Alora's POV "Rail!" tawag ko sa kung asaan man ang anak ko. Inilagay kami sa magkaibang kwarto kaya hindi ko alam kung anong ginagawa nila sa kaniya ngayon. "Anak! Rail, naririnig mo ba si mama?!"Kahit anong pilit kong mabuksan ang pinto ay hindi ko iyon magawa. Para akong bumalik sa sitwasyon ko dati, nakakulong na naman ako sa kwarto ng isang bahay na hindi ko alam kung saan, ang pinagkaiba lang ngayon ay gusto kong tumakas para sa kaligtasan ko kundi para alamin ang kalagayan at siguraduhin ang kaligtasan ng anak ko. Ayokong mag-antay lang na dumating si Azrael. Alam ko namang may ginagawa siya para hanapin kami ngayon pero ayokong manatili lang na ganito, kailangang may gawin din ako. Pipilitin ko na sanang buksan ang pinto gamit ang katawan ko pero bago ko pa man magawa iyon ay bumukas ang pinto at iniluwa nun ang lalaking dahilan kung bakit ganito ako ka desperada ngayon na makalabas sa kwartong ito."Hello my Alora. Kumusta ka na?" ngumiti siya sa akin pero mas lalo lang a
Azrael's POV "What are you gonna do with them?" tanong ng ama ko sa akin. Papunta kami ngayon sa basement ng bahay niya kung nasaan nakakulong si Koen at si Ravino, ang ama niya. "I will make Koen suffer before I kill him and just like what I told you, his father's life is at your hands. Hindi kita pakikialaman kung anong gagawin mo sa kanya." Ang tanging kasalanan lang sa akin ni Ravino ay ang ginawa niya sa ina ko at syempre gusto kong gumanti para roon sa ginawa niyang iyon pero ang mas may malaking karapatan na gumawa nun ay ang ama ko.We were both hurt by what happened and I know that my Dad is more than excited to finally get revenge on what happened to Mom. Alam kong kating-kati na rin ang kamay niya para parusahan ang mga may kasalanan sa amin. Nang umabot kami sa basement ay tanging si Calem lang ang bantay doon at parang wala nang buhay ang dalawang lalaki na naka-kadena sa gitna ng kwarto. Kinuha ko agad ang latigo sa ilalim ng mesa at lumapit kay Koen, wala akong paki
Alora's POV"Papa!" sigaw ni Rail kaya bumangon ako sa pagkakaupo sa kama at agad na lumingon sa deriksyon na kinaroroonan ng tinawag ng anak ko. Nakatayo doon si Azrael na malugod na tinanggap ay yakap ng anak namin saka tumingin sa akin, tumakbo rin ako sa bisig niya. Hindi kami lumabas ngayon ni Rail sa kwarto, hindi dahil sa hindi kami pinayagan ni Azrael na gawin iyon kundi dahil ayokong lumabas talaga. Wala akong kilala sa labas, hindi ko rin alam kung gaano kalaki ang bahay na 'to kaya may posibilidad na mawala ako kaya nanatili na lang ako sa kwartong ito. "Do you want me to show you around?" Sabay kaming tumango ni Rail sa sinabi ni Azrael. Lumabas kami at naglibot sa buong bahay.Sa kusina na medyo moderno ang design at ang laki! May mahabang lamesa sa kanang parte at maliit naman na lamesa sa kaliwang parte at hinahati ang dalawang ito ng isang glass, sa harap naman ng dalawang klase ng lamesa ay ang lutuan. Dumako rin kami sa sala na katulad ng design sa mga pinapanood k
