong magpumiglas ni Ashley, ngunit ang malaking kamay ni Ace ay nakayakap lang sa kanya na parang isang bakal.Sapilitan siyang ipinapasok ni Ace sa loob ng bahay na halos matisod na siya papasok.Nakabukas ang tarangkahan. Hinihila siya ni Ace papasok doon.Iginala niya ang paningin, at tumingin sa bawat sulok. At kahit saan siya tumingin ay nakikita niya ang mga alaala ng kabataan ni Ace. Kumpara sa Mansyon kung saan siya nakatira ay ito ang itinuturing na bahay ni Ace. Sa mansyon kung saan siya nito noon itinira na saka lang uuwi doon kapag gustong puunan ang pangangailangan.Nariinig nila na umiiyak si Belle mula sa loob."Nakikiusap ako, pakawalan mo ang anak ko, huwag mo siyang sasaktan, nakikiusap ako."Narinig iyon ni Ashley kaya napatingin siya kung saan iyon nanggagaling at nakita niya si Belle na nasa sala.Nakaluhod si Belle na nakatalikod sa may pinto.Suot parin nito ang dress na suot kanina at ang buhok nito ay magulong magulo na. Na parang bang sinabunutan ito.Sa h

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-11
  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 47: May sakit talaga si Sisi!

    Niyuko ni Ace si Vinice at masuyo niya itong tinignan, at walang kapagurang pinapatahan ito.Nakatingin lang naman si Ashley kay Ace na punong puno nang pagkabalisa habang patuloy lang sa pagpapatahan kay Vinice.Naisip niya sa mga panahong unang beses na nahospital si Sisi. Ang ibang mga bata ay kasama ang kanilang ama. Ang ibang bata ay masuyong inaalo ng kanikang mga ama ngunit si Sisi, hindi.Sa mga sandaling iyon noon na lumabas si Ashley para kumuha ng mainit na tubig para kay Sisi, ay palihim na tinawagan ni Sisi ang ama nito."Papa, pwede mo ba akong samahan? May sakit si Sisi, papa at takot ako sa injection kaya..."Sa oras na iyon, ang tanging naging tugon ni Ace ay ang malamig na tono saka sinabi: "Huwag kang matuto sa iyong ina na puno ng kasinungalingan." pagkatapos ay agad din nitong binaba ang telepono.Tamang pabalik na siya noon galing sa pagkuha ng tubig at nakatayo lang siya sa labas ng pinto. Nakatingin siya kay Sisi na nakatitig sa sarili nitong cellphone na pinat

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-11
  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 48: Hinatulan ni Ace si Ashley ng isang salita!

    "Belle, mukhang may utang sayo ang oscar ng best actress." puno ng pagkauyam ang mga salita ni Ashley. Wala na talaga siyang masabi sa pag akto nito na parang naapi. Hindi na niya matagalan ang walang kabuluhan nitong mga salita. "Tapos ka na ba sa pag akting? o nagsisimula ka pa lang? Ilalabas mo pa ba ang ebidensya?"Alam niyang idinidiin na naman siya ni Belle at kahit na anong sabihin nito ay paniniwalaan ni Ace ang mga iyon. Kahit na walang matibay na ebidensya at salita lang ni Belle ay siguradong mapupunta lahat sa kanya ang sisi."Sige, kailangan mo ng ebedinsya. Ibibigay ko." sagot naman ni Belle sa kanya saka nito nilapitan ang lalaki nakahandusay sa semento.Hinawakan ni Belle sa kwelyo ang lalaki saka niyogyog para gisingin. "Sabihin mo, sino ang nag utos sayo para saktan kami ng anak ko?"Tinignan naman ng lalaki si Belle na may matalim na tingin ngunit hindi nagsalita.Sumulyap naman si Ace kay Ashley na nanatiling kalmado at tahimik. Na parang wala itong kinalaman saka

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-11
  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 49: Pinarusahan ni Ace si Ashley!

