Home / Romance / Wife of Mr. Azrael Alcazar / Kabanata 21 - Kabanata 30

Lahat ng Kabanata ng Wife of Mr. Azrael Alcazar : Kabanata 21 - Kabanata 30

84 Kabanata

CHAPTER 21

Alora's POV "Mahal kita." Parang sirang plaka iyong paulit-ulit na tumutunog sa isip ko. Para ring napako ang paa ko sa kinatatayuan ko dahil sa narinig ko. Mahal niya ako? Ako na simpleng panakip butas lang sa pwesto ng totong asawa niya. Mahal niya kami ni Rail. "Ako naman ang sagutin mo. Iyon ba ang dahilan kung bakit umalis ka ng walang paalam? Kung bakit itinago mo sa akin ang anak natin?" Tumango ako ng hindi tumitingin sa kanya at hindi umaalis sa kinatatayuan ko. "Noong marinig ko iyon sa usapan ng mga tauhan mo, natakot ako. Natakot ako na baka magalit ka kase buntis ako dahil hindi naman ako ang tunay mong asawa. Higit sa lahat natakot ako dahil baka gawin mo rin ang ginawa sa akin ni Koen at natakot rin ako dahil baka maranasan din iyon ni Rail." Patak ng luha ko sa sahig ang tangi kong naririnig sa ilang minuto na pagtahimik. "Ano bang ginawa sayo ng Koen na iyon?" Lumambot na ngayon ang boses niya. Nilapitan niya rin ako at pinaupo sa sofa. Ayokong magkwento sa
last updateHuling Na-update : 2025-01-29
Magbasa pa

CHAPTER 22

Alora's POV"Excited ka na ba sa bago mong kwarto?" tanong ni Azrael kay Rail na kanina pa hindi mapakali. Simula noong pag-uusap namin sa opisina niya ay hindi na ulit namin binuksana ng topic na iyon. Halos mabaliw na rin ako sa kakaisip matapos ang usapang iyon dahil sa pag-amin ko sa kanya. Hindi ko napigilan ang bibig ko dahil sinabi niya rin naman na mahal niya ako."Ini-spoil mo naman masyado," sabi ko. Ginawan niya kase si Rail ng panibagong kwarto kung saan ilalagay ang mga laruan niya, pangalawang kwarto na iyan ng anak namin kasama na ang tinutulugan niya. "Hayaan mo na, para naman sa ganitong paraan ay makabawi ako sa anak natin." Alam ko namang seryoso siya sa pagbawi sa anak namin dahil sa effort niya pero baka masanay si Rail.Mas naging close pa nga sila masyado dahil palaging magkasama sa kwartong iyon eh. Buong araw ay hindi sila mapapakali kapag hindi naglalaro. Hindi ko na nga alam kung pumapasok pa sa trabaho itong si Azrael."Wala kang pasok ngayon?" tanong ko
last updateHuling Na-update : 2025-01-29
Magbasa pa

CHAPTER 23

Alora's POV"Azrael, Rail ready na raw ang pagkain!" tawag ko sa kanila noong sabihin sa akin ni Manang Fe na tapos na raw siyang maghanda. Siya ang taga-luto dito sa bahay at ngayon ko lang din nalaman ang pangalan niya dahil hindi naman kami nag-uusap dati. Lumabas pa ako at nagtungo sa harden kase mukhang hindi nila narinig ang pagtawag ko. "Ano ba naman yan Azrael! Bakit kayo naglalaro ng putik?!" sabi ko agad noong maabutan ang ginagawa nila. "Rail wants to build a sandcastle," sagot ni Azrael at patuloy pa rin sa paglalagay ng putik sa isang baso. Natampal ko na lang ang noo ko, hindi ko alam kung sino ba ang bata sa kanilang dalawa. "Kapag hindi talaga kayo tumigil diyan walang kakain sa inyong dalawa." Bigla namang tumayo si Rail noong marinig ang salitang kain.Naglakad din siya papunta sa loob ng bahay. "Saan ka naman pupunta Rail?" Huminto siya at humarap sa akin nagpapa-cute. "Ayy nakoo, huwag kang magpa-cute diyan hindi iyan gagana sa akin." Inilibot ko ang paningin
last updateHuling Na-update : 2025-01-30
Magbasa pa

