หน้าหลัก / Romance / Marrying Mr. Valeria / บทที่ 41 - บทที่ 50

บททั้งหมดของ Marrying Mr. Valeria : บทที่ 41 - บทที่ 50

52

Chapter 40

Bakit kayo gano'n? Iyong akala natin tapos na tayo, na move on na tayo pero, kapag may bigla tayong nalaman, unti-unti nating nakikita ang sarili nating bumabalik sa taong iyon.Simula ng makita ko ang litrato na iyon may parte pa rin sa puso ko na umaasang baka minahal niya talaga ako. Sadyang hindi lang tama ang oras para sa aming dalawa. Na baka kailangan lang naming maghilom sa mga nakaraan namin. Nawalan siya ng mahal sa buhay at gano'n din ako.Hindi ko alam, gusto kong pakinggan ang rason niya. Gusto kong balikan niya ako at willing naman akong makinig sa mga paliwanag niya. Isang salita lang niya, unti-unti kong nakikita ang sarili kong bumabalik sa kaniya. Walang pag-aalinlangan."Where do you live?" Tanong ni Caleb nang nasa byahe kami. Bukas na ang balik namin si Baguio. Hindi ko naman pinaalam sa kanila ang Villa dahil si Kuya Ali lang ang nakakaalam no'n dati. Like what I've said it's my mom private property before. Hindi na ngayon."Somewhere in Baguio." Mahina akong nat
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-26
อ่านเพิ่มเติม

Chapter 41

Napangiti ako habang inaayos ang susuotin namin ni Shione sa party mamaya. Dapat nga ay kanina pa kami nakaalis pero, may pasok kasi amg anak ko. Parang kailan lang ay binubuhat ko siya at madalas lambingin sa tuwing umiiyak siya.The weeks became month, and months became years. Totoong hindi pa kami hiwalay ni Rafael but, I'm not expecting him to still love after what happened to us. Sometimes I'm wondering what went wrong to our marriage? Masaya naman kami, nagsimula sa pinaka-umpisa hanggang sa unti-unting makaipon.It's been years since he broke my heart. Wala siyang alam sa anak namin but, I do miss him. I sometimes stalk his account pero sana pala ay hindi ko nalang ginawa. He's more than happy without me. Meron na siyang sariling restaurant at lagi siyang may kasamang babae. I don't know what's their relationship but, I think he's inlove with her. Ibang-iba ang paraan ng pagtitig niya rito. Halatang masaya sila sa bawat litratong pino-post ni RafaelKumunot ang noo ko nang mada
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-26
อ่านเพิ่มเติม

Chapter 42

"Parang gago talaga iyan." Rinig kong bulong ni Veronica. Hindi ako kumibo dahil nanatili akong nakatitig sa harapan kung saan nakatayo si Rafael at Caleb."Where's my daughter?" Tanong ko rito. Agad naman siyang napatingin sa akin."Nasa 2nd floor. She's sleeping." Napabuntong-hininga ako. Sa Tan Hotel kasi ginanap ang celebration. Dapat ay dito kami matutulig ngayon pero, dahil si Rafael naman pala ang sinasabi ni Caleb, na partner niya, parang ayaw ko nalang. Mas gusto kong umuwe dahil hindi ako makakatulog rito.Tatayo sana ako nang mabilis na hawakan ni Veronica ang braso ko, "Mamaya kana. Makukuha mo agad ang atensyon nila kapag tumayo ka. Baka isipin niya pa na papansin ka." Nang-aasar niyang sabi. Palihim ko siyang inirapan dahil nagawa niya pa talagang magbiro sa akin ngayon. Muli akong sumandal sa upuan ko. Mabuti nalang pala at sa stage lang may ilaw. Hindi niya agad mapapansin na nandito ako or kahit naman mapansin niya ay halatang wala siyang paki.Paminsan-minsan kong s
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-26
อ่านเพิ่มเติม

