All Chapters of Accidentally Married To A Billionaire’s Son: Chapter 101 - Chapter 110

122 Chapters

Chapter 101

Maagang dumating si Megan sa café, nakasuot ng itim na apron at may suot pang headband upang itago ang ilang hibla ng buhok na laglag sa kanyang mukha. Gusto niya muling bumalik sa normal—kahit alam niyang hindi ganoon kadali iyon.Sa loob ng café, amoy na amoy ang paborito niyang halimuyak ng giniling na kape at bagong lutong tinapay. Ilang linggo rin siyang hindi nakabalik sa trabaho matapos ang insidenteng halos bumago sa buong buhay niya. Hindi man niya gustong lumabas ng condo, hindi rin niya kayang manatili lang doon, nalulunod sa takot at trauma.Kailangan niyang gumalaw. Kailangan niyang umusad.Sa bawat hagod ng basahan sa makinis na countertop ng cashier, pilit niyang itinataboy ang bigat sa kanyang dibdib. Hinayaan niyang malibang ang sarili sa maliliit na gawain—pagtitimpla ng kape, pagbibilang ng resibo, pag-aayos ng mga pastry sa display.Ngunit kahit anong gawin niya, hindi niya maiwasang mapatingin sa labas.Nakatayo sa harap ng café ang apat na matitikas na lalaki, na
last updateLast Updated : 2025-02-28
Read more

Chapter 102

Sa loob ng malawak at eleganteng dining hall ng mansyon ng mga Giovanni, tanging kalansing ng kubyertos at mahihinang tunog ng baso ang maririnig. Sa gitna ng silid, nakaupo sa magkabilang dulo ng mahaba at mamahaling dining table ang mag-amang si Matteo at Apolo Giovanni.Parehong pormal ang kanilang kilos, kapwa sanay sa katahimikang bumabalot sa bawat pagsasalo ng pagkain. Ngunit ngayong gabi, hindi lang simpleng katahimikan ang nangingibabaw—may tensyon sa pagitan nila, isang bagay na hindi kailanman nawala sa kanilang relasyon bilang mag-ama.Si Matteo, malawak ang pangangatawan, seryoso ang ekspresyon, at kahit hindi nagsasalita ay nag-uumapaw sa awtoridad. Habang si Apolo, ang patriarka ng kanilang pamilya, ay isang lalaking sa edad na singkwenta’y siyete ay hindi pa rin kumukupas ang bagsik ng presensya. Ang lalim ng kanyang mga mata ay tila isang imbitasyon sa panganib—isang paalala na siya ang tunay na may kontrol sa lahat.Habang tahimik na kumakain si Matteo, hindi niya in
last updateLast Updated : 2025-03-01
Read more

Chapter 103

Ang Cafe ay abala sa hapon na iyon. Tahimik na dumadaloy ang jazz music mula sa speakers habang ang mga barista ay walang sawang nagtitimpla ng kape at nag-aasikaso ng mga customers. Sa bandang counter, naroon si Francine, abala sa pagsasaayos ng mga orders nang mapansin niya ang isang lalaking pumasok sa café.Si Enzo Moretti.Matangkad, makisig, at may presensiyang hindi maaaring balewalain. Ang mapanuksong ngiti sa labi niya at ang kumpiyansa sa kilos niya ay sapat para makakuha ng atensyon kahit sino. Ngunit si Francine, sa kabila ng pagiging sanay sa mga ganitong uri ng lalaki, ay napakunot-noo habang pinagmamasdan ang kilos ni Enzo.Para itong may hinahanap.Napangisi si Francine at tumikhim bago nagsalita. “Wala siya ngayon.”Saglit na nagtagpo ang kanilang mga mata.Bahagyang nag-angat ng kilay si Enzo. “Wala sino?”Umikot si Francine sa likod ng counter, saka tumuwid ng tayo habang hawak ang tray ng bagong lutong pastries. “Huwag ka nang magpalusot, Enzo.” Napailing ito bago
last updateLast Updated : 2025-03-03
Read more

