Lahat ng Kabanata ng CHASING HER: The Billionaire's Mistake: Kabanata 41 - Kabanata 50

107 Kabanata

CHAPTER 41: Pagbubunyag sa totoong ugali ni Belle sa harapan ni Ace!

Matapos niya iyong sabihin ay ibinaba na niya ang hawak na magazine. Hindi na pinansin si Belle at lumabas ng conference room.Sa loob na naiwan si Belle at hindi maitago ang galit."Ashley, hindi mo maaagaw sa akin si Ace." Sabi nito na kinakalma ang sarili bago nagpasyang lumabas na din.Pinilit na naman ang naging ngiti na napaskil sa labi nito kapag nakikita siya ng iba at bumalik na siya sa sariling upuan.Napasulyap si Belle kay Ashley na ngayon ay nakatayo sa harap ng printer at nagxerox ng kopya ng ilang mga dokumento."Mayroon ba kayong oras ngayong gabi?""Belle, ilelebre mo ba kami ng hapunan?" tanong ng isa.Ngumiti si Belle. "Tumawag kasi si Ace sa akin at sinabi niya ipagdiwang ang pagpasok ko dito sa SJC. Kaya gusto kong imbitahan sana kayo kung may oras kayo.""Oo naman, libre kami." mabilis na naging tugon ng halos lahat ng kasama nilang empleyado."Hindi na kami makapaghintay na makatikim ng mga mahahaling pagkain. Sa mamahaling restaurant tayo kakain diba?" pagbibir
last updateHuling Na-update : 2025-03-09
Magbasa pa

CHAPTER 42: Ang galit ni Ace!

Lumapit si Belle sa kanya at humawak sa kanyang braso.Galit siya sa narinig ngunit hindi naman niya inalis ang pagkakahawak nito sa kanya.Napansin din ni Ace si Ashley na nakatingin sa kanila at may ngisi sa mga labi.Na ngayon ay nais ni Ashley na ihalintulad sa kung ano ang papairalin ni Ace ngayon sa mga narinig. O papalampasin lamang ni Ace si Belle dahil sa pagmamahal nito dito.Hindi siya umimik. Naghintay lamang siya makita kung paano iwaksi ni Ace ang kamay ni Belle pero ilang minuto na ang lumipas pero nanatiling nakahawak parin si Belle kay Ace.Nakaramdam siya ng pagkahaba. Mawawalan ba ng saysay ang plinano niyang ipakita kay Ace ang tunay na ugali at mukha ni Belle?Paano naman siya? Nasaan ang hustisya?Isang salita lang ba ni Belle ay mapapatawag na ni Ace ito?Habang siya? Kahit na anong paliwanag ang gawin niya ay wala man ang ni isang pinaniwalaan si Ace.Na kung nagkamali siya ay agad siya nitong pinapagalitan.Naikuyom ni Ashley ang mga palad. Punong puno ng pagk
last updateHuling Na-update : 2025-03-09
Magbasa pa

CHAPTER 43: Suhol!

Nahihilo at pasuray-suray na ang lakad niya. Hindi niya napansin ang taong nasa harapan niya kaya bumangga siya mismo sa malapad nitong dibdib."Hiss~"Napasinghap si Ashley saka sinapo ang tungki ng kanyang ilong dahil sumidhi doon ang sakit sa pagkakabangga niya sa matigas na dibdib.Habang hawak niya ang ilong ay napatingala siya, kunot ang noo at balak niya itong sitahin at sabihin kung bakit bigla na lang itong humarang sa daraanan niya.Ngunit, ang pamilyar na kislap ng mga mata ang sumalubong sa kanya na ngayon ay nakatitig sa kanya.At nakilala niya ito. Si Ace.Sadyang nabigla si Ashley ng makita si Ace dahil ang akala niya ay nakaalis na ito at inihatid si Belle.Kaya bakit ngayon nasa harapan niya si Ace?Naipilig niya ang kanyang ulo. Ayaw na niyang pagtuunan iyon ng pansin. Wala siyang pakialam kay Ace dahil ayaw na niyang ipagpilitan dito kung ano ba ang tunay na ugali ni Belle. wala naman itong pakialam kung masama ang babaeng mahal nito kay bakit pa siya makikialam.An
last updateHuling Na-update : 2025-03-10
Magbasa pa

CHAPTER 44: Ang banal na alaala para kay Sisi!

