"Huwag kang atat.. Malalaman mo din mamaya." sagot ni Ashley sa mahinang tinig. At hindi sinagot ng deretso si Belle ngunit makahulugang sinulyapan niya ito. Ang kanyang blankong tingin ay nagparamdam kay Belle ng kakaibang takot. Kinakabahan si Belle sa kung anong mga plano ni Ashley na gagawin dito. Hindi na mapakali si Belle kaya muli itong nagsalita "Ashley, ang lakas mong gawan ako ng masama.. Alam mong hindi ka palalampaain ni Ace kapag nalaman niya ito." Hindi na maitago sa boses ni Belle ang takot na nabuhay sa kanyang puso. Ngunit pilit parin itong lumalaban at ipakita kay Ashley na hindi ito natatakot sa kanya. At may dalawang boses sa kanyang isipan na nagtatalo. Ang isa ay nagsasabihing hindi siya magagawan ng masama ni Ashley. Naalala pa nito na ginamit ni Belle noon ang pagmamahal ni Ace dito para idiin si Ashley.Kahit na ipinadala ito sa ibang bansa at mabigyan ng pagkakataong makasama ni Ashley si Ace ay si Belle parin ang laman ng puso ni Ace kaya malaki ang tiwal
Sa mga sandaling nagising siya, humingi siya ng tulong kay Lola Astrid, tulungan siya nitong alamin tungkol sa lalaki.Agad naman na nakakalap ng impormasyon si Lola Astrid. Ang numerong ginamit sa pagtawag sa lalaki ay numero niya mismo. Ngunit ninakaw ang cellphone niya sa mga oras na iyon. At mayroon siyang katibayan, sa kung saang lugar at tamang oras kung kailan iyon, na makakapagpatunay na inosente siya.Pinaimbistigahan na din ni Old Shang si Belle ngunit wala itong nakuhang katibayan na konektado nga ang lalaki dito.Ang lalaki ay walang nakatala na may ugnayan ito kay Belle, at nagsasabing hindi nila kilala ang isa't isa at hindi pa sila nagkikita sa personal.Wala ding nakuhang impormasyon si Lola Astrid tungkol doon ngunit hindi parin sila titigil hanggat hindi nila iyon napapatunayan.Para mapatunayan ang lahat sa harap ni Ace ay iyon na nga ang ginawa nila. Ang ipamukha niya kay Ace na wala siya talagang kasalanan. Ngunit wala parin silang balak iyom sabihin kay Ace. Dahi
Dahil sa ayaw magpatalo ni Belle kay Ashley ay pilit niyang itinago ang takot sa kanyang puso at kalmado lang na tumingin dito. "Ashley akala mo ba ay katulad mo ako na natatakot sa ganyang mga bagay?" "Talaga?" mas umarko pa ang labi ni Ashley na mas mapanuya. Saka niya binigyan ng makahulugang tingin ang bodyguard. Kumilos naman ang bodyguard at pumasok sa isang silid. Paglabas nito ay may hila na hawla saka nito inilagay sa bungad ng pinto. Natatakpan ng itim na tela ang hawla kaya hindi nakikita kung ano ang nasa loob. Gayunpaman, ang tunog na naririnig doon. Hiss~ na patuloy lang na nanggagaling sa loob ng hawla kaya may ideya na kung ano nga ang nasa loob. Namutla si Belle sa narinig. Halos takasan na ito ng dugo sa mukha sa takot. Hindi na maitago sa mga mata nito ang takot at kusang umatras palayo doon. "Ashley, huwag mong subukan. Hindi ka titigilan ni Ace kapag ipinagpatuloy mo ito." Pasigaw na sa pagkataranta ni Belle na kahit gustong tumakbo ay hindi niya
