Nakita ni Hector na namutla si Anne sa hiya habang nangingiti si Cielo at tinampal siya nang pabiro sa siko."Ano ka ba? Mag-asawa naman kayo ni Hector, kaya walang problema ‘yan! Isa pa, makakatulong ito sa relasyon n’yo. Malay mo, kapag nagsipag kayo, mabuntis ka agad!"Pagkarinig ng salitang "mabuntis," parang may kung anong tumusok sa puso ni Anne.Hindi ito napansin ni Cielo at nagpatuloy, "Pero hindi ko alam kung may epekto ‘yung gamot sa pagbubuntis. Para sigurado, gumamit na lang kayo ng proteksyon."Sa puntong iyon, nagsalita si Felix, bahagyang namula sa hiya at umubo ng dalawang beses bago sabihin, "Wala namang antidote kasi ang gamot na ‘yon… multivitamins lang ‘yon.""Multivitamins?!" sabay na napasigaw si Anne at Cielo.Tiningnan ni Felix ang asawa, "Talaga bang naniwala kang may gamot na kailangan mong gawin ‘yon sa loob ng 49 na araw kung hindi mamamatay ka? Isa pa, sa tingin mo ba papayagan kitang gumamit ng ganyang bagay?"Napatulala si Cielo. "Pero sabi ng tao sa bl
Pinahupa ni Vince ang loob ni Elaine at muling sinermonan si Anne."Dati naiintindihan ko kung bakit iniinda mo ang presensya ni Joana. Pero si Elaine ay tunay mong kapatid! Kahit minsan ay wala siyang muwang, ikaw pa rin ang nakatatandang kapatid! Dapat mo siyang unawain at tiisin."Natawa ng malakas si Anne, pero hindi ito dahil sa saya. Sa halip, mas lumakas ang kanyang loob at tumalim ang kanyang tingin."Nakakatawa ka Vince! So ibig mong sabihin, obligasyon ng mga nakatatandang kapatid na magtiis at magdusa?Simula pagkabata, hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng narinig ‘yan.Lagi niyong inuulit kung paano dapat kumilos ang isang ate.Ano? Ang dahilan ba ng pagkakaroon ng ate ay para lang maging tagapag-alaga ng buong pamilya?Sino ang magpapahalaga sa karapatan at kaligayahan ng isang ate?""Tama!" sabat ni Hector. "Dapat pantay-pantay ang mga kapatid at wala dapat nakakalamang.Lahat tayo ay isinilang sa mundong ito hindi para mabuhay lang para sa iba.At saka, si Elaine
JENNIE POVPagbalik ko sa mansyon ng aming pamilya isang malutong na sampal ang agad na sumalubong sa akin mula kay Mama pagpasok ko pa lang sa pinto.Napaatras ako sa pagka-gulat, agad kong tinakpan ang namumula kong pisngi habang nakatingin sa kanya nang may pagtataka. “Mama! Bakit mo ako sinampal?!”Hinihingal siya sa galit, ang mga mata niya ay nag-aapoy habang tinuturo ako. “Bakit kita sinampal?! Sinabi na sa’yo ng Papa mo na huwag mong gagalitin si Hector, pero matigas ang ulo mo! Alam mo ba kung anong ginawa niya? Nagpadala siya ng dalawang babae sa kama ng Papa mo!”Napalunok ako sa pagkabigla. “Dalawang babae?”Mariin siyang tumango, saka bumuntong-hininga nang malakas. “Oo, dalawa! At hindi lang basta babae, nakahubad pa silang ipinadala sa kama ng Papa mo! Diyos ko, sobrang galit na galit ako sa Papa mo!”Nanlaki ang mga mata ko. Hindi makapaniwala sa sinabi ni Mama. “Si Papa… h-hindi niya naman siguro—”Isang matalim na tingin ang ibinigay sa akin ni Mama, para bang naii