    Napakalakas ng mga kamay ni Ace kaya kahit na anong pilit ni Ashley na makawala sa pagkakahawak ni Ace sa kanya ay hindi siya makawa dito.Wala na din siyang natitirang lakas. Parang ang kanyang katawan ay parang sirang manika na basta na lang binuhat ni Ace at tinangay mula sa pinto at ipinasok sa loob."Ace, naririnig mo ba ako. Bitawan mo ako. Wala kang karapatang hatulan ako. Gayong iniisi mo na ako ang may pakana ng lahat ay bakit hindi mo ako idala sa pulisya.""Tumahimik ka!"Nang marinig ni Ace ang istasyon ng pulisya ay mas naging malamig ang mukha nito at ang kanyang mga mata ay mabangis na tumatangay kay Ashley. "Wala ka ba talagang takot?"Naunawaan niya ang ibig nitong sabihin.Naniniwala na naman si Ace kay Belle sa mga sinabi nito at naisip nito na wala siyang takot na makulong hindi dahil sa wala siyang kasalanan kundi naisip nito na nasa likod lang niya si Lola Astrid.Hindi mahalaga kung makulong isya dahil mahal na mahal siya ni Lola Astrid at galit na galit naman it

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-12
  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 50: Nahimatay si Ashley dahil sa takot!

    "Huh!" muli lang ngumisi si Ace at hindi pinansin ang kanyang pagtutol.At saka nito walang kahirap hirap na inalis ang kamay sa kung saan siya nakahawak. At kahit na anong higpit ang hawak niya doon ay wala parin siyang nagawa sa lakas ng pagtanggal ni Ace doon.Sa harapan niya ay malakas na itinulak ni Ace pasara ang pinto.Sa oras na sumara ang pinto, kadiliman na ang bumungad sa kanya.Nagmadaling tumayo si Ashley at hinawakan ang doorknob na pilit iyong buksan ngunit nakasara na ang pinto mula sa labas.Agad na nilamon ng takot ang buong pagkatao ni Ashley. Na halos mawalan na siya ng dugo sa mukha sa takot na nararamdaman niya.Naging emosyonal si Ashley, itinaas ang kamay at paulit ulit na kinatakot ng malakas ang pinto."Ace, buksan mo ang pinto at palabasin ako. Bakit mo ako ikinulong kung wala kang matibay na ebidensya."Ngunit wala siyang narinig na sagot mula sa labas."Ace, naririnig mo ba ako... palabasin mo ako dito... wala kang karapatang ikulong ako dito.. Pakawalan mo

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-12
  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 50-1: Nahimatay si Ashley dahil sa takot!

    Pilit paring binubuksan ni Ashley ang pinto.Idiniin niya ang kamay sa panel ng pintoat hinigpitan iyon.CLICK!Tunog ng pagkaputol ng kanyang kuko.Matinding sakit ang kanyang naramdaman sa kanyang mga daliri na kumalat sa kanyang buong katawan.Kagat na lang ulit ni Ashley ang kanyang ibabang labi habang humihikbi. Isinusubukang ituon ang pansin sa sakit ng kanyang mga daliri para lang hindi na matakot.SQUEAK!Narinig niya ang tunog na iyon ng mga daga. Hindi niya alam kung guni-guni na lang niya iyon dahil sa masamang nakaraan o sadyang may mga daga mismo sa basement.Oo, baka guni-guni lang niya. Iyon ang ipinagsiksikan niya sa kanyang isip.Ang mansyon ay malinis at araw araw na nililinisan, maliban na lang na tulad ni Helen na sinadyang lagyan ng daga sa loob.Hanggang sa nakaramdam siya ng pamilyar na pagkaapak sa kanyang paa."Ahhh!"Napasigaw ng malakas si Ashley na halos tumayo lahat ng balahibo niya sa katawan. Pinagpawisan siya ng malamig at mas nagsumiksik sa pinto dahil

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-12
  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 50-2: Nahimatay si Ashley dahil sa takot!

