Home / Romance / His Fake Wife / Kabanata 41: Back

Share

Kabanata 41: Back

Author: Purplexxen
last update Last Updated: 2025-03-06 19:58:11

Aurora's Point of View

PARANG tumatambol ang puso ko sa loob at gusto na no’n lumabas. Chopper ni Nexon ang ginamit namin para agad makarating ng San Gabriel kung saan bumaba ang chopper sa helipad na pagmamay-ari ni Primitivo.

Mas mabilis kung chopper ang gagamitin kaya kahit unang beses ko iyon, tinapangan ko na lamang ang loob ko. Hindi na rin ako masyadong naglikot sa takot na baka mahulog o kaya ay dumugo ang sugat ko sa likod.

Pababa pa lang kami nakasimangot na si Elizabeth at mas lalo pang sumimangot nang salubungin kami ng isang lalaki na pamilyar na rin sa akin.

Si Primitivo.

Narinig ko ang sinabi ni Nexon kanina, paniguradong magbabangayan daw ang dalawa kaya kailangan kong intindihin sila. Tama nga naman si Nexon dahil pababa pa lang kami ng hotel nagbabangayan na silang dalawa.

Hanggang sa makapasok kaming tatlo sa loob ng elevator hindi pa rin sila natigil.

"Gusto ng kapatid mo na ako mismo ang maghatid sa inyo." Ani Primitivo na sinulyapan pa ako ng tingin
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Laarni Coreo
gnda Ng kwento
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • His Fake Wife   Kabanata 41.2: Back

    Aurora's Point of View Mauuna sa amin si Nexon para bisitahin sila Alted ngayong umaga at masiguradong nakahanda na ang lahat dahil ako lamang ang hinihintay nila para magsimula na ang lahat. Hindi ko alam ang buong plano pero nangako silang dalawa na magiging ligtas ang lahat sa pagdating ko. Kahit alam kong kaya niya iyong gawin, hindi pa rin mawala sa puso ko ang pangamba. I couldn't make my heart safe now. Dahil alam ko, hindi pa man nagsisimula ang lahat, durog na ang puso ko. The hardest slap comes from the reality. Pero hindi lang yata sampal ng reyalidad ang iginawad sa akin, suntok at tadyak na rin. Natatakot ako. Hindi kay Candice, kung hindi kay Alted at sa mga bata. Hindi ko alam kung dahil ba sa bilis ng pagpapatakbo ng sasakyan ni Elizabeth o sadyang mabilis lang talaga lumipas ang oras kaya natagpuan ko na lamang ang sarili na nasa tapat nang malaking gate ng mansyon ni Alted. Mayroon guard doon noon pa man pero sa tuwing nakikita niya ang pamilyar na SUV na

    Last Updated : 2025-03-06
  • His Fake Wife   Kabanata 41.3: Back

    Aurora's Point of View "Come on." Untag ni Elizabeth na itinagilid pa ang ulo papunta sa direksyon ng hagdan. Sumunod ako sa kaniya papaakyat at nang matapat sa malaking pintuan na nakabukas at tuluyang napuno ng samu't saring emosyon ang puso ko. "Nexon!" That loud growl ruined the peacefulness. Alam kong boses iyon ni Alted kaya nagmamadaling pumasok si Elizabeth. Nanatili ang tipid kong hakbang dahil sa takot na baka nagkakagulo na sila ng tuluyan sa loob. Sa salas. "Put that down!" Another growl. "Kuya Alted! Hayaan mo si Kuya Nexon!" Boses ni Elizabeth iyon. Tuluyan kong naipasok ang sarili at natagpuan ang senaryo. Nakatutok ang baril ni Nexon kay Candice habang may hawak rin si Candice na baril at nakatutok na ngayon sa lalaking nakasalampak sa sofa. Si Alted ay nakatayo at halata ang galit sa mukha at gustong lapitan si Nexon, pero pinigilan na ito ni Elizabeth. Ang mga katulong ay nahintatakutang gumilid. "This is insane!" Malakas na sigaw ni Candice at mula sa pagk