Chapter 104

Tahimik ang hapon sa condo ni Primo. Sa loob ng malawak na unit, naroon si Megan, nakaupo sa sofa habang binubuksan ang isang libro na matagal na niyang gustong basahin. Day off niya ngayon—isang bihirang pagkakataon na maaari siyang magpahinga nang hindi iniisip ang trabaho.Ngunit bago pa siya tuluyang makapag-relax, biglang nag-ring ang kanyang cellphone.Nag-vibrate iyon sa ibabaw ng center table, at nang tingnan niya ang screen, halos manlamig ang kanyang buong katawan.Dad.Muling bumalik sa alaala niya ang huling beses na nakausap niya ito—ilang buwan na rin ang nakakalipas. Hindi niya alam kung bakit bigla itong tumatawag ngayon. Pero sa kabila ng pag-aalinlangan, bumuntong-hininga siya at pinindot ang sagot.“Hello…” mahina niyang sabi.“Megan,” malamig ngunit may halong pag-aalala ang boses ni Alfredo Davis sa kabilang linya. “Kumusta ka?”Saglit na hindi nakasagot si Megan. Pakiramdam niya ay bumalik siya sa pagiging isang batang takot at nangangapa ng puwang sa mundo ng ka
last updateLast Updated : 2025-03-03
Read more

Chapter 105

Sa isang malawak at marangyang mansion sa Mexico, nagkukubli sa likod ng matataas na pader at matitibay na security gates, tahimik na dumadaloy ang gabi. Ang mainit na hangin ay banayad na pumapasok sa malalaking bintana, dinadala ang samyo ng mga rosas at jacaranda mula sa hardin. Sa loob ng malawak na dining hall, nakaupo sa isang mahahabang hapag-kainan ang pamilya ni Alfredo Davis—kasama ang kanyang asawa na si Adriana at ang kanilang anak na si Alexa.Bagaman napapaligiran ng mamahaling chandelier at mga antigong dekorasyon, may bigat sa silid—isang tensyon na hindi basta-bastang nawawala. Ito ang usaping paulit-ulit nang bumabalik sa kanilang pamilya: si Megan, ang anak ni Alfredo sa kanyang yumaong unang asawa.Sa gitna ng kanilang hapunan, si Adriana ang unang nagsalita, binaling ang tingin kay Alfredo.“Alfredo, sé que no quieres insistir en esto, pero… creo que Megan debería volver a casa.”(Alfredo, alam kong ayaw mong ipilit ito, pero… sa tingin ko dapat nang umuwi si Mega
last updateLast Updated : 2025-03-03
Read more

Chapter 106

Mainit ang panahon nang dumating sa Pilipinas ang pamilyang Davis. Sa kabila ng init, hindi pa rin maitatago ang excitement sa mukha ni Alexa habang nakahawak sa braso ng kanyang ina. Si Alfredo naman ay tahimik lang, nakatanaw sa paligid habang naglalakad palabas ng airport. Matagal na rin siyang hindi bumalik dito, at ngayong narito na siyang muli, may bigat sa kanyang dibdib na hindi niya maipaliwanag.“Ate Megan…” bulong ni Alexa sa sarili habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Hindi pa niya ito nakikita nang personal, pero matagal na niyang gustong makilala ang kanyang ate. Lagi niya itong nakikita sa mga lumang litrato na itinatago ng kanilang ama, at sa bawat kwento ni Alfredo tungkol sa panganay nitong anak, mas lalo siyang naging excited na makita ito.Tahimik sa loob ng sasakyan habang binabaybay nila ang daan papunta sa dating tinitirhan ni Megan. Si Adriana, na nakaupo sa tabi ni Alfredo, panay ang sulyap sa asawa. Alam niyang maraming iniisip ito, lalo na’t hi
last updateLast Updated : 2025-03-03
Read more

Chapter 107

Tahimik lang sina Megan at Primo habang nasa loob ng sasakyan. Kanina pa sila nakarating sa high-end restaurant kung saan naghihintay ang ama ni Megan kasama ang pamilya nito, pero hindi pa agad bumababa si Megan. Para bang kailangan muna niyang huminga ng malalim, iproseso ang lahat bago siya humarap sa kanila.Nararamdaman ni Primo ang pag-aalangan ni Megan kaya hindi siya nagsalita. Pinanood lang niya itong tahimik na nakatitig sa bintana, tila nag-iisip kung tama ba ang ginagawa niya.“Megan,” mahina niyang tawag.Napatingin sa kanya ang dalaga. Kita ni Primo ang bahagyang panginginig ng kamay nito kaya hindi na siya nag-atubiling abutin iyon. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Megan, hinihigpitan ang pagkapit nito na para bang gusto niyang ipaalam sa kanya na hindi siya nag-iisa.Napatingin si Megan sa pagkakahawak ng kanilang mga kamay bago muling iniangat ang paningin kay Primo. Kapwa sila tahimik, pero sapat na ang simpleng paghawak na iyon para mawala ang tensyon sa kanya
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more

