Semua Bab Billionaire's True Love Book 2: MINAMAHAL KITA!: Bab 81 - Bab 90

214 Bab

Chapter 80

JENNIFER POV '"ANO ang kailangan mo?" naiinis kong tanong sa kanya! Salubong ang kilay at matalim ang mga matang nakatitig sa kanya. Kaagad na din naman siyang naupo sa harapan ko habang hindi niya inaalis ang pagkakatitig sa akin! Kitang kita din sa mukha niya ang pagod at kung ano ang kasuotan niya noong nasa opsina niya ganoon pa rin hangang ngayun. Ibig lang sabihin nito, hindi pa din siguro siya nakakauwi ng bahay. Haysst, baka naman inihatid niya pa ang kerida niyang si Ethel sa kung saan? Or baka naman umiskor pa? Sa isiping iyun hindi ko tuloy mapigilan ang makaramdam ng sama ng loob. Nag-uumpisa na namang magbadya ang luha mula sa aking mga mata kaya naman mabilis akong uminom ng tubig. Tumitig sa labas ng restaurant kasabay ng pagpakawala ng malalim na buntong hininga Matapang ako at ayaw kong umiyak sa harapan niya. Sanay na akong masaktan kaya sisiw na lang sa akin ang ganitong bagay. "Jen...please! Alam kong galit ka sa nangyari pero sana huwag ka namang
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-07
Baca selengkapnya

Chapter 81

JENNIFER POV "Kung ayaw mo nang kumain, sa bahay na tayong mag-usap! Oras na ng tulog mo at baka mapaano kayo ng baby natin." mahinahon niyang sagot sabay inilabas niya ang kanyang wallet. Nagpatong siya ng ilang lilibuhin sa ibabaw ng table at sinenyasan ang waiter na kanina pa patingin-tingin sa amin bago siya tumayo at inalalayan akong tumayo na din. Hindi na ako nagmatigas lalo na nang mapansin ko na sa amin na nakatingin ang ilan sa mga costumers na kumakain dito. Ayaw ko namang gumawa ng eksena at makita nila ang pagtatalo naming dalawa ni Elijah. Isa pa, pagod na din kaya ako. Galing ako sa pagsa-shopping at gusto kong mahiga na muna sa malambot na kama. Medyo mabigat na din kasi itong tiyan ko eh. Bilin pa naman ni Dok na iwasan ko daw ang ma-stress dahil makakasama iyun sa kalusugan ko at ni baby kaya naman ng akayin ako ni Elijah palabas ng restaurant wala na akong choice kundi ang magpatianod na lang. Direcho kami sa kanyang kotse! INalalayan niya akong makapasok sa
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-07
Baca selengkapnya

Chapter 82

JENNIFER POV Direcho kami ng dining area. Pina-upo niya lang ako at siya na daw ang bahalang maghanap ng makakain namin sa ref. Tahimik na ang buong paligid at nang mapasulyap ako sa relo ng dining area, hindi ko pa nga maiwasan na magulat nang mapansin ko na halos alas onse na pala ng gabi. Napasarap ang tulog ko at kung hindi pa siguro ako nakaramdam ng gutom baka hangang ngayun mahimbing pa akong natutulog. Ininit lang naman ni Elijah ang mga lutong pagkain na nasa loob ng ref. Mukhang hindi naman ito mga left over dahil may sealed pa ang iba at mukhang galing sa restaurant. "Bakit dalawang pinggan? Kakain ka din?" hindi ko maiwasang maisatinig nang mapansin ko ang dalawang pingan na inilagay niya dito sa ibabaw ng dining table. Napansin ko ang paguhit ng ngiti sa labi niya bago siya sumagot. "Kagaya mo, gutom din ako. HIndi pa ako kumakain ng dinner." sagot niya. Hindi ko naman maiwasan na magulat. Talaga lang ha? Hindi pa siya kumain ng dinner pero nagawa niyang pasuk
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-07
Baca selengkapnya