    Last Updated : 2025-03-06
  • His Fake Wife   Kabanata 42: Leave

    Aurora's Point of View Dahil sa namayaning katahimikan, tanging paghikbi na lamang ni Snow at ni Winter ang naririnig. Nag-angat sila sa akin ng tingin kahit na hilom ng luha ang kanilang mga mata. Walang lumabas na salita sa labi nila pero alam kong marami silang gustong sabihin. Natigilan lamang ako nang haplusin ni Winter ang kwentas na suot ko. Bumaba rin ang tingin ko roon at napagtantong iyon ang naging basehan nila para makilala ako. Suot ko pa rin ang kwentas. Singsing lang ang kinuha sa akin ni Candice noon, dahil akala niya iyon lang ang mahalaga. Ngayon na nasa akin pa rin ang kwentas, buong puso akong nagpapasalamat na naalala nila ang bilin ko sa kanila. "Ano ba?!" Galit na boses iyon ni Candice dahilan para mapatingin kami sa kaniya. Sinubukan niyang umalis sa pwesto niya, pero hinawakan siya ng mariin sa braso ng babaeng pulis. Nagpumiglas pa siya habang nadedepina ang galit at iritasyon sa mukha niya. "Take her," ani Elizabeth nang makabawi. "Make sure na hi

    Last Updated : 2025-03-06
  • His Fake Wife   Kabanata 42.2: Leave

    Aurora's Point of View Mariin kong itinikom ang bibig dahil sa sinabi niya. Wala akong narinig na reaksyon dahil malakas na tawa na lamang ni Candice ang namayani sa buong mansyon. "Biruin mo, napapaniwala mo siyang ikaw ay ako. When in fact you're just a fake wife! You're just faking it all! Dahil kahit kailan hinding-hindi ka magiging ako! Hinding-hindi!" Hindi ko na mapaglabanan ang galit sa puso ko. Gusto ko siyang sampalin ulit pero hindi madiktahan ng isip ko ang dapat gawin ng kamay ko. "At hindi ko rin ginustong maging ikaw!" Pigil ang boses na hasik ko pabalik. "Walang may gustong maging ikaw, Candice. Kasi hindi ka tao! Kinakain ka na ng kasakiman mo para sa pera! Hindi ka marunong magmahal kaya hindi ka makuntento sa buhay! At iyon ang pinaka-nakakaawa sa lahat. Dahil habang nabubuhay ka, mararamdaman mong humihinga ka, pero walang patutunguhan ang paggising mo sa umaga. Money can't buy everything! Hindi no’n mabibili ang pagmamahal dahil kusa iyong ibinibigay. Hi

    Last Updated : 2025-03-06
  • His Fake Wife   Kabanata 42.3: Leave

    Aurora's Point of View "Mommy." Kumawala ang mga hikbi sa kaniyang labi. "Hindi mo kami iiwan, hindi ba?" Si Winter. "Ikaw ang Mommy namin!" Malakas na sigaw ni Snow. "You won't leave us, right? Please, Mommy... Don't leave us again." "H-hindi totoo iyong sinabi kanina, hindi ba?" Tumingala si Winter sa akin at kitang-kita ko ang mga mata niyang namumula pa rin dahil sa pag-iyak. Malayang umaagos ang mga luha niya na nagpahirap sa akin sa paghinga. "Kuya Alted." Si Elizabeth iyon sa malumanay na boses. Hindi ko sila tiningnan dahil naka-pokus na lamang ako sa dalawa. "Winter." I softly called her name. Narinig nila at nakita ang lahat. Alam kong nalilito sila sa mga nangyayari, pero dahil matalino silang dalawa ni Snow, alam kong maiintindihan nila ang sasabihin ko. Nang makita nilang handa na akong magsalita para magpaliwanag ay agad na umiling si Winter. "No! Hindi totoo ‘yon!" Sigaw niya, pilit na itinatanggi ang katotohanan. "Hindi totoo ‘yon. Ikaw ang Mom

