Semua Bab Force Marriage: Dealing With My Disabled Hot Uncle: Bab 231 - Bab 240

474 Bab

Kabanata 231

Napasandal ako sa pader, halos hindi na ako makatayo ng maayos. "Kaya... hindi ka nakapunta dahil sa kanya?""Hindi." Itinaas niya ang tingin niya sa akin. "Alam mo na ang sagot diyan Vivian. Ayaw ko lang. At walang makakapilit sa akin.""Kung gano’n, bakit?!" Ramdam ko ang pagkapunit ng puso ko sa sakit. Hindi ko na napigilan ang pagluha. "Kung hindi mo naman ako gusto, bakit mo tinulungan na burahin ang masamang balita tungkol sa akin online?""Dahil pamangkin ka ni Hector. ‘Yun lang." Diretsong sagot ni Keifer.Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. "‘Yun lang?" Umiling ako at lumapit saka ko hinawakan ang kwelyo ng suot niya. "Hindi, hindi ako naniniwala! Ginawa mo ito dahil kay Uncle Hector, hindi ba? Sinabi mo noon, ayaw mong maging pangalawa sa kanya! Dahil mas magiging mababa kaysa kanya!""Hindi." Umangat ang kilay ni Keifer at marahan niyang tinanggal ang kamay ko sa damit niya. "Vivian, magkaiba kami ni Hector. Siya, gusto niya si Anne, pero pinigilan niya ang sarili
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-28
Baca selengkapnya

Kabanata 232

Bago pa makalayo ang sasakyan ay sumigaw na ang bodyguard ko"Boss, papupuntahin ko na si Alan ngayon para sunduin ka.""Mm." Sagot ko nang walang emosyon.Sa sumunod na sandali, isang payat na babae ang tumakbo rin papasok sa bus stop.Nadaan niya ako at naiwan ang banayad na halimuyak ng pabango niya.Hindi ko namalayang napatingin pala ako sa kanya.Mahaba ang buhok niyang bumagsak hanggang baywang, basa at dikit-dikit dahil sa ulan. Mukha siyang medyo basang sisiw, pero sa kabila ng lahat, kapansin-pansin ang kagandahan niya. Kasingputi ng bagong balata ng itlog ang kanyang balat, at ang mahaba niyang leeg ay makinis na walang bahid.Ang manipis na bestidang nabasa sa ulan ay dumikit sa katawan niya, kaya’t kitang kita ang perpektong hubog niya. Parang isang diwata siyang bumaba mula sa langit at may kakaibang alindog, pero ang malalaking mata niya ay walang bahid ng kasamaan.Napansin niyang nakatingin ako, kaya dahan-dahan siyang lumayo.Bahagyang dumilim ang paningin ko bago ko
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-28
Baca selengkapnya

Kabanata 233

VINCE POV Pagkarating ko sa archaeological site, agad kong isinubsob ang aking sarili sa trabaho, naging abala ako sa pagsasalin ng mga dokumentong kailangang tapusin. Hindi ko na namalayan ang oras hanggang sa maisipan kong silipin ang cellphone ko.Pagbukas ko ay agad kong napansin ang mensaheng ipinadala ng "manliligaw ni Anne" kanina. May kalakip itong larawan, si Anne, kumakain ng hapunan kasama ang isang lalaki.Agad akong napakunot-noo.May ibang manliligaw ba si Anne?Isang matinding pakiramdam ng pangamba ang bumalot sa akin. Hindi ko na kayang paglabanan ito. Agad kong tinapos ang natitirang trabaho at humingi ng pahintulot para mag-leave.Pilit akong pinipigilan ni direktor pero matigas ang desisyon ko.“Dalawang araw na lang, birthday na ni Daddy. Kasunod noon, New Year na. Ngayong taon, gusto kong ipagdiwang ito kasama si Anne.”Pagkasabi ko nito, agad akong humiram ng cellphone mula sa isang kasamahan at nagpadala ng mensahe kay Anne:[Anne, hintayin mo ako. Nagpaalam
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-01
Baca selengkapnya