CHAPTER 83

JENNIFER POV "Jen, alam kong galit ka pa rin sa akin dahil sa nangyari kanina pero pwede bang huminahon ka muna? Hindi pwedeng diyan ka sa ibaba matulog! Hindi ako papayag!'" seryosong sagot niya sa akin! "Huwag ka ngang makialam! Naiinis na ako kaya huwag mo nang dagdagan ang inis ko Elijah ah?" bigkas ko at kaagad ko siyang pinaningkitan ng aking mga mata! Wala lang! Gusto ko lang naman sana siyang sindakin kaya lang hindi yata effective! Nagulat na lang ako nang walang sabi-sabing bigla niya na lang akong lapitan at matiim na tinitigan sa aking mga mata. "Ano ba talaga ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako? Hindi pwedeng ganito tayo! Hindi ako sanay na galit ka sa akin." bigkas niya! Inirapan ko lang siya at parang napapaso na biglang lumayo sa kanya. "Ewan! Basta, galit ako at wala kang pwedeng gawin para mawala ang galit ko sa iyo!" sagot ko at mabilis nang naglakad patungo sa banyo! "Sagit lang! Ayan ka na naman eh! Nag-uusap pa tayo tapos tatalikuran mo na
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-08
Baca selengkapnya

Chapter 84

JENNIFER POV NAGISING ako kinaumagahan na magaan ang pakiramdam ko! Solved ako sa tulog ko at pagmulat ng aking mga mata kaagad na sumalubong sa paningin ko ang nahihimbing pang natutulog na si Elijah. Yes...katabi ko siya dito sa kama habang kagaya ng nakasanayan nyang tulog, nakatagilid siya paharap sa akin at nakayakap ang isa niyang braso sa may tiyan ko! Para tuloy akong nahihipnotismo na napatitig sa gwapo niyang mukha! Why so pogi naman kasi! Siguro ito ang isa sa mga dahilan kaya kahit na sobra na ang tampo ko sa kanya hindi ko pa rin siya matiis at wala akong balak na bitawan siya. Ilang buwan na kaming kasal at nabuntis niya na ako pero sad to say hindi niya man lang nababangit sa akin ang salitang I love you! Ewan ko kung bakit! Siguro nga hindi niya pa talaga ako mahal at nangangapa pa sya sa feelings niya. Gayunpaman, willing naman akong maghintay kahit kailan pa iyun pero hindi ibig sabihin na pwede na siyang tumingin sa ibang babae! HIndi din siya pwedeng ma-i
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-08
Baca selengkapnya

Chapter 85

JENNIIFER POV DAHIL sa sinabi ni Elijah na aalis daw kami hindi ko na tuloy alam kung ano ang uunahin ko. Kung maliligo pa ba ako or direcho bihis na lang dahil kakain pa kami ng breakfast. "Hey, ano ang ginagawa mo? Relax! Malakas ka kay Mommy at hindi ka naman pagagalitan noon kapag malaman niya na hindi ka pa ready." narinig ko pang wika ni Elijah sa akin! "Sure ka ba talaga na may mga damit na ako diyan sa bag? KUmpleto ba? Ang mga vitamins ko, nailagay mo na din ba sa loob?" sagot ko naman kaagad sa kanya! Nakangiti niya naman akong nilapitan at hinawakan sa magkabilaan kong balikat. "Lahat ay okay na Sweetie ko! Hindi mo na din kailangan maligo dahil beach resort ang pupuntahan natin. Ang gagawin mo na nga lang ngayun magbihis ka at bababa tayo ng dining area at doon na natin hihintayin si Mommy!" nakangiti niyang wika sa akin "Pero, bad breath pa ako eh! Hindi pa ako nakapghilamos! Hindi pa din ako nakapagtoothbrush!" nakalabi ko na namang sagot sa kanya. "Eh di mag
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-08
Baca selengkapnya

Chapter 86

JENNIFER POV TAMA nga si Elijah, pagkababa nga namin sa dining area, ang nakangiting mukha ni Mommy Miracle ang sumalubong sa amin. Dali-dali akong naglakad palapit sa kanya at humalik sa pisngi nito tanda ng pagalang. "Mom, sorry po! Naghintay pa po tuloy kayo! Late na po kasing nabangit ni Elijah sa akin ang tungkol dito." hingi kong paumanhin sa kanya! Isang nakakaunawanag pagtango ang naging sagot niya sa akin bago niya tinitigan ang tiyan ko "Ayos lang. Naiintindihan ko! Sige na..maupo ka na muna at nang makakain na. Medyo malayo-layong biyahe ang gugugulin natin kaya dapat ready ka." nakangiti niyang sagot sa akin. Mabilis na din naman akong inalalayan ni Elijah na makaupo. Isa sa pinagpasalamat ko dahil nakaantabay palagi si Elijah sa bawat kilos ko kahit na nagkaroon kami ng problema kahapon. Nang makaupo ko, ito na din ang nagbigay sa akin ng pagkain. Narinig ko pa ngang may inutusan siya na kunin daw ang mga gamit namin na dadalhin na nasa kwarto. Isakay sa kotse s
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-09
Baca selengkapnya