CHAPTER 24

Alora's POV "Sigurado ka bang safe na lumabas? Kasama pa naman natin si Rail." Nag-aya kase si Azrael na mag-mall dahil para maibaw na man daw. Hindi ako pumayag noong una pero hindi ko naman pwedeng bawiin ang saya sa mukha ng anak ko at saka sinabi naman ni Azrael na safe naman daw. "Wife kalma. I have my hands on Koen so we are 100 percent safe." Hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. Hindi na lang kase ang buhay naming dalawa ang posibleng mailagay sa panganib pati na rin ang buhay ng anak namin. Tumuloy pa rin kami sa pagpunta sa mall at hinding-hindi maitago ng anak namin ang kasiyahan niya dahil sobrang daldal niya sa buong byahe. "Ano po ang mayroon doon? Mayroon po bang big toys?" inosente niyang tanong. First time niya kaseng makakapunta sa mall dahil noong hindi pa kami nahahanap ni Azrael ay palagi lang kaming nasa bundok."Mayroon, gusto mo bang bumili tayo ng marami?" Nagsaya naman agad si Rail dahil sa narinig mula sa ama pero tiningnan ko lang si Azrael. Ayan na nama
last updateHuling Na-update : 2025-01-30
Magbasa pa

CHAPTER 25

Alora's POV"Wife. Andito na yung damit ni Rail." Ngayon dumating ang biniling damit ni Azrael para kay Rail. Ang damit na traditional ng ibang bansa na gagamitin namin para sa photo shoot.Bumaba rin naman agad ako at nandoon na silang mag-ama sa sofa. Pagkaupo ko sa tabi nila ay binuksan na namin ang mga iyon. Nalaman ko rin na ngayong araw na rin kami magpi-picture kaya noong dumating ang photographer ay nagbihis na kami agad. Nauna naming isuot ang damit ng Thailand, naupo kami sa isang stool at nakakandong naman si Rail sa amin. Sumunod ay ang damit ng Korea at ganon lang din ang ginawa namin umupo sa stoll habang kinukuhaan kami ng picture. Ang panghuli naming isinuot ay ang damit ng China. Matapos kaming kuhaan ng picture ay umalis na rin ang photographer. "Tatlong bansa lang muna para may time pa tayong mag-spend time together." Iyon nga ang ginawa namin.Nanatili kami buong umaga sa playroom ni Rail. Ginamit namin iyong mga laruan na binili namin kahapon sa mall. "Tingna
last updateHuling Na-update : 2025-01-31
Magbasa pa

CHAPTER 26

Alora's POV Matapos ang nangyari sa daddy ni Azrael ay palagi na ring umaalis ng bahay si Azrael. Nabawasan na ang bonding time nila ni Rail pero kahit papano ay hindi naman nagtatampo ang anak namin dahil kapag umuuwi si Azrael ay palagi rin naman silang nag-uusap at naglalaro kahit gaano kapagod si Azrael. "Buti hindi nagtatampo sayo yan," sabi ko kay Azrael. Naabutan ko silang naglalaro sa playroom ni Rail at hindi pa siya nakapagpalit ng damit. "Nagtatampo naman pero madali lang suyuin katulad mo," ngumiti siya pero madali lang ba talaga akong suyuin?"Tini-take advantage mo naman?" Umiling siya agad at natawa. "Hindi ah, kahit naman mabilis kang suyuin natatakot pa rin akong baka hindi mo ako patawarin.""Bolero. Patulugin mo na yan si Rail, ikaw daw ang gusto niyang katabi ngayon." Lumabas na ako matapos kung sabihin iyon. Magha-half bath pa rin kase ako. Sa pag-aayos ko ng mga tanim kanina sa garden ay ang kati na tuloy ng katawan ko. Binilisan ko naman ang pag-half bath
last updateHuling Na-update : 2025-01-31
Magbasa pa

CHAPTER 27

Alora's POVAng palaging pagkawala ni Azrael sa bahay ay nagpatuloy pa ng ilang araw hanggang sa minsan hindi na talaga siya umuuwi. Nag-aalala ako syempre kahit alam ko namang trabaho ang inaatupag niya. Dumagdag pa sa pag-aalala ko ang dahan-dahang pagdami na naman ng bantay sa bahay. Masaya man si Rail dahil mas marami siyang kalaro ay hindi niya pa rin maiwasang hanapin ang ama niya. "Mama kailan uuwi si papa?" Pilit kong hinanap ang sagot sa tanong ni Rail pero dahil hindi ko rin alam ang sasabihin ko ay tiningnan ko na lang siya. "Antayin na lang natin siya mamaya, baka hindi na siya busy sa work." Tumango naman siya at iyon nga ang ginawa namin. Inantay namin ang ama niya sa may sofa habang nanonood ng TV. Ilang oras din kaming ganon hanggang sa makatulog na lang si Rail sa tabi ko pero wala pa ring Azrael na umuuwi. Mas lalo tuloy lumala ang pag-aalala ko, tinanong ko na rin ang mga tauhan na nandoon pero hindi raw nila alam. Tinawagan ko rin si Azrael at tinext pero walang
last updateHuling Na-update : 2025-02-01
Magbasa pa

