Aurora's Point of ViewI swallowed the bitterness. Dati-rati, gusto kong makaalis sa mansyon na ‘yon. Dati, gusto kong makalayo sa kaniya at ipamukhang hindi ako ang asawa niya. I slowly changed my mind. From escaping, I realized I wanted to stay with them... pansamantala.Sabi ko ibabalik ko rin sila kapag bumalik na si Candice. Hihiramin ko lang sila tapos ibabalik ko rin.Pero nang dumating si Candice nagbago na naman ang isip ko, sinabi ko sa sarili ko na hinding-hindi ko hahayaan na makabalik si Candice sa buhay nila. Kung mawawala man ako sisiguraduhin kong pareha kaming mawawala sa buhay nila.Then everything changed again. Ngayon na malayo ako sa kanila parang hindi ako kumpleto. Parang hindi ko mahanap ang sarili ko. Para akong nabasag na salamin, hindi ko na alam kung maaayos pa ba ulit o mananatiling sira na nang tuluyan.Akala ko handa ako na umalis sa buhay nila, pero ngayon na nangyari na, parang ang bilis ng pangyayari at ang hirap iproseso.Hindi ko alam kung kailan n
Aurora's Point of View Kaya nang maghilom na ang sugat ko sa likod isinasama na ako ni Elizabeth sa mga pinupuntahan niya. Some were parties and others were casual meet up with her investors and friends. Pinapakilala niya akong personal assistant sa lahat ng nakakaharap namin. She even gives me paperworks. Natatawa na lang ako dahil hindi ako maalam sa una pero nang umabot ng dalawang linggo ang mga ginagawa ko ay natuto rin ako. Kailangan ko lang e-double check kung napirmahan na niya o kung hindi pa. May mga business proposal din ang dumadating sa rest house na pinapacheck niya muna sa akin kung maayos ba o hindi. Noong una, nalulugaw ang utak ko kapag masyado ng malaki ang proposed business. Kaya tinuturo niya sa akin kung paano iyon maiintindihan agad at kung ano ang pinakaimportante. Doon ko rin napagtantong marami pala siyang negosyong nakatayo sa San Gabriel. Mga coffee shops, bookstores, pet shops at boutiques. Nabanggit niya na maliliit pa lang na negosyo iyon dahil na
Aurora's Point of View"LET me go, Gazalin!" Malakas na sigaw ni Elizabeth ang agad na nagpatayo sa akin mula sa pagbabasa ng mga e-mail sa laptop.Mabilis akong humakbang para salubungin sila sa pintuan. Dahil pinaghalong salamin at kahoy ang pinto, nakita kong buhat-buhat ni Primitivo si Elizabeth sa kaniyang bisig.Mabilis ko naman na binuksan ang pinto para sa kanila. Madilim ang mukha ng lalaki nang bumungad sila sa pintuan. Lasing na lasing si Elizabeth at mukhang wala na talaga sa tamang huwisyo."Nasaan ang kuwarto niya?" Maingat na tanong ng lalaki."Sa ikalawang palapag. Iyong gitnang pinto. Sa kaniya iyon." Malumanay kong sagot.He firmly nodded his head. Naglakad siya papunta sa hagdan kaya sumunod naman ako."Let me go!" Patuloy sa pagsigaw si Elizabeth kahit na nakapikit ang kaniyang mga mata.Umakyat si Primitivo sa hagdan habang pilit na ipinipirmi si Elizabeth dahil malikot ito. Baka mahulog sila kung patuloy ito sa panlalalaban.Gusto ko sanang magtanong kung ayos la