Chapter 87

JENNIFER POV "NAG-alay kami ng maiksing panalangin bago namin nilisan ang mausoleum ng mag-asawang Villarama. Kahit papaano, magaan ang kalooban ko dahil kahit na wala na sila, nagawa pa rin akong dalhin ni Elijah sa puntod nila which is malaking bagay sa akin. Ibig lang sabihin nito, bahagi na talaga ako ng pamilya na labis nagbigay galak sa puso ko. Muli kaming sumakay ng kotse at bumiyahe na. Halos tatlong oras din ang itinagal ng aming biyahe at eksaktong alas tres ng hapon, nakarating na kami sa aming destinasyon. Ang Carissa Villarama Beach Resort na pag-aari din ng Villarama Clan. Nabangit pa nga sa akin ni Mommy Miracle habang nasa biyahe kami na regalo daw ito ng Daddy niya sa Mommy niya noong kabataan pa nila. Binili at pina-develop daw ito ng Daddy Gabriel niya noong kasagsagan ng tampuhan na muntik nang naging mitsa sa buhay ni Grandmama Carissa. Mukhang mahal na mahal talaga ni Gabriel Villarama ang asawa niyang si Carissa Villarama dahil ang pangalawa na ito sa i
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-09
Baca selengkapnya

Chapter 88

JENNIFER POV ITO na siguro ang pinakamasayang bakasyon na naganap sa buhay ko. Kasama ko si Elijah at ang buong angkan nila at siguro ito iyung alaala na never kong makakalimutan habang buhay. Ramdam ko ang saya sa puso ko habang kausap ko ang mga pinsan ni Elijah. Ramdam ko din ang malugod ng pagtangap sa akin ng kaniyang mga Tito at Tita na labis kong ipinagpasalamat. Ang mga kaganapan sa bakasyon naming ito ay lalong nagpatibay sa paniniwala ko na walang ibang lalaking para sa akin kundi si Elijah lang at lalong nadagdagan ang tiwala ko at pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya Nangako ulit ako sa sarili ko na hindi ko siya isusuko sa ibang babae at ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa kanya sa abot ng aking makakaya. Halos dalawang araw lang kaming nag stay sa Carissa Villarama Beach Resort at muli din kaming bumalik ng Manila dahil hindi pwedeng matagal mawala si Elijah sa kumpanya. Maraming mga meetings siyang dadaluhan at mga pipirmahang papeles na dapat niyang tapusin
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-10
Baca selengkapnya

Chapter 89

JENNIFER POV "ELIJAH, ano ang ibig sabihin nito?" gulat kong tanong sa kanya habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa papel na hawak ko. Isa itong titulo na nakapangalan sa akin at nang basahin ko ang kabuuan na nakasulat sa titulo hindi ko na napigilan pa ang pagpatak ng luha mula sa aking mga mata. "Hey...bakit ka umiiyak? Don't tell me na hindi ka masaya sa regalo ko sa iyo?" nakangiti niyang tanong sa akin. "Lu-lupa ni Mama na nasa probensya?" basag ang boses na tanong ko. HIndi ko na napigilan pa ang emosyon ko at napahagulhol na ko ng iyak. Ito iyun lupa namana ng aking namayapang Ina sa kanyang mga magulang na walang ibang nakikinabang mula noong bata pa ako kundi ang aking biological father at ang kabit nito. Ang lupa na inaasam ko na mapunta sa akin dahil kung totoosin, matagal itong pinakinabangan ni Papa at ng bago nitong asawa. "Jen...please don't cry. Bakit ka ba umiiyak? Hindi mo ba nagustuhan ang regalo ko sa iyo?" masuyong tanong ni Elijah sa akin. Hindi k
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-10
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
7891011
...
22
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status