    Last Updated : 2025-03-06
  • His Fake Wife   Kabanata 43: Old Dreams

    Aurora's Point of ViewMY heart ached more but my body was already numb. Parang kumikirot ang puso ko, pero namamanhid naman ang buong parte ng katawan ko. Nakatulala lamang ako sa labas ng bintana habang dinadaanan namin ang mga puno, bahay at ilang establismento.Buti na lamang pagod na ang mga mata ko sa pag-iyak kaya wala nang luha ang nagmalabis na tumulo."Aurora." Masuyong boses ni Elizabeth ang tumawag sa akin.Agad akong lumingon at tiningnan siya. Mariin ang kaniyang tingin sa akin, at nang magsalubong ang tingin namin ay napabuntong-hininga siya.Walang salita ang lumalabas sa bibig niya, pero marami ang gustong sabihin ng mga mata niya.Napipilitan akong ngumiti at sumulyap din sa driver's seat kung saan naroon si Nexon na tahimik lamang.Kung utang na loob lamang ang pag-uusapan, hindi ko na kayang bayaran iyon sa salita lamang. Malaki ang utang na loob ko sa kanilang magkapatid.Pagkatapos ng sandaling pagtatalo ni Elizabeth at Alted kanina, pinili nila na isama ako sa

    Last Updated : 2025-03-08
  • His Fake Wife   Kabanata 43.2: Old Dreams

    Aurora's Point of ViewI swallowed the bitterness. Dati-rati, gusto kong makaalis sa mansyon na ‘yon. Dati, gusto kong makalayo sa kaniya at ipamukhang hindi ako ang asawa niya. I slowly changed my mind. From escaping, I realized I wanted to stay with them... pansamantala.Sabi ko ibabalik ko rin sila kapag bumalik na si Candice. Hihiramin ko lang sila tapos ibabalik ko rin.Pero nang dumating si Candice nagbago na naman ang isip ko, sinabi ko sa sarili ko na hinding-hindi ko hahayaan na makabalik si Candice sa buhay nila. Kung mawawala man ako sisiguraduhin kong pareha kaming mawawala sa buhay nila.Then everything changed again. Ngayon na malayo ako sa kanila parang hindi ako kumpleto. Parang hindi ko mahanap ang sarili ko. Para akong nabasag na salamin, hindi ko na alam kung maaayos pa ba ulit o mananatiling sira na nang tuluyan.Akala ko handa ako na umalis sa buhay nila, pero ngayon na nangyari na, parang ang bilis ng pangyayari at ang hirap iproseso.Hindi ko alam kung kailan n

    Last Updated : 2025-03-08
  • His Fake Wife   Kabanata 43.3: Old Dreams

    Aurora's Point of View Kaya nang maghilom na ang sugat ko sa likod isinasama na ako ni Elizabeth sa mga pinupuntahan niya. Some were parties and others were casual meet up with her investors and friends. Pinapakilala niya akong personal assistant sa lahat ng nakakaharap namin. She even gives me paperworks. Natatawa na lang ako dahil hindi ako maalam sa una pero nang umabot ng dalawang linggo ang mga ginagawa ko ay natuto rin ako. Kailangan ko lang e-double check kung napirmahan na niya o kung hindi pa. May mga business proposal din ang dumadating sa rest house na pinapacheck niya muna sa akin kung maayos ba o hindi. Noong una, nalulugaw ang utak ko kapag masyado ng malaki ang proposed business. Kaya tinuturo niya sa akin kung paano iyon maiintindihan agad at kung ano ang pinakaimportante. Doon ko rin napagtantong marami pala siyang negosyong nakatayo sa San Gabriel. Mga coffee shops, bookstores, pet shops at boutiques. Nabanggit niya na maliliit pa lang na negosyo iyon dahil na

