Alora's POVPatuloy naming binaybay ang daan patungo sa tagong bahay nila Azrael. Hindi ko alam kung saang lugar iyon basta ang alam ko lang ay nasa kabilang daan iyon papunta sa Sta. Cruz— ang lugar kung saan ako namulat, namalimos at kung saan kami namuhay ni Rail ng dalawang taon. Nang makarating kami sa bahay na tinutukoy ni Azrael ay agad kaming pumasok. Walang nakasunod sa amin na mga tauhan niya maliban na lang kay Calem na kasama namin. Maliit lang ang bahay na ito ng kunti pero maganda, modern ang design at may garden din, may maliit na pool at isang palapag lang iyon."Sa isang kwarto lang muna tayo." Inilapag niya si Rail sa kama dahil nakatulog na iyon sa byahe. Kinuha ko naman ang mga damit na dala namin at mga laruan. Ang mga laruan lang ang inilabas ko sa bag dahil kung ilalabas ko pa ang mga damit ay baka mahirapan na naman kaming tumakas kapag nangyari ulit ang pag-ambush ni Koen. Sa paarang iyon ay madali kaming makakatakas kase isang hablot lang namin ng mga gamit
Alora's POVSimula noong lumipat kami sa bagong bahay ay hindi nga naulit iyong aksidente at sana nga hindi na talaga. Mas komportable na rin ako dahil walang mga tauhan na palaboy-laboy sa loob at labas ng bahay. Ang tanging kasama lang kase namin ay si Calem. Hindi na rin umaalis ng bahay si Azrael kaya naman sobrang saya rin ng anak namin dahil palagi silang magkasama. "Yes, tell dad to make sure that the officer keeps his mouth shut or else we can't continue our operation in China," sabi ni Azrael sa kausap niya sa cellphone.Iyon ang ginagawa niya kapag tulog si Rail, nagtra-trabaho. Kung sino-sino ang tinatawagan niya at minsan naman ay si Calem ang pinapapunta niya sa mga meetings niya. "Sure ka bang hindi magagalit ang daddy mo na hindi ikaw mismo ang pumupunta sa mga meetings?" Nasa may swimming pool kami ngayon at kaaalis lang ni Calem para um-attend sa meeting ni Azrael. "Hindi naman ata," sabi niya mukhang hindi pa sigurado. "Bakit hindi na lang kase ikaw ang pumunta
Azrael's POVSimula noong nahanap ko ang asawa ko sa isang bundok ng Sta. Cruz at naabutan ko siyang ginagahasa ng mortal na kaaway ng pamilya namin ay hindi na natanggal ang kulo ng dugo ko kay Koen— ang lalaking naabutan kong binababoy ang pinakamamahal kong asawa. Itinago ko siya sa isa sa mga abandonadong factory na pagmamay-ari ko. Pinahirapan ko siya, ginawa ko ang lahat ng ginawa niya at ng kanyang mga tauhan sa asawa ko dahil gusto kong maranasan din niya ang dinanas ng babaeng mahal ko sa kamay niya. Puro suntok at sipa ang inaabot niya sa akin kada dalaw ko sa kanya, kapag hindi pa ako kontento ay linalatigo ko siya. "I should have killed you long time ago." Pinagsisisihan ko na ngayon ang naging desisyon ko dati na patakasin siya. Kung tinuluyan ko na sana siya noong 19 years old pa lang kami, hawak ko na noon ang baril at nakatutok sa ulo niya pero ang ginawa ko ay patakasin siya. "Pero nagbago na ang isip ko. Hindi kita papatayin agad because I will make you suffer
