Beranda / Romance / His Fake Wife / Bab 41 - Bab 50

Semua Bab His Fake Wife: Bab 41 - Bab 50

133 Bab

Kabanata 17.3: Palumpon

Aurora's Point of View"Sonya?" Tawag ko sa kaniya.Tapos na namin pakainin, painumin ng gamot at palitan ng damit si Manang Osmet. Medyo maayos na rin ang hitsura niya kumpara kanina."Hmm?" Inaayos niya ang kinainan ni Manang.Sinulyapan ko ang matanda at nakitang nakatulog na ito ng mahimbing. Hindi na rin siya masyadong nilalamig. Mukhang presko na siyang tingnan."Wala bang kapatid, anak, asawa o pinsan man lang si Manang Osmet?" Marahan kong tanong.Sinulyapan ni Sonya si Manang Osmet at umiling."Wala po, matandang-dalaga si Manang Osmet. May kapatid naman siya, limang taon na pong patay. Namatay dahil sa kanser. Tyaka wala pong bumibisita na pamilya ni Manang Osmet dito, kaya wala po kaming ibang kilala maliban sa namatay nitong kapatid."Humugot ako ng malalim na hininga at naaawang nilingon ulit si Manang Osmet.Kawawa naman talaga si Manang."Si Señorito ang tinuturing niyang anak. Para sa kaniya, mga apo na rin niya ang dalawa niyong anak. Kaya sobrang devoted si Manang Os
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-11
Baca selengkapnya

Kabanata 17.4: Palumpon

Aurora's Point of View "Manang, sana hindi na muna kayo lumabas ng kuwarto." Hinawakan ko ang kaniyang braso. Ngumuso siya, hindi nagustuhan na iyon agad ang lumabas sa bibig ko. Kinunutan ko naman siya ng noo. Nag-aalala lamang ako na baka magtrabaho na naman siya at mabinat. "Narinig ko na uuwi na ang Señorito. Sinasalubong lahat ng katulong ang pag-uwi nito, kaya hindi pwedeng nasa kuwarto lang ako." Sagot niya. "Pero may sakit—" "Maayos na ako, ano ka ba?" Putol niya agad sa akin. Sumimangot pa siya. "Kaninang umaga, wala na akong lagnat. 'Di ba pumunta ka pa sa kuwarto ko at idinampi ang palad sa noo ko? Hindi ba't wala na akong lagnat?" "Pero mahina pa ang katawan niyo." Kontra ko. "Kaya ko na." Pagmamatigas niya. Huminga na lamang ako ng malalim at inalalayan siya papunta sa mahabang sofa kung saan naroon din sila Snow at Winter. "I miss you, Manang." Malungkot na sabi ni Snow. "Ayaw ni Mommy na pumunta kami sa kuwarto niyo." Sumbong nito. Matipid na ngumiti si M
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-11
Baca selengkapnya

Kabanata 18: Room

Aurora's Point of ViewNgayon ang alis namin nila Alted papunta sa Isla Elteko na kaniyang sinasabi.Kaya silang Manang Osmet, June, Nay Consing, at isa pang katulong ay sasama sa amin para ihatig kami sa pantalan kung saan naghihintay sa amin ang yate.Sa SUV van kami sumakay. Si Bert ang driver, at sa shotgun seat naman naupo si Alted.Sa likod naman kami nila Snow at Winter.Sa pinaka-likod ay si Sonya na siya naming isasama sa isla para sa aming bakasyon.Nakasunod ang isa pang sasakyan sa likod namin, kung saan si June ang nagda-drive at sakay nito si Manang Osmet at Nay Consing."O siya, mag-ingat kayo Alted." Bilin ni Manang Osmet nang maibaba na ang lahat ng mga gamit namin.Hinaplos ng matanda ang buhok ni Snow at nginitian ng matamis si Winter. "Mag-enjoy kayo, ha?" Ngiti niya sa mga bata."We will, Manang." Nakangiting sagot ni Snow.Binuhat ni Bert at ni June ang mga gamit hanggang sa loob ng yate. Sumunod si Sonya para siguro ayusin ang mga gamit."Maganda ang islang iyo
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-12
Baca selengkapnya