Alora's POV Dinaanan muna namin si Rail sa playroom bago tanungin kong sasama ba siya sa susunod naming pupuntahan pero sobrang busy niya sa mga laruan kaya hinayaan na namin siya doon. Sa sunod na kwarto na pinasok namin ay napakaraming nakasabit na mga larawan na naka-frame. Mga larawan iton ng pamilya nila dahil nakikita ko doon si Azrael at ang ina niya. Napakadaming larawan nun at punong-puno talaga ang buong kwarto. Kahit saan ka lumingon ay iisang frame ang makikita mo pero iba't-ibang larawan ang nakapaloob doon. "Wow parang museum!" sabi ko habang inililibot ang paningin. Hindi pa naman ako nakapunta sa totoong museum pero ang naririnig ko at ganito rin daw iyon, puno ng mga larawan. "This is our family's museum." Lumapit pa ako ng kunti sa ibang litrato lalo na roon sa kung saan ay bata pa si Azrael. Ang cute niya doon. May picture simula noong baby na siya hanggang sa paglaki niya pero wala akong makitang parang recent picture. "Hindi na namin pinagpatuloy ni Dad ang pag
Alora's POV"Wife gising na." Iminulat ko ang mata ko sa tinig ni Azrael na sinabayan pa ng anak namin. "Mama, good morning!" Labag sa loob akong bumangon kahit ramdam ko pa rin ang puyat sa aking mga mata. "May pupuntahan tayo." Ang aga-aga, pero hindi na ako nagreklamo at bumungon na. Tumingin muna ako sa kawalan ng ilang segundo bago pumasok sa cr at nag hilamos. Nagpalit lang ako ng pangbahay na damit dahil ang sabi naman ni Azrael ay hindi naman kami lalabas sa gate. Dumiretso kami sa likod ng bahay, puro mga puno ang andoon. Ginising ba nila ako para manood kung paano sumayaw ang puno sa hangin? "Tara na." Hinawakan niya ang kamay naming dalawa ni Rail at lumapit pa doon sa kakahuyan. Isang daan ang bumungad sa amin na natatabunan ng isang malaking puno. Binaybay namin ang daan na iyon at mas lalo kong hinigpitan ang hawak sa kamay ni Azrael habang panay ang tingin ko sa anak namin, baka kase may biglang lumabas na ahas dito at tuklawin kami. Ilang minuto rin kaming naglakad
Alora's POVNagising ako sa mga halik na dumadapo sa labi at pisngi ko, hindi naman iyon si Rail dahil mabigat ang nakadagan sa akin. Pagmulat ko ay tumambad sa akin ang mukha ni Azrael na agad akong sinunggaban ng halik, tumugon ako sa mga halik niya pero agad ko ring pinutol iyon nang maalala ko ang sinabi ko sa kanya noong isang araw. Tinulak ko siya ng marahan paalis sa ibabaw ko at bumangon sa higaan. "Tototohanin mo talaga ang sinabi mo wife?" Tumango ako at dumiretso sa cr pero nakasunod lang siya sa akin. "Hanggang diyan ka lang sa may pinto. Alam ko ang binabalak mo." Ilang beses na niyang ginawa ang ganito niyang modus at palaging ang huling nangyayari ay pareho kaming hubad sa ilalim ng shower habang isinisigaw kung gaano kasarap ang milagrong ginagawa naming dalawa. "Hindi ko iyon kaya wife," pagrereklamo niya pero imbes na sumagot ako ay pinagpatuloy ko ang pagto-toothbrush ko. Nagmumog ako at humarap sa kanya. "Nakaya mo nga sa loob ng dalawang taon noong nilayasan kit
Alora's POV Maraming ginawang paraan si Azrael para mabawi ko ang sinabi ko sa kanya na huwag niya akong gagapangin sa loob ng two weeks at ngayon ang ika-limang araw, so mayroon pa siyang siyam na araw na kailangang tiisin dahil wala akong balak na bawiin ang sinabi ko dahil nasisiyahan ako sa pang-iinis sa kanya. Minsan ay nagigising ako ng mga ala-una o alas-dos ng umaga para mag-cr pero hindi ko nagagawa dahil hindi ko pa man nabubuksan ang pinto ng cr ay rinig ko na ang munting mga ungol na ginagawa ni Azrael sa loob kaya bumabalik na lang ako sa kama para antayin siya. Sa oras na lumabas siya sa cr ay binubuksan ko ang lamp sa gilid ng kama at palagi kong nakikita ang malulungkot niyang tingin sa akin kaya naman palagi akong tumatawa habang papasok sa cr para umihi. May isang pagkakataon din na naabutan ko siya sa ginagawa niyang opisina sa bahay na 'to na nagsasarili. Isang beses lang nangyari iyon dahil hindi na ulit ako pumasok sa kwartong iyon. "Azrael, bantayan mo nga mu
