All Chapters of Marrying My Ex's Billionaire Uncle: Chapter 11 - Chapter 20

65 Chapters

Chapter 11

Belle's POV Kinabukasan, maaga akong nagising sa malambot na kama ng penthouse. Nakasanayan ko na ang ginhawang dulot ng marangyang silid na ito, pero sa totoo lang, hindi ko pa rin maiwasang makaramdam ng paninibago. Hindi ko pa rin matanggap nang buo na ito na ang buhay ko—isang buhay na batay sa kasunduan, hindi sa pagmamahal. Paglabas ko ng silid, nadatnan ko si Damian sa kusina, nakasuot ng itim na dress shirt na medyo nakabukas ang unang dalawang butones, at naka-slacks. Hindi ko maiwasang mapansin kung gaano siya kaayos kahit bagong gising. Hindi man lang siya lumingon nang bumati ako. "Good morning." "Good morning," sagot niya, abala sa pagbabasa ng kung anong dokumento habang hawak ang tasa ng kape. Lumapit ako sa counter at kumuha ng sarili kong tasa. Inipon ko ang lakas ng loob ko bago nagsalita. "May meeting ka ba today?" tanong ko, pilit na pinapanatiling casual ang tono. Tumango siya at saka tumingin sa akin. "Yeah. Actually, aalis ako mamaya. Pupunta ako ng US for
last updateLast Updated : 2025-02-15
Read more

Chapter 12

Belle's POV Limang araw na mula nang umalis si Damian, at sa loob ng panahong iyon, pilit kong iniiwasan ang sarili kong damdamin. Hindi ako pwedeng mahulog sa patibong ng emosyon, lalo na’t malinaw sa aming dalawa na isang kasunduan lang ang kasal namin. Kaya inabala ko ang sarili ko sa trabaho bilang bank teller. Huling linggo ko na sa bangkong ito bago tuluyang lumipat sa buhay na may pangalan nang "Mrs. Villareal." Pero kahit anong gawin ko, hindi ko maiwasang mapansin na parang may bumabagabag sa akin. Habang abala ako sa pag-aasikaso ng isang transaction, napansin kong nagkaroon ng kakaibang tensyon sa paligid. Ang mga kasamahan ko sa bangko ay tahimik na nagbubulungan, at ang iba nama'y palihim akong tinitingnan. Nang lingunin ko ang entrance, doon ko siya nakita. Si Yumi Chan. At sa unang tingin pa lang, alam kong may masama itong binabalak. Dahan-dahan siyang lumapit sa counter ko, nakataas ang isang kilay at may mapanuksong ngiti sa kanyang mapupulang labi. Suot niya a
last updateLast Updated : 2025-02-16
Read more

Chapter 13

Belle's POV Muli akong napatingin sa mga rosas na nasa harapan ko. Masyadong perpekto ang lahat—mula sa pagkakaayos ng petals hanggang sa mamahaling pabangong nakahalong amoy sa bulaklak. Ang diamond bracelet na nasa loob ng eleganteng kahon ay hindi ko pa rin lubos maisip kung paano ko tatanggapin. Napalunok ako. May kakaibang init na lumukob sa puso ko, isang bagay na hindi ko maipaliwanag. Damian had always been a mystery to me. Ikinuyom ko ang aking kamao at tiningnan si Adrian. Ano na naman ang ginagawa niya rito? Nagpalitan ng tingin ang ibang empleyado sa loob ng bangko. Ang ilan ay nagbulungan, ang iba naman ay diretsong tumitig sa akin, halatang naghihintay ng drama na maaaring mangyari. Sino ba naman ang hindi mapapaisip? Ilang minuto lang ang nakalipas nang may nagpadala sa akin ng isang napakagarang regalo, tapos ngayon, dumating si Adrian na may hawak ring bulaklak? Napalunok ako sa inis. Wala na ba siyang ibang oras para manggulo? Diretso ang lakad niya patungo sa
last updateLast Updated : 2025-02-16
Read more