Chapter 43

Napasandal ako sa likod ng swivel chair na gamit ko. Kahapon pa kami nakabalik sa resort pero, kahit ano ang gawin ko ay si Rafael pa rin ang pumapasok sa utak ko. Kung ano ang meron sa kanilang dalawa nung babae at kung magkasama ba silang natulog sa hotel?Nakakainis dahil ayaw ko sana siyag isipin pero, kusa talaga siyang pumapasok sa utak ko. Sinubukan ko pang tumulong sa pagluluto, sa pag entertain ng guest pero, wala rin. Pag mag-isa nalang ako, papasok na naman siya sa utak ko."Ma'am, nandiyan po ba kayo sa loob?" Rinig kong sabi ni Jessie, sa labas ng pintuan ko."Come in," Umayos ako ng pagkakaupo. Matamis na ngumiti rito. Kailangan kong mag-focus, may anak rin ako kaya hindi puweding mapunta sa ibang bagay ang atensyon ko."May problema ba?" Tanong ko dahil nakasimangot siya habang palapit sa akin. Mabilis naman siyang umiling at pinakita ang hawak niyang iPad.Kinuha ko iyon at muling tumingin sa kaniya. "Nag-book po ng reservation si Caleb." Umarko ang kilay ko. Hindi nam
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-26
อ่านเพิ่มเติม

Chapter 44

Maaga pala silang umalis sa Manila kaya no'ng dumating sila dito ay kaniya-kaniya silang nagtungo sa mga kuwarto nila. Magpapahinga raw muna sila. Dahil wala naman si Jessie, ako mismo ang nag-entertain sa kanila. Mabuti nalang at nagawa ko iyon ng maayos. Ni hindi ako nailang kahit alam kong nakatitig sa akin si Rafael. Paminsan-minsan ay kinakausap ako ni Dalia, iyon pala ang pangalan niya.Akala ko rin ay magkasama sila ng kuwarto ni Rafael pero, mukhang nahiya pa siya dahil magka-hiwalay na sila. Hindi ko nalang din iyon binigyan ng pansin dahil masyadong madami ang gumugulo sa utak ko."Dapat ay nagpapahinga ako ngayon, e." Sinulyapan ko si Veronica, na kanina pa nandito sa loob ng opisina ko."Bakit kasi nandito ka?" Tanong ko sa kaniya. Maarte siyang sumandal sa sofa at pinag-krus ang hita niya."Nakakaawa naman kasi ang isa rin, masyado kang halata kanina." Inirapan ko nalang siya. Hindi ko rin alam kung ano ba ang mukha ko kanina. I mean, nagulat lang naman ako no'ng sinabi
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-26
อ่านเพิ่มเติม

Chapter 45

Hindi ko alam kung paano ako nakaalis sa kinatatayuan ko kanina. Basta ang alam ko ay hinila ako ni Veronica sa table nila ni Annaliese. Halatang nag-aalala sila sa akin pero, hindi ko iyon binigyan ng pansin. Walang alinlangan kong ininom ang alak na nasa harapan ko."Girl, let it out." Hinawakan ni Annaliese ang kamay ko pero agad ko rin iyon inalis at naglagay ulit ng alak. Naka-apat na baso palang ako pero, agad na akong nakaramdam ng pagkahilo. Siguro ay dahil matagal-tagal na rin no'ng huli akong uminon. May anak na rin kasi ako, hindi ko puweding i-asa nalang sa iba ang responsibilidad ko bilang isang ina."It's okay to cry." Mabilis akong ngumiti kay Annaliese. Madami na rin ang nagbago sa kaniya, bibihira na rin kaming magkita dahil mas madalas silang magkasama ni Caleb. I can't blame them. Mas pinili kong manatili rito sa Baguio at iwanan ang buhay ma meron ako do'n sa Manila.Gusto ko siyang intindihin sa set-up na meron sila ni Caleb, she's my best friend after all. I don'
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-26
อ่านเพิ่มเติม

Chapter 46

Hindi ko makuhang puntahan ang anak ko kaya hinayaan ko silang mag-usap hanggang sa magdesisyon na si Shione na bumalik ng bahay. Tahimik ko lang siyang pinapanood habang kumakain. "How's your day, anak?" Tanong ko sa kaniya nang mapansin ang pannahimik niya. "Okay naman po, Mommy." Nakangiti siyang tumingin sa akin. Nang umalis ang anak ko sa mini garder ay nando'n pa rin si Rafael. Madilim na kasi kaya kailangan kong sundan ang anak ko pauwe rito sa bahay."Mommy, madami po pala tayong guest?" Natigilan ako sa naging tanong niya. Marahan kong nilapag ang hawak kong tinidor at tumingin sa kaniya."Mga kasama siya ni Tito Caleb sa trabaho." Matamis siyang ngumiti sa akin."Mommy, sabi mo ay bawal akong makipag-usap sa hindi ko kilala." Hinayaan ko siyang magkuwento at sabihin ang nangyari sa araw niya. "I saw someone kanina, he's tito Caleb's friend. Nakatambay siya sa may mini garden kasi he look sad po." Ramdam ko ang pangingilid ng luha sa mata ko."Hindi naman siya mukhang bad,
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-26
อ่านเพิ่มเติม