    Nakasindi ang heater sa loob ng silid ngunit ng hinubaran niya ito ay nanginig parin ito sa lamig.Sa pagtulog nito, awtomatikong napayakap ito kay Belle sa mga bisig. At kahit na alam nitong hindi mabait si Belle ay patuloy lamang ito sa pagsunod sa yapak nito dahil ito parin ang mama niya na namulatan mula ng magkaisip na ito. At kay Belle lang lagi ito sumusunod sa kahit na anong ipag utos.Sa pagkakayakap ni Vinice sa bisig ni Belle ay tinanggal lamang nito ang kamay niyang nakakakpit dito.Binuhat ni Belle si Vinice at naglakad papasok ng banyo, binuksan ang shower sa malamig na temperatura.Wala ding heater sa loob ng banyo at mabilis na bumagsak ang temperatura sa loob.Nakatingin lang si Belle sa malamig na tubig na umaagos sa shower filter. Hinawakan at tinignan kung malamig na malamig na ba iyon.Nakaramdam na din si Vinice ng lamig na nasa bisig ni Belle. At nagising na dahil nanuot na sa buong katawan nito ang lamig."Mama, Yakapin mo si Vinvin, nilalamig ako."Ngunit hind

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-12

Bab terbaru

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 84-1:

    Mahigpit pa rin na naikuyom ni Belle ang palad Ginawa niya ang lahat para sa marating niya ngayon ang kinalalagyan niya ngunit sinisira lang ni Ashley. Naalala pa niya nang makabalik sila ni Vinice ay ipinagpatuloy niya ang pagtatanim ng masamang imahe ni Ashley sa mga mata ni Ace habang siya ay nagtagamin ng magandang imahe dito. Binabaliktad niya ang lahat gamit lamang ang kanyang mga salita at mga paawa niya kay Ace. Nagtatagumpay naman siya kahit na minsan ay hindi napapansin niya na tila nagdadalawang isip si Ace ngunut kapag nakikita na niya iyon ay ipinapaalala niya ang jade pendant na hawak nito. At dahil doon, nakukuha niya ang buong tiwala ni Ace. Isa pa ay ang malaman niya na may sakit nga si Sisi, at isa iyon sa ginawan niya na naman ng paraan para ipakitang nagsisinungaling na naman si Ashley at sinabi niya kay Ace na ginagamit lang ni Ashley si Sisi para kunin ang pansin nito. At naisip niya, na kung mawawala si Sisi ay wala na ngang hahadlang na manatili si Ace s

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 84:

    "Asha!' Ipinulupot ni Ace ang mga braso sa baywang ni Ashley na puno ng pag aalala ang mukha. Ibinaba niya ang kanyang mga mata at tumingin kay Ashley na bumagsak sa kanyang mga braso. Sa kaibuturan ng kanyang mga mata ay may kirot sa kanyang puso na hindi niya namamalayan. "Ashley." Naiwan naman ang mga kamay ni Drake sa ere, itinaas niya ang kanyang mga mata at nag- aalalang tumingin kay Ashley. Sa pagtingin ni Drake kay Ashley na mukhang hindi maganda, ang kailangan nito ngayon ay isang magandang pahinga. Alam ni Drake ang personalidad ni Ace at hindi nito hahayaang umalis si Ashley kasama niya. Dahil sa gusot na kinakaharap nito ay hindi makapag pahinga ng maayos si Ashley. Binawi ni Drake ang kanyang kamay at hinayaan si Ace na hawakan si Ashley at umalis para makapag pahinga na muna ito. Hindi na muna siya makikialam kahit na gustong gusto niyang bawiin si Ashley sa mga kamay ni Ace. Isinakay na ni Ace si Ashley sa sasakyan. Mabilis na pinaandar ang sasakyan paa

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 83-2:

    Tumingin si Ashley kay Ace, puno ng hinanakit. Para saan pa ang mga katanungang iyon ni Ace? Itinaas ni Ashley ang kanyang kamay at tinulak ng malakas si Ace, itinulak niya ito palayo, itinuro ang mga piraso ng tasa sa lupa. "Ano ang sinabi niya? Sinabi niya na iyan ay ginawa ni Sisi sa loob ng dalawang buwan para lamang iregalo sayo. Narinig mo ba yun?” Nanginginig ang boses sa galit si Ashley habang sinasabi iyon kay Ace. "And you smashed it with your own hands! Bilang isang ama, muli mong niyurakan ang pagmamahal ni Sisi sa iyo!" "Ace, si Sisi ay malamang na hindi pinalad sa loob ng walong buhay na ipanganak na muli bilang iyong anak, na nagbibigay sa iyo ng pagkakataong saktan siya nang paulit-ulit nang ganito!" Walang maapuhap na salita si Ace na isagot kay Ashley. Hindi ito ang cup na ibibigay ni Ashley kay Drake para ipahayag ang pagmamahal niya dito, kundi isang regalo sa kaarawan niya na ginawa ni Sisi para sa kanya. At binasag na lang niya ito gamit ang sarili niyan

