"Huh!" muli lang ngumisi si Ace at hindi pinansin ang kanyang pagtutol.At saka nito walang kahirap hirap na inalis ang kamay sa kung saan siya nakahawak. At kahit na anong higpit ang hawak niya doon ay wala parin siyang nagawa sa lakas ng pagtanggal ni Ace doon.Sa harapan niya ay malakas na itinulak ni Ace pasara ang pinto.Sa oras na sumara ang pinto, kadiliman na ang bumungad sa kanya.Nagmadaling tumayo si Ashley at hinawakan ang doorknob na pilit iyong buksan ngunit nakasara na ang pinto mula sa labas.Agad na nilamon ng takot ang buong pagkatao ni Ashley. Na halos mawalan na siya ng dugo sa mukha sa takot na nararamdaman niya.Naging emosyonal si Ashley, itinaas ang kamay at paulit ulit na kinatakot ng malakas ang pinto."Ace, buksan mo ang pinto at palabasin ako. Bakit mo ako ikinulong kung wala kang matibay na ebidensya."Ngunit wala siyang narinig na sagot mula sa labas."Ace, naririnig mo ba ako... palabasin mo ako dito... wala kang karapatang ikulong ako dito.. Pakawalan mo
Pilit paring binubuksan ni Ashley ang pinto.Idiniin niya ang kamay sa panel ng pintoat hinigpitan iyon.CLICK!Tunog ng pagkaputol ng kanyang kuko.Matinding sakit ang kanyang naramdaman sa kanyang mga daliri na kumalat sa kanyang buong katawan.Kagat na lang ulit ni Ashley ang kanyang ibabang labi habang humihikbi. Isinusubukang ituon ang pansin sa sakit ng kanyang mga daliri para lang hindi na matakot.SQUEAK!Narinig niya ang tunog na iyon ng mga daga. Hindi niya alam kung guni-guni na lang niya iyon dahil sa masamang nakaraan o sadyang may mga daga mismo sa basement.Oo, baka guni-guni lang niya. Iyon ang ipinagsiksikan niya sa kanyang isip.Ang mansyon ay malinis at araw araw na nililinisan, maliban na lang na tulad ni Helen na sinadyang lagyan ng daga sa loob.Hanggang sa nakaramdam siya ng pamilyar na pagkaapak sa kanyang paa."Ahhh!"Napasigaw ng malakas si Ashley na halos tumayo lahat ng balahibo niya sa katawan. Pinagpawisan siya ng malamig at mas nagsumiksik sa pinto dahil
Nakasindi ang heater sa loob ng silid ngunit ng hinubaran niya ito ay nanginig parin ito sa lamig.Sa pagtulog nito, awtomatikong napayakap ito kay Belle sa mga bisig. At kahit na alam nitong hindi mabait si Belle ay patuloy lamang ito sa pagsunod sa yapak nito dahil ito parin ang mama niya na namulatan mula ng magkaisip na ito. At kay Belle lang lagi ito sumusunod sa kahit na anong ipag utos.Sa pagkakayakap ni Vinice sa bisig ni Belle ay tinanggal lamang nito ang kamay niyang nakakakpit dito.Binuhat ni Belle si Vinice at naglakad papasok ng banyo, binuksan ang shower sa malamig na temperatura.Wala ding heater sa loob ng banyo at mabilis na bumagsak ang temperatura sa loob.Nakatingin lang si Belle sa malamig na tubig na umaagos sa shower filter. Hinawakan at tinignan kung malamig na malamig na ba iyon.Nakaramdam na din si Vinice ng lamig na nasa bisig ni Belle. At nagising na dahil nanuot na sa buong katawan nito ang lamig."Mama, Yakapin mo si Vinvin, nilalamig ako."Ngunit hind