Azrael's POV"Anong nangyari sa kamao mo?" tanong ng asawa ko. Walang bahid ng dugo sa kahit anong damit ko noong umuwi ako dahil hinubad ko agad ang damit ko. Naligo rin ako agad at itinapon ko ang damit na suot ko para hindi malaman ng asawa ko at hindi niya makita pero kahit ginawa ko ang lahat ng iyon ay hindi pa rin nakaligtas sa mata niya ang mga munting galos sa kamao ko. "May sinabi kase ang kinita ko na hindi ko nagustuhan kaya ayun binanatan ko na." Tumingin ako sa kanya, sobrang pag-aalala ang makikita sa mga mata niya. "Don't worry wife, he's not innocent at all. Baka nga sumaya ka pa kapag nalaman mo kung sino iyong sinuntok ko." Though I am not sure if she will really be happy kapag nalaman niya ang pinaggagagawa ko. "Pero hindi ko pa sasabihin sayo, hindi muna ngayon." Bigla niyang idiniin ang gapas na may alcohol sa sugat mo kaya ramdam na ramdam ko ang hapdi. Hindi ko muna sasabihin sa kanya, not now. Hindi pa ako kuntento sa pag-torture kay Koen and I can't afford
Azrael's POVMatapos kong malaman ang nangyari sa factory ay umuwi rin ako agad. "Kumusta ang daddy mo?" tanong ng asawa ko pagkapasok ko sa kwarto namin. "Ayos lang, sumakit lang yung nasaksak niya dati dahil nasagi niya sa gilid ng mesa." Dumiretso ako sa cr habang inaalis ang damit ko. "Kumain ka na ba? Maghahanda ako sa baba," rinig kong sabi na naman niya sa labas ng cr, naliligo na ako at natatamad na rin akong patayin ang shower kaya sumagot na lang ako sa kanya. "Kumain na ako sa hospital," walang gana kong sagot. Paglabas ko ng cr ay nakahiga na siya sa kama, alam kong gising pa siya pero hindi man lang niya ako tiningnan tulad nang ginagawa niya palagi. "Sorry," bulong ko sa kanya. Alam kong naramdaman niya ang pagiging pagod ko at ang mga walang gana kong sagot sa pamamagitan ng tono ng boses ko. "Nag-away kami ni daddy, ayoko sanang ipahalata iyon sayo pero alam kong napansin mo sa tono ng pagsasalita ko." It was not the truth but also not a lie. I was so fucked up by
Azrael's POV "Gising ka pa?" tanong ko sa asawa ko. Lumapit ako sa kanya at yumakap sabay halik na ginawa ko rin sa natutulog naming anak. Naupo siya sa kama at gusto ko mang makipagtitigan sa maganda niyang mga mata ay parang hindi ko kaya. Alam ko ring may gusto siyang sabihin sa akin kaya lumuhod na lang ako sa harap niya at yumakap sa bewang niya, inaantay ang susunod niyang sasabihin."Gusto kase kitang makausap." Pinagsiksikan ko ang mukha ko sa katawan niya, parang kay tagal na mula noong narinig ko ang boses niya."Sorry, sa sobrang busy ko hindi ko na kayo makasama. Halos hindi niyo na nga ako makita dahil palagi akong umuuwi sa mga oras na tulog na kayo," sabi ko nang hindi pa rin tumitingin sa kanya. "Nagkaroon ng problema yung operasyon namin sa China, hindi naging maayos kaya hindi kami mapakali ni Daddy." Totoo iyon pero hindi lang iyon ang totoong rason ng hindi ko pag-uwi araw-araw. Ang totoong rason ay hindi ko pwedeng sabihin sa asawa ko. Sa oras na malaman niya na
Azrael's POV"Tell all of our men to stay in position, do not fire unless it is Koen or unless the opponent fires first. We can't avoid another issue or else it will ruin our image again and we will fail to do that operation on China. Make sure that my wife and my son is safe, malapit na ako." Dumaan ako sa secret door ng bahay ko na ginagamit lang kapag emergency. Siguradong kapag doon ako dumaan sa main gate ay magkakagulo agad at ayokong mangyari iyon habang nasa loob pa ng bahay ang mag-ina ko. " Where is my wife?" tanong ko kay Calem. Ang daan na dinaanan ko ay nakaderitso sa opisina ko at naabutan ko na nandoon na si Calem habang karga ang anak ko. "Nasa taas pa siya." Tumakbo ako agad palabas ng pinto pero bago pa man iyon ay, "There is a headphone on my drawer, isuot mo kay Rail." Sigurado akong magkakaroon ng barilan sa labas and my son is too young to hear and see those kind of things. Nakasalubong ko naman agad ang asawa ko. She seems so curios kung ano ang nangyayari pe