Halatang nagmamadali si Lola Astrid na dumating. Sinabi ni Asley kay lola Astrid na tawagan si Ace para iwan nito si Belle, para makuha naman niya si Belle palayo. Gusto ni Lola Astrid na tulungan si Ashley na maghiganti, ngunit mas ginusto naman ni Ashley na gawin iyon sa sarili niya, hindi na siya makapaghintay. Noon, mahal na mahal ni Ashley si Ace at lagi lang siyang nakabuntot dito. Ngunit iba na ngayon. At maghihiganti siya sa paraang gusto niya. Matagumpay na nakuha ni Ashley si Belle at dinala nga niya si villa ito. Inaasahan na ni Ashley na sa huli ay darating si Ace para kunin si Belle at iligtas sa pagpapahirap niya. Napaghandaan na niya iyon. At si Lola Astrid ay sinabihan si Old Lance na hayaan nang umalis si Ace. At dumating nga si Ace kung saan niya pinapahirapan si Belle. Agad na lumapit si Lola Astird sa kanya para protektahan siya mula kay Ace. "Lola." Natigilan si Ace sa paglapit sana kay Ashley at napatingin kay lola Astrid. Ang galit ni Ace a
Nakasunod lang ang tingin ni Ace sa papalayong imahe ni lola Astrid at Ashley. Palabas sa madilim na bahaging iyon sa harap ng basement. Hanggang sa masilayan niya ng maayos ang ayos ni Ashley na ngayon ay nakikita niya ng malinaw dahil sa liwanag na nanggagaling sa sala. Napansin ni Ace na ang mukha ni Ashley ay namumutla at halos walang dugo. At napansin din ni Ace ang ilang galus sa pisngi nito at malilit na sugat sa labi nito at napansin niya na hindi maganda ang kalusugan nito. Ang malamig at blankong ekspresyon niya ay biglang nagbago. At ilang hakbang lang ang layo nito sa kanya. Humakbang siya at nilapitan si Ashley, hinawakan sa kamay at pinigilan. "Anong nangyari sayo at saan mo nakuha ang mga sugat na iyan?" tanong niya sa malalim na boses. Sa paghawak niya dito ay nasagi niya ang mga daliri ni Ashley na may mga sugat din. Dahil sa sumidhi ang sakit ay napapiksi si Ashley. "Hiss~." saka napasinghap. May tinakasan pa ng dugo sa mukha. Binitawan ni Ace ang palad nito
Sa luma at malaking mansyon ng Mondragon. Nang makauwi sina lola Astrid sa mansyon ay agad na dinala si Ace sa ancestral hall para bigyan ng kaparusahan sa ginawang pagpaparusa nito kay Ashley."Ikaw ang gumawa para sa akin." sabi ni lola Astrid kay Ashley ngunit kay Ace pa rin ito nakatingin.Alam na ni Ace kung ano ang ibig sabihin ni lola Astrid at hindi na tumutol pa.Nang masulyapan ni Ace si Ashley na namumutla ang mukha, ang pagkakakuyom ng palad nito ay nawala.Inalis ni Ace ang jacket saka iyon ibinigay sa katulong na nakatayo lamang sa gilid.Tanging ang puting t-shirt na lang ang suot niya, nakikita ang malapad nitong balikat at magandang pangangatawan, nakatayo lang ito.Naglakad naman si lola Astrid sa kabinet kung nasaan ang mga props, kinuha ni lola Astrid ang latigo at ipinahawak iyon kay Ashley."Lili, huwag maging malambot ang iyong puso, latigohin mo siya ng malakas. Nababagay lamang sa kanya ang bugbugin."Nagpipigil lamang ng galit si lola Astrid. Dahil sa tuwing
Tuwid na nakaluhod lang si Ace habang patuloy si Ashley sa paglatigo sa kanya. Sa unang hampas ni Ashley sa kanya ng latigo ay sadyang malakas iyon ngunit hindi siya nagpatinag at tuwid parin siya sa pagkakaluhod. Sa gilid ng kanyang mata ay nakasulyap siya kay Ashley, ang lalamin ng mga mata nito na wala ng halos kulay dugo ang mukha nito. Namumutla at halata ang panghihina. Namumula ang mga mata nito at nakikita niya doon ang matinding pagkapoot. Sa likod ng mga mata niya ay nandoon ang pagbabago ng kanyang emosyon na walang kahit na sinong makakakita. Hindi niya ito pinigilan. Hinayaan lang niya si Ashley sa paghampas sa kanya ng latigo. Ramdam niya sa bawat hampas nito na may dalang pagkapoot sa tuwing dadapo iyon sa likod niya. Hindi niya maintindihan, ngunit bakit punong puno ng pagkapoot si Ashley. Ngunit hindi siya nagsalita, hinayaan na lang niya ito na ilabas ang galit nito sa kanya. Habang si Lolq Astris ay nakaupo lang sa gilid, pinapanuod si Ashley kung paano l