Sa tanghali,, sa luma at malaking bahay ng Mondragon. Inutusan ni Lola Astrid ang mayordoma. "Old Lance, maghanda ka ng mgaa pagkain na paborito ni Ashley para sa hapunan." "Sige, Old Lady." Agad naman na tugon ng Mayordomo na si Lance at tumalima. Kinuha naman ni Lola Astrid ang kanyang cellphone. Nasa trabaho si Ashley kaya hindi niya ito tinawagan. Nagpadala na lang siya ng voice message: [Hello, Lili. Maghahanda ang lola ngayon ng mga paborito mong pagkain kaya dito ka umuwi pagkatapos mong magtratabo.] Hindi na hinintay ni Lola Astrid na magreply si Ashley sa kanya dahil inisip niya na abala lang ito sa trabaho. Bumalik sa taas para magpahinga habang naghihintay kay Ashley sa pagdating nito. Kinahapunan, pasado alas kwatro na ng hapon ngunit hindi parin siya nakatanggap ng reply mula kay Ashley. Tinawagan na ni Lola Astrid si Ashley dahil alam na niyang patapos na ang trabaho nito. "Sorry, the number you have dialed is turned off. Please try again later." Kunot ang noo
Ang naging ngiti niya ay nagdala naman kay lola Astrid ng pagluha. Pagluha sa kagalakang maayos lang ang kalagayan niya. Habang nakatingin si Lola Astrid kay Ashley ay mas ito pa ang nasasaktan sa kalagayan niya. Paano niyang nasasabi na hindi na masakit? Sampung mag daliri niya ang nagkasugat sugat idagdag pa ang ibang sugat na natamo niya sa katawan. Tama namang dumating si Old Lance na dala na ang pagkaing binili. Kinuha niya ang kutsara na iniaabot nito sa kanya. Halos hindi niya iyon mahawakan ng maayos dahil sa pananakit ng mga daliri niya ngunit tiniis niya iyon at dahan dahang kumain. Matapos niyang kumain ay nakaramdama siya ng ibayong kaginhawaan. Umangat ang mukha ni Ashley at tumingin kay Lola Astrid. Saka niya mahinang sinabi dito. "Lola, pwede mo ba akong gawang ng pabor..." ...... Sa ward ni Vinice... Kinuha ni Ace ang cellphone na hawak ni Old Lance. At narinig niya ang malamig na boses ni lola Astrid sa kabilang linya. "Ace, kung kinikilala mo
"Huwag kang atat.. Malalaman mo din mamaya." sagot ni Ashley sa mahinang tinig. At hindi sinagot ng deretso si Belle ngunit makahulugang sinulyapan niya ito. Ang kanyang blankong tingin ay nagparamdam kay Belle ng kakaibang takot. Kinakabahan si Belle sa kung anong mga plano ni Ashley na gagawin dito. Hindi na mapakali si Belle kaya muli itong nagsalita "Ashley, ang lakas mong gawan ako ng masama.. Alam mong hindi ka palalampaain ni Ace kapag nalaman niya ito." Hindi na maitago sa boses ni Belle ang takot na nabuhay sa kanyang puso. Ngunit pilit parin itong lumalaban at ipakita kay Ashley na hindi ito natatakot sa kanya. At may dalawang boses sa kanyang isipan na nagtatalo. Ang isa ay nagsasabihing hindi siya magagawan ng masama ni Ashley. Naalala pa nito na ginamit ni Belle noon ang pagmamahal ni Ace dito para idiin si Ashley.Kahit na ipinadala ito sa ibang bansa at mabigyan ng pagkakataong makasama ni Ashley si Ace ay si Belle parin ang laman ng puso ni Ace kaya malaki ang tiwal
Sa mga sandaling nagising siya, humingi siya ng tulong kay Lola Astrid, tulungan siya nitong alamin tungkol sa lalaki.Agad naman na nakakalap ng impormasyon si Lola Astrid. Ang numerong ginamit sa pagtawag sa lalaki ay numero niya mismo. Ngunit ninakaw ang cellphone niya sa mga oras na iyon. At mayroon siyang katibayan, sa kung saang lugar at tamang oras kung kailan iyon, na makakapagpatunay na inosente siya.Pinaimbistigahan na din ni Old Shang si Belle ngunit wala itong nakuhang katibayan na konektado nga ang lalaki dito.Ang lalaki ay walang nakatala na may ugnayan ito kay Belle, at nagsasabing hindi nila kilala ang isa't isa at hindi pa sila nagkikita sa personal.Wala ding nakuhang impormasyon si Lola Astrid tungkol doon ngunit hindi parin sila titigil hanggat hindi nila iyon napapatunayan.Para mapatunayan ang lahat sa harap ni Ace ay iyon na nga ang ginawa nila. Ang ipamukha niya kay Ace na wala siya talagang kasalanan. Ngunit wala parin silang balak iyom sabihin kay Ace. Dahi
