Alora's POV"Calem ito pala iyong pinapabigay ni Azrael, ayan daw yung mga kailangang bilhin para dito sa bahay." Ibinigay ko kay Calem ang papel na ibinigay lang din sa akin ni Azrael kaninang paglabas ko ng kwarto. Si Calem ang bumibili ng mga stock namin sa bahay katulad na rin iyong mga pagkain na kakainin namin, mga ingredients sa pagluluto, sabon at kung ano-ano pa. "Anong gusto mong ulam ngayon?" tanong ni Azarel kay Rail na agad namang sinagot ng anak namin. "Gusto ko po ng corn beef!" Tumango-tango naman ang isa at sinimulan nang magluto. Dinala ko naman muna si Rail sa sala at doon nakipaglaro sa kanya. Kapag kase nanatili kami sa kusina habang nagluluto ang ama niya ay siguradong manggugulo lang 'to. "Mag-race tayo dali," sabi ko at kinuha ang isa sa mga laruan niyang kotse. "Ito yung starting line at ito naman ang finish line. Game?" Sinimulan naming maglaro habang nag-aantay sa pagkaluto ng ulam. Nanalo ako sa unang race game namin at sa pangalawa ay sinadya kong ma
Alora's POV Nang makatulog si Rail ay kinuha ko ang pinabili ko kay Calem na mga seeds ng bulaklak noong nakaraang araw. Balak kong itanim iyon doon sa garden dahil walang masyadong bulaklak na tanim doon. "Bakit ka ba nakasunod?" Kanina pa kase sunod ng sunod itong si Azrael parang buntot lang. "Wala kase akong magawa," sagot niya naman na kahit hindi niya sabihin ay halatang-halata na wala talaga siyang magawa. "Tulungan mo na lang ako itanim 'to sa garden." Nagtungo kami sa garden at sinimulan ngang itanim ang mga seeds na kinuha ko. "Huwag mo nga akong gayahin!" singhal ko naman sa kanya. Titingin kase siya sa akin tapos gagawin din kung ano rin ang ginagawa ko. Nakakairita kase kanina niya pa ginagawa iyon."Nagtatanim lang ako dito ng maayos wife," sabi niya pero bago ibalik ang tingin sa ginagawa ay tiningnan niya muna ang kamay ko na ngayon ay naglalagay na ng seeds sa lupang binungkal ko at iyon din ang ginawa niya kahit hindi pa ganoon kalalim ang lupang binungkal niya.
Alora's POVLagpas isang buwan na kaming nananatili dito at sa loob ng buwan na iyon ay puro magaganda at masasayang alaala ang nabuo namin. Yun nga lang ay nitong mga nagdaang araw ay mas lalong naging busy si Azrael sa trabaho niya pero hindi naman namin iyon ikinagagalit ni Rail, lalo na dahil palagi kong ipinapaintindi sa anak namin na kailangan at importante ang ginagawa ng ama niya. "Mama, hindi po nadala ang paw patrol toys ko?" Hinanap ko naman iyon sa bag na nilalagyan ng mga laruan niya pero hindi ata nadala dahil sa pagmamadali masyado. "Oo anak, kukunin naman natin iyon sa oras na okay na ang lahat kaya tiis ka muna sa mga nanditong laruan," mahinahon kong sabi sa kanya. "Pero mama, favorite ko iyon!" tumaas ang boses niya kaya tiningnan ko siya ng masama pero imbes na matakot ay nagpatuloy lang siya sa pagta-tantrums niya. "Favorite ko iyon!" paulit-ulit niyang sigaw. "Rail, huwag kang sumigaw. Alam naman ni mama na favorite mo iyon." Imbes na makinig ay mas lumakas
