Good night. Bukas na ulit ang update.
Aurora's Point of ViewMY heart ached more but my body was already numb. Parang kumikirot ang puso ko, pero namamanhid naman ang buong parte ng katawan ko. Nakatulala lamang ako sa labas ng bintana habang dinadaanan namin ang mga puno, bahay at ilang establismento.Buti na lamang pagod na ang mga mata ko sa pag-iyak kaya wala nang luha ang nagmalabis na tumulo."Aurora." Masuyong boses ni Elizabeth ang tumawag sa akin.Agad akong lumingon at tiningnan siya. Mariin ang kaniyang tingin sa akin, at nang magsalubong ang tingin namin ay napabuntong-hininga siya.Walang salita ang lumalabas sa bibig niya, pero marami ang gustong sabihin ng mga mata niya.Napipilitan akong ngumiti at sumulyap din sa driver's seat kung saan naroon si Nexon na tahimik lamang.Kung utang na loob lamang ang pag-uusapan, hindi ko na kayang bayaran iyon sa salita lamang. Malaki ang utang na loob ko sa kanilang magkapatid.Pagkatapos ng sandaling pagtatalo ni Elizabeth at Alted kanina, pinili nila na isama ako sa
Aurora's Point of ViewI swallowed the bitterness. Dati-rati, gusto kong makaalis sa mansyon na ‘yon. Dati, gusto kong makalayo sa kaniya at ipamukhang hindi ako ang asawa niya. I slowly changed my mind. From escaping, I realized I wanted to stay with them... pansamantala.Sabi ko ibabalik ko rin sila kapag bumalik na si Candice. Hihiramin ko lang sila tapos ibabalik ko rin.Pero nang dumating si Candice nagbago na naman ang isip ko, sinabi ko sa sarili ko na hinding-hindi ko hahayaan na makabalik si Candice sa buhay nila. Kung mawawala man ako sisiguraduhin kong pareha kaming mawawala sa buhay nila.Then everything changed again. Ngayon na malayo ako sa kanila parang hindi ako kumpleto. Parang hindi ko mahanap ang sarili ko. Para akong nabasag na salamin, hindi ko na alam kung maaayos pa ba ulit o mananatiling sira na nang tuluyan.Akala ko handa ako na umalis sa buhay nila, pero ngayon na nangyari na, parang ang bilis ng pangyayari at ang hirap iproseso.Hindi ko alam kung kailan n
Aurora's Point of View Kaya nang maghilom na ang sugat ko sa likod isinasama na ako ni Elizabeth sa mga pinupuntahan niya. Some were parties and others were casual meet up with her investors and friends. Pinapakilala niya akong personal assistant sa lahat ng nakakaharap namin. She even gives me paperworks. Natatawa na lang ako dahil hindi ako maalam sa una pero nang umabot ng dalawang linggo ang mga ginagawa ko ay natuto rin ako. Kailangan ko lang e-double check kung napirmahan na niya o kung hindi pa. May mga business proposal din ang dumadating sa rest house na pinapacheck niya muna sa akin kung maayos ba o hindi. Noong una, nalulugaw ang utak ko kapag masyado ng malaki ang proposed business. Kaya tinuturo niya sa akin kung paano iyon maiintindihan agad at kung ano ang pinakaimportante. Doon ko rin napagtantong marami pala siyang negosyong nakatayo sa San Gabriel. Mga coffee shops, bookstores, pet shops at boutiques. Nabanggit niya na maliliit pa lang na negosyo iyon dahil na