Dahil sa ayaw magpatalo ni Belle kay Ashley ay pilit niyang itinago ang takot sa kanyang puso at kalmado lang na tumingin dito. "Ashley akala mo ba ay katulad mo ako na natatakot sa ganyang mga bagay?" "Talaga?" mas umarko pa ang labi ni Ashley na mas mapanuya. Saka niya binigyan ng makahulugang tingin ang bodyguard. Kumilos naman ang bodyguard at pumasok sa isang silid. Paglabas nito ay may hila na hawla saka nito inilagay sa bungad ng pinto. Natatakpan ng itim na tela ang hawla kaya hindi nakikita kung ano ang nasa loob. Gayunpaman, ang tunog na naririnig doon. Hiss~ na patuloy lang na nanggagaling sa loob ng hawla kaya may ideya na kung ano nga ang nasa loob. Namutla si Belle sa narinig. Halos takasan na ito ng dugo sa mukha sa takot. Hindi na maitago sa mga mata nito ang takot at kusang umatras palayo doon. "Ashley, huwag mong subukan. Hindi ka titigilan ni Ace kapag ipinagpatuloy mo ito." Pasigaw na sa pagkataranta ni Belle na kahit gustong tumakbo ay hindi niya
Matapos magpaalam ni Ashley ay bumalik siya sa Saguday.Inihatid siya ng driver sa mansyon."Nandito na tayo, fifth young lady." Magalang na sabi sa kanya ng driver."Salamat."Matapos niyang bumaba sa kotse ay hindi agad siya umakyat. Nakasunod lamang ang kanyang mata sa papalayong kotse.Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. Ang bilis ng mga nangyayari sa paligid niya.Tumalikod na siya para umakyat.Sa paghakbang niya ay may mabilis na kotseng tumigil sa tapat niya. Hindi niya iyon pinansin sa pag aakalang isa lamang din resedente ang sakay ng kotseng tumigil.Ngunit nagulat na lamang siya ng may biglang humawak sa kamay niya."Ace." Nanlaki ang mga mata niya at agad na nagpumiglas ng makilala ang humawak sa kanya.Hinatak agad siya ni Ace palapit at walang babalang binuhat siya at isinakay sa kotse.Mabilis ding sumakay si Ace at pinigilan ang kanyang pagbaba.Nang lumapit si Ace sa kanya ay itinaas niya ang kanyang paa saka ito sinipa nang malakas.Nagdilim naman ang mukha ni
Pagkalabas ni Ashley sa ospital ay tamang dumating si Drake.Tumigil ang kotse nito sa harapan niya.Mabilis na umibis ng sasakyan at lumapit sa kanya. Pinagbuksan siya nito ng pinto at umalalay pa sa pagsakay niya."Masama parin ba ang pakiramdam mo? Bakit hindi ka muna manatili sa ospital?" Tanong ni Drake sa kanya na may pag aalalang tinig.Nakatingin ito sa kanya ng makasakay na din ito.Umiling si Ashley. Naiisip parin niya ang nakita kanina sa chart ni Vinice. "Drake, may bahagi ba kayo sa ospital na ito?" Tanong niya kay Drake."Oo, bakit mo natanong? May problema ba?""Gusto ko sanang kumuha ng sample ng dugo ni Vinice. Gusto ko lang makasiguro."Napatitig sa kanya si Drake. Ilang sandali din itong hindi umimik."Sige." Tipid nitong sagot."Salamat.""Kahit ano, basta kaya kong tumulong. Lumapit ka lang sa akin."Sumulyap siya dito. Nagtama ang kanilang mga mata. Sabay na may guhit ng ngiti sa kanilang mga labi."Saan kita ihahatid?"Umiling siya. Wala siyang alam na uuwian n
