Beranda / Romance / His Fake Wife / Bab 111 - Bab 120

Semua Bab His Fake Wife: Bab 111 - Bab 120

193 Bab

Kabanata 40.3: Ready

Aurora's Point of ViewTatlong linggo na ako rito sa kanila at nagtatago. Sila ang gumagalaw para sa akin. Si Nexon ang nagbabayad ng mga tauhan para bantayan sila Snow at Winter gano’n din ang mga kilos ni Candice. They have the evidence now, hindi na kami mahihirapan sa husgado kung dumating man sa pagkakataon na kailangan namin magharap doon. "Sigurado ka?" Nanantya niyang tanong at naglakad palapit sa study-table at kinuha roon ang kaniyang cellphone. "Ayaw kong patagalin ito, Elizabeth. Hindi ligtas ang mga bata kapag kasama nila si Candice. Hindi ako matatahimik hangga't hindi siya nawawala sa buhay nila Alted." Binuksan niya ang screen ng cellphone at tumipa roon. Umalingawngaw ang boses sa speaker at agad niyang itinapat sa akin ang screen para makita ang video doon. Naroon ang isa sa dalawang lalaking humabol sa akin noon. "Si Mrs. Candice Dela Fuente ang nag-utos sa amin! Si Ma'am Candice!" Sigaw ng lalaki habang malinaw ang mukha niyang takot na takot. "B-binayaran n-
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-05
Baca selengkapnya

Kabanata 41: Back

Aurora's Point of View PARANG tumatambol ang puso ko sa loob at gusto na no’n lumabas. Chopper ni Nexon ang ginamit namin para agad makarating ng San Gabriel kung saan bumaba ang chopper sa helipad na pagmamay-ari ni Primitivo. Mas mabilis kung chopper ang gagamitin kaya kahit unang beses ko iyon, tinapangan ko na lamang ang loob ko. Hindi na rin ako masyadong naglikot sa takot na baka mahulog o kaya ay dumugo ang sugat ko sa likod. Pababa pa lang kami nakasimangot na si Elizabeth at mas lalo pang sumimangot nang salubungin kami ng isang lalaki na pamilyar na rin sa akin. Si Primitivo. Narinig ko ang sinabi ni Nexon kanina, paniguradong magbabangayan daw ang dalawa kaya kailangan kong intindihin sila. Tama nga naman si Nexon dahil pababa pa lang kami ng hotel nagbabangayan na silang dalawa. Hanggang sa makapasok kaming tatlo sa loob ng elevator hindi pa rin sila natigil. "Gusto ng kapatid mo na ako mismo ang maghatid sa inyo." Ani Primitivo na sinulyapan pa ako ng tingin
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-06
Baca selengkapnya

Kabanata 41.2: Back

Aurora's Point of View Mauuna sa amin si Nexon para bisitahin sila Alted ngayong umaga at masiguradong nakahanda na ang lahat dahil ako lamang ang hinihintay nila para magsimula na ang lahat. Hindi ko alam ang buong plano pero nangako silang dalawa na magiging ligtas ang lahat sa pagdating ko. Kahit alam kong kaya niya iyong gawin, hindi pa rin mawala sa puso ko ang pangamba. I couldn't make my heart safe now. Dahil alam ko, hindi pa man nagsisimula ang lahat, durog na ang puso ko. The hardest slap comes from the reality. Pero hindi lang yata sampal ng reyalidad ang iginawad sa akin, suntok at tadyak na rin. Natatakot ako. Hindi kay Candice, kung hindi kay Alted at sa mga bata. Hindi ko alam kung dahil ba sa bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan ni Elizabeth o sadyang mabilis lang talaga lumipas ang oras kaya natagpuan ko na lamang ang sarili na nasa tapat nang malaking gate ng mansyon ni Alted. Mayroon guard doon noon pa man pero sa tuwing nakikita niya ang pamilyar na SUV na
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-06
Baca selengkapnya

