Aurora's Point of View Nanatili pa kami roon at nag-usap sa iilang bagay katulad ng trabaho niya sa Manila. Ang hitsura ng summer house niya sa Elteko at mga gagawin namin kung sakaling makarating na kami. Niyaya ko rin siya papuntang cabin nang maalala ang mga bata at katulad ng sinabi niya naglalaro sila Snow at Winter kasama si Sonya. Five hours passed easily. Hindi ko na napansin ang mabilis na paglipas ng oras dahil nang tumigil ang yate sa isang pier na mukhang pinasadya talagang gawin ni Alted purong pagkamangha na lamang ang naramdaman ko. The place looks perfect! Kagaya ng sinasabi ni Alted, magugustuhan ko ang lugar. Ngayon pa lang gustong-gusto ko na ito. Buhat-buhat ni Alted si Snow at hawak ko naman si Winter sa isang kamay dahil gusto niya raw maglakad sa buhangin mamaya. Dala-dala ng tatlong lalaki ang mga gamit namin at sa likod ko ay si Sonya na may dala rin na isang bag. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa hindi kalayuan na mga cottages, mga tao, mga bangkang d
Aurora's Point of View Sobrang lakas ng pintig ng puso ko nang makita ang repleksyon sa salamin. Malaki ang bathroom, gray ang tile at marmol ang dingding, may isang dingding na gawa sa salamin, may dalawang pabilog na sink na may faucet at mukhang pinasadya talaga ni Alted na pangcouple ang bathroom na ito. May malaking bathtub, shower room, at toilet na nasa loob ng isang glasswall sa gilid. May mga halaman din na pinasadyang ilagay; sa sulok malapit sa pinto, sa gilid ng dalawang sink at malapit sa shower room. Hindi ko na alam kung ilang oras na ako rito sa loob pero kinakabahan pa rin ako. Dinala ko na sa loob ang damit ko dahil ayaw kong makita ni Alted na nakatapis lang ako kung sakaling nasa labas man siya. Hindi ako sanay, dahilan para kabahan ako sa sitwasyon namin ngayon. Iisang kwarto, malaki pero parang maliit ang espasyo nito para sa akin. Na-blow-dry ko na ang buhok ko at tuyo na iyon, nakapagpalit na ako ng damit at pwede na akong lumabas, nakapagsipilyo na ako n
Aurora's Point of View Pinatay ni Sonya ang ilaw bago umalis. Nanatiling bukas ang dalawang lampshade sa sulok malapit kay Snow at lampshade sa sulok malapit kay Winter, iyon ang nagbibigay ng liwanag sa buong silid. Sinimulan ko nang suklayin ng daliri ang malambot na buhok ni Snow. Tumaligid naman siya paharap sa akin at nang sulyapan ko si Winter ay yakap niya rin ang isang unan habang nakatagilid sa direksyon namin. "Mommy?" Bigla'y tawag ni Snow. "Hmm?" "Do you love, Daddy?" Inosinte niyang tanong. Kumunot ang noo ko. Tiningnan ko siya na ngayon ay nakatingin na rin sa akin, mukhang hindi sila matutulog hangga't hindi nila iyon naitatanong. "Mommy?" Muling tawag niya. Napatitig ako sa kaniya, maliwanag ang kwarto dahil sa liwanag na galing sa lampshade kaya kitang-kita ko ang umaasang mga mata ni Snow. Ngayon lang nila ito sa akin itinanong at hindi ko rin inaasahan na magtatanong sila ng ganoon. Kinagat ko ang ibabang labi at tinimbang ang mga sasabihin. "O-oo naman."