Aurora's Point of View"LET me go, Gazalin!" Malakas na sigaw ni Elizabeth ang agad na nagpatayo sa akin mula sa pagbabasa ng mga e-mail sa laptop.Mabilis akong humakbang para salubungin sila sa pintuan. Dahil pinaghalong salamin at kahoy ang pinto, nakita kong buhat-buhat ni Primitivo si Elizabeth sa kaniyang bisig.Mabilis ko naman na binuksan ang pinto para sa kanila. Madilim ang mukha ng lalaki nang bumungad sila sa pintuan. Lasing na lasing si Elizabeth at mukhang wala na talaga sa tamang huwisyo."Nasaan ang kuwarto niya?" Maingat na tanong ng lalaki."Sa ikalawang palapag. Iyong gitnang pinto. Sa kaniya iyon." Malumanay kong sagot.He firmly nodded his head. Naglakad siya papunta sa hagdan kaya sumunod naman ako."Let me go!" Patuloy sa pagsigaw si Elizabeth kahit na nakapikit ang kaniyang mga mata.Umakyat si Primitivo sa hagdan habang pilit na ipinipirmi si Elizabeth dahil malikot ito. Baka mahulog sila kung patuloy ito sa panlalalaban.Gusto ko sanang magtanong kung ayos la
Aurora's Point of ViewHindi naman lasinggera si Elizabeth. She's a very prim and proper woman. Kaya nagtaka rin ako kagabi nang iuwi siya ni Primitivo na lasing na lasing at tila wala sa sarili.Pagkatapos na makapagluto, inihanda ko agad ang mesa. Sakto naman na bumaba sa hagdan si Elizabeth nang maisalin ko na ang inumin sa baso.She went to the table groggily."Kamusta ang pakiramdam mo?"Nag-angat siya sa akin ng mukha at hindi nakatakas sa paningin ko ang sandali niyang pagsimangot."I'm fine." Iwas niya at iniabot ang toasted bread na nasa malapit.Tahimik kaming pareho nang kumain ng almusal, pero paminsan-minsan natutulala siya, kaya sinisipat ko siya ng tingin. Kapag nakikita niyang nakatingin ako sa kaniya, sinisimangutan naman niya ako.Mukhang naaalala niya naman ang nangyari kagabi, ngunit ayaw niyang pag-usapan iyon kaya tumahimik na lamang ako. Isa pa, baka hindi siya komportable na banggitin si Primitivo kahit na alam niyang ito ang naghatid sa kaniya pauwi.Tahimik k
Aurora's Point of ViewMas matanda ako kaysa sa kaniya, samantalang mas matanda naman sa akin ng isa o dalawang taon si Nexon. Kaya kapag kausap ko siya ng ganito, para akong nakikipag-usap sa mas nakababatang kapatid. Hindi ko lang maturuan ang sarili na maging komportable sa pinag-uusapan namin ngayon. Kumikirot ang puso ko at parang pinipiga na naman dahil sa usapan.Pinili kong huwag nang magsalita at tingnan na lamang ang pagkain.Gustong-gusto ko silang makita... Si Snow at si Winter.Gabi-gabi ako nagdadasal na sana kung may pagkakataon man, gusto kong masilip man lang sila. Makita kung kamusta na sila. Hindi ko sila guguluhin, pero gusto kong masilayan man lang sila.Kaso ngayon, hindi ko mapigilan ang sariling huwag magpakain sa mga negatibong damdamin. Nakita ko noon ang galit ni Alted para sa akin, walang pagdadalawang-isip niya akong pinaalis nang malaman niya ang totoo. Gusto ko pang magpaliwanag pero hindi na ako nabigyan ng panahon.Para saan pa? Tama rin naman ang ini
Aurora's Point of View"Huwag na, Elizabeth." Iling ko nang pilit niyang pinapasukat sa akin ang mga dala niyang dress.Sinamaan niya ako ng tingin."Isusukat mo lang." Pinanlakihan niya ako ng mga mata.She's sometimes a bully. Madalas kaming magtalo noon kapag nag-uuwi siya ng mga damit para sa akin, dahil pakiramdam ko, mas lalo akong nalulubog sa utang dahil sa pinamimili niya sa akin."Marami pa naman akong damit.""Wala akong pakialam." Matigas niyang turan.Sumimangot ako, hindi kayang tagalan ang ganiyang ugali ni Elizabeth. Tinanggap ko ang damit at tumalikod sa kaniya para magtungo sa dressing room.Sigurado akong ngiting-ngiti na naman siya ngayon dahil nanalo na naman siya.Bago isuot ang dress, tiningnan ko ang prize tag, isang bagay na hindi ginagawa ni Elizabeth kapag namimili. Napalunok na lamang ako nang makitang 6,500 pesos iyon.Kaya naman, maingat kong isinukat ang dress, takot na baka masira iyon at pagbayarin pa kami. Nang maisuot ang dress, tumalikod ako sa sala