Kabanata 18.2: Room

Aurora's Point of View Ngayon hindi ko rin maipaliwanag ang nararamdaman ko, hindi kayang sabihin sa iisang salita lang.Nakapukos na lamang ako sa nararamdaman ko, at hindi sa mga bagay na dapat sana ay iniisip ko. Pagkatapos nito anong mangyayari? Ang simpleng tanong na iyon ang siyang nagbibigay ng samu't saring emosyon na hindi ko kayang pigilan. Ngunit sa lahat ng nararamdaman ko ngayon, kaba ang siyang nangingibabaw.Awtomatikong nahila ako sa malalim na pag-iisip at pagbabalik-tanaw nang pumulupot sa bewang ko ang isang pamilyar na kamay.Normal ang bilis ng puso ko kanina kahit pa kinakabahan ako, ngunit ngayon ay naghuhurumintado iyon dahil lang sa isang yakap.Hindi ko na nagawang lumingon nang ipatong niya ang baba sa kaliwa kong balikat. Itinali ko ang buhok kanina, kaya nararamdaman ko na ngayon ang paglapat ng kaniyang labi sa batok at sa gilid ng leeg ko. Mahigpit kong hinawakan ang barandilya at doon kumuha ng lakas dahil tuluyan nang nanghihina ang tuhod ko."Kanina
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-12
Baca selengkapnya

Kabanata 18.3: Room

Aurora's Point of View Nanatili pa kami roon at nag-usap sa iilang bagay katulad ng trabaho niya sa Manila. Ang hitsura ng summer house niya sa Elteko at mga gagawin namin kung sakaling makarating na kami. Niyaya ko rin siya papuntang cabin nang maalala ang mga bata at katulad ng sinabi niya naglalaro sila Snow at Winter kasama si Sonya. Five hours passed easily. Hindi ko na napansin ang mabilis na paglipas ng oras dahil nang tumigil ang yate sa isang pier na mukhang pinasadya talagang gawin ni Alted purong pagkamangha na lamang ang naramdaman ko. The place looks perfect! Kagaya ng sinasabi ni Alted, magugustuhan ko ang lugar. Ngayon pa lang gustong-gusto ko na ito. Buhat-buhat ni Alted si Snow at hawak ko naman si Winter sa isang kamay dahil gusto niya raw maglakad sa buhangin mamaya. Dala-dala ng tatlong lalaki ang mga gamit namin at sa likod ko ay si Sonya na may dala rin na isang bag. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa hindi kalayuan na mga cottages, mga tao, mga bangkang d
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-12
Baca selengkapnya

Kabanata 19: Sleep

Aurora's Point of View Sobrang lakas ng pintig ng puso ko nang makita ang repleksyon sa salamin. Malaki ang bathroom, gray ang tile at marmol ang dingding, may isang dingding na gawa sa salamin, may dalawang pabilog na sink na may faucet at mukhang pinasadya talaga ni Alted na pangcouple ang bathroom na ito. May malaking bathtub, shower room, at toilet na nasa loob ng isang glasswall sa gilid. May mga halaman din na pinasadyang ilagay; sa sulok malapit sa pinto, sa gilid ng dalawang sink at malapit sa shower room. Hindi ko na alam kung ilang oras na ako rito sa loob pero kinakabahan pa rin ako. Dinala ko na sa loob ang damit ko dahil ayaw kong makita ni Alted na nakatapis lang ako kung sakaling nasa labas man siya. Hindi ako sanay, dahilan para kabahan ako sa sitwasyon namin ngayon. Iisang kwarto, malaki pero parang maliit ang espasyo nito para sa akin. Na-blow-dry ko na ang buhok ko at tuyo na iyon, nakapagpalit na ako ng damit at pwede na akong lumabas, nakapagsipilyo na ako n
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-12
Baca selengkapnya

Kabanata 19.2: Sleep

Aurora's Point of View Pinatay ni Sonya ang ilaw bago umalis. Nanatiling bukas ang dalawang lampshade sa sulok malapit kay Snow at lampshade sa sulok malapit kay Winter, iyon ang nagbibigay ng liwanag sa buong silid. Sinimulan ko nang suklayin ng daliri ang malambot na buhok ni Snow. Tumaligid naman siya paharap sa akin at nang sulyapan ko si Winter ay yakap niya rin ang isang unan habang nakatagilid sa direksyon namin. "Mommy?" Bigla'y tawag ni Snow. "Hmm?" "Do you love, Daddy?" Inosinte niyang tanong. Kumunot ang noo ko. Tiningnan ko siya na ngayon ay nakatingin na rin sa akin, mukhang hindi sila matutulog hangga't hindi nila iyon naitatanong. "Mommy?" Muling tawag niya. Napatitig ako sa kaniya, maliwanag ang kwarto dahil sa liwanag na galing sa lampshade kaya kitang-kita ko ang umaasang mga mata ni Snow. Ngayon lang nila ito sa akin itinanong at hindi ko rin inaasahan na magtatanong sila ng ganoon. Kinagat ko ang ibabang labi at tinimbang ang mga sasabihin. "O-oo naman."
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-12
Baca selengkapnya