ANNE POVPagdating ko sa Dynasty ay agad akong nagpalinga-linga ngunit hindi ko makita si Melody. Hindi ko rin alam kung saang silid siya naroroon.Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan siya, pero walang sumasagot.Napakapribado ng Dysnasty at walang paraan para isa-isang silipin ang bawat private room dito.Naramdaman ko ang kaba na unti-unting bumibigat sa dibdib ko. Habang tumatagal, mas lumalaki ang panganib na kinakaharap ni Melody.Hanggang sa, isang pamilyar na boses ang pumukaw sa akin.“Anne.”Napalingon ako at nakita ko si Renz na itinulak si Hector papalapit sa akin.“Halika na magpunta tayo sa control room ng cctv para mas mabilis natin silang makita.” sabi ni Hector. Dahil doon ay sobra na naman akong natuwa sa asawa ko. At hindi ko napigilan ang mapangiti ay yumapos sa kaniya.“Naku talaga, sinasabi ko na nga ba. Ikaw talaga ang lucky charm ko, i love you asawa ko!” Habang tumatagal, mas lalo akong humahanga sa pagiging prangka ni Hector at sa walang kondis
Natatawa ako ng makita kong nataranta si Vince. “Uncle Hector! Tingnan mo si Joshua… Kung magpatuloy pa si Maika sa ginagawa niya, baka hindi magustuhan ng pamilya Rascal ang magiging resulta nito?! Bilisan mo utusan mo siyang tigilan na niya si Joshua!” Tumingin ako sa asawa ko at nakita kong nanatiling kalmado ang ekspresyon ni Hector. Walang kahit anong emosyon sa kanyang mukha nang muling magsalita.“Maika, hindi mo na ba ako pinakikinggan ngayon?”Tila isang matalim na kutsilyo ang tinig niya na tumama kay Maika.Nakita kong namumula ang mata ni Maika, malalim ang kanyang paghinga at halatang hirap na hirap pigilan ang sarili. Hindi ko alam kung bakit ganuon na lang ang galit ni Joshua sa kaniya. Ngunit sa huli, marahas niyang binitiwan si Joshua.Lupaypay siyang bumagsak sa sahig at nawalan nang lakas.Samantala, si Melody ay nanginginig sa isang sulok, nakatakip ang kaniyang mga kamay sa kaniyang mukha habang humahagulgol.“Teacher Anne… huhuhu…hindi ko ito gusto… Bakit ba a
Nang magtama ang aming mga mata. Sa halip na umatras ay lalo akong nagalit.Matalim kong tinignan si Jennie. "Nagtataka lang ako Jennie, paano mo naman nalaman na nandito si Joshua?"Saglit siyang natigilan. Alam kong hindi niya inaasahan ang tanong ko.Bago pa siya makaisip ng palusot, isang pamilyar na boses ang nagpatigil sa kanya."Anne, matanda ka na. Marami ka nang bagay na kayang isipin nang mag-isa. Siguro naman may common sense ka! "Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko si Hector na may bahagyang ngisi sa kaniyang labi. May kung anong kumpiyansa sa kanyang tindig, parang alam na niya ang sagot bago pa namin ito matuklasan."Pag-isipan mong mabuti, bakit biglang dumating ang Mommy mo sa parehas na oras kung kailan nagkakagulo na dito. At walang kahirap hirap ka niyang nakita.” VINCE POVSa saglit na iyon, biglang kumislap ang pagdududa sa isip ko. At alam kong may kakaiba sa mang nangyayaring ito. Alam ko na ang sagot sa isip ko pero hindi ko na ito sinabi a
"Vivian!" Pinataas ko nang bahagya ang boses ko, hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. "Huwag mong pagsalitaan ng ganyan si Mommy. Oo, may hindi kami pagkakaintindihan sa ngayon, pero siya pa rin ang nanay natin. Bilang mga anak, hindi natin siya pwedeng husgahan nang basta-basta."Napapailing na sumimsim ng alak si Vivian. "Bahala ka, kuya. Wala akong pakialam kung anong iniisip mo. Halika, cheers na lang tayo para sa mga sugatan nating puso.""Hindi ako heartbroken." Tinanggihan ko ang pag-toast ng baso namin. Saglit akong natahimik bago muling nagsalita. "Vivian, tanong ko lang… kung sakaling malasing ako at—aksidenteng makatulog sa tabi ni Joana nang hindi ko alam… tapos aaminin ko kay Anne, sa tingin mo mapapatawad niya ako?"Saglit akong tiningnan ni Vivian at marahil iniisip niya kung nagsasabi ba ako ng totoo."Kuya, hindi mo na kailangang magkunwaring ‘paano kung.’ Alam kong matagal nang nangyari ‘yan. At sa totoo lang, hindi na ako nagulat." Sagot niya sa akin. Hindi ako