Aurora's Point of View "No, it's okay." Maagap na tugon ni Deo. Seryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "Virginia is just messing around, Aurora. I'm sorry." Dagdag niya. "She really likes to sell me around like a pizza." I awkwardly smiled at him. Hindi ko alam kung seryoso siya o hindi, pero ayaw kong makipag-date na lang ng ganoon. Kahit pa biro lang ni Virginia, mas mabuti nang malinaw sa amin. Marahan na tumawa si Virginia. "Ang hina mo talaga sa babae, Deo." Tumawa rin si Elizabeth. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa nangyari. "We have to go. Mauna na kami sa inyo." Paalam ni Elizabeth. Nilingon niya ako at tumango. Naglakad kami paalis, ngunit sa may pinto pala naghihintay ang sales lady na may dalang limang paper bag. "Thank you for purchasing, Miss Dela Fuente." Nakangiting sabi ng sales lady. Tinanggap ni Elizabeth ang paper bags at tumango. Lumabas kami sa store. Dala ko ang mga pinamili niya para sa kambal, samantalang dala naman niya ang mga bagong pape
Elizabeth's Point of View"Thank you." I said to Gerald.Muling naghiyawan ang mga tao. Nagtawanan ang kalalakihan na siyang ikinakunot-noo ko, but I didn't feel offended. Naguguluhan lang ako sa kanila."Hoy, tumigil na kayo. Baka matakot si Liza, sa sunod hindi na siya magpakita sa atin." Saway ng isang dating kaklase.I guess her name was Eda?I couldn't remember clearly. But it sounds like that."Ililipat ko na lang sa ibang table si Liza, pinagkakaguluhan niyo agad. Baka maculture shock sa atin." Saad ni Juliet saka lumapit sa akin.Ngunit umiling ako.Nakakahiya kung ililipat niya pa ako ng ibang upuan."No, it's okay, Juliet. I will stay here na lang." I said.Siguro naman okay lang na makasalamuha ko sila? They're loud and nosy, but they're not a threat. They won't trigger anything inside me, I guess."Sigurado ka? May dadating pang iba. Baka maingayan ka lang sa kanila." Mahinang sabi ni Juliet sapat para ako lamang ang makarinig.Ngumiti ako sa kaniya at pilit na pinakitang
Elizabeth's Point of View As I drove down the road, i'm starting to feel agitated. Kinakabahan ako nang husto habang palapit na ang sasakyan sa pusod ng bayan. Why am I feeling nervous? this isn't the first time I attended a birthday party. May mga naging kaibigan din naman ako noong college at may mga pagkakataon na sumasama ako sa mga party. Those were just few instances but at least I tried to socialize. Wala naman pagkakaiba ang birthday na pupuntahan ko ngayon sa mga napuntahan ko noon, 'di ba? Well, the difference is that, this time the birthday party is probably composed of people I knew from San Gabriel. I sighed, feeling defeated from my own thoughts. Nang matanaw ko na ang mga pamilyar na establismento ay mas lalo lamang akong kinabahan. Nakita ko na ang ilan kong mga naging kaklase noong high school. Nakausap ko na ang ilan, kaya dapat hindi na big deal sa akin kung makikita ko silang lahat ngayong gabi. I parked my car at the parking lot of Hillside Bistro.