Aurora's Point of View Kaya simula no'n, sa tuwing sinusubukan ni Uncle na buksan ang kuwarto ko, hindi na ako nagsusumbong kay Auntie. Sinisigurado ko na lamang na hindi siya makakapasok. Dahil ganoon din naman. Ako pa ang napapasama kapag nagsusumbong ako. Madalas, sinusubukan ko naman sabihin kay Auntie Pacita ang ginagawa ni Uncle, pero nababahag din ang buntot ko kapag naaalala na mas mahalaga nga pala kay Auntie ang kaniyang pamilya kumpara sa akin. Baka kung magsumbong pa ako kay Auntie, mas lalo niya lang akong pagbuhatan ng kamay. Hindi ko na kaya iyon. Nagmulat ako ng mga mata at agad na pinunasan ang mga takas na luha. Isa iyon sa bangungot ko tuwing gabi, isa iyon sa dahilan kung bakit pinangarap kong tumakas kayna Auntie Pacita noon. Kaso hindi ko magawa, wala akong mapupuntahan, hahanapin nila ako at alam kong sapilitang ibabalik sa kanila. Simula noon, hindi na ako natutulog nang mahimbing, hindi ko na magawang makapagpahinga ng maayos kahit pa pagod na pagod ako
Aurora's Point of View HINDI ko na namalayan kung anong oras bumalik sa kwarto si Alted, o kung bumalik ba siya. Dahil nang magising ako wala pa rin siya sa tabi ko. Agad kong tiningnan ang orasan sa may sidetable at nakitang alas sais pa lang ng umaga. Ang aga naman niyang nagising kung ganoon, o baka hindi siya natulog sa tabi ko? Agad na pumasok sa isip ko na baka sa salas siya natulog kaya nagmadali akong bumangon at kinalimutan nang maghilamos muna at magsipilyo. Dali-dali akong bumaba sa salas para tingnan siya roon pero wala naman. Narinig ko ang ingay sa kusina kaya diretso ang lakad ko patungo roon. Katulad kagabi, hindi ko mapigilang hindi mamangha sa katotohanan na marunong siya sa kusina. Naabutan ko siyang abala sa pagluluto. Nakasuot lang siya ng itim na sando kaya kitang-kita ang biceps at muscles niya sa braso at ilang parte sa likod. Matangkad at malaki ang katawan niya dahilan para hindi ko makita kung anong niluluto niya. Magulo pa rin ng bahagya ang kaniyang bu
Aurora's Point of View Isn't it funny? Ang mga magagandang bagay na gusto kong maranasan, mga bagay na minsan sa panaginip nakita ko na, ngayon sinasaktan ako. Sinasaktan niya habang hindi niya alam, hindi niya rin sinasadya. Muli akong napabuntong-hininga nang makita ang pagkabasag ng alon sa dalampasigan. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang buntong-hininga na iyon, basta ang alam ko mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Tanaw ko mula rito sa kinauupuan kong sun lounger si Snow at Winter na gumagawa ng sand castle kasama si Sonya, nakaligo na rin sila kanina kaya ngayon ang buhangin naman ang pinagtuunan nila ng pansin. Nilingon ako ni Snow at ngumiti habang si Winter naman ay nakapukos ang atensyon sa ginagawa. Hindi na ako nakalapit sa kanila dahil na rin sa bigat ng pakiramdam ko. Wala naman akong sakit pero may masakit sa akin. Hindi ko lang matukoy kung saan. Ibinaling ko ang tingin sa kaliwa at nakita ang Elteko Resort. Hindi naman iyon gaanong malayo, pwedeng lakarin lang mul