Aurora's Point of ViewHindi naman lasinggera si Elizabeth. She's a very prim and proper woman. Kaya nagtaka rin ako kagabi nang iuwi siya ni Primitivo na lasing na lasing at tila wala sa sarili.Pagkatapos na makapagluto, inihanda ko agad ang mesa. Sakto naman na bumaba sa hagdan si Elizabeth nang maisalin ko na ang inumin sa baso.She went to the table groggily."Kamusta ang pakiramdam mo?"Nag-angat siya sa akin ng mukha at hindi nakatakas sa paningin ko ang sandali niyang pagsimangot."I'm fine." Iwas niya at iniabot ang toasted bread na nasa malapit.Tahimik kaming pareho nang kumain ng almusal, pero paminsan-minsan natutulala siya, kaya sinisipat ko siya ng tingin. Kapag nakikita niyang nakatingin ako sa kaniya, sinisimangutan naman niya ako.Mukhang naaalala niya naman ang nangyari kagabi, ngunit ayaw niyang pag-usapan iyon kaya tumahimik na lamang ako. Isa pa, baka hindi siya komportable na banggitin si Primitivo kahit na alam niyang ito ang naghatid sa kaniya pauwi.Tahimik k
Aurora's Point of ViewMas matanda ako kaysa sa kaniya, samantalang mas matanda naman sa akin ng isa o dalawang taon si Nexon. Kaya kapag kausap ko siya ng ganito, para akong nakikipag-usap sa mas nakababatang kapatid. Hindi ko lang maturuan ang sarili na maging komportable sa pinag-uusapan namin ngayon. Kumikirot ang puso ko at parang pinipiga na naman dahil sa usapan.Pinili kong huwag nang magsalita at tingnan na lamang ang pagkain.Gustong-gusto ko silang makita... Si Snow at si Winter.Gabi-gabi ako nagdadasal na sana kung may pagkakataon man, gusto kong masilip man lang sila. Makita kung kamusta na sila. Hindi ko sila guguluhin, pero gusto kong masilayan man lang sila.Kaso ngayon, hindi ko mapigilan ang sariling huwag magpakain sa mga negatibong damdamin. Nakita ko noon ang galit ni Alted para sa akin, walang pagdadalawang-isip niya akong pinaalis nang malaman niya ang totoo. Gusto ko pang magpaliwanag pero hindi na ako nabigyan ng panahon.Para saan pa? Tama rin naman ang ini
Aurora's Point of View"Huwag na, Elizabeth." Iling ko nang pilit niyang pinapasukat sa akin ang mga dala niyang dress.Sinamaan niya ako ng tingin."Isusukat mo lang." Pinanlakihan niya ako ng mga mata.She's sometimes a bully. Madalas kaming magtalo noon kapag nag-uuwi siya ng mga damit para sa akin, dahil pakiramdam ko, mas lalo akong nalulubog sa utang dahil sa pinamimili niya sa akin."Marami pa naman akong damit.""Wala akong pakialam." Matigas niyang turan.Sumimangot ako, hindi kayang tagalan ang ganiyang ugali ni Elizabeth. Tinanggap ko ang damit at tumalikod sa kaniya para magtungo sa dressing room.Sigurado akong ngiting-ngiti na naman siya ngayon dahil nanalo na naman siya.Bago isuot ang dress, tiningnan ko ang prize tag, isang bagay na hindi ginagawa ni Elizabeth kapag namimili. Napalunok na lamang ako nang makitang 6,500 pesos iyon.Kaya naman, maingat kong isinukat ang dress, takot na baka masira iyon at pagbayarin pa kami. Nang maisuot ang dress, tumalikod ako sa sala
Aurora's Point of View "No, it's okay." Maagap na tugon ni Deo. Seryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "Virginia is just messing around, Aurora. I'm sorry." Dagdag niya. "She really likes to sell me around like a pizza." I awkwardly smiled at him. Hindi ko alam kung seryoso siya o hindi, pero ayaw kong makipag-date na lang ng ganoon. Kahit pa biro lang ni Virginia, mas mabuti nang malinaw sa amin. Marahan na tumawa si Virginia. "Ang hina mo talaga sa babae, Deo." Tumawa rin si Elizabeth. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa nangyari. "We have to go. Mauna na kami sa inyo." Paalam ni Elizabeth. Nilingon niya ako at tumango. Naglakad kami paalis, ngunit sa may pinto pala naghihintay ang sales lady na may dalang limang paper bag. "Thank you for purchasing, Miss Dela Fuente." Nakangiting sabi ng sales lady. Tinanggap ni Elizabeth ang paper bags at tumango. Lumabas kami sa store. Dala ko ang mga pinamili niya para sa kambal, samantalang dala naman niya ang mga bagong pape