Alora's POV Dumaan ang mga araw at sobrang saya pa rin namin sa bagong bahay. Nabawi ang nawala naming bonding dahil ngayon ay hindi na umaalis ng bahay si Azrael. May araw nga lang na sobrang busy niya sa cellphone niya dahil sa mga tawag sa kanya. "Rail, tawagin mo na si papa mo at kakain na tayo." Bumangon agad si Rail papunta sa kwarto, himala at sumunod agad siya."Sarap!" sabi agad ni Rail noong makita niya ang favorite ulam niya na pancit sa mesa. Matapos kumain ay tumambay naman kami sa garden ng bahay at nagdala kami ng mga upuan. Nakahilig lang ako sa balikat ni Azrael habang ang anak namin ay busy sa paglalaro. "Sana ganito katahimik palagi ang araw natin." Iyong para bang katulad lang ng mga simpleng pamilya na walang tinatakasan na tao, hindi nangangamba sa safety ng mga buhay namin araw-araw. "I will work harder para araw-araw ganito ka-peaceful ang buhay natin," sagot ni Azrael. He is working super hard naman pero kailangan pa naming malagpasan ang problemang ito p
Alora's POV "Anak, gusto mo bang matuto ng ganyan?" tanong ko kay Rail habang nanonood kaming tatlo ng ama niya sa TV.Ang pinapanood namin ay yung mga self defense training at yung iba't-ibang klase ng martial arts. Naisip namin na ganito ang gawin dahil baka hindi maintindihan ni Rail ang mismong salita dahil hindi naman siya pamilyar doon. Sa ganitong paraan rin ay malalaman niya ang mga gagawin niya kung sakaling pumayag siyang mag-training. "Pwede po ba?" Humarap siya sa amin ng may pag-asang naka-plastar sa mukha niya. Napatingin naman ako sa ama niyang nangiti at nakatingin lang sa kanya. "Of course anak, kahit bukas mo agad gustong magsimula, gagawin iyon ni Papa." Nakita na naman ang excitement sa mukha ni Rail dahil sa narinig."Really?!" "Yes, andoon din ang ate Valerie mo kaya siguradong mag-e-enjoy ka," sabi pa ni Azrael. "I know papa, kinuwentuhan niya ako about sa ganyan sometimes." "Talaga anak?" Akala ko ay puro laro lang ang ginagawa nila pero napag-uusapan na
Alora's POV "Magiging busy lalo ang Papa mo kaya palagi na naman siyang nasa work." Kakagising lang kase ni Rail at ngayong nasa hapag na kami para mag-almusal ay hinahanap niya ito dahil hindi siya sumalo sa aming dalawa. "Pero he will come home every evening naman po diba?" Tumango ako sa kanya na ikinangiti naman niya. "Ayos lang po sa akin iyon." Nakangiti na ulit siyang nagpatuloy sa pagkain. Bumalik na ulit ang maraming mga bantay sa labas ng bahay. Alam kong sa buong araw ay napansin din iyon ni Rail kahit noong pumunta si Isla, Valerie at Law ay nagtaka rin sila. "Tita bakit may andaming people sa labas?" inosenteng tanong sa akin ni Valerie."They are their bodyguards, Valerie. It is not uncommon because we also have that at home." Tahimik na tumango si Valerie sa sinabi ng kuya niya. Naiwan naman kaming dalawa ni Law sa sofa habang naglalaro ang mga kapatid niya at ang anak ko. "Dahil ba sa problema ng negosyo sa Thailand?" Napatingin ako sa kanya, bakit niya alam yun?