Aurora's Point of View PAGOD ako kagabi dahil sa pinaggagawa nila Snow at Winter, ilang oras kaming nasa labas ng bahay at nagkaroon ng mini barbecue party kasama si Sonya dahil wala naman si Alted. Abala siya sa biglaang problema na ibinalita sa kaniya noong umaga, naiintindihan naman namin na hindi maiiwasan na kahit sa ganitong bakasyon kailangan niya pa rin bigyan ng oras ang trabaho. Nang alas otso y media, doon lamang sila nagpaawat dahil nakaramdam na rin ng pagod. Nakakahiya naman kung si Sonya lang ang maglilinis ng mga kalat at mga gamit na inilabas namin para sa barbecue party na ipinilit ng kambal. Kaya sa huli, naunang umakyat ang dalawa at nanatili kami ni Sonya para maglinis muna at ayusin ang ilang gamit. Naroon naman ang tatlong bodyguard na dinala ni Alted kaya kahit papaano may tumulong pa sa amin. Nang matapos naman ay siyang paglabas ni Alted galing sa bahay. Sabi niya'y siya na lang ang magliligpit ng mga natitirang gamit at mukhang naghihintay ang kambal
Aurora's Point of View Nang maitulak ko ang tansong gate agad kong inilibot ang tingin at nakita sa hindi kalayuan ang pamilyar na bulto ni Alted kasama ang dalawang babae. Pwede naman namin silang anyayahan na magbreakfast sa loob kung gusto lang din naman ng mga bisita. Namataan ko ang isang bodyguard ni Alted at kagaya ng madalas nilang ginagawa, bumati siya at tumango. Tipid lang akong ngumiti at bumati rin. Narinig ko ang tawanan ng dalawang babae na para bang may sinabi si Alted na nakakatuwa. The other one is blonde, ang isa naman ay may mahabang buhok na hanggang sa bewang at bagsak na bagsak iyon pero halatang hindi natural. The blonde woman wears fitted summer dress, the other woman wears fitted croptop and ripped maong shorts. Kahit likod pa lang nila ang nakikita ko, masasabi ko na agad na magaganda ang katawan nila. Parang pangmodelo. "Well, we notice the yacht in the port last night. We already concluded that you are here for a vacation." Humagikhik ang babaen
Elizabeth's Point of View"Thank you." I said to Gerald.Muling naghiyawan ang mga tao. Nagtawanan ang kalalakihan na siyang ikinakunot-noo ko, but I didn't feel offended. Naguguluhan lang ako sa kanila."Hoy, tumigil na kayo. Baka matakot si Liza, sa sunod hindi na siya magpakita sa atin." Saway ng isang dating kaklase.I guess her name was Eda?I couldn't remember clearly. But it sounds like that."Ililipat ko na lang sa ibang table si Liza, pinagkakaguluhan niyo agad. Baka maculture shock sa atin." Saad ni Juliet saka lumapit sa akin.Ngunit umiling ako.Nakakahiya kung ililipat niya pa ako ng ibang upuan."No, it's okay, Juliet. I will stay here na lang." I said.Siguro naman okay lang na makasalamuha ko sila? They're loud and nosy, but they're not a threat. They won't trigger anything inside me, I guess."Sigurado ka? May dadating pang iba. Baka maingayan ka lang sa kanila." Mahinang sabi ni Juliet sapat para ako lamang ang makarinig.Ngumiti ako sa kaniya at pilit na pinakitang
Elizabeth's Point of View As I drove down the road, i'm starting to feel agitated. Kinakabahan ako nang husto habang palapit na ang sasakyan sa pusod ng bayan. Why am I feeling nervous? this isn't the first time I attended a birthday party. May mga naging kaibigan din naman ako noong college at may mga pagkakataon na sumasama ako sa mga party. Those were just few instances but at least I tried to socialize. Wala naman pagkakaiba ang birthday na pupuntahan ko ngayon sa mga napuntahan ko noon, 'di ba? Well, the difference is that, this time the birthday party is probably composed of people I knew from San Gabriel. I sighed, feeling defeated from my own thoughts. Nang matanaw ko na ang mga pamilyar na establismento ay mas lalo lamang akong kinabahan. Nakita ko na ang ilan kong mga naging kaklase noong high school. Nakausap ko na ang ilan, kaya dapat hindi na big deal sa akin kung makikita ko silang lahat ngayong gabi. I parked my car at the parking lot of Hillside Bistro.