Elizabeth's Point of ViewSince Kuya Nexon was off to go to La Trinidad, I settled myself on the couch for the past six hours. Watching mystery and sci-fic movies on my television and just enjoying my own company.It was four in the afternoon when I received a call from Juliet.Noong una, nag-aalangan pa akong sagutin iyon dahil alam ko ang mga posibleng dahilan kung bakit siya tumatawag. But then, I remembered that I promised to catch up with them when I'm just free.Juliet is my classmate from high school. Maayos naman ang naging relasyon namin noon at wala akong maalala na may nagawa siyang matinding kasalanan sa akin, kaya nang hingin niya ang number ko ay ibinigay ko naman.Nagkita kami sa birthday party ng isa rin sa naging kaklase ko noong highschool. That's where and when she asked my number.So now, why am I hesitating again? It's just a simple call, it won't hurt."Hi." I said as I answered her call."Liza!" Masaya niyang bati mula sa kabilang linya.Kahit na hindi ko naman
Elizabeth's Point of View Every weekdays ay nasa bahay ako ni Kuya Alted para asikasuhin ang kasal nila ni Aurora, kapag weekend naman ay umuuwi ako sa San Gabriel para makapagpahinga at para asikasuhin naman ang ibang bagay. Since last week, nakauwi na si Kuya Nexon kaya may kasama na rin ako sa villa, pero madalas pa rin siyang wala dahil inaasikaso naman niya ang mga negosyo ni Papa. "Do you really need to go to La Trinidad, Kuya?" Tanong ko habang sumusunod sa kaniya papunta sa kusina. Kagigising niya lang at mukhang maghahanda ng almusal para sa kaniyang sarili. "Yes. Si Mama ang nagsuggest sa Mayor na kunin akong judge sa pageant. Nakakahiya na hindi ko sila sisiputin kung si Mama mismo ang nagsabi kay Mayor. Besides, I have to help them to look for the best town's muse. Malapit na rin kasi ang pyesta sa La Trinidad." Ngumisi siya sa akin. I wrinkled my nose in return. Palusot ka pa. Ang sabihin mo, gusto mo lang makakita ng magagandang babae. Pinaikot ko ang mga
Elizabeth's Point of ViewMy parents are product of successful arrange marriage.Dati pa man, parte na ng tradisyon ng mga mayayamang tao sa San Gabriel ang ipagkasundo ang kanilang mga anak o apo sa ibang pamilya na may maayos na pinagmulan. Rich families marry rich families in order to continue the generational wealth they want to protect and pass down.Wala akong problema sa bagay na iyon dahil simula pagkabata, namulat na ako sa ganoong tradisyon. At isa pa, kung hindi ipinagkasundo si Mama at si Papa, hindi sana kami mabubuo ni Kuya Nexon.I smiled bitterly to myself.Everytime I think about my parents love story, I felt fascinated before. Now, I felt like... uncomfortable.Paano kung sila lamang ang exception sa maayos at matagumpay na arrange marriage? Paano kung hindi lahat ng ipinagkakasundo ay nagkakasundo?I didn't intend to think about Cassy and Zychi, but suddenly their image came in to my mind. Dahan-dahan naman akong umiling para makalimutan sila."I don't want to marry