    Last Updated : 2025-03-08

Latest chapter

  • His Fake Wife   Kabanata 48.2: We Want You Home

    Aurora's Point of View Siya ang unang nagbawi ng tingin upang balingan ng tingin si Elizabeth. Alted. He's here. "Pinayagan kaming sumama ni Daddy." Ani Winter. Nakita ko ang pagtango ni Elizabeth sa sinabi ni Alted na hindi ko narinig dahil sumabay si Winter. Naunang naglakad ang babae palabas, sumulyap sa amin ulit si Alted at sumunod din palabas ng bahay. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa maglakad sila palayo. Patungo sa pool side sa labas. Pumitik ako sa reyalidad at ibinalik ang atensyon sa dalawang prinsesita na yakap ko. "G-gusto niyong kumain? Nagbreakfast na ba kayo?" Tanong ko. Masyado pang maaga, baka hindi pa sila kumakain. Mariin ang titig sa akin ni Winter, samantalang nakangiti naman ng magaan si Snow. "Done na Mommy." Sagot ni Snow na ipinulupot muli ang dalawang kamay sa batok ko. Lumapit siya para patakan ng halik ang pisngi ko. Humagikhik siya pagkatapos. Natigilan ako, hindi dahil sa paghalik at sa paghagikhik niya, napatulala ako sa kaniya nang mai

  • His Fake Wife   Kabanata 48: We Want You Home

    Aurora's Point of ViewMalaki pa rin ang ngiti sa labi ni Snow nang nagmamadaling tumakbo papunta sa pinto ng bahay.Wala akong lakas para suklian ang matamis niyang ngiti, pero nang marinig ko ang boses niya, parang hinaplos ng mainit na kamay ang puso ko.Bumalot agad ang matinding kasiyahan sa sistema ko, kasabay ng pagragasa ng pangungulila sa bawat parte ng pagkatao ko, dahilan para mangilid ang luha sa mga mata ko.My heart is aching deep inside. Ang alam ko masaya ako, sobrang saya, pero bakit nakakaramdam ako ng matinding kirot sa kaibuturan ng puso ko?Sinalubong sila ni Elizabeth para pagbuksan ng pinto dahil hindi ko na magawang umalis sa kinatatayuan ko.Dire-diretso naman si Snow sa pagpasok ng bahay nang mabuksan ang pinto, hindi na niya halos tinapunan ng tingin ang kaniyang Tita Liza dahil nagmamadali siyang tumakbo papunta sa akin.She held her small arms up. Patakbo siyang lumapit at umamba ng yakap."Mommy!" She excitedly shouted.Idinipa niya ang mga kamay kaya aga

  • His Fake Wife   Kabanata 47.3: Unexpected

    Aurora's Point of View Isinubo niya ang tinapay bago nagpatuloy. "Oo, nagkamali ka. Sabihin natin na nagsinungaling ka sa kanila, pero may ginawa ka ba na ikinasama nila? Wala naman, hindi ba? Naging mabuti ka sa kanila." Ibinaba niya muli ang pagkain at matiim akong tinitigan. "Nasaktan lang si Kuya Alted kasi huli na para malaman niya ang totoo at hindi pa iyon gaanong maliwanag sa kaniya. He was shocked to know the truth! Kahit naman ako, noong nalaman ko ang totoo, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Hindi madali na tanggapin na lang iyon agad, Aurora. Naguluhan din ako." Naalala ko bigla na hindi siya agad naging mabait sa akin. Kahit na inaalagaan nila ako ni Nexon, nakikita ko pa rin sa kaniyang mga mata ang pag-aalinlangan, ang pagkamuhi, at ang pagkalito. It was hard. Kahit sa sarili ko noon, hindi ko magawang tanggapin agad na magkapatid kami ni Candice kaya magkamukhang-magkamukha kami. "If you really love my cousin, as well as the kids, hindi ba dapat na