Mas humigpit ang hawak ni Ace sa baywang ni Ashley at hindi hinayaang makawala."Gusto mo bang magkasakit at magleave sa ikalawang araw ng iyong trabaho?"Natahimik si Ashley sa sinabi ni Ace.Maayos na hinawakan niya si Ashley. Inilagay ang mga kamay nito sa leeg niya saka binuhat.Walang ibang tao kung saang bahagi sila ng garden ng restaurant ngunit sa bungad ay labas masok ang mga dumadating at umaalis.Ayaw ni Ashley na may makakita sa kanila kaya hinila niya ang jacket ni Ace na naipasuot sa kanya saka tinakpan ang mukha.Napatingin lang si Ace sa ginawa niya ngunit hindi na ito nagsalita at nagpatuloy sa paghakbang paalis......Ang manager sa restaurant ay naihanda na ang sasakyan.Nakayakap at maayos na isinakay ni Ace si Ashley sa sasakyan.Pagkasakay na pagkasakay ni Ashley sa sasakyan ay agad siyang lumayo kay Ace ng sumakay na din ito.Sumandal sa may bintana at sa labas ibinaling ang mga mata."Sa saguday, salamat." Pagbaling niya sa driver at hindi pinansin si Ace na na
last updateHuling Na-update : 2025-03-10
Magbasa pa

CHAPTER 45: Pabalikin mo si Sisi!

Hindi namapigilan ni Ashley ang hindi maupo sa harapan ng desk ni Sisi at maingat iyong binuksan.Sa loob ay nakita niya na isa iyong larawan. Larawang iginuhit ni Sisi. Si Sisi, siya at si Ace ang nakaguhit sa larawan na magkasamang naglalaro sa playground.Nakaramdam ng paninikip ng dibdib si Ashley sa nakita. Mga pangarap ni Sisi na sa larawan na lang natupad dahil kahit kailan ay hindi nasubukan ni Ace na ipasyal si Sisi sa paluraan.Sa larawan, nakikita niya kung gaano iyon kadetalyado. Nakahawak si Ace sa duyan kung saan nakasakay si Sisi habang siya ay nasa tabi at pinapanuod niya ang mag ama. Parang sinasaksak ang kanyang puso sa kung paano kadetalyado ang iginuhit ni Sisi sa larawan.Iyon ang pinangarap ni Sisi na ang akala ay matutupad iyon ni Ace sa araw ng kaarawan nito. Habang mas iaabangan ni Sisi iyon, ay siya namang pabigat ng pabigat ang nararamdaman niya at patuloy na naipagdadasal habang papalapit ang kaarawan nito na sana, matupad ni Ace ang huling kahilingan na iyo
last updateHuling Na-update : 2025-03-10
Magbasa pa

CHAPTER 46: Belle, ikaw at ang anak mo ay dapat lang na mamatay!

Gustong magpumiglas ni Ashley, ngunit ang malaking kamay ni Ace ay nakayakap lang sa kanya na parang isang bakal.Sapilitan siyang ipinapasok ni Ace sa loob ng bahay na halos matisod na siya papasok.Nakabukas ang tarangkahan. Hinihila siya ni Ace papasok doon.Iginala niya ang paningin, at tumingin sa bawat sulok. At kahit saan siya tumingin ay nakikita niya ang mga alaala ng kabataan ni Ace. Kumpara sa Mansyon kung saan siya nakatira ay ito ang itinuturing na bahay ni Ace. Sa mansyon kung saan siya nito noon itinira na saka lang uuwi doon kapag gustong puunan ang pangangailangan.Nariinig nila na umiiyak si Belle mula sa loob."Nakikiusap ako, pakawalan mo ang anak ko, huwag mo siyang sasaktan, nakikiusap ako."Narinig iyon ni Ashley kaya napatingin siya kung saan iyon nanggagaling at nakita niya si Belle na nasa sala.Nakaluhod si Belle na nakatalikod sa may pinto.Suot parin nito ang dress na suot kanina at ang buhok nito ay magulong magulo na. Na parang bang sinabunutan ito.Sa h
last updateHuling Na-update : 2025-03-11
Magbasa pa

CHAPTER 47: May sakit talaga si Sisi!

Niyuko ni Ace si Vinice at masuyo niya itong tinignan, at walang kapagurang pinapatahan ito.Nakatingin lang naman si Ashley kay Ace na punong puno nang pagkabalisa habang patuloy lang sa pagpapatahan kay Vinice.Naisip niya sa mga panahong unang beses na nahospital si Sisi. Ang ibang mga bata ay kasama ang kanilang ama. Ang ibang bata ay masuyong inaalo ng kanikang mga ama ngunit si Sisi, hindi.Sa mga sandaling iyon noon na lumabas si Ashley para kumuha ng mainit na tubig para kay Sisi, ay palihim na tinawagan ni Sisi ang ama nito."Papa, pwede mo ba akong samahan? May sakit si Sisi, papa at takot ako sa injection kaya..."Sa oras na iyon, ang tanging naging tugon ni Ace ay ang malamig na tono saka sinabi: "Huwag kang matuto sa iyong ina na puno ng kasinungalingan." pagkatapos ay agad din nitong binaba ang telepono.Tamang pabalik na siya noon galing sa pagkuha ng tubig at nakatayo lang siya sa labas ng pinto. Nakatingin siya kay Sisi na nakatitig sa sarili nitong cellphone na pinat
last updateHuling Na-update : 2025-03-11
Magbasa pa

CHAPTER 48: Hinatulan ni Ace si Ashley ng isang salita!