Chapter 108

Napansin ni Megan ang pananahimik ng kanyang ama matapos ang mainit nilang pagkikita. Kanina lamang ay puno ito ng emosyon—nanginginig pa nga ang mga kamay nito sa tuwa habang niyayakap siya. Pero ngayon, halatang may bumabagabag dito. Alam niyang hindi ito sang-ayon sa sinabi niyang maayos na ang buhay niya sa Pilipinas.“Dad, maayos na ang buhay ko rito ngayon,” sagot ni Megan.“Megan,” mahinang tawag ni Alfredo, ngunit sa tono pa lang nito ay alam na niyang hindi ito simpleng usapan.Diretso ang tingin nito sa kanya, ngunit bahagyang bumaba ang tingin nito patungo sa kanyang kasuotan—isang simpleng uniform na pang-waitress. Alam niyang hindi iyon sinasadyang pagtingin, pero hindi rin iyon inosente.Napangiti si Megan nang mapagtanto ang iniisip nito.“Ganito ba ang maayos na buhay, anak?” diretsong tanong ni Alfredo, hindi na nagpaligoy-ligoy pa.Napalunok si Megan. Inaasahan na niya ito.“Dad,” nagsimula siya, pinananatiling mahinahon ang boses. “Marangal ang trabaho ko.”Hindi ag
last updateLast Updated : 2025-03-04
Read more

Chapter 109

Matamis ang simoy ng hangin sa eksklusibong resort na kinuha ni Alfredo para sa kanilang pamilya. Hindi ito basta-basta, isang five-star private resort na may malawak na tanawin ng dagat, white sand beach, at high-end amenities. Malayo ito sa ingay ng lungsod, perpekto para sa isang tahimik at espesyal na bakasyon.Alam ni Megan kung bakit ganito kamahal ang piniling resort ng kanyang ama. Sa isang linggo lamang silang magkakasama, nais nitong siguraduhin na bawat sandali ay magiging sulit.Sa ngayon, tahimik siyang nakatayo sa isang wooden deck na nakausli sa buhanginan, nakatanaw sa kalmadong dagat. Kumikinang ang asul nitong tubig sa ilalim ng sikat ng araw, tila sumasayaw ang mga alon sa kanyang paningin.Sa di-kalayuan, napansin niya si Alexa, ang kanyang nakababatang kapatid, na masayang nagse-selfie malapit sa tubig.Naka-summer dress ito, bagay na bagay sa resort vibe. Ang mahaba nitong buhok ay malayang sumasayaw sa hangin, at hindi maikakaila ang saya sa kanyang mukha habang
last updateLast Updated : 2025-03-05
Read more

Chapter 110

Tahimik na nakatayo sina Alfredo at Adriana sa isang malawak na veranda na nakadugtong sa kanilang private villa. Mula rito, tanaw nila ang napakagandang tanawin ng dagat—at higit sa lahat, ang dalawang dalagang masayang nagtatampisaw sa mababaw na tubig.Si Megan at Alexa.Nagtatawanan ang magkapatid habang tinatamaan ng maliliit na alon ang kanilang mga paa. Napansin ni Alfredo kung paano halos hindi maputol ang ngiti ni Alexa habang kinukulit si Megan na sumama sa kanyang mga selfies. Ang kanyang panganay naman, kahit pa minsan ay nag-aalangan, ay hinahayaan ang sarili na madala sa sigla ng mas nakababatang kapatid.Isang magandang tanawin.Para kay Alfredo, isa itong pangarap na matagal niyang gustong magkatotoo.Noon pa niya hinangad na makita si Megan na maging bahagi ng kanyang bagong pamilya. Hinangad niyang makita itong tanggapin ang kanyang asawa, si Adriana, at ang kanyang kapatid, si Alexa.At ngayon, sa unang pagkakataon, parang unti-unting natutupad ang pangarap niyang i
last updateLast Updated : 2025-03-07
Read more
PREV
1
...
8910111213
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status