Matapos tumayo ni Anne, dahan-dahan kong itinulak ang wheelchair papunta sa sulok ng dingding. Walang sabi-sabi ay hinablot ko ang buhok ni Joshua at itinaas ang ulo niya saka ito inumpog nang malakas sa puting pader.BAGG!Agad na kumalat ang dugo sa dingding at lumilikha ng nakakagimbal na eksena.[Joshua; naramdaman ko ang matinding sakit ng pagkakaumpog niya sa akin. Pakiramdam ko ay may umugong sa aking tenga. Hindi ko masyadong maramdaman ang aking bungo, pakiramdam ko ay humiwalay ang utak ko sa loob ng aking bungo. Sa gitna ng pagdidilim ng aking paningin, narinig niya ang malamig kong boses na bumalot sa kanyang pandinig.]"Hindi kita pinatay dahil ayokong madungisan ang kamay ko. Hindi sulit na mawala ang buhay ko para sa isang hayop na katulad mo."Pagkasabi ko nito ay tumingin ako kay Maika.Namula agad ang kanyang mga mata at mariing pinigilan ang galit sa kanyang kamao.Si Renz naman ay walang pakundangang hinawakan ang ulo ni Joshua at pinagsasampal ito nang paulit-ulit
Ngumiti si Hector. "Ano man ang dahilan, hindi ito dahil sa shares. Hay Honey, alam mo ba kung ilang babae sa Pilipinas ang gustong pakasalan ako dahil sa mga mamanahin at kayamanan ko? Isang tango ko lang ay may dose-dosenang babaeng dumidikit sa akin. Pero hindi sila ikaw."Nanginig ang puso ni Anne. Nakuha niya ang gustong iparating ni Hector.Eksakto sa iniisip niya!Nagulat siya at natuwa, pero mas nangingibabaw ang pagkalito sa puso niya."Pero wala naman tayong koneksyon noon. Sa tuwing makikita mo ako sa lumang bahay palagi kang mukhang masungit at hindi masaya." May bahagyang hinanakit sa kanyang tinig.Tuwing nakikita niya si Hector kailangan niyang ihanda ang kanyang sarili. Ilang beses na siyang nagreklamo kay Vince na mahirap pakisamahan ang lalaking ito dahil palaging seryoso at palaging malamig sa kaniya."Ay hindi naman patas yan, magpapaliwanag ako." Napangiti si Hector , hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis. "Ikaw naman kasi, hindi mo ako tinitingnan. Tuwi
Ganoon na ba katagal siyang naging abala, dahil ang dating simpleng kuya-kuyahan niya ay naging "Ninong" na niya?Tila nabasa ni Chairman Dave ang iniisip ni Hector kaya naman tumuwid siya ng tayo, pinanindigan ang dibdib, at dalawang beses na umubo."Kailangan mong matutong tawagin akong Ninong mula ngayon."Hector: ...Matagal siyang hindi nakapagsalita at sa huli, napangiti na lang siya nang may lambing. "Huwag kang mag-alala, hindi ko sasaktan si Anne.""Mabuti naman!" Singhal ni Mrs. Sanvictores.Nagpaalam nang maayos si Anne kay Chairman Dave at Mrs. Sanvictores bago siya sumakay sa kotse.Habang nasa biyahe ay nanatili siyang tahimik, at bumigat ang atmospera sa loob ng sasakyan.Habang nagmamaneho ay panakaw na sinulyapan ni Hector si Anne at sinubukang basagin ang katahimikan."Anne, pasensya na kung natagalan bago kita nasunod, madami kasing ginawang turn over sila Kuya sa akin kaya ginabi na din ako. Galit ka ba sakin dahil doon?”"Hindi." Sagot ni Anne nang walang emosyon.