"Belle, mukhang may utang sayo ang oscar ng best actress." puno ng pagkauyam ang mga salita ni Ashley. Wala na talaga siyang masabi sa pag akto nito na parang naapi. Hindi na niya matagalan ang walang kabuluhan nitong mga salita. "Tapos ka na ba sa pag akting? o nagsisimula ka pa lang? Ilalabas mo pa ba ang ebidensya?"Alam niyang idinidiin na naman siya ni Belle at kahit na anong sabihin nito ay paniniwalaan ni Ace ang mga iyon. Kahit na walang matibay na ebidensya at salita lang ni Belle ay siguradong mapupunta lahat sa kanya ang sisi."Sige, kailangan mo ng ebedinsya. Ibibigay ko." sagot naman ni Belle sa kanya saka nito nilapitan ang lalaki nakahandusay sa semento.Hinawakan ni Belle sa kwelyo ang lalaki saka niyogyog para gisingin. "Sabihin mo, sino ang nag utos sayo para saktan kami ng anak ko?"Tinignan naman ng lalaki si Belle na may matalim na tingin ngunit hindi nagsalita.Sumulyap naman si Ace kay Ashley na nanatiling kalmado at tahimik. Na parang wala itong kinalaman saka
last updateHuling Na-update : 2025-03-11
Magbasa pa

CHAPTER 49: Pinarusahan ni Ace si Ashley!

Napakalakas ng mga kamay ni Ace kaya kahit na anong pilit ni Ashley na makawala sa pagkakahawak ni Ace sa kanya ay hindi siya makawa dito.Wala na din siyang natitirang lakas. Parang ang kanyang katawan ay parang sirang manika na basta na lang binuhat ni Ace at tinangay mula sa pinto at ipinasok sa loob."Ace, naririnig mo ba ako. Bitawan mo ako. Wala kang karapatang hatulan ako. Gayong iniisi mo na ako ang may pakana ng lahat ay bakit hindi mo ako idala sa pulisya.""Tumahimik ka!"Nang marinig ni Ace ang istasyon ng pulisya ay mas naging malamig ang mukha nito at ang kanyang mga mata ay mabangis na tumatangay kay Ashley. "Wala ka ba talagang takot?"Naunawaan niya ang ibig nitong sabihin.Naniniwala na naman si Ace kay Belle sa mga sinabi nito at naisip nito na wala siyang takot na makulong hindi dahil sa wala siyang kasalanan kundi naisip nito na nasa likod lang niya si Lola Astrid.Hindi mahalaga kung makulong isya dahil mahal na mahal siya ni Lola Astrid at galit na galit naman it
last updateHuling Na-update : 2025-03-12
Magbasa pa

CHAPTER 50: Nahimatay si Ashley dahil sa takot!

"Huh!" muli lang ngumisi si Ace at hindi pinansin ang kanyang pagtutol.At saka nito walang kahirap hirap na inalis ang kamay sa kung saan siya nakahawak. At kahit na anong higpit ang hawak niya doon ay wala parin siyang nagawa sa lakas ng pagtanggal ni Ace doon.Sa harapan niya ay malakas na itinulak ni Ace pasara ang pinto.Sa oras na sumara ang pinto, kadiliman na ang bumungad sa kanya.Nagmadaling tumayo si Ashley at hinawakan ang doorknob na pilit iyong buksan ngunit nakasara na ang pinto mula sa labas.Agad na nilamon ng takot ang buong pagkatao ni Ashley. Na halos mawalan na siya ng dugo sa mukha sa takot na nararamdaman niya.Naging emosyonal si Ashley, itinaas ang kamay at paulit ulit na kinatakot ng malakas ang pinto."Ace, buksan mo ang pinto at palabasin ako. Bakit mo ako ikinulong kung wala kang matibay na ebidensya."Ngunit wala siyang narinig na sagot mula sa labas."Ace, naririnig mo ba ako... palabasin mo ako dito... wala kang karapatang ikulong ako dito.. Pakawalan mo
last updateHuling Na-update : 2025-03-12
Magbasa pa
PREV
1
...
34567
...
11
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status