Gayunpaman, nagsalita parin siya para ipagtanggol si Belle."Lola, walang kinalaman dito si Belle.""Ikaw!"Muling sumiklab ang galit ni Lola Astrid kay Ace na halos hindi na makahinga sa galit sa kanya."Samahan mo na si Lola pabalik sa silid niya." pagbaling ni Ace sa isang katulong. "Hindi mo naman siguro gugustuhin na magising si Ashley at muling mag alala ito sa inyo." paalala pa niya para lang tumigil sa panenermon sa kanya si Lola Astrid.Sa sinabi niya ay natigilan naman si Lola Astrid."Hmmp!" Umirap pa si Lola Astrid na tumingin kay Ace bago tumaliko at lumabas ng kanyang silid......Inalis na ni Ace ang puting damit nang makalabas na si Lola Astrid.Nakikita sa likod niya ang mga latay ng mga latigo, ang mga latay sa likod niya ngayon ay mas malala kaysa sa natamo niya noong nakaraang araw kay Lola Astrid.Ang mga latay na natamo niya sa nakaraang araw ay hindi pa gumagaling at ngayon ay nadagdagan na naman sa halos higit isang dosenang marka ng latay.Hindi maitatago doon
Matapos magpaalam ni Ashley ay bumalik siya sa Saguday.Inihatid siya ng driver sa mansyon."Nandito na tayo, fifth young lady." Magalang na sabi sa kanya ng driver."Salamat."Matapos niyang bumaba sa kotse ay hindi agad siya umakyat. Nakasunod lamang ang kanyang mata sa papalayong kotse.Nagpakawala siya ng malalim na paghinga. Ang bilis ng mga nangyayari sa paligid niya.Tumalikod na siya para umakyat.Sa paghakbang niya ay may mabilis na kotseng tumigil sa tapat niya. Hindi niya iyon pinansin sa pag aakalang isa lamang din resedente ang sakay ng kotseng tumigil.Ngunit nagulat na lamang siya ng may biglang humawak sa kamay niya."Ace." Nanlaki ang mga mata niya at agad na nagpumiglas ng makilala ang humawak sa kanya.Hinatak agad siya ni Ace palapit at walang babalang binuhat siya at isinakay sa kotse.Mabilis ding sumakay si Ace at pinigilan ang kanyang pagbaba.Nang lumapit si Ace sa kanya ay itinaas niya ang kanyang paa saka ito sinipa nang malakas.Nagdilim naman ang mukha ni
Pagkalabas ni Ashley sa ospital ay tamang dumating si Drake.Tumigil ang kotse nito sa harapan niya.Mabilis na umibis ng sasakyan at lumapit sa kanya. Pinagbuksan siya nito ng pinto at umalalay pa sa pagsakay niya."Masama parin ba ang pakiramdam mo? Bakit hindi ka muna manatili sa ospital?" Tanong ni Drake sa kanya na may pag aalalang tinig.Nakatingin ito sa kanya ng makasakay na din ito.Umiling si Ashley. Naiisip parin niya ang nakita kanina sa chart ni Vinice. "Drake, may bahagi ba kayo sa ospital na ito?" Tanong niya kay Drake."Oo, bakit mo natanong? May problema ba?""Gusto ko sanang kumuha ng sample ng dugo ni Vinice. Gusto ko lang makasiguro."Napatitig sa kanya si Drake. Ilang sandali din itong hindi umimik."Sige." Tipid nitong sagot."Salamat.""Kahit ano, basta kaya kong tumulong. Lumapit ka lang sa akin."Sumulyap siya dito. Nagtama ang kanilang mga mata. Sabay na may guhit ng ngiti sa kanilang mga labi."Saan kita ihahatid?"Umiling siya. Wala siyang alam na uuwian n