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 83-1:

    Bago makarating sa ceramic shop si Ace, nakita niya mula sa malayo si Drake na hawak-hawak si Ashley sa mga braso nito. Sumandal si Ashley kay Drake sa mga bisig nito nang walang anumang pagtanggi. Magkayakap silang dalawa sa kalsada na parang walang ibang tao sa paligid nila. Katulad ng ibang normal na mag-asawang nagmamahalan na walang pakialam sa sasabihin ng iba. Halos katatapos lang itinanggi ni Ashley sa publiko kung ano nga ba ang relasyon nila sa harap ng maraming media outlet sa bahay ng pamilyang Mondragon, at pagkatapos ay tumalikod, umalis at ngayon ay niyakap nito si Drake. Ngunit kilalang-kilala ni Ace si Ashley. Si Ashley ay isang tao na may malakas na pakiramdam ng may hangganan pagdating sa mga relasyon sa pagitan ng mga lalaki at babae. Sa loob ng limang taon na nakasama niya ito, kahit na sabihing pinabayaan niya ito at hindi pinansin, hindi siya madalas bumalik sa El Cielo. Si Ashley ay hindi kailanman nagkaroon ng anumang relasyon sa ibang lalaki at a

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 83:

    Naiwan sa ere ang kamay ni Drake na napatingin kay Ashley.Tahimik na binawi ang kamay niya na hindi napansin ni Ashley dahil nakatingin ito sa labas ng bintana.Binawi na din niya ang tingin mula kay Ashley at umayos ng upo.Habang si Ashley ay tahimik lamang na binalingan ang kanyang cellphone.Kinuha iyon mula sa kanyang bag. At halatang nagulat siya nang makita kung sino ang tumawag.Pagkaraan lamang ng ilang sandali, inayos at pinakalma niya ang sarili bago sinagot abg tawag."Yes, hello?""Lady boss." Ang tawag ay galing sa ceramic shop.Ang ceramic cup na ginawa ni Sisi sa tindahang iyon bago ito mamatay ay handa na.Tinanong siya kung kailan siya magkakaroon ng oras para kunin iyon."Kukunin ko ngayon din."Pagkatapos magsalita ni Ashley, ibinaba niya ang cellphone."Saan ka pupunta? Ihahatid na kita doon." Si Drake na nauna nang nagsalita bago pa man siya makapagsalita.Hindi nag atubili si Ashley at sinabi ng maayos kay Drake kung saan siya pupunta. Ibinigay niya dito ang ad

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 82:

    Kumilos si Axel at direktang hinila si Ashley, na minsan nitong hinamak, para iligtas sila sa sitwasyon. Hindi na nito tinanong ang kagustuhan ni Ashley. Sa opinyon ni Axel, ang aksyon ni Ashley ngayon ay para lamang mapromote sa katayuan. Sinundan ni Ashley si Ace sa loob ng limang taon nang walang anumang legal na katayuan. Hindi pa kasi nila kinikilala si Ashley at si Sisi na bahagi ng pamilyang Mondragon, ngunit ngayon ay pinili nilang kilalanin sa publiko si Belle at ang anak nitong babae. Sa isip ni Axel ay nagseselos si Ashley kaya sinadya niyang isiwalat na isa lamang bastarda si Vinice sa harap nila at maraming tao ng magsimula na ang piging. Sa ganitong paraan, hinding hindi papayagan ni Axel na papasukin si Belle at ang bastarda nito sa pamilyang Mondragon. Ang plano ni Ace na ianunsyo sa harap ng publiko si Belle at ang anak nito ay ginawa na, at lahat ng mga pangunahing pamilya at media ay naghihintay na lang sa kumpermasyon. At hindi hahayaan ni Axel na m

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 81: Si Ashley, opisyal na inanusyo na asawa na ni Ace!