Elizabeth's Point of ViewSince Kuya Nexon was off to go to La Trinidad, I settled myself on the couch for the past six hours. Watching mystery and sci-fic movies on my television and just enjoying my own company.It was four in the afternoon when I received a call from Juliet.Noong una, nag-aalangan pa akong sagutin iyon dahil alam ko ang mga posibleng dahilan kung bakit siya tumatawag. But then, I remembered that I promised to catch up with them when I'm just free.Juliet is my classmate from high school. Maayos naman ang naging relasyon namin noon at wala akong maalala na may nagawa siyang matinding kasalanan sa akin, kaya nang hingin niya ang number ko ay ibinigay ko naman.Nagkita kami sa birthday party ng isa rin sa naging kaklase ko noong highschool. That's where and when she asked my number.So now, why am I hesitating again? It's just a simple call, it won't hurt."Hi." I said as I answered her call."Liza!" Masaya niyang bati mula sa kabilang linya.Kahit na hindi ko naman
Elizabeth's Point of View Every weekdays ay nasa bahay ako ni Kuya Alted para asikasuhin ang kasal nila ni Aurora, kapag weekend naman ay umuuwi ako sa San Gabriel para makapagpahinga at para asikasuhin naman ang ibang bagay. Since last week, nakauwi na si Kuya Nexon kaya may kasama na rin ako sa villa, pero madalas pa rin siyang wala dahil inaasikaso naman niya ang mga negosyo ni Papa. "Do you really need to go to La Trinidad, Kuya?" Tanong ko habang sumusunod sa kaniya papunta sa kusina. Kagigising niya lang at mukhang maghahanda ng almusal para sa kaniyang sarili. "Yes. Si Mama ang nagsuggest sa Mayor na kunin akong judge sa pageant. Nakakahiya na hindi ko sila sisiputin kung si Mama mismo ang nagsabi kay Mayor. Besides, I have to help them to look for the best town's muse. Malapit na rin kasi ang pyesta sa La Trinidad." Ngumisi siya sa akin. I wrinkled my nose in return. Palusot ka pa. Ang sabihin mo, gusto mo lang makakita ng magagandang babae. Pinaikot ko ang mga
Elizabeth's Point of ViewMy parents are product of successful arrange marriage.Dati pa man, parte na ng tradisyon ng mga mayayamang tao sa San Gabriel ang ipagkasundo ang kanilang mga anak o apo sa ibang pamilya na may maayos na pinagmulan. Rich families marry rich families in order to continue the generational wealth they want to protect and pass down.Wala akong problema sa bagay na iyon dahil simula pagkabata, namulat na ako sa ganoong tradisyon. At isa pa, kung hindi ipinagkasundo si Mama at si Papa, hindi sana kami mabubuo ni Kuya Nexon.I smiled bitterly to myself.Everytime I think about my parents love story, I felt fascinated before. Now, I felt like... uncomfortable.Paano kung sila lamang ang exception sa maayos at matagumpay na arrange marriage? Paano kung hindi lahat ng ipinagkakasundo ay nagkakasundo?I didn't intend to think about Cassy and Zychi, but suddenly their image came in to my mind. Dahan-dahan naman akong umiling para makalimutan sila."I don't want to marry