  • His Fake Wife   Kabanata 47.2: Unexpected

    Aurora's Point of View "We are just going to visit them, Aurora. Hindi naman tayo matutulog sa bahay ni Kuya Alted, babalik din tayo agad kapag palubog na ang araw! Or even before the sun sets!" Puno ng frustrasyon ang boses ni Elizabeth. Tiningnan ko siya at nagbuntong-hininga. Sumunod siya sa akin nang pumasok ako sa kusina. Hindi maipinta ang kaniyang mukha at halatang nasira na ang kaniyang umaga dahil sa patuloy kong pagtanggi. Gusto ko naman e, gustong-gusto kong sumama, pero hindi ko pa kaya. Kahit anong pilit ko sa sarili. Kahit akong kumbinsi ko. Naduduwag pa rin ako. Maisip ko pa lang na makikita ko si Alted sa bahay niya kapag bumisita kami ngayong araw ay para na akong binubuhusan ng malamig na tubig. Wala akong mukhang ihaharap sa kaniya. Ayaw ko rin pahirapan ang mga bata. Naiintindihan ko ang galit ni Alted sa akin. Naiintindihan ko kung hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin. Wala nang dahilan para tanggapin niya ako sa pamamahay niya. Sabihin man natin na

  • His Fake Wife   Kabanata 47: Unexpected

    Aurora's Point of ViewHapon nang makabawi ako sa lahat ng pagkakatulala at pagkawala sa sarili. Ang dami kong iniisip, dahilan para mapagod na lamang ako at walang magawa sa buong maghapon.Alas kuatro y media nang bumaba ako at maabutan sa sala si Elizabeth na mag-isang nanonood ng romantic movie.Nag-order pa siya ng dalawang pizza na ngayon ay nakapatong sa coffee table kasama ang popcorn at juice. Napailing ako sa sarili. Akala ko nasa taas siya at nagkukulong sa kuwarto.Lumapit ako at tumabi sa kaniya sa pagkakaupo sa mahabang sofa. Saglit niya akong nilingon at ibinalik din agad ang tingin sa flatscreen.“What happened to your eyes?” Tanong niya, ngunit ang mga mata ay nakapako na sa television.Hindi ko siya sinagot.Umupo ako sa kabilang dulo. Siya naman ay nakaupo rin sa kabilang dulo ng sofa. Ang kaniyang mga paa ay nakapatong sa sofa, bahagya siyang nakaharap sa akin, ngunit ang kaniyang ulo ay nakatutok sa flatscreen.“Get yourself some pizza.” Aniya.Iniabot niya sa aki

  • His Fake Wife   Kabanata 46.3: Information

    Aurora's Point of View I shifted on my seat. Ngayon ko lang din napansin na halos hindi na ako humihinga dahil sa pakikinig sa kaniya. "Nabuntis niya si Candice, but she didn't really love him. She has a lover in Lanayan. Iyong kababata niya, kaya ayaw niyang dito magpakasal para hindi malaman ng lalaking iyon na kasal na siya kay Kuya Alted. Pero sa huli, nalaman din ng lalaki, ang Auntie mismo ni Candice ang nagsabi do’n sa lalaki kaya ayon," umiling siya. "Nagpakamatay." Patuloy siya sa pag-iling. "Nasa ibang bansa pa no'n sila Kuya Alted, kaya nang makauwi, huli na nang nalaman ni Candice. Then everything turned out complicated. Sinisi niya si Kuya Alted sa lahat. Muntik niya pang ipalaglag sila Snow at Winter dahil sa galit na nararamdaman dahil sa pagpapakamatay no’ng lalaki. Mas lalo pa akong nagalit sa kaniya kasi lumabas lang na hindi niya naman pinakasalan si Kuya Alted dahil gusto niya, pinakasalan niya alang-alang sa pera. Goodness!" Naramdaman kong lumalamig na ang ga