Kabanata 234

Ngumiti ako at sinabi, "You’re Welcome. Malamang pareho lang ang nararamdaman natin, kaya naiintindihan kita. Dahil mahal na mahal ko ang asawa ko. Wala akong ibang gusto kundi siya lang. Kung ilalagay ko ang sarili ko sa ganitong sitwasyon, nakakairita talaga kapag may ibang tao na nagpapahayag ng damdamin sa’yo at pilit na dumidikit, pero hindi mo naman basta-basta matanggihan."{Keifer: …Bakit sa bawat usapan, napupunta palagi sa asawa niya?}{Luigi: …Bakit ko pa kailangang umupo rito para lang masaksihan ang ganitong eksena?}Pagkatapos kong magsalita, tumayo ako at nag-unat. "Sige na, babalik na ako sa lumang bahay para samahan ang asawa ko. May inihanda siyang sorpresa para sa akin ngayong gabi."Tumingin nang malalim si Keifer sa akin. "Malaki ang posibilidad na si Vince ay dumiretso sa lumang bahay pagdating niya sa Manila. Hindi mo ba naisip kung gaano ka-exciting ang sitwasyon niyong mag-asawa kung sabay kayong andoon?"Napangiti ako at umiling. "Wala tayong magagawa. Kah
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-01
Baca selengkapnya

Kabanata 235

Tok, tok.May kumatok sa pinto.Pumasok ang isa sa mga katulong. "Madam, dumating na po si Sir Hector. Kakapasok lang niya sa kwarto sa itaas.""Oh," sagot ni Cielo habang iniwawasiwas ang kamay. "Busy pa kami ni Anne sa pag-aayos ng buhok! Hahayaan ko na lang na si Vince ang bumati sa kanya pagdating niya."Hindi naman kasi maganda kung siya mismo, bilang hipag, ang aakyat para salubungin si Hector.Habang nag-uusap kami, napatingin ang katulong sa mangkok ng bird’s nest na nasa mesa at tila nagulat."Madam, kinain niyo po ba ang bird’s nest?""Oo naman! Bakit, may problema ba?" nagtatakang sagot ni Cielo.Ang katulong ay medyo kinakabahan habang itinuro ang mangkok. "Bakit po hindi niyo ako tinawag para ihain ito sa inyo? At Madam, alin pong mangkok ang kinain niyo?"Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Cielo. Kumurap-kurap siya na parang inosente. "Iyong puting mangkok!"Biglang lumawak ang mga mata ng lingkod. Itinuro nito ang beige na lalagyan ng stew at nagtanong, "E-eh... sino p
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-01
Baca selengkapnya

Kabanata 236

Si Felix ang pinakamatanda sa pamilya, isang mabagsik na coach na kinatatakutan sa Manila Military Academy. Mayroon siyang matipunong pangangatawan at isang personalidad na kayang magpatibok ng puso ng sinumang babae.12 years ang tanda niya kay Cielo, at gusto niya ang pagiging madiskarte ng kanyang asawa sa lahat ng bagay.Tiningnan niya ang kanyang munting asawa na umiiyak sa bisig niya at ngumisi "Oh? Ano na naman ang lasong nainom mo ngayon? Paano kita matutulungan, mahal?"Mabilis na umiling si Cielo. "Hindi, hindi ito tungkol doon..."Kinuha niya ang puting panyo, ipinalibot ito sa kanyang leeg, at hinatak ito ng dalawang beses habang inilalabas ang dila "Asawa ko, mamamatay na ba talaga ako ngayon?"Napangisi si Felix. "Aba, bakit hindi mo na lang hayaan ang asawa mong bigyan ka ng CPR?"Pagkasabi niya noon, biglang pumasok si Vivian sa sala.Felix: ...Cielo: ...Nanlaki ang mga mata ni Cielo, at agad niyang pinalo si Felix nang malambing."Ikaw talaga! Matandang manyak! A
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-01
Baca selengkapnya

Kabanata 237

Nagulat si Anne at agad na sinarado ang pinto bago pa makapasok si Vince.Hindi, kailangan kong harapin ito ngayon!Sakto namang pumasok din sina Felix at Cielo.Napatingin si Felix sa aparador, kung saan may nakasipit pang puting bathrobe sa gilid ng pinto: ...{Pwedeng naman sigurong maging mas maingat sa pagtatago?}Pero sa loob-loob niya, hindi rin siya makapaniwala.Ang kapatid niyang sobrang taas ng tingin sa sarili, kailan pa siya natutong magtago sa aparador?!Tahimik at awkward ang buong eksena. Si Vince ang unang nagsalita: "Anne, anong ginagawa mo rito?"Mabilis na umeksena si Cielo upang takpan ang sitwasyon: "Ako ang nagpapanhik sa kanya!"Tumango si Anne: "Oo, si Ate Cielo ang nagpatawag sa akin!"Napakunot-noo si Vince, tumingin kay Anne, lumapit, at inilapat ang kamay sa kanyang noo: "Anne, may sakit ka ba? Dapat tawagin mo siyang ‘Auntie’, hindi ‘ate’." Iniwasan ni Anne ang pagdampi ni Vince sa kaniya dahil pakiramdam niya ay hindi siya komportable "Ayos lang a
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-01
Baca selengkapnya

