Sa loob ng isang itim na sports car, tahimik na nagmamaneho si Primo habang katabi niya sa passenger seat si Megan. Sa likuran naman nakaupo sina Alice, Sunny, at Laurence. Nasa maaliwalas silang highway, tinatahak ang daan pauwi sa villa ng mga De Luca.Mula sa rearview mirror, napansin ni Megan ang SUV na kanina lang ay dala nila Laurence. Pinakuha na nila ito sa driver ng pamilya De Luca para hindi na sila mahati sa dalawang sasakyan.Napabaling si Megan kay Sunny at nagtanong, “Bakit niyo nga pala kami biglang sinundo?”Napangiti si Sunny at sumandal sa upuan. “May konting celebration lang sa villa,” sagot nito.Bahagyang kumunot ang noo ni Megan. “Celebration? Para saan naman?”Bago pa man makasagot si Sunny, mabilis siyang siniko ni Alice, na parang pinipigilan siyang magsalita. Napatawa si Alice saka bumaling kay Megan.“Para sa inyo ni Primo, siyempre,” sagot ni Alice na may ngiti sa labi. “Dahil sa lahat ng pinagdaanan niyong dalawa, hanggang ngayon eh magkasama pa rin kayo.”
Terakhir Diperbarui : 2025-03-07 Baca selengkapnya