Aurora's Point of ViewAlas nuebe nang gabi nang bumaba ako sa kusina para magtimpla ng gatas. Madalas, nahihirapan akong makatulog lalo na kung marami ang iniisip. Kaya bumababa ako para magtimpla ng gatas.Matatanaw mula sa dining area ang malaking swimming pool sa labas. Bago dumiretso sa kusina, nasulyapan ko ang pamilyar na pigura ni Elizabeth na nakatayo malapit sa pool.Mukhang may kausap siya dahil hawak niya ang kaniyang cellphone malapit sa tainga.Saglit na kumunot ang noo ko nang makitang pabalik-balik siya, tila hindi mapakali.Baka may problema?Kaysa tumuloy sa kusina, dumiretso ako sa double doors para lumabas ng bahay. Aligaga masyado si Elizabeth, baka mayroong problema."Of course not, Kuya!"Hindi marinig mula sa loob ang kaniyang boses, pero ngayon na nasa labas na ako'y napuno agad ng galit niyang tono ang pandinig ko."Why is it that it's my fault now? Masisisi mo ba ako kung nagalit din ako sa ginawa niya do’n sa tao? He was unfair! Dapat lang na may makuha siy
Aurora's Point of ViewNaramdaman ko ang mahinang tapik sa balikat ko."Mommy.""Don't tap her too hard, Snow." Narinig ko ang mahinang boses ni Winter na tila sinasaway ang kapatid.Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata at bumungad naman agad sa akin ang mukha ni Snow at ni Winter. Nasa driver's seat silang dalawa at halos hindi na magkasya.Ngumiti ng malapad si Snow nang magtama ang aming tingin.Ang mala-anghel niyang mukha, ang inosinteng mga mata, ang matamis na ngiti, parang may nabubuo na kakaibang simbuyo sa dating nanlalamig kong puso. The warmth of her smile, I missed it so much."We're already here, Mommy." Balita niya.Dahan-dahan akong umayos ng upo nang mapagtanto na nakatulog pala ako sa byahe. Nagbaba ako ng tingin sa maliit na kumot na nasa dibdib ko. Maayos pa rin iyon na nakalagay, kahit na naibaba ng kaonti ang upuan ko.Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa Lanayan. Buong akala ko e mananatiling gising ang diwa ko sa byahe. Siguro dala na rin ng pagod kaya
Aurora's Point of ViewMarahan na tinapik ni Elizabeth ang likod ko."Stop thanking me, Aurora." Turan niya sa mababang boses."I did it because you took care of my family too. My kindness was just a reflection of your kindness to my family. It means a lot to me, knowing you took good care of my nieces."Dahan-dahan akong lumayo sa kaniya. Isang maliit na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. May kakaibang emosyon sa kaniyang mga mata na hindi ko mapangalanan."Ako pa nga ang dapat na magpasalamat sa'yo." Dagdag niya.Kinagat ko ang ibabang labi at umiling. Hindi niya kailangan magpasalamat, dahil wala naman akong nagawa para sa kaniya. Kung ang pag-aalaga kay Snow at kay Winter ang ipinagpapasalamat niya, ginawa ko iyon dahil mahal ko ang dalawa, at pakiramdam ko responsabilidad kong alagaan at protektahan sila.Alted stood behind me. Naramdaman ko ang presensya niya, kaya saglit ko siyang nilingon.Naging malambot ang emosyon sa kaniyang mga mata nang magtama ang aming tingin."Sige n