Alora's POV "This is Calem's specialty." Kinumpas pa ni Azrael ang kamay niya sa buong kwarto at ginaya pa siya ng anak namin. "Magaling si Uncle!" dagdag pa ni Rail. Para bang kanila ang kwartong ito dahil pareho silang nakatayo sa ibabaw ng kama habang ang may-ari ng kwarto ay nakatingin lang sa amin, nakasandal sa may pinto habang humihigop sa kape niya "CCTV sa lahat ng angulo ng labas ng bahay, CCTV kahit saan at CCTV sa lahat ng daan na patungo sa bahay na 'to. Ito naman ang computers niya na naglo-locate kung kaninong kotse at tao ang dumaan sa mga CCTV na iyan." Hindi ko maiwasang mamangha, ang dami kaseng mga bagay sa loob ng kwarto niya pero halos lahat ng iyon ay computer. Ang galing din niya, ako nga hindi ako marunong kahit ang pag-open nun eh."The highlight is this red button. Kapag pinindot mo iyan ay tutunog ang cellphone naming dalawa. Ginagamit lang 'to kapag may mga kalaban pero hindi naman natin kailangan na pindutin iyan dahil we are still safe." Tumango-tango
Azrael's POV"Wife, aalis lang kaming dalawa ni Calem dahil kailangan na kailangan ako sa kompanya at ito namang si Calem ay pinapatawag ng ama ko." Nagkaroon ng malaking problema sa kompanya at ngayon ay kailangan ako doon physically at may mga importante rin akong kailangang pirmahan."My mens are everywhere so you will be safe. Nakakonek din ang mga computer ni Calem sa cellphone niya kaya makikita namin ang kalagayan niyo. Mabilis lang kami at babalik kami agad mamayang six pm." I am also confident about the location of these house and the capability of my elite men kaya alam kong safe sila dito.Yun nga lang ay hindi kami makakabalik ng six pm. Hindi namin nakayanan na tapusin ang ginagawa namin exactly six pm at ngayon ay mag 6:07 na. "Call the mens on the house." bulong ko kay Calem sa tabi ko dahil na sa meeting kami. Saktong pagkatayo rin niya ay biglang tumunog ang cellphone ko at ang kanya. Tumingin muna ako kay Calem at nang makompirma ay tinakbo ko ang parking lot at nak
Third Persons POV Ngayon ang araw ay kailangang hindi na mabigo si Azrael na iligtas ang mag-ina niya. Pumasok siya sa lumang building ng siya lang mag-isa, naglakad siya hanggang sa makita niya ang asawa at anak niya. Nakaupo sila at nakagapos ang dalawang kamay nila sa kanilang likod, parehong may tela sa bunganga nila at kita ang takot sa mga mata ni Alora habang ang anak naman niya ay nakalaylay ang ulo. Malaki ang kagustuhan ni Azrael na takbuhin at iligtas agad ang mag-ina niya pero hindi siya pwedeng kumilos lang bigla dahil ang nasa likod ni Rail ay ang ama ni Koen. Ang ama ni Koen ay kilala bilang isa sa mga nasa listahan ng mga mafia boss na brutal pumatay ng kalaban at kabilang din doon ang ama ni Azrael. Kapag kumilos siya ng hindi niya pinag-iisipan ng mabuti ay madali lang na mapipitik ang leeg ng anak niya ng walang pag-aalinlangan at walang ama ang gustong mangyari iyon."Pakawalan mo sila." Deritsong nakatingin si Azrael kay Alora habang sinasabi iyon pero ang kausa
Third Person's POVSaktong paglabas ng building nila Azrael, Alora at ang anak nilang si Rail ay pinaputukan agad nila Calem ang mga tauhan ni Koen. Binaril din ni Calem ang dalawang bente ni Koen para masiguradong hindi ito makakatayo. Samantala ang si Ravino at Rafael naman— ang ama ni Azrael ay naglalaban din. Naisahan nga lang ang ama ni Azrael dahil may dala palang baril si Ravino kaya natamaan ito sa balikat niya dahilan para makahabol ito sa labas kung nasaan sila Azrael. Hinawakan ni Ravino ang balikat ni Azrael at saktong susuntukin na niya sana ito nang biglang dumapo ang suntok ni Rafael sa mukha ni Ravino. Nagpatuloy si Azrael sa pagligtas sa mag-ina niya at isinakay niya ito sa isang kotse kung nasaan ang driver ng ama niya. "Azrael..." tawag ni Alora sa asawa niya na paalis na at tumalikod agad sa kanila matapos silang maisakay sa kotse ng anak niya. "Wait for me here, babalik ako." Tiningnan saglit ni Azrael ang asawa niya bago nagpatuloy. Kahit sa desperadong tawag