Tumango nang masigla si Mrs. Sanvictores gamit ang kanyang bilugang ulo."Nang pakasalan ko si Dave, isa rin akong simpleng anak ng magsasaka. Nalito ako nang ikinasal ako sa isang mayamang pamilya. Masaya pero natatakot din ako. Alam mo bang palagi akong natatakot na baka mawala ang kasiyahang nasa harapan ko kung may sakaling may magawa akong mali."Tumagos sa puso ni Anne ang mga salita ni Mrs. Sanvictores dahil ayun din ang eksaktong naiisip niya."Kung ganoon, paano mo ito nalampasan?"Ngumiti nang mainit si Mrs. Sanvictores, "Matagal din akong nag-aalala, pero sa huli, naunawaan ko din ang lahat. Ang mga lalaki, ganyan talaga. Hindi mo sila mapipigilan kung gusto nilang umalis. Ang tanging bagay na kaya mong baguhin ay ang sarili mo. Palakasin mo ang tiwala mo sa sarili para malaya kang makapasok at makalabas sa isang kasal.Katulad ko, sa paglipas ng mga taon, nakabuo ako ng sarili kong koneksyon at industriya gamit ang mga koneksyon ng asawa ko.Sa madaling salita, kung sakali
Palihim niyang pinunasan ang kanyang mga mata dahil sa luhang pumatak doon.Ang sugat na iyon sa kanyang puso ay hindi na kailanman maghihilom.Habang tahimik niyang tinitingnan ang hardin, biglang may narinig siyang sigaw mula sa kanyang asawa."Ano?! Dave, halika rito!"Napakislot si Chairman Dave, at ang madilim na ekspresyon sa kanyang mukha ay napalitan ng pagkagulat at saya.Parang isang eunuko na biglang tinawag ng emperador at agad siyang sumagot:"O-Oo! Papunta na ako!""Matandang lalaki, naaalala ko dati mong sinabi na si Hector ay nalason ng mga kung anu-anong droga. Paano mo iyon hinarap?"Hinila ni Mrs. Sanvictores ang kamay ng kanyang mister at halatang balisa.Seryosong tiningnan ni Chairman Dave ang kanyang asawa sa unang pagkakataon"Bakit mo ako tinawag na matanda? Hindi pa ako ganoon katanda."Kung sa ordinaryong araw lang, wala siyang pake.Pero ngayong narito si Anne, kailangan pa ba talagang tawagin siyang matanda? Talaga naman!Hindi na nagpaligoy-ligoy ang kan
Sa puntong ito, hindi na makasagot si Jennie.BANG!Sa kasasabay ng tensyon, aksidenteng natapakan ni Anne ang isang bakal na platong nasa sahig, dahilan para lumikha ito ng malakas na tunog.Napalingon agad sina Jennie at Vince.Sa sandaling iyon, lumabas sila mula sa sulok ng koridor at nakita si Anne, na halatang nagulat at nahihiya sa narinig.Tila isang deer sa harap ng mga ilaw ng sasakyan si Anne—alam niyang naabutan siya.Namutla si Vince na punong-puno ng emosyon, at may bahid ng paninibugho sa kanyang mga mata."Narinig mo ba ang lahat?"Tumango si Anne, na nagulat din sa tila mahiwagang paglaro ng tadhana.Samantala, tiningnan siya ni Jennie nang may pang-uuyam, ang dulo ng kanyang labi ay bahagyang nakataas ang isang mapanuyang ngiti."Hindi ko alam kung tatawagin kitang tanga o dapat kang kaawaan.Sa tingin mo ba talagang gusto ka ni Hector?Interesado lang siya sa mga shares na hawak mo!Siguradong alam na niya ang plano nina Papa at Mama noon pa lang, kaya ka niya tinab
Saktong tumayo si Henry at binakante ang upuan ng presidente.Diretsong tumayo si Hector at naglakad patungo sa upuan ng presidente, inilagay ang mga kamay sa mesa, at matatalim ang tingin na ibinigay niya kay Jennie na parang isang lawin na nakakita ng biktima."Tingnan mo ulit, pwede na ba akong umupo sa posisyong ito ngayon?"Natakot si Jennie na parang nakakita ng multo!"Ikaw... ikaw... paano ka nakatayo?!"Napatitig din si Vince kay Anne. Nang makita niya ang kalmadong ekspresyon nito, hindi niya napigilan ang sarili at nagtanong"Alam mo na ba ito noon pa?"Ngumiti si Anne at kalmadong sumagot"Kung hindi ka nagtago noong gabing nagpunta rito ang pamilya ni Joana para manggulo malamang nalaman mo rin ito."Nabilaukan si Vince sa hiya at yumuko.Maraming direktor sa silid ang napabuntong-hininga ng malalim."Ibig sabihin, magaling na pala ang paa ni Hector!""Buti na lang at nasa tamang panig ako!"Hindi nagtagal ay opisyal nang inihayag ng general secretary ang resolusyon ng p