Elizabeth's Point of ViewNang malaman ko na pakakasal na si Kuya Alted at Aurora, totoong naging masaya ako. Gusto kong maikasal si Kuya Alted sa babaeng kagaya ni Aurora— mabait, may mabuting puso, at mapagpatawad.Yes, she can easily forgive.Which feels unsettling to me. But I couldn't say it loud.Siguro hindi lang ako sanay na ganoon kadali magpatawad ang tao.How could she forgive Kuya Alted so fast? I mean, when I learned about Kuya Alted trying to find Aurora, I didn't tell him that she's living with me.Kahit na magpinsan kami at mahal ko siya, hindi ko nagustuhan na pinagtabuyan niya si Aurora nang ganoon lang kadali dahil sa pride niya. Alam ko na nahirapan siyang tanggapin ang katotohanan, lalo na kung bulag siya sa bagay na iyon, pero hindi ko kayang kalimutan na lang ang mga sakripisyo ni Aurora para sa kanila— para sa kaniya at sa mga bata.Pero sa kabila ng kabutihan at sakripisyo ni Aurora, walang puso niyang pinagtabuyan ang babae na animo’y hindi niya pagsisisihan
Elizabeth's Point of ViewSiguro dahil na rin sa kahihiyan kaya hindi ko na ginustong bumalik sa baba. Pansamantala na lang muna akong nagkulong sa kuwarto hanggang sa pakiramdam ko’y tapos na silang mag-almusal sa baba. Hindi ko na kayang bumalik at magkunwari na parang hindi ko sila tinakbuhan paalis.Now, I all want is to be at the comfort of my bed. Gusto ko nang umuwi, magpahinga at matulog. Gusto ko nang bigyaan ng kapayapaan ang sarili ko, pero hindi ko rin kayang umalis na lang nang hindi nagpapaalam ng maayos kay Nicole.Argh! This is all my fault anyway.Dahil sa gulat ay napatalon nang marinig ang sunod-sunod na katok mula sa pinto."Liza?" Ang pamilyar na boses ni Cassy ang tumawag mula sa labas.Now I don't know if that's a relief.Hindi ko gustong humarap sa kaninuman, pero mas mabuti na rin na si Cassy ang kumatok at hindi si Nicole o Zychi. Mas lalong hindi si Primo.Binuksan ko ang pinto at sinilip siya, nang makita na mag-isa lang siya at walang ibang kasama ay tinit
Elizabeth's Point of View Nang mag-umaga, iritang-irita ako kay Nicole at Zychi. They're sending me weird looks like they always did when they want to say something, but couldn't. And in exchange for that, I give them the worst death glares I could muster, so they will understand that I don't appreciate them glancing at me like that. Effected naman iyon kahit paano dahil nag-iiwas sila ng tingin pero maya't maya ay ibabalik na naman ang tingin sa akin. Nakakairita. Sa hapag-kainan ay tahimik kaming lahat. Magkatabing nakaupo si Nicole at Zychie at kami naman ni Cassy ang magkatabi. Sa harap ko ay si Nicole, at katapat naman ni Cassy ang kaniyang fiancé. Nang hindi na makayanan ang ginagawa nila, ibinaba ko ang kubyertos sa pinggan at tinitigan silang mag-pinsan. Tumingin din sila sa akin, ngayon ay biglang naging tensyunado si Nicole. "What's wrong? Ayaw mo nang kumain? O gusto mo ng ibang—" "Ano ba’ng problema niyo?" Putol ko sa kaniya. Her eyes widened a fraction,
Elizabeth'sI didn't wait for Primo to come back. I know myself better than wait for him.Muli kong binuksan ang shower at mabilis na nilinis ang katawan bago naglakad pabalik sa cottage.I was dripping wet, but I don't give a d*mn. Tulog na rin naman ang mga kasama ko kaya walang magrereklamo kung umakyat ako sa cottage nang basang-basa.Bago makaakyat sa hagdan ay naalala ko ang tuwalyang naiwan sa may dalampasigan. Binalikan ko ng tingin ang parte kung saan ko iniwan ang tuwalya, nang maispatan iyon ay dali-dali akong naglakad pabalik doon para kunin iyon.May mga buhangin na kumapit sa tuwalya kaya kailangan muna iyong ipagpag.Umihip ang malamig na nahangin. Nanginig naman ang katawan ko nang hinaplos nito ang balat ko. It was eerily weird to be out here at this hour.Siguro nga ay nababaliw na ako para isipin na lumangoy sa dagat nang ganitong oras. Pero kung hindi nangialam si Primo ay baka saglit lang din naman akong lumangoy at bumalik din agad sa cottage.I just want to clea