Aurora's Point of View"Sabi sa'yo, Kuya Alted. Hindi ka na niyan babalikan." Mahina ngunit dinig kong sabi ni Elizabeth na sinundan pa ng mahinang tawa."Babalik siya, Liza. Babalikan niya kami." Mabagal ngunit may diin niyang sagot.My throat went dry. My heart stopped beating. The world suddenly stopped spinning.Malakas na tumawa si Elizabeth at naglakad palapit para lang punasan ang mga luha ni Snow. Pinutol ko agad ang tingin kay Alted at itinuon iyon kay Elizabeth na ngayon ay bumaling na rin sa akin at ngumiti.Nakita niya rin ang luha sa mga mata ko. Lumiit ang kaniyang ngiti, ngunit mas naging payapa ang emosyon sa kaniyang mga mata. Hindi ko na nakita ang pag-aalala."Uwi ka na raw," aniya sa nang-aasar na tono."Baka mamaya si Kuya Alted naman ang umiyak kapag hindi ka pa sumama."Binuksan niya ang pinto ng backseat at tiningnan si Winter na tahimik sa tabi ko. Sumunod siya nang ngumiti si Elizabeth. Pumasok si Winter sa sasakyan at saglit pa akong sinulyapan. Tiningnan ni
Aurora's Point of View"Come on, Mommy!" Nagpababa si Snow kay Alted at sabay silang lumapit ni Winter sa akin para hawakan ang magkabila kong kamay at igaya palabas ng bahay.Nilingon ko si Elizabeth. There's a sudden adrenaline rush. Malakas na tumambol ang puso ko. Pinapalayas niya na ba ako?Gumilid si Alted nang mapadaan kami sa gawi niya at hinayaan lang ang kaniyang mga anak na hilahin ako palabas ng bahay. Hindi ko alam ang dapat na sabihin, lalo na nang makalabas kami at tuluyan nila akong hilahin palapit sa sasakyan na nakaparada. Mas lalo pa akong naguluhan nang makitang sa likod ng sasakyan ni Alted inilagay ng dalawang katulong ang mga gamit na ibinaba nila.Alam kong akin iyon dahil imposibleng kay Elizabeth iyong maleta at duffle bag. Isa pa, kinumpirma ni Elizabeth na gamit ko iyon.Nakasunod na pala sa amin si Alted kasama si Elizabeth na ngumiti pa ng matamis kahit na nakikita niyang naguguluhan ako sa mga nangyayari. Humakbang siya palapit sa akin."Kapag pinaalis
Aurora's Point of View"Ihuhulog din kita, makita mo!" Muli ay sigaw niya at nagmamartsang lumapit, pero ibinaba ko na si Winter para lang makatakbo kami palayo habang tumatawa.Nakisali na rin si Snow na gusto rin kaming hulihin. Tumakbo si Snow palapit sa amin, kasabay ng pagsugod ni Elizabeth mula sa kabilang parte ng pool. Tumakbo kami palayo ni Winter habang magkahawak kamay."Run!" Sigaw ni Winter.Napuno ng tawanan ang buong villa.Pagod na si Winter sa pagtakbo kaya nahuli rin kami ni Elizabeth, hinawakan niya ako sa braso at hinila palapit sa pool, medyo nanghihina pa ako dahil sa kakatawa, kaya nang itulak niya ako ay mabilis akong kumapit sa kamay niya para makahanap ng suporta.Sa huli, dalawa kaming bumagsak sa pool."Mommy!" Natatawang sigaw ni Winter at ni Snow.Malakas na tawanan nila Snow at Winter ang bumati sa amin nang makaahon kaming dalawa ni Elizabeth.Ganoon ang laging nangyayari, nagtutulakan, naghahabulan at nagtatawanan kaming apat. Walang kapaguran ang kam
Aurora's Point of ViewLimang katulong ang galing sa mansyon na ipinadala rito para magsilbi pansamantala dahil narito ang mga bata. Dalawa ang nagbabantay kay Snow at kay Winter, tatlo naman ang nagluluto at nagdadala ng pagkain dito sa amin.Ngayon ko lang talaga napagtanto na maaaring buhay prinsesa si Elizabeth, pero pinipili niya lang ang mamuhay nang mag-isa upang matuto sa maraming bagay na sarili niya lang ang inaasahan. Marunong siyang magluto, maglinis, maglaba at iba pang gawaing-bahay, samantalang may taga-silbi naman sila sa kanilang bahay."Kapag ikinasal ka, si Cassiopeia ang kunin mong maid of honor, ha?" Basag niya sa katahimikan.Agad na nagsalubong ang dalawa kong kilay. Kunot-noo ko siyang tiningnan."Ha?" Naguguluhan kong tanong. Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang niya iyong sinabi.Ngumiti siya sa akin at sumimsim sa inumin."Just in case," nagkibit-balikat siya.“Malay mo, maikasal ka, tapos kailangan mo ng maid of honor. I suggest, si Cassiopeia ang kuni