Alora's POVLimang araw na lang bago umuwi ang ama ni Azrael at kada araw ay nadadagdagan lang ang kaba ko. "Kailan tayo uuwi sa bahay mo?" tanong ko kay Azrael. May kung ano kase talagang nagsasabi sa akin na umiwas na makita ng ama niya kaya nitong mga nakaraang araw ay palagi na kong nagtatanong kung kailan kami babalik sa bahay niya. "Bahay ko?" takang tanong niya. Nakalimutan na ba niyang may bahay siya? "Bahay natin yun wife hindi bahay ko lang." Hindi ako sumagot, anong bahay namin hindi naman ako kasali sa pagpapagawa ng bahay na yun. "Hindi pa tayo makakauwi doon, kase pinapaayos ko pa ang buong bahay kase nga nagsira ng kaunti yung mga pader dahil sa barilan doon dati nang sumugod si Koen." Tumango ako, may nangyari nga palang ganon. Teka ano kaya ang ginawa nila sa hayop na yun? Mula noong nangyari sa factory hindi na binuksan ni Azrael ang topic na iyon. "Ano pa lang nangyari sa gagong yun?" tanong ko pero imbes na sagutin ang tanong ko ay nagtanong lang ito pabalik. "W
Alora's POV "Anak, gusto mo bang matuto ng ganyan?" tanong ko kay Rail habang nanonood kaming tatlo ng ama niya sa TV.Ang pinapanood namin ay yung mga self defense training at yung iba't-ibang klase ng martial arts. Naisip namin na ganito ang gawin dahil baka hindi maintindihan ni Rail ang mismong salita dahil hindi naman siya pamilyar doon. Sa ganitong paraan rin ay malalaman niya ang mga gagawin niya kung sakaling pumayag siyang mag-training. "Pwede po ba?" Humarap siya sa amin ng may pag-asang naka-plastar sa mukha niya. Napatingin naman ako sa ama niyang nangiti at nakatingin lang sa kanya. "Of course anak, kahit bukas mo agad gustong magsimula, gagawin iyon ni Papa." Nakita na naman ang excitement sa mukha ni Rail dahil sa narinig."Really?!" "Yes, andoon din ang ate Valerie mo kaya siguradong mag-e-enjoy ka," sabi pa ni Azrael. "I know papa, kinuwentuhan niya ako about sa ganyan sometimes." "Talaga anak?" Akala ko ay puro laro lang ang ginagawa nila pero napag-uusapan na
Alora's POV "Magiging busy lalo ang Papa mo kaya palagi na naman siyang nasa work." Kakagising lang kase ni Rail at ngayong nasa hapag na kami para mag-almusal ay hinahanap niya ito dahil hindi siya sumalo sa aming dalawa. "Pero he will come home every evening naman po diba?" Tumango ako sa kanya na ikinangiti naman niya. "Ayos lang po sa akin iyon." Nakangiti na ulit siyang nagpatuloy sa pagkain. Bumalik na ulit ang maraming mga bantay sa labas ng bahay. Alam kong sa buong araw ay napansin din iyon ni Rail kahit noong pumunta si Isla, Valerie at Law ay nagtaka rin sila. "Tita bakit may andaming people sa labas?" inosenteng tanong sa akin ni Valerie."They are their bodyguards, Valerie. It is not uncommon because we also have that at home." Tahimik na tumango si Valerie sa sinabi ng kuya niya. Naiwan naman kaming dalawa ni Law sa sofa habang naglalaro ang mga kapatid niya at ang anak ko. "Dahil ba sa problema ng negosyo sa Thailand?" Napatingin ako sa kanya, bakit niya alam yun?