CHAPTER 28

Alora's POVMaganda ang gising naming dalawa ni Rail kahit hindi na namin naabutan si Azrael. "Uncle umuwi kagabi si papa!" excited pang kwento ni Rail kay Uncle Calem niya na nagpanggap naman na hindi alam ang pag-uwi ni Azrael. "Talaga? Anong sabi ng papa mo?" Iniwan ko sila doon sa sala at hinayaan na magkulitan. Dumiretso ako sa kusina para sana maghanda na ng umagahan pero laking gulat ko ng makita si Azrael na nagluluto. Iyon ang first time na makita ko siyang nasa harap ng stove, naka apron pa habang sout ang polo shirt niya. In fairness ang pogi niya sa ganyan."Akala ko umalis ka na." Yinakap ko siya mula sa likod at may ngiti naman niya akong hinarap. "Kaya pala andito si Calem kase hindi ka naman pala umalis, ito na ba yung sinasabi mong pagbawi?"Umiling siya. "Hindi pa 'to wife. Patikim pa lang 'to sa pagbawi ko. Saka gusto ko muna magpaalam sa inyo bago ako umalis kaya inantay ko kayong magising ni Rail." Bumitaw ako sa pagyakap sa kanya at humilig sa may mesa. "Soss
last updateHuling Na-update : 2025-02-01
Magbasa pa

CHAPTER 29

Alora's POVPatuloy naming binaybay ang daan patungo sa tagong bahay nila Azrael. Hindi ko alam kung saang lugar iyon basta ang alam ko lang ay nasa kabilang daan iyon papunta sa Sta. Cruz— ang lugar kung saan ako namulat, namalimos at kung saan kami namuhay ni Rail ng dalawang taon. Nang makarating kami sa bahay na tinutukoy ni Azrael ay agad kaming pumasok. Walang nakasunod sa amin na mga tauhan niya maliban na lang kay Calem na kasama namin. Maliit lang ang bahay na ito ng kunti pero maganda, modern ang design at may garden din, may maliit na pool at isang palapag lang iyon."Sa isang kwarto lang muna tayo." Inilapag niya si Rail sa kama dahil nakatulog na iyon sa byahe. Kinuha ko naman ang mga damit na dala namin at mga laruan. Ang mga laruan lang ang inilabas ko sa bag dahil kung ilalabas ko pa ang mga damit ay baka mahirapan na naman kaming tumakas kapag nangyari ulit ang pag-ambush ni Koen. Sa paarang iyon ay madali kaming makakatakas kase isang hablot lang namin ng mga gamit
last updateHuling Na-update : 2025-02-01
Magbasa pa

CHAPTER 30

Alora's POVSimula noong lumipat kami sa bagong bahay ay hindi nga naulit iyong aksidente at sana nga hindi na talaga. Mas komportable na rin ako dahil walang mga tauhan na palaboy-laboy sa loob at labas ng bahay. Ang tanging kasama lang kase namin ay si Calem. Hindi na rin umaalis ng bahay si Azrael kaya naman sobrang saya rin ng anak namin dahil palagi silang magkasama. "Yes, tell dad to make sure that the officer keeps his mouth shut or else we can't continue our operation in China," sabi ni Azrael sa kausap niya sa cellphone.Iyon ang ginagawa niya kapag tulog si Rail, nagtra-trabaho. Kung sino-sino ang tinatawagan niya at minsan naman ay si Calem ang pinapapunta niya sa mga meetings niya. "Sure ka bang hindi magagalit ang daddy mo na hindi ikaw mismo ang pumupunta sa mga meetings?" Nasa may swimming pool kami ngayon at kaaalis lang ni Calem para um-attend sa meeting ni Azrael. "Hindi naman ata," sabi niya mukhang hindi pa sigurado. "Bakit hindi na lang kase ikaw ang pumunta
last updateHuling Na-update : 2025-02-02
Magbasa pa
PREV
123456
...
9
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status