Kabanata 19.3: Sleep

Aurora's Point of View Kaya simula no'n, sa tuwing sinusubukan ni Uncle na buksan ang kuwarto ko, hindi na ako nagsusumbong kay Auntie. Sinisigurado ko na lamang na hindi siya makakapasok. Dahil ganoon din naman. Ako pa ang napapasama kapag nagsusumbong ako. Madalas, sinusubukan ko naman sabihin kay Auntie Pacita ang ginagawa ni Uncle, pero nababahag din ang buntot ko kapag naaalala na mas mahalaga nga pala kay Auntie ang kaniyang pamilya kumpara sa akin. Baka kung magsumbong pa ako kay Auntie, mas lalo niya lang akong pagbuhatan ng kamay. Hindi ko na kaya iyon. Nagmulat ako ng mga mata at agad na pinunasan ang mga takas na luha. Isa iyon sa bangungot ko tuwing gabi, isa iyon sa dahilan kung bakit pinangarap kong tumakas kayna Auntie Pacita noon. Kaso hindi ko magawa, wala akong mapupuntahan, hahanapin nila ako at alam kong sapilitang ibabalik sa kanila. Simula noon, hindi na ako natutulog nang mahimbing, hindi ko na magawang makapagpahinga ng maayos kahit pa pagod na pagod ako
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-12
Baca selengkapnya

Kabanata 20: Closeness

Aurora's Point of View HINDI ko na namalayan kung anong oras bumalik sa kwarto si Alted, o kung bumalik ba siya. Dahil nang magising ako wala pa rin siya sa tabi ko. Agad kong tiningnan ang orasan sa may sidetable at nakitang alas sais pa lang ng umaga. Ang aga naman niyang nagising kung ganoon, o baka hindi siya natulog sa tabi ko? Agad na pumasok sa isip ko na baka sa salas siya natulog kaya nagmadali akong bumangon at kinalimutan nang maghilamos muna at magsipilyo. Dali-dali akong bumaba sa salas para tingnan siya roon pero wala naman. Narinig ko ang ingay sa kusina kaya diretso ang lakad ko patungo roon. Katulad kagabi, hindi ko mapigilang hindi mamangha sa katotohanan na marunong siya sa kusina. Naabutan ko siyang abala sa pagluluto. Nakasuot lang siya ng itim na sando kaya kitang-kita ang biceps at muscles niya sa braso at ilang parte sa likod. Matangkad at malaki ang katawan niya dahilan para hindi ko makita kung anong niluluto niya. Magulo pa rin ng bahagya ang kaniyang bu
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-12
Baca selengkapnya

Kabanata 20.2: Closeness

Aurora's Point of View Isn't it funny? Ang mga magagandang bagay na gusto kong maranasan, mga bagay na minsan sa panaginip nakita ko na, ngayon sinasaktan ako. Sinasaktan niya habang hindi niya alam, hindi niya rin sinasadya. Muli akong napabuntong-hininga nang makita ang pagkabasag ng alon sa dalampasigan. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang buntong-hininga na iyon, basta ang alam ko mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Tanaw ko mula rito sa kinauupuan kong sun lounger si Snow at Winter na gumagawa ng sand castle kasama si Sonya, nakaligo na rin sila kanina kaya ngayon ang buhangin naman ang pinagtuunan nila ng pansin. Nilingon ako ni Snow at ngumiti habang si Winter naman ay nakapukos ang atensyon sa ginagawa. Hindi na ako nakalapit sa kanila dahil na rin sa bigat ng pakiramdam ko. Wala naman akong sakit pero may masakit sa akin. Hindi ko lang matukoy kung saan. Ibinaling ko ang tingin sa kaliwa at nakita ang Elteko Resort. Hindi naman iyon gaanong malayo, pwedeng lakarin lang mul
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-12
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
34567
...
14
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status