Alora's POV "Rail!" tawag ko sa kung asaan man ang anak ko. Inilagay kami sa magkaibang kwarto kaya hindi ko alam kung anong ginagawa nila sa kaniya ngayon. "Anak! Rail, naririnig mo ba si mama?!"Kahit anong pilit kong mabuksan ang pinto ay hindi ko iyon magawa. Para akong bumalik sa sitwasyon ko dati, nakakulong na naman ako sa kwarto ng isang bahay na hindi ko alam kung saan, ang pinagkaiba lang ngayon ay gusto kong tumakas para sa kaligtasan ko kundi para alamin ang kalagayan at siguraduhin ang kaligtasan ng anak ko. Ayokong mag-antay lang na dumating si Azrael. Alam ko namang may ginagawa siya para hanapin kami ngayon pero ayokong manatili lang na ganito, kailangang may gawin din ako. Pipilitin ko na sanang buksan ang pinto gamit ang katawan ko pero bago ko pa man magawa iyon ay bumukas ang pinto at iniluwa nun ang lalaking dahilan kung bakit ganito ako ka desperada ngayon na makalabas sa kwartong ito."Hello my Alora. Kumusta ka na?" ngumiti siya sa akin pero mas lalo lang a
Azrael's POV I rushed everything para lang mapatunayan ko na hindi ko anak iyon pero wala akong nahanap na ebedensya. "Mahihirapan tayo lalo dahil hindi nakikita ang mukha ng lalaking ito sa video." Kinuyom ko ang kamao ko sa sinabi ni Calem. Umagang-umaga at ito ang bubungad sa akin. "I don't care just find that asshole!" His also one of the reasons kung bakit siguro naniwala ang asawa ko na ako ang lalaking iyon."Azrael kumalma ka. Sasabihin ko sa kanila na ipagpatuloy ang paghahanap sa lalaking iyon pero for now let's find another evidence." Tama si Calem. Hindi ako dapat umupo lang dito na walang ginagawa. Kinalikot ko ang utak ko kung anong pwede kong magamit na ebedensya. Pumunta ako sa bar na iyon para sana humingi ng copy sa cctv nila pero wala akong napala dahil deleted na raw. Isang buwan lang daw kase nilang kine-keep ang mga videos at dalawang buwan na ang nagdaan simula noong aksidente.Bigo ako at wala nang maisip na posibleng patunay, noong gabi kaseng iyon ay wala ak
Azrael's POV FLASHBACKMatapos ang nangyari at ang nasabi ko sa asawa ko ay ipinokus ko na talaga ang sarili sa pagsolba sa problema namin. Pinigilan kong pumunta ulit sa bahay ni Dad para guluhin at humingi sa kanya ng tawad, saka ko na gagawin iyon kapag may patunay na akong hindi ako ang ama ng dinadala ni Alora. Hinanap ko kung saan naroroon si Alora, I was desperate to end all of this kaya noong nahanap ko siya sa isang condo niya sa Manila ay pinuntahan ko na agad siya. "Listem Azrael, huwag mo siyang sasaktan kahit gaano ang galit mo dahil buntis pa rin siya." Kanina pa ako pinapaalalahanan ni Calem, sumama din siya sa akin para pigilan niyang mangyari iyon. Hindi ko na siya pinigilan kase kahit maski ako ay hindi ako sigurado kong mapipigilan ko bang hindi siya saktan. Mabilis pa sa mabilis ang ginawa kong mga hakbang para marating ang unit ni Alora at malakas na katok ang inabot ng pinto niya noong nasa harap na ako nito, kung may pakiramdam nga lang ang pinto niya ay baka