Alora's POVNormally pagkatapos ng kasal ay pupuntang ibang bansa para mag-honeymoon o di kaya ay magbabakasyon pero nanatili lang kami sa bahay. Ayos lang naman sa akin dahil nag-enjoy na rin naman ako noong gabi matapos ang kasal namin. Ay nadulas! "Wife ayaw mo ba talagang magbakasyon tayo para sa honeymoon?" Magkayakap kami ngayon sa kama dahil parehong kakagising lang namin."Magbabakasyon tayo tapos may problema sa negosyo niyo?" Narinig ko silang nag-uusap ni Calem noong isang araw tungkol sa negosyo nila sa Thailand. Tatlong araw na rin pala simula noong ikasal kami."Kaya ko namang i-manage yung negosyo kasabay ng pagsa-satisfy sayo," seryoso niyang sabi pero umiling pa rin ako. Feeling ko kase ay malaking problema 'to dahil nagpupunta rin si Dad dito at sa kompanya para sa bagay na iyon kaya hindi muna ako dadagdag sa isipin niya. "Magbakasyon na lang tayo kapag tapos na ang problema ng negosyo mo ngayon. Promise ko yan." Nag-pinky promise kaming dalawa na para bang mga
Alora's POV"Ngayon naman ay throwing of boquet na." Tumayo ako sa gitna at dahan-dahan namang nagtipon ang mga single na babae sa likod ko. "Isa," pagbibilang ko nang nandoon na silang lahat. "Dalawa... Tatlo." Kasabay ng paghagis ko ng bulaklak at ang paglingon ko rin sa kanila. Isang malakas na hiyawan dahil sa agawan kung sino ang makakakuha ng bulaklak at sa kahuli-hulian ay napunta iyon sa pinsan ni Asrael na agad namang tumakbo papunta sa boyfriend niya. Mas lalo pang lumakas ang tawanan at hiyawan noong ang boyfriend niya ang nakakuha sa garter na itinapon ni Aztael kaya kinantyawan tulog sila ng mga bisita. "I think you start preparing for your daughters wedding," biro pa ni Dad sa ama ng babae. "Open ulit ako for organizing and hosting," dagdag pa ni Hailey na nasa stage pa rin at hawak ang microphone. "Sakto! Your dad owns a ring business diba?" panunudyo pa ng iba sa kasintahang lalaki. "Their weddinh might be the first wedding we will attend as a marries couple," b
Azrael's POV Our first walk down the aisle as a married couple while everyone was cheering for us was full of emotions. Paglabas namin sa pinto ng simbahan ay sumakay na kami sa kalesa papunta aa reception namin sa La Castellana. "Papa, I want to ride kalesa!" sigaw ni Rail nang tuluyan na kaming makasakay ng mama niya. Natatawa naman akong binuhat siya pasakay. "Iiwan niyo pa ako," dagdag pa nito nang ayusin ko ang pagkakaupo niya sa hita ko. Nagsimula na ribg umandar ang kalesa. "Hindi ka namin iiwan, diba nga sabi mo kahapon gusto mong sumakay dito?" Tumango lang ang anak namin dahil nawili na siya sa pagpansin sa kabayo. Alora's POV Sa pangalawang pagkakataon ay sabay ulit kaming naglakad ni Azrael papunta sa harap ng mga bisita namin pero ngayon ay kasama na namin si Rail. Isang toast din ang ginawa naming lahat para sa pag-celebrate ng kasal namin at pagkatapos. Hindi rin nagtagal ay sabay naming hiniwa ang cake namin. "Mama hindi ko abot." Kasama namin si Rail sa paghiwa
Azrael's POV Sa bawat hakbang na ginagawa ko palapit sa altar ay para bang bumabalik ang mga alaala ko kasama ang asawa ko at ang anak namin. I can't even explain this emotion right now pero all I know is that this is something new, the excitement I am feeling and the eagerness to see my wife walking on the aisle, the thought that after this day were are finally married, everything is overwhelming but I like it. Hanggang sa tumayo ako sa gilid ng altar, inaantay na matapos ang pagpasok ng mga bridesmaid, best man, ring bearer at flower girls upang sa wakas ay makita ko na siya. "Congrats papa!" I hugged my son and kissed him on the forehead with a smile. "Thanks buddy."The entourage continued hanggang sa dumating na nga ang inaantay ko. The song 'Don't know what to say' by Ric Segreto started playing on the background when the door slowly opened, revealing a little glimpse of her. With a smile on her face she started walking towards me, kahit overwhelmed sa emotion hindi ko pa r