Anong anak-mayaman sa Tondo ang may ganitong kalaking dote?Biglang pinagsisihan ni Jennie ang lahat. Kung nalaman ko lang na may ganito palang halaga si Anne, sana siya na lang ang pinakasal ko kay Vince! Bakit pa ako nag-aksaya ng panahon sa ibang bagay?Samantala, hindi rin alam ni Anne na may shares siya. Sandali siyang natulala, pero matapang siyang tumingin kay Hector at sinabing, "Oo, pumapayag ako. Naniniwala ako sa kakayahan mo!"Ngumiti si Hector at hinawakan ang kamay ni Anne, at sinabing "Salamat, asawa ko."Lahat ng shareholders: !!!"Putik, totoo ba tong nakikita ko? Si Hector ba talaga tong nakikita kong ngumingiti? Pakshit! Sa buong buhay ko ngayon ko lang ito nakita na ganito kalambing!” "Ano to? drama ba ‘to o true love?"Naiinis na si Jennie sa pagpapakitang-gilas ni Hector at Anne kaya’t iniwang pansamantala ang inis at sumabat."Kahit pagsamahin mo pa, 30% lang ‘yan! Mas mataas pa rin ang share ng anak ko na 33%! Huwag na tayong mag-aksaya ng oras, sige na i-anun
Saglit na tumingin si Jennie kay Vince at napansin niyang nakatitig ito kay Anne. Nang makita niyang magkahawak-kamay ang dalawa at tila naglalandian, napairap siya nang mariin."Tssss. Ano bang nakakainggit sa dalawang malalanding ‘to?"Kapag nakuha na ni Vince ang posisyon ng pagiging presidente ay pwede na siyang pumili ng kahit sinong babaeng gustuhin niya.Sa puntong ito, isang matandang shareholder ang hindi na napigilang magsalita."Jennie, sinabi mong kung sino ang may mas maraming shares ang dapat masunod... Tama ‘yan. Pero hindi ako sang-ayon na ang desisyon mong ito ay makakabuti sa kumpanya."Saglit na dumilim ang mukha ni Jennie na mistulang isinusuot na niya ang korona ng isang pinuno. Sa isang malamig at matapang na tono ay sumagot siya “sige ng sabihin mo sa akin? Ano ang hindi mo sinasang-ayunan?”Ang matandang shareholder, na nasa animnapung taong gulang ay nagkrus ng kanyang mga braso at galit na sinabi“Hindi mo ba nakikita kung gaano karaming pera ang nawala sa at
Ibang-iba ang itsura ni Jennie ngayon, nakasuot siya ng isang mamahaling windbreaker, mahigpit na nakatali sa baywang niya ang isang maayos na bow, at naglalakad gamit ang kanyang pulang high heels. Ang kaniyang tindig ay nagpapakita ng matinding kumpiyansa. At punong puno ng yabang.Kasunod niya ay dumating din si Vince na nakasuot ng mamahaling suit, ngunit nakayuko ang ulo niya at nakakuba ang likod niya, halatang kinakabahan siya at parang nawalan ng sariling paninindigan. Napapailing na lang sila Anne ng kanilang ulo dahil sa totoo lang ay nasayang lang ang mamahalin niyang suot. Hinila ni Jennie ang kamay ni Vince at iginiya ito papasok sa loob ng meeting room.Dahil sa takot at kaba ay pumipihit si Vince patalikod saka bumulong sa Mommy niya. “Mommy ayoko na… hindi ko ata kaya!” Pero lalong hinigpitan ni Jennie ang pagkakahawak sa kamay niya, dinala siya sa isang silya at pinaupo sa mismong tapat ng upuan ni Hector, saka naupo si Jennie. Sa mahinang boses ay sinabi niya sa