Chapter 14

Belle's POV Tahimik ang buong bangko. Ang tensyon sa pagitan nina Damian at Adrian ay parang nagdudulot ng bigat sa hangin—isang hindi maiiwasang banggaan ng dalawang lalaki na parehong may papel sa buhay ko, pero may magkaibang kahulugan. Si Adrian, ang lalaking minsang minahal ko, pero nagdulot lang sa akin ng sakit. At si Damian, ang lalaking halos hindi ko pa lubos na kilala, pero sa kabila ng lahat, ay nagiging kanlungan ko sa hindi ko maipaliwanag na paraan. Nakatayo ako sa pagitan nila, ang puso ko’y bumibilis ang pintig habang pinagmamasdan ang reaksyon ni Adrian—galit, pagkabigo, at isang emosyon na tila hindi ko lubos maunawaan. Hindi siya sanay na hindi nakukuha ang gusto niya. Hindi siya sanay na hindi ako bumabalik sa kanya. Ngunit ngayon, hindi na ako ang dating Belle na hinayaan niyang saktan at lokohin. Si Damian ang unang bumasag sa katahimikan. “I don’t appreciate other men bringing flowers to my wife,” aniya, malamig ang tinig. Napatingin ako sa kanya, nagul
last updateLast Updated : 2025-02-17
Read more

Chapter 15

Belle's POV Tahimik lang ako habang bumibiyahe kami pabalik sa penthouse ni Damian. Nasa kaliwang kamay ko pa rin ang wedding ring na ipinasuot niya sa akin kanina, at hindi ko mapigilan ang pagtingin dito paminsan-minsan. Maliit lang dapat ito na bagay, isang piraso ng alahas na ang layunin ay pagtakpan ang kasinungalingan namin. Pero sa kung anong dahilan, pakiramdam ko ay may bigat itong dala—parang isang hindi nakikitang tali na unti-unting humihigpit sa paligid ko. Alam kong hindi dapat ganito ang nararamdaman ko. Alam kong hindi dapat ako naaapektuhan. Pero bakit ang bigat ng pakiramdam ko? “Something wrong?” tanong ni Damian mula sa tabi ko, hindi inaalis ang mata sa daan. Napalingon ako sa kanya at saglit na napagmasdan ang seryoso niyang mukha habang nagmamaneho—ang matigas na panga, ang matangos na ilong, at ang bahagyang kulubot sa kanyang noo na tila laging nag-iisip. Hindi ko maiwasang mapansin kung gaano siya ka kalmado. Gusto ko sanang itanggi, pero wala akong la
last updateLast Updated : 2025-02-17
Read more

Chapter 16

Belle's POV Pagmulat ng mata ko, ang unang bagay na naramdaman ko ay ang malamig na hangin mula sa aircon na dumadampi sa balat ko. Bahagya akong napapikit muli, sinusubukang ipagpatuloy ang pagtulog, pero bumalik sa isip ko ang nangyari kagabi. Si Damian. Ang panandaliang pag-uusap namin sa kusina. Ang mga mata niyang tila laging may binabasa sa akin, kahit hindi ko pa sinasabi ang iniisip ko. At ang hindi ko maitatangging tensyon na namamagitan sa amin. Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang bumangon mula sa kama. Nagpasya akong bumaba para makapag-almusal, iniisip kung paano ko uumpisahan ang araw ko. Ilang araw na lang bago ang charity gala, at kailangan kong maging handa. Pagdating ko sa dining area, tumigil ako sa paghakbang nang makita kong naroon na si Damian—nakasuot ng itim na dress shirt na may bahagyang bukas na unang tatlong botones, habang ang isa niyang kamay ay hawak ang isang tasa ng kape at ang isa naman ay nagbabasa ng diyaryo. Mukhang kanina pa siya gisin
last updateLast Updated : 2025-02-18
Read more

Chapter 17

Damian's POV Tahimik akong nakaupo sa likurang bahagi ng limousine habang tinatanaw ang labas ng bintana. Ang mga ilaw ng syudad ay naglalaro sa salamin, pero hindi ko iyon pinapansin. Ang atensyon ko ay dapat nasa paparating na gala—hindi sa babaeng nasa tabi ko. Ngunit kahit anong pilit kong i-distract ang sarili ko, ramdam ko pa rin ang presensya niya. Si Belle. Tahimik din siya, pero kahit hindi ako lumilingon, alam kong malayo ang iniisip niya. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa iyon—ang punuin ang isang lugar ng presensya niya nang hindi man lang nagsasalita. Naubos na ang pasensya niya sa akin kahapon. Alam kong iniinis ko siya. Alam kong nahihirapan siyang tanggapin ang ganitong klaseng setup—isang kasal na walang emosyon, isang relasyong nakatali lang sa isang papel. Pero wala siyang magagawa. Dahil ganito lang ako. Hindi ako nag-aaksaya ng panahon sa mga bagay na hindi mahalaga. Bumaling ako sa kanya, binigyan siya ng isang mabilis na sulyap. Nakatingin siya sa l
last updateLast Updated : 2025-02-18
Read more