Alora's POV April 11, araw ng kasal namin. Pareho kaming maaga na nagising upang maghanda. Alas dos ng hapon pa ang kasal pero dahil mag-aayos pa lalo na sa make-up ay kailangan namin ng malaking oras. Magkaiba kami ng kwartong pinag-aayusan habang ang anak naman namin ay nandoon kay Dad. "Ano pong feeling ng ikakasal?" Nandito ngayon sila Sheila at Stella, kakarating lang nila ngayong araw para tulungan ako sa damit kasama ang mga make-up artist. "Kinakabahan ako." Hinawakan ko ang kamay nilang dalawa para maramdaman nila ang panginginig ng kamay ko."Na-rehearse mo na po ba yung sasabihin mo mamaya?" tanong ulit nila.Memorisado ko na ang sasabihin ko pero kinakabahan lang ako dahil baka biglaan kong makalimutan dahil sa kaba ko kapag andoon na ako mamaya sa harap ng altar kasama si Azrael. "Pasabi na lang po kung masakit." Tumango ako, inaayos kase ang buhok ko ngayon at nilalagyan ng kaunting kulot."Paano kung magdala na lang kaya ako ng kodigo? Baka makalimutan ko kase," sab
Alora's POV Isang araw na lang bago ang kasal, gumising na naman ako ng may halong excitement at kaba sa puso ko. "Anong oras ba tayo magkikita-kita?" Plano naming kumain sa isang restaurant dito. "Mamayang eleven." Napatingin ako sa relo ko. Alas nwebe na kaya sinimulan ko ng maligo, katapos ay sinundo ko si Rail sa kwarto nila Calem at Kalo at dumaan na rin ako sa kwarto ni Manang Karla at ni Mika para ipaaalam sa kanila ang oras ng pag-alis namin. Pagdating namin sa restaurant ay kami lang ang tao doon maliban na lang sa mga tauhan ni Dad, Owen at ni Azrael na nakabantay sa labas at loob. Nagbatian din kami at sa una ay medyo naiilang pa sila Mika at Kalo pero nawala rin naman iyon agad dahil kinausap sila ni Law, siguro ay dahil na rin hindi nagkakalayo ang edad nila at mas matanda lang ng isang taon si Mika sa dalawa at agad silang naging komportable."Si Tito Gavin at Tita Ivy?" iyon din sana ang itatanong ko sana pero naunahan ako ni Azrael. Ang sabi kase kaninang umaga ay b
Alora's POV Ang sunod naming pinuntahan ay ang Casa Manila. Doon nag-aantay si Calem at ang iba pang tauhan ni Azrael sa amin, doon din kase ang hotel na na-book ni Azrael. Sumakay kami sa pedicab papunta sa tutuluyan namin. Dalawang pedicab ang kinuha namin dahil hindi kami kakasya sa isa. Kahit naman sa pedicab kami ay hindi ko mapigilang makaramdam ng antok dahil sa kabusugan. Hindi ko rin alam kung ilang minuto ba ang byahe papunta sa Casa Manila. Kahit din naman gustuhin kong matulog ay hindi ko magawa dahil sa bangayan nila Kalo, Mika at Rail sa likod. "Andito na tayo." Isa-isa kaming bumaba at lahat kami ay namangha.Parang kastilyo ang desenyo! Sa pagpasok namin ay mas lalo lang nadagdagan ang paghanga namin sa lugar. Hindi lang ang desenyo ng lugar ang nagpahanga sa akin lalo na sa anak ko kundi pati rin ang fountain na nasa gitna ng malaking space at sa paligid nito ay mga upuan. Sobrang ganda ng lugar at hindi ko alam kung paano pa iyon ipapaliwanag. "May mga stores, r