Azrael's POV FLASHBACKAng una kong hinanap ay kung sinong babae ang nagsabi na ako ang ama ng dinadala niya at nang malaman kong si Alora iyon— ang babaeng nangloko sa akin ay mas lalo lang akong nagalit. Sinugod ko ang bahay nila, masaya akong sinalubong ng Mom at Dad niya pero deri-deritso lang ako sa kwarto ng hinahanap ko. "Nasaan si Alora?" galit kong tanong. Nagtaka ang mga magulang niya pero wala akong oras para magpaliwanag gayong mukhang kasali rin naman ata sila sa plano ng anak nila. Inilabas ko ang baril ko nang walang sumagot sa kanila. Itinutok ko iyon sa mga magulang ni Alora. "Answer me kung ayaw mong maligo sa sarili mong dugo." Her Dad's face was still emotionless pero ang mukha ng ina niya ay takot na takot. "Nababaliw ka na ba? Alam mo kung anong mangyayari sa oras na kinalabit mo yan," sabi pa nito pero tinawanan ko lang siya."Oo nababaliw na ako! Nababaliw na ako dahil sa ka-potanginahan ng anak niyo!" Mas lalo ko pang inilapit ang baril sa noo ng ama ni Alor
Azrael's POV FLASHBACKDalawang taon. Dalawang taon ko ring hinanap ang asawa ko— hindi si Alora kundi ang nagpapanggap bilang Alora. Pagsisi lang ang naramadaman ko sa loob ng dalawang taon na iyon. Hindi ko man lang naitanong sa kanya kung ano ang pangalan niya. Hindi man lang ako nakabawi sa kanya pero ngayong nahanap ko na siya ay sisiguraduhin kong gagawin ko lahat ng pinagsisihan ko. Dumiretso kami sa Sta. Cruz. Doon siya na-trace ng mga tauhan ko at nakatira daw sa isang bundok kaya iyon ang tinungo namin. Mas mabilis pa ata sa cheetah ang naging takbo ko papunta sa sinasabi nilang lokasyon at napakaraming lalaki ang naabutan ko doon kaya dumaan bigla ang kaba sa dibdib ko. Hinayaan ko sila Calem na dumispatsa sa mga lalaking nasa labas at dali-dali akong pumasok sa loog ng bahay. My wife was there at may nakapaibabaw sa kanya na lalaki. Walang pag-aatubili kong sinugod ang lalaking iyon at sinuntok para matanggal siya sa ibabaw ng asawa kong nagmamakaawa na. Isang suntok ul
Azrael's POV FLASHBACKMabilis na natapos ang araw kaya andito na naman ako sa restaurant, nag-aantay sa babaeng nakausap ko noong isang araw. Hindi ko alam ang pangalan niya at kung sino siya basta ang alam ko lang ay baka tauhan siya ni Koen o baka isa siya sa mga minamaltrato ni Koen sa lagay pa lang ng katawan niya. Katulad nang dati ay inutusan ko ulit si Calem at ang mga tauhan ko na papikitin ang mga mata sa paligid pati na rin ang tatlong sniper na nasa kaharap na building. Nalaman siguro ni Keon na ako ang kinikita ng babae niya. Bumukas ang pinto at pumasok ulit ang isang babae. Nakasuot na naman siya ng dress ngayon at maikli ito. Maputi ang hita niya kaya hindi nakatakas sa akin ang pasang nagkakalat doon. Fuck, ginagawa pa ata ni Koen ang gawain nila. I guess their human trafficking business continued? Binantaan ko na sila pero mukhang gusto ata talaga nilang magkagulo ang lahat. They usually torture the girls first and then sold it to foreigners. Is this girl one of t
Azrael's POV FLASBACKAlora Hazel Valezka, she was my first love kaya naman sobrang saya ko noong sabihin sa akin na ipinagkasundo kaming ikasal. Kahit arrange marriage lang iyon ay sobrang saya ng puso ko ngunit ang sayang iyon ay panandalian lang pala. Matapos ang kasal namin ay tumira kami sa bahay ko. Masaya naman ang pagsasama namin dahil mabait siya sa akin at maalaga taliwas sa akala kong baka galit siya at hindi ako pansinin dahil hindi naman namin mahal ang isa't-isa at kinasal kami— hindi namin mahal ang isa't-isa pero sigurado akong mahal ko siya. Sa mga kinikilos niya at sa pag-aalaga sa akin ay hindi ko maiwasang isipin na baka mahal niya rin ako. Umasa akong mahal niya rin ako kahit hindi naman niya binibigkas ang tatlong salita na iyon ngunit sadya atang mapagbiro ang tadhana at kanyang itinalaga na ang tanging role ko sa buhay ni Alora ay taga-asa. I caught her having sex with a man in our own house. Sa sobrang sakit ay kinaladkad ko silang dalawa palabas ng bahay k