Kabanata 41.3: Back

Aurora's Point of View "Come on." Untag ni Elizabeth na itinagilid pa ang ulo papunta sa direksyon ng hagdan. Sumunod ako sa kaniya papaakyat at nang matapat sa malaking pintuan na nakabukas at tuluyang napuno ng samu't saring emosyon ang puso ko. "Nexon!" That loud growl ruined the peacefulness. Alam kong boses iyon ni Alted kaya nagmamadaling pumasok si Elizabeth. Nanatili ang tipid kong hakbang dahil sa takot na baka nagkakagulo na sila ng tuluyan sa loob. Sa salas. "Put that down!" Another growl. "Kuya Alted! Hayaan mo si Kuya Nexon!" Boses ni Elizabeth iyon. Tuluyan kong naipasok ang sarili at natagpuan ang senaryo. Nakatutok ang baril ni Nexon kay Candice habang may hawak rin si Candice na baril at nakatutok na ngayon sa lalaking nakasalampak sa sofa. Si Alted ay nakatayo at halata ang galit sa mukha at gustong lapitan si Nexon, pero pinigilan na ito ni Elizabeth. Ang mga katulong ay nahintatakutang gumilid. "This is insane!" Malakas na sigaw ni Candice at mula sa pagk
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-06
Baca selengkapnya

Kabanata 42: Leave

Aurora's Point of View Dahil sa namayaning katahimikan, tanging paghikbi na lamang ni Snow at ni Winter ang naririnig. Nag-angat sila sa akin ng tingin kahit na hilom ng luha ang kanilang mga mata. Walang lumabas na salita sa labi nila pero alam kong marami silang gustong sabihin. Natigilan lamang ako nang haplusin ni Winter ang kwentas na suot ko. Bumaba rin ang tingin ko roon at napagtantong iyon ang naging basehan nila para makilala ako. Suot ko pa rin ang kwentas. Singsing lang ang kinuha sa akin ni Candice noon, dahil akala niya iyon lang ang mahalaga. Ngayon na nasa akin pa rin ang kwentas, buong puso akong nagpapasalamat na naalala nila ang bilin ko sa kanila. "Ano ba?!" Galit na boses iyon ni Candice dahilan para mapatingin kami sa kaniya. Sinubukan niyang umalis sa pwesto niya, pero hinawakan siya ng mariin sa braso ng babaeng pulis. Nagpumiglas pa siya habang nadedepina ang galit at iritasyon sa mukha niya. "Take her," ani Elizabeth nang makabawi. "Make sure na hi
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-06
Baca selengkapnya

Kabanata 42.2: Leave

Aurora's Point of View Mariin kong itinikom ang bibig dahil sa sinabi niya. Wala akong narinig na reaksyon dahil malakas na tawa na lamang ni Candice ang namayani sa buong mansyon. "Biruin mo, napapaniwala mo siyang ikaw ay ako. When in fact you're just a fake wife! You're just faking it all! Dahil kahit kailan hinding-hindi ka magiging ako! Hinding-hindi!" Hindi ko na mapaglabanan ang galit sa puso ko. Gusto ko siyang sampalin ulit pero hindi madiktahan ng isip ko ang dapat gawin ng kamay ko. "At hindi ko rin ginustong maging ikaw!" Pigil ang boses na hasik ko pabalik. "Walang may gustong maging ikaw, Candice. Kasi hindi ka tao! Kinakain ka na ng kasakiman mo para sa pera! Hindi ka marunong magmahal kaya hindi ka makuntento sa buhay! At iyon ang pinaka-nakakaawa sa lahat. Dahil habang nabubuhay ka, mararamdaman mong humihinga ka, pero walang patutunguhan ang paggising mo sa umaga. Money can't buy everything! Hindi no’n mabibili ang pagmamahal dahil kusa iyong ibinibigay. Hi
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-06
Baca selengkapnya

Kabanata 42.3: Leave

Aurora's Point of View "Mommy." Kumawala ang mga hikbi sa kaniyang labi. "Hindi mo kami iiwan, hindi ba?" Si Winter. "Ikaw ang Mommy namin!" Malakas na sigaw ni Snow. "You won't leave us, right? Please, Mommy... Don't leave us again." "H-hindi totoo iyong sinabi kanina, hindi ba?" Tumingala si Winter sa akin at kitang-kita ko ang mga mata niyang namumula pa rin dahil sa pag-iyak. Malayang umaagos ang mga luha niya na nagpahirap sa akin sa paghinga. "Kuya Alted." Si Elizabeth iyon sa malumanay na boses. Hindi ko sila tiningnan dahil naka-pokus na lamang ako sa dalawa. "Winter." I softly called her name. Narinig nila at nakita ang lahat. Alam kong nalilito sila sa mga nangyayari, pero dahil matalino silang dalawa ni Snow, alam kong maiintindihan nila ang sasabihin ko. Nang makita nilang handa na akong magsalita para magpaliwanag ay agad na umiling si Winter. "No! Hindi totoo ‘yon!" Sigaw niya, pilit na itinatanggi ang katotohanan. "Hindi totoo ‘yon. Ikaw ang Mom
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-06
Baca selengkapnya