Alora's POVNormally pagkatapos ng kasal ay pupuntang ibang bansa para mag-honeymoon o di kaya ay magbabakasyon pero nanatili lang kami sa bahay. Ayos lang naman sa akin dahil nag-enjoy na rin naman ako noong gabi matapos ang kasal namin. Ay nadulas! "Wife ayaw mo ba talagang magbakasyon tayo para sa honeymoon?" Magkayakap kami ngayon sa kama dahil parehong kakagising lang namin."Magbabakasyon tayo tapos may problema sa negosyo niyo?" Narinig ko silang nag-uusap ni Calem noong isang araw tungkol sa negosyo nila sa Thailand. Tatlong araw na rin pala simula noong ikasal kami."Kaya ko namang i-manage yung negosyo kasabay ng pagsa-satisfy sayo," seryoso niyang sabi pero umiling pa rin ako. Feeling ko kase ay malaking problema 'to dahil nagpupunta rin si Dad dito at sa kompanya para sa bagay na iyon kaya hindi muna ako dadagdag sa isipin niya. "Magbakasyon na lang tayo kapag tapos na ang problema ng negosyo mo ngayon. Promise ko yan." Nag-pinky promise kaming dalawa na para bang mga
Alora's POV"Ngayon naman ay throwing of boquet na." Tumayo ako sa gitna at dahan-dahan namang nagtipon ang mga single na babae sa likod ko. "Isa," pagbibilang ko nang nandoon na silang lahat. "Dalawa... Tatlo." Kasabay ng paghagis ko ng bulaklak at ang paglingon ko rin sa kanila. Isang malakas na hiyawan dahil sa agawan kung sino ang makakakuha ng bulaklak at sa kahuli-hulian ay napunta iyon sa pinsan ni Asrael na agad namang tumakbo papunta sa boyfriend niya. Mas lalo pang lumakas ang tawanan at hiyawan noong ang boyfriend niya ang nakakuha sa garter na itinapon ni Aztael kaya kinantyawan tulog sila ng mga bisita. "I think you start preparing for your daughters wedding," biro pa ni Dad sa ama ng babae. "Open ulit ako for organizing and hosting," dagdag pa ni Hailey na nasa stage pa rin at hawak ang microphone. "Sakto! Your dad owns a ring business diba?" panunudyo pa ng iba sa kasintahang lalaki. "Their weddinh might be the first wedding we will attend as a marries couple," b
Azrael's POV Our first walk down the aisle as a married couple while everyone was cheering for us was full of emotions. Paglabas namin sa pinto ng simbahan ay sumakay na kami sa kalesa papunta aa reception namin sa La Castellana. "Papa, I want to ride kalesa!" sigaw ni Rail nang tuluyan na kaming makasakay ng mama niya. Natatawa naman akong binuhat siya pasakay. "Iiwan niyo pa ako," dagdag pa nito nang ayusin ko ang pagkakaupo niya sa hita ko. Nagsimula na ribg umandar ang kalesa. "Hindi ka namin iiwan, diba nga sabi mo kahapon gusto mong sumakay dito?" Tumango lang ang anak namin dahil nawili na siya sa pagpansin sa kabayo. Alora's POV Sa pangalawang pagkakataon ay sabay ulit kaming naglakad ni Azrael papunta sa harap ng mga bisita namin pero ngayon ay kasama na namin si Rail. Isang toast din ang ginawa naming lahat para sa pag-celebrate ng kasal namin at pagkatapos. Hindi rin nagtagal ay sabay naming hiniwa ang cake namin. "Mama hindi ko abot." Kasama namin si Rail sa paghiwa
Azrael's POV Sa bawat hakbang na ginagawa ko palapit sa altar ay para bang bumabalik ang mga alaala ko kasama ang asawa ko at ang anak namin. I can't even explain this emotion right now pero all I know is that this is something new, the excitement I am feeling and the eagerness to see my wife walking on the aisle, the thought that after this day were are finally married, everything is overwhelming but I like it. Hanggang sa tumayo ako sa gilid ng altar, inaantay na matapos ang pagpasok ng mga bridesmaid, best man, ring bearer at flower girls upang sa wakas ay makita ko na siya. "Congrats papa!" I hugged my son and kissed him on the forehead with a smile. "Thanks buddy."The entourage continued hanggang sa dumating na nga ang inaantay ko. The song 'Don't know what to say' by Ric Segreto started playing on the background when the door slowly opened, revealing a little glimpse of her. With a smile on her face she started walking towards me, kahit overwhelmed sa emotion hindi ko pa r