Hindi ko alam kung ano pa ang mararamdaman. Parang lumubo ang puso ko sa loob dahil sa pagtawag ni Winter sa totoo kong pangalan.She smiled."I like your name." Dagdag niya pa."Aurora is Sleeping Beauty's real name. Your name is a princess' name. Mommy Aurora."Mommy Aurora?Iniangat ko ang isang kamay para lamang haplusin ang pisngi ni Winter. Parang may mainit na kamay na humahaplos sa puso ko dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ko.It really means a lot to me. Noon, hindi ko alam kung magagawa ba nila akong tanggapin bilang ako. Bilang si Aurora, at hindi bilang si Candice.Kaya nakakataba ng puso na marinig mula sa kaniyang labi ang pagbigkas ng dati ay walang halaga kong pangalan."Aurora."Nag-angat ako ng tingin nang marinig ang boses ni Elizabeth. Nakapasok na pala sila sa bahay ni Alted.Mula kay Elizabeth, bumaling ang tingin ko kay Alted. Matigas pa rin ang ekspresyon ng kaniyang mukha."Daddy." Tawag ni Snow sa kay Alted.Nagbaba ako ng tingin. Medyo kinabahan din dahil
Aurora's Point of View Siya ang unang nagbawi ng tingin upang balingan ng tingin si Elizabeth. Alted. He's here. "Pinayagan kaming sumama ni Daddy." Ani Winter. Nakita ko ang pagtango ni Elizabeth sa sinabi ni Alted na hindi ko narinig dahil sumabay si Winter. Naunang naglakad ang babae palabas, sumulyap sa amin ulit si Alted at sumunod din palabas ng bahay. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa maglakad sila palayo. Patungo sa pool side sa labas. Pumitik ako sa reyalidad at ibinalik ang atensyon sa dalawang prinsesita na yakap ko. "G-gusto niyong kumain? Nagbreakfast na ba kayo?" Tanong ko. Masyado pang maaga, baka hindi pa sila kumakain. Mariin ang titig sa akin ni Winter, samantalang nakangiti naman ng magaan si Snow. "Done na Mommy." Sagot ni Snow na ipinulupot muli ang dalawang kamay sa batok ko. Lumapit siya para patakan ng halik ang pisngi ko. Humagikhik siya pagkatapos. Natigilan ako, hindi dahil sa paghalik at sa paghagikhik niya, napatulala ako sa kaniya nang mai
Aurora's Point of ViewMalaki pa rin ang ngiti sa labi ni Snow nang nagmamadaling tumakbo papunta sa pinto ng bahay.Wala akong lakas para suklian ang matamis niyang ngiti, pero nang marinig ko ang boses niya, parang hinaplos ng mainit na kamay ang puso ko.Bumalot agad ang matinding kasiyahan sa sistema ko, kasabay ng pagragasa ng pangungulila sa bawat parte ng pagkatao ko, dahilan para mangilid ang luha sa mga mata ko.My heart is aching deep inside. Ang alam ko masaya ako, sobrang saya, pero bakit nakakaramdam ako ng matinding kirot sa kaibuturan ng puso ko?Sinalubong sila ni Elizabeth para pagbuksan ng pinto dahil hindi ko na magawang umalis sa kinatatayuan ko.Dire-diretso naman si Snow sa pagpasok ng bahay nang mabuksan ang pinto, hindi na niya halos tinapunan ng tingin ang kaniyang Tita Liza dahil nagmamadali siyang tumakbo papunta sa akin.She held her small arms up. Patakbo siyang lumapit at umamba ng yakap."Mommy!" She excitedly shouted.Idinipa niya ang mga kamay kaya aga