Kabanata 43: Old Dreams

Aurora's Point of ViewMY heart ached more but my body was already numb. Parang kumikirot ang puso ko, pero namamanhid naman ang buong parte ng katawan ko. Nakatulala lamang ako sa labas ng bintana habang dinadaanan namin ang mga puno, bahay at ilang establismento.Buti na lamang pagod na ang mga mata ko sa pag-iyak kaya wala nang luha ang nagmalabis na tumulo."Aurora." Masuyong boses ni Elizabeth ang tumawag sa akin.Agad akong lumingon at tiningnan siya. Mariin ang kaniyang tingin sa akin, at nang magsalubong ang tingin namin ay napabuntong-hininga siya.Walang salita ang lumalabas sa bibig niya, pero marami ang gustong sabihin ng mga mata niya.Napipilitan akong ngumiti at sumulyap din sa driver's seat kung saan naroon si Nexon na tahimik lamang.Kung utang na loob lamang ang pag-uusapan, hindi ko na kayang bayaran iyon sa salita lamang. Malaki ang utang na loob ko sa kanilang magkapatid.Pagkatapos ng sandaling pagtatalo ni Elizabeth at Alted kanina, pinili nila na isama ako sa
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-08
Baca selengkapnya

Kabanata 43.2: Old Dreams

Aurora's Point of ViewI swallowed the bitterness. Dati-rati, gusto kong makaalis sa mansyon na ‘yon. Dati, gusto kong makalayo sa kaniya at ipamukhang hindi ako ang asawa niya. I slowly changed my mind. From escaping, I realized I wanted to stay with them... pansamantala.Sabi ko ibabalik ko rin sila kapag bumalik na si Candice. Hihiramin ko lang sila tapos ibabalik ko rin.Pero nang dumating si Candice nagbago na naman ang isip ko, sinabi ko sa sarili ko na hinding-hindi ko hahayaan na makabalik si Candice sa buhay nila. Kung mawawala man ako sisiguraduhin kong pareha kaming mawawala sa buhay nila.Then everything changed again. Ngayon na malayo ako sa kanila parang hindi ako kumpleto. Parang hindi ko mahanap ang sarili ko. Para akong nabasag na salamin, hindi ko na alam kung maaayos pa ba ulit o mananatiling sira na nang tuluyan.Akala ko handa ako na umalis sa buhay nila, pero ngayon na nangyari na, parang ang bilis ng pangyayari at ang hirap iproseso.Hindi ko alam kung kailan n
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-08
Baca selengkapnya

Kabanata 43.3: Old Dreams

Aurora's Point of View Kaya nang maghilom na ang sugat ko sa likod isinasama na ako ni Elizabeth sa mga pinupuntahan niya. Some were parties and others were casual meet up with her investors and friends. Pinapakilala niya akong personal assistant sa lahat ng nakakaharap namin. She even gives me paperworks. Natatawa na lang ako dahil hindi ako maalam sa una pero nang umabot ng dalawang linggo ang mga ginagawa ko ay natuto rin ako. Kailangan ko lang e-double check kung napirmahan na niya o kung hindi pa. May mga business proposal din ang dumadating sa rest house na pinapacheck niya muna sa akin kung maayos ba o hindi. Noong una, nalulugaw ang utak ko kapag masyado ng malaki ang proposed business. Kaya tinuturo niya sa akin kung paano iyon maiintindihan agad at kung ano ang pinakaimportante. Doon ko rin napagtantong marami pala siyang negosyong nakatayo sa San Gabriel. Mga coffee shops, bookstores, pet shops at boutiques. Nabanggit niya na maliliit pa lang na negosyo iyon dahil na
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-08
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
1011121314
...
20
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status