Elizabeth's Point of ViewNang malaman ko na pakakasal na si Kuya Alted at Aurora, totoong naging masaya ako. Gusto kong maikasal si Kuya Alted sa babaeng kagaya ni Aurora— mabait, may mabuting puso, at mapagpatawad.Yes, she can easily forgive.Which feels unsettling to me. But I couldn't say it loud.Siguro hindi lang ako sanay na ganoon kadali magpatawad ang tao.How could she forgive Kuya Alted so fast? I mean, when I learned about Kuya Alted trying to find Aurora, I didn't tell him that she's living with me.Kahit na magpinsan kami at mahal ko siya, hindi ko nagustuhan na pinagtabuyan niya si Aurora nang ganoon lang kadali dahil sa pride niya. Alam ko na nahirapan siyang tanggapin ang katotohanan, lalo na kung bulag siya sa bagay na iyon, pero hindi ko kayang kalimutan na lang ang mga sakripisyo ni Aurora para sa kanila— para sa kaniya at sa mga bata.Pero sa kabila ng kabutihan at sakripisyo ni Aurora, walang puso niyang pinagtabuyan ang babae na animo’y hindi niya pagsisisihan
Elizabeth's Point of ViewSiguro dahil na rin sa kahihiyan kaya hindi ko na ginustong bumalik sa baba. Pansamantala na lang muna akong nagkulong sa kuwarto hanggang sa pakiramdam ko’y tapos na silang mag-almusal sa baba. Hindi ko na kayang bumalik at magkunwari na parang hindi ko sila tinakbuhan paalis.Now, I all want is to be at the comfort of my bed. Gusto ko nang umuwi, magpahinga at matulog. Gusto ko nang bigyaan ng kapayapaan ang sarili ko, pero hindi ko rin kayang umalis na lang nang hindi nagpapaalam ng maayos kay Nicole.Argh! This is all my fault anyway.Dahil sa gulat ay napatalon nang marinig ang sunod-sunod na katok mula sa pinto."Liza?" Ang pamilyar na boses ni Cassy ang tumawag mula sa labas.Now I don't know if that's a relief.Hindi ko gustong humarap sa kaninuman, pero mas mabuti na rin na si Cassy ang kumatok at hindi si Nicole o Zychi. Mas lalong hindi si Primo.Binuksan ko ang pinto at sinilip siya, nang makita na mag-isa lang siya at walang ibang kasama ay tinit
Elizabeth's Point of View Nang mag-umaga, iritang-irita ako kay Nicole at Zychi. They're sending me weird looks like they always did when they want to say something, but couldn't. And in exchange for that, I give them the worst death glares I could muster, so they will understand that I don't appreciate them glancing at me like that. Effected naman iyon kahit paano dahil nag-iiwas sila ng tingin pero maya't maya ay ibabalik na naman ang tingin sa akin. Nakakairita. Sa hapag-kainan ay tahimik kaming lahat. Magkatabing nakaupo si Nicole at Zychie at kami naman ni Cassy ang magkatabi. Sa harap ko ay si Nicole, at katapat naman ni Cassy ang kaniyang fiancé. Nang hindi na makayanan ang ginagawa nila, ibinaba ko ang kubyertos sa pinggan at tinitigan silang mag-pinsan. Tumingin din sila sa akin, ngayon ay biglang naging tensyunado si Nicole. "What's wrong? Ayaw mo nang kumain? O gusto mo ng ibang—" "Ano ba’ng problema niyo?" Putol ko sa kaniya. Her eyes widened a fraction,
Elizabeth'sI didn't wait for Primo to come back. I know myself better than wait for him.Muli kong binuksan ang shower at mabilis na nilinis ang katawan bago naglakad pabalik sa cottage.I was dripping wet, but I don't give a d*mn. Tulog na rin naman ang mga kasama ko kaya walang magrereklamo kung umakyat ako sa cottage nang basang-basa.Bago makaakyat sa hagdan ay naalala ko ang tuwalyang naiwan sa may dalampasigan. Binalikan ko ng tingin ang parte kung saan ko iniwan ang tuwalya, nang maispatan iyon ay dali-dali akong naglakad pabalik doon para kunin iyon.May mga buhangin na kumapit sa tuwalya kaya kailangan muna iyong ipagpag.Umihip ang malamig na nahangin. Nanginig naman ang katawan ko nang hinaplos nito ang balat ko. It was eerily weird to be out here at this hour.Siguro nga ay nababaliw na ako para isipin na lumangoy sa dagat nang ganitong oras. Pero kung hindi nangialam si Primo ay baka saglit lang din naman akong lumangoy at bumalik din agad sa cottage.I just want to clea