Chapter 18

Damian's POV "Gusto kong uminom. Dumaan muna tayo sa isang bar," saad ni Belle. Tahimik kong tinitigan si Belle habang nakaupo siya sa kabilang bahagi ng limousine. "Let me get this straight," malamig kong sabi, hindi inaalis ang tingin ko sa kanya. "Gusto mong dumaan sa isang bar—ngayong gabi?" She met my gaze, her eyes filled with stubborn determination. "Yes." Hindi ako sumagot agad. Pagod ako. Gusto ko nang umuwi, magpahinga, at tapusin na ang araw na ito. Pero itong babaeng nasa tabi ko, tila ba wala siyang pakialam kung gaano na kahaba ang araw ko. "You do realize we just came from a gala?" malamig kong tanong, inaasahang bibitawan niya na ang ideyang ito. "Gabi na. May trabaho pa ako bukas." Ngunit imbes na sumuko, nag-angat siya ng isang kilay. "Alam mo, Damian, hindi pa ako lasing, pero bakit parang ang sakit mo na sa ulo? Hindi naman ikaw ang iinom. Wala akong pakialam kung may trabaho ka pa bukas. Gusto ko lang uminom." Napakurap ako. Did she just— "Isang baso la
last updateLast Updated : 2025-02-18
Read more

Chapter 19

Damian's POV Napahinto ako sa harap ng elevator nang biglang humulagpos si Belle mula sa tabi ko at mabilis na tumakbo pabalik sa loob ng bar. I clenched my jaw. Ano na namang ginagawa ng babaeng ito? Mabilis kong hinabol ang hakbang niya, galit na galit habang pinagmamasdan siyang bumalik sa upuan niya sa bar at mag-angat muli ng baso. Pagsapit ko sa tabi niya, siniko ko ang counter at malamig siyang tiningnan. "Belle," banta ko. Hindi niya ako pinansin. Instead, she raised her glass and took another sip. "Belle," ulit ko, mas mababa ang boses ko, mas puno ng babala. This time, she turned to me with an exasperated look. "Damian, hindi pa ako tapos." Napasinghap ako sa inis. "You said one drink." Nagkibit-balikat siya. "Nagbago ang isip ko." I took a deep breath, forcing myself to remain composed. "We're leaving. Now." Pero hindi siya natinag. "Ikaw na lang umalis," aniya bago muling ibinaling ang pansin sa bartender. "Isa pang round." I closed my eyes briefly, fighti
last updateLast Updated : 2025-02-18
Read more

Chapter 20

Belle's POV Masakit ang ulo ko. Sobrang sakit. Pakiramdam ko ay may isang batalyon ng sundalo na sumasayaw sa loob ng utak ko habang may nagmamartilyo sa sentido ko. Napahawak ako sa noo ko at napapikit ng mariin. "Ugh… bakit parang dumaan ako sa isang giyera?" daing ko sa sarili ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata, pero agad ko ring ipinikit ulit nang tamaan ako ng liwanag mula sa bintana. "Tangina, ang sakit!" I turned to my side at saka ko lang napansin na nasa kwarto ako. "Hmm? Paano ako nakarating dito?" I tried to remember what happened kagabi. Ang huling naaalala ko ay nasa bar kami ni Damian. Uminom ako, nagalit siya, tapos— Napadilat bigla ang mga mata ko. Wait… may ginawa ba ako kagabi?! Panic surged through me. Dali-dali akong bumangon, pero mali ang desisyon kong biglain ito. "Shit!" Napaakap ako sa sarili kong ulo at napaluhod sa kama. Hangover is a bitch. At sa gitna ng paghihirap ko, biglang bumukas ang pinto. "Finally, nagising ka rin," malami
last updateLast Updated : 2025-02-19
Read more
PREV
1234567
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status