    Sa pagsampal ni Axel kay Ace ay hindi agad ito nakakilos.Napatingin siya sa mga papel na nagkalat sa semento.Kahit hindi na niya iyon hawakan ay malinaw sa kanyang mga mata ang nakasulat doon.Paternity test nila ni Vinice at nagresulta na hindi niya ito tunay na anak.Nandilim ang paningin niya. Tumingin kay Belle na nagtatanong ang mga mata.Habang si Belle ay mas nanginig pa sa takot sa nakitang reaksyon ni Ace."Walang kwenta kang babae. At sinasabi ko sayo, hindi ka kailanman mapapabilang sa aming pamilya." Si Axel na sa galit ay sinampal si Belle sa harap ng kanilang bisita.Habang si Ashley ay tahimik lamang, nakaarko ang mga labi na may ngiting tagumpay.Hindi na siya makikialam, sapat na iyon sa ngayon. Ang ipahiya si Ace sa lahat at makita ang pagbagsak ni Belle ng paunti unti."Ace..."Hindi umimik si Ace. Madilim ang ekspresyon ng mukha nito."At ikaw." Galit na binalingan ni Axel si Vinice na naguguluhan sa mga nangyayari.Mahigpit na hinawakan ni Axel ang braso ni Vini

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 80: Isapubliko, hindi anak ni Ace si Vinice!

    Nagsimula na ang piging para sa pagkilala sa mag inang Belle at Vinice.Dumating si Ashley sa patyo ni Lola Astrid. Nagulat si lola Astrid ng makita siya sa pag aakalang hindi siya makakadalo.Maraming mga kilalang tao sa Quirino at halos ng mga kapartner sa negosyo ng Mondragon ang dumalo.Tahimik lamang si Ashley na nanunuod sa pagdating ng mga bisita.Sa loob loob niya ay hindi na makapaghintay ngunit mas pinanatili niya ng sarili na manahimik muna.Mas maraming dadalo. Mas maraming bisita, mas maganda ang kalalabasan ng kanyang plano. Mas marami ang makakaalam na ang isang Ace ay nagpakatanga sa babaeng minahal at inaako ang anak ng iba.Dumating na din sina Belle at Vinice na sinundo ng driver ng Mondragon. Kasabay ng pagdating na din nina Ace at ang ama nito.Nakita niya si Belle na napakaganda ng bihis. Kumikinang ang silver dress nito at nakapink naman ang dress ni Vinice.Umarko ang kilay labi niya habang nakasunod lamang ang tingin niya sa mga ito.Sabay sabay na pumasok sa

  • CHASING HER: The Billionaire's Mistake   CHAPTER 79: Malapit na, ipamukha sa kanya ang kanyang katangahan!

    Ang lumang bahay ng pamilya Mondragon, ang patyo ni Lola AstridAyaw ni Ashley na pumunta sa pamilyang Mondragon, ngunit naisip niya si Lola Astrid na naghihintay sa kanya.Isa si Lola Astrid sa iilang tao sa mundong ito na mabait sa kanya at tunay na nagmamalasakit sa kanya.Hiniling niya sa kanya na pumunta para sa hapunan, ngunit alam niyang ayaw niyang harapin ang ibang mga tao sa pamilyang Mondragon, kumain lamang siya sa looban ni Lola Astrid.Si Ashley ay kausap si Lola Astrid.Habang magkasabay na pumasok sina Ace at ang ama nito na si Axel Mondragon."Ma.""Lola."Nakita ni lola Astrid ang dalawa at mukhang naiinis, "Anong ginagawa mo dito?""Tungkol sa usapin kina Ace at Belle, nais naming hingin ang iyong opinyon.""Mahalaga pa ba ang aking opinyon?" Pabalang na tanong ni Lola Astrid.Hindi nagsalita si Ace sa pag uusap ng kanyang ama at ni lola Astrid.Sa pagpasok kanina ni Ace ay nakita niya na nag uusap sina Ashley at lola Astrid ngunit ng makalapit na sila ay parang hin

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status