Sa Tres Reyes...Nanatiling gising buong gabi si Belle dahil sa galit.Sa labas ng kwarto niya ay narinig niya ang mga galaw doon.Gising na si Vinice at tulad ng dati ay hindi siya nito inistorbo dahil alam nito na ayaw na ayaw niya ng iniistorbo siya nito.Tinulungan ng katulong si Vinice sa paghahanda para sa pagpasok sa paaralan.Hindi lalabas ngayon si Belle. Gusto niyang ipaalam sa publiko na si Vinice ay anak ng isang Mondragon.Kaya nakapagpasya siyang bumuo ulit ng isang plano.Ilang sandali pa ay nakaalis na si Vinice hatid ng driver. Tahimik at palihim lang siyang sumunod dito.Sa hindi kalayuan ay nakamasid siya kay Vinice. May kinausap siyang mga bata at binayaran upang awayin at saktan nila si Vinice nang sa ganun ay dadating si Ace at ipagtatanggol si Vinice.Ngumisi si Belle na tila isang demonyo. Na sa ilalim ng itim na salaming suot ay sa mata nito ang nanlilisik nitong tingin.Ilang sandali pa ay umalis na ang driver na naghatid kay Vinice. Doon na lumapit ang tatlo
Matapos pahiran ang buong katawan ni Ashley ng gamot, nagpakuha si Ace ng kanyang maisusuot. Wala siyang balak umalis. Hindi niya iiwan ngayon si Ashley. Nang dumating ang damit niya ay nagpasya na siyang maligo sa banyo ng ward at doon na naglinis ng katawan. "Maari ka ng magpahinga." Utos niya kay Carlo nang lumabas siya matapos maligo. "Sige, Mr. Mondragon. Tawagan lamang ninyo ako kapag may kailangan kayo." Tumango na lang si Ace. Maayos na nagpaalam si Carlo. Pumasok pabalik sa loob. Ikinandado ang pinto. Muli siyang napatitig kay Ashley na mahimbing nang natutulog. Magaan na din ang bawat paghinga nito hindi tulad kanina. Nagpasya siyang mahiga sa tabi nito kahit na may isa pa namang kama sa loob. Bago nahiga ay inayos na muna niya ang ilaw para maging malamlam lang ang liwanag sa loob ng ward. Maingat ang bawat kilos niya na tumabi dito. Marahan niyang hinawakan ang ulo nito at pinaunan sa kanyang braso. Bahagya namang gumalaw si Ashley na naramdamang m
Hindi na nag isip pa si Ashley.Tumayo siya at humakbang palabas."At saan mo balak pumunta?" Tanong ni Ace.Pinigilan si Ashley sa mga kamay.Ngunit naging lakas kay Ashley ang pagnanais na kunin ang kwintas kaya naitulak niya si Ace ng malakas sa bintana.Nagulat ito.Mabilis ang kanyang naging hakbang bago pa man makahuma si Ace.Sumakay siya ng elevator.Walang ibang laman ang kanyang isip maliban sa makuha ang kwintas na itinapon no Ace sa bintana.Kahit na nanghihina ang kanyang katawan ay hindi niya iyon alintana.Humabol naman si Ace ngunit mabilis na nakasakay si Ashley sa elevator. Hindi na nito naabutan si Ashley.Nag aalala ito. Iniisip parin ni Ace kung bakit ganun kahalaga kay Ashley ang kwintas na iyon at nagkaroon ng lakas para puntahan iyon.Nag aatubili na hindi mahintay ni Ace na bumukas ang elevator. Kaya tinungo niya ang fire exit at doon na siya bumababa.Malalaki ang bawat hakbang niya pababa. Ngunit kahit na anong bilis ang ginawa niya ay mas mabilis ang elevat
Hindi pinansin ni Ace ang galit na tingin ni Ashley sa kanya, mas humigpit pa ang pagkakayapos ng braso niya sa baywang nito at hindi binitawan. Seryuso ang mukha na bumaling kay Drake. Tinignan ito ng may kahulugan habang yumuko siya at inilapit ang labi sa tainga ni Ashley. "Paalis mo siya, kung gusto mong makuha ang kwentas." Bulong niya kay Ashley habang ang mga mata ay nakatuon parin kay Drake. Nakaarko ang mga labi ni Ace. "Napakasama mo." Ganting bulong ni Ashley sa pagitan ng mga ngipin. Nanginginig si Ashley sa pinipigilang galit. Malinaw sa mga sinabi ni Ace kung ano ang ibig nitong sabihin sa mga salita nito. Na kung hindi niya papaalisin si Drake ay hindi niya makukuha ang kwentas niya. Napalunok siya, lumingon kay Drake. Napatingin naman sa kanya si Drake na tila hinihintay lang ang sasabihin niya. "M-maayos na ako, Drake. P-pwede mo na akong iwan." Sabi niya kay Drake. Kunot ang noo ni Drake sa narinig mula sa kanya ngunit hindi na nagtanong pa kung bakit kahit