Chapter 47

Mabuti nalang at dumating si Kuya Ali dahil sobrang lasing na talaga ni Rafael. Hindi ko naman siya kayang dalhin sa kuwarto niya dahil alam kong mas bumigat na siyang kumpara sa dati."Palitan mo nalang ng damit." Sabi ni Kuya Ali nang mahiga namin siya sa kama niya. Agad ko siyang tiningnan, "Ha? Bakit ako?" Naiinis kong tanong sa kaniya. I mean, alam ko naman na kailangan magpalit ni Rafael ng damit pero, puwede naman na siya ang gumawa nun, bakit kailangan ako pa?"Why not? He's your husband. Ayaw mo naman sigurong magkasakit iyan?" Muli kong sinulyapan si Rafael, na mahimbing ng natutulog. Napabuntong-hininga ako at sa huli ay sinunod ko nalang din ang sinabi ni Kuya Ali.Wala naman akong choice dahil mabilis niya kaming iniwan ni Rafael. Hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa dibdib niya. Nandoon pa rin iyong infinity sign and intial name namin. Kusang natigil ang kamay ko nang mapansin ang panibagong tattoo sa kaliwang braso niya. Nangilid ang luha sa mata ko nang mabasa ang
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-26
อ่านเพิ่มเติม

Chapter 48

I sighed while looking at him. Maingat niyang pinahiga sa kama si Shione. Palihim na napangiti nang halikan niya ito sa noo. Nakaramdam ako ng konsensya pero, pareho lang naman kaming nasaktan dahil sa mga padalos-dalos naming desisyon. Hindi ko naisip ang possibilities na puwede naming harapin in the future.Pero, kahit na naging padalos-dalos ako, hindi pa rin ako nagsisisi na nabuntis ako at nagkaroon ng anak. Si Shione ang naging dahilan ko para magpatuloy at sumubok sa career na hindi ko naman sigurado kung magagawa ko ng tama. It's take a risk or you'll regret it later."A-aalis kana ba?" Pilit akong ngumiti kay Rafael, nang sulyapan niya ako. Mabagal siyang tumango sa akin. "B-baka lang gusto mo munang mag-kape?" And I regret asking that question dahil gusto kong magpalamon sa lupa nang tuluyan siyang humarap sa akin. Tumikhim siya at nilagay ang parehong kamay sa bulsa."Ayos lang ba?" Mahina niyang tanong. Mabagal akong tumango at nahihiyang nilagay ang ilang hibla ng buhok k
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-26
อ่านเพิ่มเติม

Chapter 49

Kinaumagahan ay maagang nagpunta si Rafael sa bahay namin. Siguro ay para dalawin ang anak namin. Nagulat pa nga ako dahil nasa sala siya kasama ni Shione. Sinulyapan ko ang oras at sobrang aga pa nga talaga dahil 6:18 palang.Wala pa akong ayos pero ayos lang din naman. Sanay naman si Rafael sa itsura ko dahil kahit no'ng magkasama pa kami sa bahay ay wala siyang ginawa kung hindi iparamdam na walang problema sa itsura ko. That's I'm still beautiful even without wearing makeup. Ni hindi ako nakaramdam ng inggit kasi kahit bagong gising pa ako, hindi siya nagkulang na ipaalala sa akin na maganda ako. Na walang kulang sa akin. "Kumain kana ba?" Tanong ko rito. Maiksi na ang buhok ko kaya hindi ko na tinatali iyon. Sinulyapan ako ni Rafael habang nakaupo sa tapat ng anak ko."Ako ba ang tinatanong mo?" Kumunot ang noo ko. "Saan ba ako nakatingin?" Mahina siyang natawa sa naging sagot ko. Halata naman kasi na siya ang tinatanong ko."Not yet." Sinulyapan ko ang anak ko. Nakangiti pa s
last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-03-26
อ่านเพิ่มเติม
ก่อนหน้า
123456
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status