Sa Tres Reyes...Nanatiling gising buong gabi si Belle dahil sa galit.Sa labas ng kwarto niya ay narinig niya ang mga galaw doon.Gising na si Vinice at tulad ng dati ay hindi siya nito inistorbo dahil alam nito na ayaw na ayaw niya ng iniistorbo siya nito.Tinulungan ng katulong si Vinice sa paghahanda para sa pagpasok sa paaralan.Hindi lalabas ngayon si Belle. Gusto niyang ipaalam sa publiko na si Vinice ay anak ng isang Mondragon.Kaya nakapagpasya siyang bumuo ulit ng isang plano.Ilang sandali pa ay nakaalis na si Vinice hatid ng driver. Tahimik at palihim lang siyang sumunod dito.Sa hindi kalayuan ay nakamasid siya kay Vinice. May kinausap siyang mga bata at binayaran upang awayin at saktan nila si Vinice nang sa ganun ay dadating si Ace at ipagtatanggol si Vinice.Ngumisi si Belle na tila isang demonyo. Na sa ilalim ng itim na salaming suot ay sa mata nito ang nanlilisik nitong tingin.Ilang sandali pa ay umalis na ang driver na naghatid kay Vinice. Doon na lumapit ang tatlo
Matapos pahiran ang buong katawan ni Ashley ng gamot, nagpakuha si Ace ng kanyang maisusuot. Wala siyang balak umalis. Hindi niya iiwan ngayon si Ashley. Nang dumating ang damit niya ay nagpasya na siyang maligo sa banyo ng ward at doon na naglinis ng katawan. "Maari ka ng magpahinga." Utos niya kay Carlo nang lumabas siya matapos maligo. "Sige, Mr. Mondragon. Tawagan lamang ninyo ako kapag may kailangan kayo." Tumango na lang si Ace. Maayos na nagpaalam si Carlo. Pumasok pabalik sa loob. Ikinandado ang pinto. Muli siyang napatitig kay Ashley na mahimbing nang natutulog. Magaan na din ang bawat paghinga nito hindi tulad kanina. Nagpasya siyang mahiga sa tabi nito kahit na may isa pa namang kama sa loob. Bago nahiga ay inayos na muna niya ang ilaw para maging malamlam lang ang liwanag sa loob ng ward. Maingat ang bawat kilos niya na tumabi dito. Marahan niyang hinawakan ang ulo nito at pinaunan sa kanyang braso. Bahagya namang gumalaw si Ashley na naramdamang m
Hindi na nag isip pa si Ashley.Tumayo siya at humakbang palabas."At saan mo balak pumunta?" Tanong ni Ace.Pinigilan si Ashley sa mga kamay.Ngunit naging lakas kay Ashley ang pagnanais na kunin ang kwintas kaya naitulak niya si Ace ng malakas sa bintana.Nagulat ito.Mabilis ang kanyang naging hakbang bago pa man makahuma si Ace.Sumakay siya ng elevator.Walang ibang laman ang kanyang isip maliban sa makuha ang kwintas na itinapon no Ace sa bintana.Kahit na nanghihina ang kanyang katawan ay hindi niya iyon alintana.Humabol naman si Ace ngunit mabilis na nakasakay si Ashley sa elevator. Hindi na nito naabutan si Ashley.Nag aalala ito. Iniisip parin ni Ace kung bakit ganun kahalaga kay Ashley ang kwintas na iyon at nagkaroon ng lakas para puntahan iyon.Nag aatubili na hindi mahintay ni Ace na bumukas ang elevator. Kaya tinungo niya ang fire exit at doon na siya bumababa.Malalaki ang bawat hakbang niya pababa. Ngunit kahit na anong bilis ang ginawa niya ay mas mabilis ang elevat
Hindi pinansin ni Ace ang galit na tingin ni Ashley sa kanya, mas humigpit pa ang pagkakayapos ng braso niya sa baywang nito at hindi binitawan. Seryuso ang mukha na bumaling kay Drake. Tinignan ito ng may kahulugan habang yumuko siya at inilapit ang labi sa tainga ni Ashley. "Paalis mo siya, kung gusto mong makuha ang kwentas." Bulong niya kay Ashley habang ang mga mata ay nakatuon parin kay Drake. Nakaarko ang mga labi ni Ace. "Napakasama mo." Ganting bulong ni Ashley sa pagitan ng mga ngipin. Nanginginig si Ashley sa pinipigilang galit. Malinaw sa mga sinabi ni Ace kung ano ang ibig nitong sabihin sa mga salita nito. Na kung hindi niya papaalisin si Drake ay hindi niya makukuha ang kwentas niya. Napalunok siya, lumingon kay Drake. Napatingin naman sa kanya si Drake na tila hinihintay lang ang sasabihin niya. "M-maayos na ako, Drake. P-pwede mo na akong iwan." Sabi niya kay Drake. Kunot ang noo ni Drake sa narinig mula sa kanya ngunit hindi na nagtanong pa kung bakit kahit