"Ahhhhh." Malakas na sigaw ng lalaki ng muli niyang ipalo ang hawak na bakal sa isa pa nitong kamay. Idiniin ang dulo sa bakal na hawak sa mga likod ng palad nito na nasa semento. "Hindi ko naman siya ginahasa. Sinampal ko lamang siya. Sinipa. At pinagsusintok." Muli ay sabi ng lalaki na mas ikinadilim pa ng mukha ni Ace. Nang makita iyon ng lalaki ay mas nanginig ito sa takot. Itinikom niya ang bibig dahil nang mapagtantong hindi dapat niya sinabi ang ginawa kay Ashley. "Sinabi mo na napakahalaga sa kanya ang kwentas na ito?" Tanong niya. Yumuko at pinulot ang kwentas. "Oo. Oo. Kahit na anong pilit kong agawin iyan ay ayaw niyang pakawalan. Ibubuwis niya ang buhay niya para sa kwentas na iyan." Sagot ng lalaki sa nanginginig paring boses. Hindi na sinabi ng lalaki ang mga sinabi ni Ashley tungkol sa kwentas na iyon dahil hindi naman ito naniniwala. Sino ang maniniwala na ang kwentas na iyon ay naglalaman ng mga abo bg anak nito? Hindi pa ito nakakarinig ng ganung kabaliwan na
Sa Tres Reyes, hindi mapakali si Ace habang nasa kwarto ni Belle.Kunot ang noo niyang nakatingin kay Belle na nakapikit ngunit halata niyang hindi parin ito nakakatulog.Nagpakawala siya ng malalim na paghinga saka binawi ang kamay na hawak nito."Ace." At tulad ng inaasahan niya ay nagmulat ito ng mga mata."Matulog ka na." Utos niya dito saka iniwas ang kamay niyang muli nitong hahawakan.Hindi mapakali ang mata nito sa malamig na pikikitungo niya dito ngunit hindi na iyon ang iniisip niya sa ngayon.Nang umalis siya kanina sa lugar kung saan niya iniwan si Ashley ay agad niyang tinawagan si Carlo na puntahan si Ashley.Kaya hindi na niya nakita kanina sa club si Carlo dahil alam niyang pinuntahan na nito si Ashley.At dapat may natanggap na siyang tawag mula kay Carlo pero hanggang ngayon ay wala parin.Kinapa niya ang cellphone sa bulsa. Doon niya napagtanto na wala sa kanya ang cellphone at naalala na nasa coat niya na naiwan sa kotse.Tumayo siya."Ace, huwag mo akong iiwan."S
Lumipad sa himpapawid ang helicopter sakay si Drake ilang minuto lang mula ng tumawag siya para papuntahin iyon sa kanya. Sinimulan nilang galugarin ang lugar mula sa taas. Hawak ni Drake ang isang teleskopyo at masusing tumingin ang kalupaan para mahanap si Ashley. Ilang minuto lang namataan niya si Ashley na nakahandusay na sa lupa at walang kagalaw galaw. Sa liwanag ng helicopter na nakatutok kay Ashley ay nakita niya agad ang kalunoslunos nitong kalagayan. Nanginig ang buong katawan niya sa nakita. May pagmamadali na agad niyang inutusan ang piloto na bumama ilang metro ang layo kung saan nakahandusay si Ashley. Sa dalawang metrong taas ng helicopter ay walang pag aalinlangan na tumalon si Drake pababa saka senenyasang umalis na iyon. Ang pamamadali niyang mga hakbang palapit kay Ashley ay tinawagan na din niya ang kanyang driver na puntahan sila. Nilapitan niya ito. Lumuhod sa isang tuhod. Nanginginig ang mga kamay niyang umangat para kalungin ang katawan ni Ashley n