Kabanata 238

"Auntie, anong sinabi mo?" Napatingin si Vince kay Cielo na parang hindi makapaniwala sa kanyang narinig.Sa mismong sandaling iyon, isang tinig mula sa labas ang pumailanlang."Kuya, nandiyan ka ba?" boses ng kaniyang girl bestfriend.Biglang napatayo si Vince na tila nakoryente rin, halatang na-guilty at hindi makatingin nang diretso kay Anne."Ano... kasi ano..."Halatang hindi mapakali si Vince.Ang babae sa labas ay pinigilan ng katulong sa may pintuan ng sala ngunit patuloy pa rin itong tumatawag nang malakas."Kuya, nandiyan ka ba? Ako ito, si Joana."Muling kumunot ang noo ni Felix, at ang tingin niya kay Vince ay naging malamig at nakakatakot kahit hindi siya galit: "Bakit may ibang babae na naman ang pumunta rito? Ang pamilya Valderama ay may mahigpit na tradisyon. Hindi mo ba kayang disiplinahin ang sarili mo?""Hindi Uncle... mali ang iniisip mo, kasamahan ko siya sa trabaho," nakayukong sagot ni Vince."Dapat may distansya pa rin kayo!" Lumakas ang boses ni Felix, parang
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-01
Baca selengkapnya

Kabanata 239

Dahan-dahang itinaas ni Hector ang kanyang talukap ng mata at lumitaw ang matalim niyang tingin: "Bakit ka bumili ng ganoong bagay, Sister-in-law? Alam mong galit si Papa sa mga ganyang bagay!"Kahit nasa kwarenta na si Cielo, para pa rin siyang batang napagalitan ang itsura niya.Yumuko siya, halatang napahiya, saka marahang nagpaliwanag: "Hindi ka pa kasi kasal bayaw, kaya hindi mo pa naiintindihan ang kasiyahang dala nito sa amin ng Kuya mo.Bumili lang ako ng ilang munting laruan mula sa isang kakilala, kunwari akong nalason, tapos hahayaan kong sagipin ako ng asawa ko.At sakto, nagsusulat ako ng script kamakailan. Dumating ako sa bahaging ito ng kwento, kaya gusto ko sanang masubukan kung paano ito sa totoong buhay…Hindi ko naman ito binili para manakit ng iba. Hector, Anne, pasensya na talaga."Pagkatapos niyang magsalita, yumuko siya nang malalim.Natigilan si Anne at hindi niya inasahan na ang panganay na sister-in-law ng pamilya Valderama ay ganito kababa ang loob.Ang asa
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-01
Baca selengkapnya

Kabanata 240

Samantala, tila hindi pa rin makapaniwala si Cielo. Makikita ito sa ekspresyong ng kaniyang mukha at nang bigla niyang inikot ang braso ng asawa niyang si Felix."Masakit ba? Hindi ba ako nananaginip? Narinig mo rin ba ang sinabi niya?"Napangiwi si Felix at halatang nasaktan sa ginawa ng asawa niya."Aray ko naman, mahal oo masakit! Hindi ka nananaginip!" sagot nito habang hinihimas ang kaniyang braso."Oh My God, kung masakit, ibig sabihin totoo nga!" bulalas ni Cielo na tila hindi pa rin makapaniwala.Napailing si Hector sa reaksyon ng dalawa. Hindi niya na lang sila pinansin at marahang inilabas mula sa bulsa ng kanyang suit ang isang maliit na pulang booklet. Binuksan niya iyon at marahang inilapag sa mesa."Nakuha na namin ang marriage certificate namin" sabi niya nang may bahagyang pagmamataas sa boses.Nanlaki ang mga mata nina Felix at Cielo habang sabay na dinampot ang maliit na libro, paulit-ulit nila itong binabasa na parang hindi makapaniwala sa nakikita nila."Alam ba it
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-01
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
2223242526
...
48
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status