Alora's POVNakatanga lang akong nakatingin kay Azrael na ngayon ay nasa harap ko. Mas lalo pa akong hindi nakakilos nang tumakbo siya sa akin at yakapin ako. Ang sarap sana sa pakiramdam pero ayokong namnamin dahil kay Alora, ang totoong Alora. "I miss you and Rail." Tinulak ko siya mula sa pagkakayakap sa akin. Lalapit sana siya pero pinigilan ko siya. "Huwag kang lumapit Azrael." Iniwan ko siya sa kinatatayuan ko at bumalik sa alkansya. Kukunin ko na lang iyon at doon na bibilangin sa bahay ni Manang Karla at baka gising na rin si Rail. "Nanganak na si Alora." Napatigil ako sa pagpulot ng mga pera na nasa sahig. Pumunta lang ba siya dito para ibalita sa akin iyon? Sa tingin niya ba matutuwa ako? Potangina, sana talaga inisip ko muna ang lahat bago ako pumayag na maging stand-in wife niya eh, ngayon tuloy para akong pinupunit sa bawat nangyayari sa amin. "Nanganak na siya at may maipapakita na akong patunay sayo na hindi ako ang ama ng bata. Pina-DNA test ko ang anak niya at ang
Alora's POV Whole week kaming mananatili sa bahay ni Manang Karla at ngayon ay ang aming pang-limang araw. Sobrang saya ng mga nakaraang araw at wala ring panahon na nakita kong malungkot ang anak ko maliban na lang kapag pinagdedisketahan ng mga ate niya at sinasadyang paiyakin. "Ako na po ang mamamalengke," presenta ko kay Manang Karla. Namalimos naman sila kinabukasan nang pumunta kami dito pero simula noon ay hindi na ulit dahil maliit talaga ang nalilimos nila kaya nitong mga nakaraang araw ay ang perang binigay sa akin ni Dad ang ginagamit namin para sa pagkain. Masaya rin naman ako dahil masaya ang mga bata kapag nakakakita sila ng desenteng ulam sa lamesa. Bumili ako ng tatlong kilong isda at apat na kilo ng bigas. Sapat na iyon hanggang mamayang gabi namin. Pag-uwi ko ay ako na rin ang nagtrabaho, tumulong naman sa akin si Manang Karla at ang mga bata. Mayroon nang mga sinibak na kahoy para panggatong kaya hindi ako nahirapan. Ginawa kong paksiw ang isda, hindi pa nga luto
Alora's POV Kinabukasan ay bumalik ulit si Kalo matapos ng klase niya, hinatid siya ng mga magulang niya at pinayagan pang dito matulog ngayong gabi kaya plus one na naman ang mga sardinas sa bahay ni Manang Karla. "Ate pasyal tayo," pag-aaya ni Kalo. Pumayag ako kase matagal na rin akong hindi nakakapunta at nakakapaglibot dito sa Sta. Rosa, tumira nga ako dito noong buntis ako kay Rail pero hindi naman ako bumaba sa bundok na iyon. Kasama ko si Kalo, si Rail, si Mika at si Tali na bagong bata lang din sa puder ni Manang Karla. Kahit talaga ang taray ng mukha ni Manang ay kay buti naman ng puso. Kaedad lang siguro ni Rail si Tali kaya sinama na namin para malibang silang dalawa. Maraming nagbago sa St. Rosa pero marami ang nanatili pa rin tulad ng dati. Katulad na lang ng palengke na hanggang ngayon ay kay dumi pa rin dahil mga iresponsable pa rin ang mga taga-tinda, kung saan-saan lang tinatapon ang mga sira nang prutas at gulay. Sa simbahan naman ay kay dami ring dumagdag na mg