Alora's POV April 11, araw ng kasal namin. Pareho kaming maaga na nagising upang maghanda. Alas dos ng hapon pa ang kasal pero dahil mag-aayos pa lalo na sa make-up ay kailangan namin ng malaking oras. Magkaiba kami ng kwartong pinag-aayusan habang ang anak naman namin ay nandoon kay Dad. "Ano pong feeling ng ikakasal?" Nandito ngayon sila Sheila at Stella, kakarating lang nila ngayong araw para tulungan ako sa damit kasama ang mga make-up artist. "Kinakabahan ako." Hinawakan ko ang kamay nilang dalawa para maramdaman nila ang panginginig ng kamay ko."Na-rehearse mo na po ba yung sasabihin mo mamaya?" tanong ulit nila.Memorisado ko na ang sasabihin ko pero kinakabahan lang ako dahil baka biglaan kong makalimutan dahil sa kaba ko kapag andoon na ako mamaya sa harap ng altar kasama si Azrael. "Pasabi na lang po kung masakit." Tumango ako, inaayos kase ang buhok ko ngayon at nilalagyan ng kaunting kulot."Paano kung magdala na lang kaya ako ng kodigo? Baka makalimutan ko kase," sab
Alora's POV Isang araw na lang bago ang kasal, gumising na naman ako ng may halong excitement at kaba sa puso ko. "Anong oras ba tayo magkikita-kita?" Plano naming kumain sa isang restaurant dito. "Mamayang eleven." Napatingin ako sa relo ko. Alas nwebe na kaya sinimulan ko ng maligo, katapos ay sinundo ko si Rail sa kwarto nila Calem at Kalo at dumaan na rin ako sa kwarto ni Manang Karla at ni Mika para ipaaalam sa kanila ang oras ng pag-alis namin. Pagdating namin sa restaurant ay kami lang ang tao doon maliban na lang sa mga tauhan ni Dad, Owen at ni Azrael na nakabantay sa labas at loob. Nagbatian din kami at sa una ay medyo naiilang pa sila Mika at Kalo pero nawala rin naman iyon agad dahil kinausap sila ni Law, siguro ay dahil na rin hindi nagkakalayo ang edad nila at mas matanda lang ng isang taon si Mika sa dalawa at agad silang naging komportable."Si Tito Gavin at Tita Ivy?" iyon din sana ang itatanong ko sana pero naunahan ako ni Azrael. Ang sabi kase kaninang umaga ay b
Alora's POV Ang sunod naming pinuntahan ay ang Casa Manila. Doon nag-aantay si Calem at ang iba pang tauhan ni Azrael sa amin, doon din kase ang hotel na na-book ni Azrael. Sumakay kami sa pedicab papunta sa tutuluyan namin. Dalawang pedicab ang kinuha namin dahil hindi kami kakasya sa isa. Kahit naman sa pedicab kami ay hindi ko mapigilang makaramdam ng antok dahil sa kabusugan. Hindi ko rin alam kung ilang minuto ba ang byahe papunta sa Casa Manila. Kahit din naman gustuhin kong matulog ay hindi ko magawa dahil sa bangayan nila Kalo, Mika at Rail sa likod. "Andito na tayo." Isa-isa kaming bumaba at lahat kami ay namangha.Parang kastilyo ang desenyo! Sa pagpasok namin ay mas lalo lang nadagdagan ang paghanga namin sa lugar. Hindi lang ang desenyo ng lugar ang nagpahanga sa akin lalo na sa anak ko kundi pati rin ang fountain na nasa gitna ng malaking space at sa paligid nito ay mga upuan. Sobrang ganda ng lugar at hindi ko alam kung paano pa iyon ipapaliwanag. "May mga stores, r