  • His Fake Wife   Kabanata 46.2: Information

    Aurora's Point of View"Twelve years old lang siya no’n nang mangyari ang aksidente. Tita Dem and Tito Astren didn't make it. They were declared dead on arrival. Si Kuya Alted lang ang nakaabot sa ospital." Humina ang kaniyang boses at tuluyan siyang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga."It was hard for him. Bata pa siya masyado para maiwan mag-isa. Kaya dinala siya ni Papa sa bahay noon para sa amin muna tumira hanggang sa gusto niya. Maraming naiwan na ari-arian at negosyo sila Tito Astren kaya si Papa muna ang humawak no’n habang hinihintay si Kuya Alted na makapagtapos, dahil siya lang naman ang magmamana ng lahat sa huli. Si Papa at Mama muna ang kumupkop at tumayong magulang sa kaniya."Marahil, iyon din ang rason kung bakit sobrang lapit ni Alted kay Elizabeth at kay Nexon. Magkakasama pala silang lumaki."Madalas, nakikita ko siyang umiiyak ng tahimik sa kaniyang kuwarto. Bata pa ako masyado para mapansin ang mga problema ng ibang tao, pero sa tuwing nakikita ko siyang u

  • His Fake Wife   Kabanata 46: Information

    Aurora's Point of ViewAlas nuebe nang gabi nang bumaba ako sa kusina para magtimpla ng gatas. Madalas, nahihirapan akong makatulog lalo na kung marami ang iniisip. Kaya bumababa ako para magtimpla ng gatas.Matatanaw mula sa dining area ang malaking swimming pool sa labas. Bago dumiretso sa kusina, nasulyapan ko ang pamilyar na pigura ni Elizabeth na nakatayo malapit sa pool.Mukhang may kausap siya dahil hawak niya ang kaniyang cellphone malapit sa tainga.Saglit na kumunot ang noo ko nang makitang pabalik-balik siya, tila hindi mapakali.Baka may problema?Kaysa tumuloy sa kusina, dumiretso ako sa double doors para lumabas ng bahay. Aligaga masyado si Elizabeth, baka mayroong problema."Of course not, Kuya!"Hindi marinig mula sa loob ang kaniyang boses, pero ngayon na nasa labas na ako'y napuno agad ng galit niyang tono ang pandinig ko."Why is it that it's my fault now? Masisisi mo ba ako kung nagalit din ako sa ginawa niya do’n sa tao? He was unfair! Dapat lang na may makuha siy

  • His Fake Wife   Kabanata 45.2: Try A Date

    Aurora's Point of View "No, it's okay." Maagap na tugon ni Deo. Seryoso ang ekspresyon ng kaniyang mukha. "Virginia is just messing around, Aurora. I'm sorry." Dagdag niya. "She really likes to sell me around like a pizza." I awkwardly smiled at him. Hindi ko alam kung seryoso siya o hindi, pero ayaw kong makipag-date na lang ng ganoon. Kahit pa biro lang ni Virginia, mas mabuti nang malinaw sa amin. Marahan na tumawa si Virginia. "Ang hina mo talaga sa babae, Deo." Tumawa rin si Elizabeth. Hindi ko alam kung ano ang nakakatawa sa nangyari. "We have to go. Mauna na kami sa inyo." Paalam ni Elizabeth. Nilingon niya ako at tumango. Naglakad kami paalis, ngunit sa may pinto pala naghihintay ang sales lady na may dalang limang paper bag. "Thank you for purchasing, Miss Dela Fuente." Nakangiting sabi ng sales lady. Tinanggap ni Elizabeth ang paper bags at tumango. Lumabas kami sa store. Dala ko ang mga pinamili niya para sa kambal, samantalang dala naman niya ang mga bagong pape

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status