"Ahhhhh." Malakas na sigaw ng lalaki ng muli niyang ipalo ang hawak na bakal sa isa pa nitong kamay. Idiniin ang dulo sa bakal na hawak sa mga likod ng palad nito na nasa semento. "Hindi ko naman siya ginahasa. Sinampal ko lamang siya. Sinipa. At pinagsusintok." Muli ay sabi ng lalaki na mas ikinadilim pa ng mukha ni Ace. Nang makita iyon ng lalaki ay mas nanginig ito sa takot. Itinikom niya ang bibig dahil nang mapagtantong hindi dapat niya sinabi ang ginawa kay Ashley. "Sinabi mo na napakahalaga sa kanya ang kwentas na ito?" Tanong niya. Yumuko at pinulot ang kwentas. "Oo. Oo. Kahit na anong pilit kong agawin iyan ay ayaw niyang pakawalan. Ibubuwis niya ang buhay niya para sa kwentas na iyan." Sagot ng lalaki sa nanginginig paring boses. Hindi na sinabi ng lalaki ang mga sinabi ni Ashley tungkol sa kwentas na iyon dahil hindi naman ito naniniwala. Sino ang maniniwala na ang kwentas na iyon ay naglalaman ng mga abo bg anak nito? Hindi pa ito nakakarinig ng ganung kabaliwan na
Sa Tres Reyes, hindi mapakali si Ace habang nasa kwarto ni Belle.Kunot ang noo niyang nakatingin kay Belle na nakapikit ngunit halata niyang hindi parin ito nakakatulog.Nagpakawala siya ng malalim na paghinga saka binawi ang kamay na hawak nito."Ace." At tulad ng inaasahan niya ay nagmulat ito ng mga mata."Matulog ka na." Utos niya dito saka iniwas ang kamay niyang muli nitong hahawakan.Hindi mapakali ang mata nito sa malamig na pikikitungo niya dito ngunit hindi na iyon ang iniisip niya sa ngayon.Nang umalis siya kanina sa lugar kung saan niya iniwan si Ashley ay agad niyang tinawagan si Carlo na puntahan si Ashley.Kaya hindi na niya nakita kanina sa club si Carlo dahil alam niyang pinuntahan na nito si Ashley.At dapat may natanggap na siyang tawag mula kay Carlo pero hanggang ngayon ay wala parin.Kinapa niya ang cellphone sa bulsa. Doon niya napagtanto na wala sa kanya ang cellphone at naalala na nasa coat niya na naiwan sa kotse.Tumayo siya."Ace, huwag mo akong iiwan."S
Lumipad sa himpapawid ang helicopter sakay si Drake ilang minuto lang mula ng tumawag siya para papuntahin iyon sa kanya. Sinimulan nilang galugarin ang lugar mula sa taas. Hawak ni Drake ang isang teleskopyo at masusing tumingin ang kalupaan para mahanap si Ashley. Ilang minuto lang namataan niya si Ashley na nakahandusay na sa lupa at walang kagalaw galaw. Sa liwanag ng helicopter na nakatutok kay Ashley ay nakita niya agad ang kalunoslunos nitong kalagayan. Nanginig ang buong katawan niya sa nakita. May pagmamadali na agad niyang inutusan ang piloto na bumama ilang metro ang layo kung saan nakahandusay si Ashley. Sa dalawang metrong taas ng helicopter ay walang pag aalinlangan na tumalon si Drake pababa saka senenyasang umalis na iyon. Ang pamamadali niyang mga hakbang palapit kay Ashley ay tinawagan na din niya ang kanyang driver na puntahan sila. Nilapitan niya ito. Lumuhod sa isang tuhod. Nanginginig ang mga kamay niyang umangat para kalungin ang katawan ni Ashley n